Salamat sa lahat na nag susuporta sa story ko</33
Ito na yung chapter 8 :)
" At bakit mo naman gagawin yun?saka pakibitawan nga ang bewang ko"
"Dahil gusto ko!pag aari ko ang lahat ng nandito kaya gagawin ko ano man ang gusto ko" walang pakialam na sabi niya
Hindi nga niya binitiwan bewang ko walang hiya pala to e
Dahil gusto nya lang na sunugin itong bayan paano na ang mga taong naka tira dito
" At paano naman ang mga nakatira dito?" Inikot lang niya ang malalamig niyang mga mata sa mga tao bago ibinalik sa akin " hindi ka manlang ba naawa sa kanina?"
Malademonyong tumawa naman ito (ang creepy nya tumawa parang yung mumu sa horror movie)
"Wala akong pakialam sa kanila" sabi nito at tuluyan na akong napanganga sa sagot nito baliw talaga tama nga ang sabi ni aling chabe attitude nga tong Emperador nato
Sasagot na sana ako sakanya ng biglang ilapit nito ang kanyang muka niya sa muka ko s**t ito naba yun kukunin naba niya yung first kiss ko
Yes Virgin pa ang labi ko reserve to para sa future husband ko pero kung ganito ka gwapo ang hahalik sakin okay lang nyahahaha excepted siya sa rules ko hahahaha
Ngumisi naman ito ng siyang nagpataas ng balahibo ko "pero alam moba na pwede kong ipag paliban ang utos ko " bulong pa nito sakin
Nag liwanag naman ang muka ko pero may kaunting badtrip dahil na din sa akala ko kiss na psh paasa
Bulong lang pala kung minamalaas ka nga naman
" Pero wag kang umasang walang kapalit "pagpapatuloy pa nito sa sinasabi.... Then he smirk damn his hot
Napasimangot naman ako lintek pina excite lang pala ako tapos babawiin din agad
"Ano naman ?" Naka crossarms kong tanong ng binitiwan niya ako "Dali" bwisit na sabi ko
Ngumisi naman ito sa aking harapan
Nanlaking mata akong napa titig sakanya ilang beses nabang nanlaki ang mata ko dahil sa lalaking to hindi pa naman bagay sa isang magandang katulad ko
"BE MINE" seryosong sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko gulat naman akong napa titig dito "Be my wife"
"Seriously??" Gulat na bulalas ko for pete sake ang bata kopa 18 pa lang ako ang bata ko pa para mag pakasal ano iniisip ng tarantadong Emperador na to
"Seryoso ako babae... Kung ayaw mo" sabi nito at bumaling sa katabing kawal at nag bigay ng senyas bago siya bumaling sa akin
"Ipapa sunog ko ang mga bahay dito" cold niyang sabi saakin "at mapaparusahan ka sa pag gamit ng salitang maharlika ."
"Parusa?" Tf ayoko ngang maparusahan kaya nga kami nag aaral ng salitang English para magamit tapos may kaparusahan pala ang pag gamit dito Ano nang gagawin ko?
Narinig ko namang umiyak ang mga taga bayan sa paligid s**t ayaw kong mag pa dalos dalos ng desisyon
Pero kawawa naman ang mga taga bayan at kung lalaban naman ako ay siguradong todas ako nito sa dami ba namang kawal higit isang libo mahigit ang mga kawal may Chance naman akong manalo kaso madadamay amg mga taga bayan
Hindi lang pumasok ang ibang kawal at nandoon lang sa labas ng bayan
Paano ko nasabi? Simple lang kitang kita ko sila mula rito
Pero paano naman ang kalayaan ko 18 pa lang ako tapos asawa agad alam kong gwapo siya, Maharlika,hot,yummy, pinagnanasahan kopa
Maganda lang ako pero hindi ako sinungaling nung sinabi kung pinagnanasahan ko siya sabihin na natin na crush ko siya ng kaunti, crush lang hindi pa mahal
Pero isa pa malaking pero...... Kakakilala pa lang namin tapos nag aya siya agad ng kasal mas mabilis pa tong lalaking to kesa kay flash eh
Pero sabagay hindi na din naman ako makakabalik sa mundo namin
Hindi sa madali lang para sa akin na tanggapin na hindi na ako makakauwi sa amin ah
Maghahanap pa din naman ako ng paraan para makabalik ako sa mundo namin pero kung hindi na talaga
No choice ako kung hindi manatili dito but maybe this is also a good chance for me baka doon na ako makahanap paraan para makabalik sa mundo namin
"Babae ano ng desisyon mo?" Naiinip na tanong ng mahal na emperor bakit ba to babae ng babae eh may pangalan naman ako ganda ganda ng pangalan ko tapos tatawagin nya lang akong babae psh
"Child a***e"bulalas ko dito kumunot naman ang noo nito
Napangiwi na lang ako " i mean bata pa ako at hindi pa pwedeng magpakasal " pagpapa tuloy kopa
Parang pagpapawisan naman ako ng malagkit ng tumalim ang titig nito sa akin
" You dare to decline my offer" galit itong bumaling sa kawal