Lets go pagod na ako"naka ngusong sabi ko dito mukhang okay narin naman ito dahil maliwanag na uli ang mukha nito
Tumango naman ito atsaka ako ginaya pabalik sa kabayo bawat taong nadadaanan namin ay yumuyuko
Pagkasakay na pagkasakay namin sa kabayo ay nagsimula nanamang mag ingay ang musika at mukhang kagagawan yun ng lalaking kasama ko nakita ko kasing sinenyasan niya ang pinuno ng kawal kanina
Habang nakasakay kami sa kabayo papuntang palasyo ay inaaliw ko na lang ang sarili ko kakatingin sa mga makukulay na ilaw sa paligid
Minsan lang naman kasi ako makapag enjoy sa mga ganitong kaganapan sa mundo namin
Lalo na pag nasa eskwela ako
Sabi kasi sa akin ng principal bilang student council president daway dapat kong unahin ang mga responsibility ko sa school
Pag wala namang klase ay nasa underground ako nakatambay kaya wala talaga akong oras sa mga ganitong kasiyahan
Ng makarating kami sa tarangkahan ng palasyo ay manghang mangha akong nakatingin sa tarangkahan ng palasyo kahit gabi na at madilim ay kitang kita ang kagandahan ng tarangkahan
Tarangkahan pa lang iyan paano pa kaya pag palasyo na
Nang makita kami, i mean ng Emperador at mga kawal pala ay binuksan agad ng mga kawal na tagapagbantay ang tarangkahan
Kitang kita ko naman sa muka nila ang kalituhan ng makita ako
Mas lalo akong namangha ng makarating na kami sa harapan ng palasyo
"Wow ang gara ng palasyo mo ah" Manghang sabi ko sa Emperador walang imosyong lang itong bumaba sa kabayo
Hindi man lang ako pinansn tsk
Akmang tatalon na ako pababa ng kabayo ng bigla na lang niyang hinawakan ang dalawang mag kabilaan ng bewang ko at siya na mismo nag baba sa akin sa kabayo
"Halika na at alam kong pagod kana" saka ako nito iginaya papuntang pintuan ng palasyo
Pagkapasok pa lang namin ay nakahilera na ang madaming taga pag silbi at nga kawal
Andami naman nilang maids at ang suot nila hindi ba sila naiinitan? Seriously hindi talaga uso dito ang shorts and t shirt
"Maligayang pagbabalik kamahalan" sabay na sabay na bati ng mga ito pero ang magaling na Emperador ni hindi manlang pinansin ang mga maids nito
"Kamahalan"
Napabaling ang paningin ko sa taong sumigaw tinitigin ko silang tatlo mula ulo hanggang paa
Gwapo naman sila may ibubuga matangkad din sila moreno halatang may mataas na katungkulan sa palasyo
"Dont look at them ! you're only allowed to look at me!" Madiin sabi ng Emperador at talagang humarang pa sa harapan ko
" what is your problem? Tinignan ko lang naman ah" naiirita kong sabi dito
Sumama naman ang timpla ng mukha nito at akmang may sasabihin pa sana ng biglan na lang sumulpot ang lalaking sumigaw kanina sa tabi niya
"Maligayang pagbabalik kamahalan" hinihingal nito saad at nakatukod pa ang dalawang kamay nito sa tuhod niya
Mas lalo naman sumama ang timpla ng Emperador at agad na ipinulupot ang braso niya sa bewang ko
"Kamahalan anong..-" bago pa nito matuloy ang sasabihin ay napatulala ito sa akin ng mapansin niya akong katabi ng Emperador
"Dont look at her Alu, Shes mine" umiigting pa ang panga ng Emperador ng tignan ko ito
"Paumanhin kamahalan" pagpapaumanhin nito at dali daling umayos pa nang tayo at bahagyang yumuko sa harapan namin
"Alu nasaan si Caira" cold na tanong nito sa mga lalaking kaharap
Tangina Sinong Caira siya naba yung childhood sweet heart niya gagi mag seselos naba ako nito?
"Nandito po ako kamahalan" magalang na sabi nito at bahagyang yumuko
Bumalik naman ako sa riyalidad ng mag salita ang matandang babae ahh akala ko siya na yung childhood sweet heart niya
" Maghanda kayo ng makakain ngayon din" walang imosyon nitong sabi
"Masusunod" saka ito bahagyang yumuko at tuluyan ng tumalikod may mga taga pagsilbi din na naka sunod sakanya pinunong taga pag silbi ata ang matandang iyun
"Kamahalan" napabaling naman ang paningin ko sa lalaking tinatawag na Alu ng may ibinulong ito sa Emperador nakita ko pang bahagyang lumukot pa ang mukha nito gwapo pa din naman siya kahit lukot mukha niya hahaha
"Zandaiagh" tawag nito sa akin
"What?" Inosente lamang akong naka tingin dito naiinis na ako sa mga tagapagsilbi niya na pa simpleng tumitingin sa akin
"Take a bath first tutulungan ka nila mag linis ng katawan mo"
Bigla na lang may mga taga pagsilbing sumulpot sa likuran ko tinignan ko sila isa isa nasa sampu silang lahat mukhang mababait naman sila
" Wtf kaya kong mag linis ng katawan im not baby" inis kong sabi sakanya grabe naman ako nitong itrato para akong na stroke
"You're ny baby" seryoso niyang sabi
Potek ang corny niya pero kinikilig ako
" I know but you're my baby to right so pinapaliguan ka din dapat ng mga kawal mo" sabi ko sakanya
"W-what?" No Zandaiagh maligo ka o gusto mong dumanak pa ang mga dugo ng mga taga pag silbi na yan total kaya mo naman ang sarili mo hindi ba?" Naka ngisi niyang sabi
"Sabi ko nga kailangan ko sila! Halika na kayo bilis" sabi ko at nag mamadaling pumasok sa palasyo apaka demonyo talaga ng lalaking yun