Haiko kill all the people here,dont let even a child escape
Namutla naman ako bullshit wala ngang puso ang isang to adik pa ata to sa adik eh No choice
"Ahmm emperor pwede bang bigyan nyo ako ng isa pang linggo kahit isang linggo lang" naka ngiti kong sabi pinipigilan ko na ngumiwi habang nagsasalita ako
Walang imosyon lamang itong naka tingin sakin
Kailangan ko ng isang linggo para makatakas gusto kong mag enjoy muna bago makasal
"Hindi maaari alam kong tatakas ka lang" cold nitong sabi sakin gulat naman akong napatingin dito ,maasar nga haha
"Paano nyo pong nalaman na tatakas ako ang galing nyo namang manghula"kunwaring gulat na sabi ko "nakakabilib ang kakayanan nyo manghuhula pala kayo" dagdag kopa
Sinamaan naman niya ako ng tingin habang namumula na sa inis
Napa nguso na lang ako tsk hindi na talaga ako makakatakas sa kanya
"Makinig ka saakin babae hindi ka makakatakas sa akin!akin ka lang!akin!naiintindihan mo"nakakunot na sabi nito sa akin
Napangiwi na lang ako tangina delikado talaga ang kagandahan ko.pati ba naman itong nakakatakot na Emperador na to naakit sa kagandahan ko ma pa bakit niyo naman kasing masyadong ginalingan
Pina lobo ko muna ang pisngi ko bago ito sinagot tsk! No choice na rin naman ako kaya mas mabuti na to makakatulong pa ako sa mga taga bayan
"Oo na pumapayag na ako " sabi ko dito sinenyasan niya naman ang tila pinuno ng mga kawal at sa isang iglap ay nag tipon tipon na ang lahat ng kawal sa likod niya
Ang kaninang naka kalat na kawal ay ngayon ay nag si ayos ng tayo sa likuran ng Emperador
" Ayos ah may parade ba?" Loko lokong sabi ko pero imbis yata mainis ang isang to ay umaliwalas pa ang muka
Ngumisi muna ito bago lumapit sakin
" Good choice "naka ngising sabi nito at walang pakundangan akong siniil ng halik sa harapan ng lahat
Nanlaki ang matang nakatitig ako sakanya samantalang nakapikit naman ang mga mata niya at ipinalibot muli ang braso niya sa bewang ko
What the f**k hindi manlang nag bigay ng signal bago ako halikan nakapag handa sana ako pero ang bango ng hininga niya ah
Napasimangot ako ng humiwalay na ang mga labi namin sa isa't isa bitin
Binitiwan niya din ang bewang ko at inilahad ang kamay niya sa akin
"Halika na aalis na tayo" sabi nito at seryosong tinignan ang paligid
Naka luhod pa rin kasi ang mga taga bayan
"Sandali lang mag paalam muna ako sakanila" sabi ko dito at tinalikuran siya
Naglakad ako patungo sa mag inang si muriel at aling chabe pag dating ko sa harapan nila ay lumuhod ako sa harap nila at niyakap sila pamilya na din kasi ang turing ko sa kanila kahit 3 araw pa lang kami magkasama
"Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa akin sa bahay niyo aling chabe"sabi ko dito at kinalas ang pagkakayakap ko sakanya naluluhang tumingin naman ito sa akin
" Hindi sayo nga dapat kami mag pasalamat dahil sayo hindi na kami nawalan ng bahay maraming salamat iha" umiiyak na sabi nito nginitian ko lang siya
" Ayos lang po yun" sabi ko sakanya at binalingan si Muriel na naka tingin lang sa akin habang umiiyak
"Ate aalis kana iiwan mona ako?" Umiiyak na sabi nito
"Hush muriel wag ka ng umiyak dalaga kana Diba at magiging malakas kapa "pagpapagaan ko sa loob nito habang pinapahiran ang mga luha niya
"Alagaan mo ng mabuti ang sarili mo muriel"
Tumayo naman ako at bahagyang yumuko sa harap ng mga taga bayan naging mabait din naman sila sa akin
"Maraming salamat po sainyong lahat" naka ngiti kong saad dito
Naluluhang tumingin sa akin ang mga taga bayan at tumango habang naka ngiti
"Done?" Sabi pa ng emperor at yumakap nanaman sa bewang ko habang naka talikod ako dito at dahil nakaharap ako sa mga taga bayan ay nakita kong nanlaki ang mga mata nila at yumuko kaagad
Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanyan at saka siya hinarap nag crossarms pa ako sakanya at tinaasan siya ng kilay
Wala lang gusto ko lang mag maldita ngayon
"Kukunin kopa ang mga gamit ko "sabi ko dito cold lang itong naka tingin sa akin seriously wala talagang imosyon ang isang to
"Bilisan mo na at malayo pa ang palasyo dito"malamig na sabi nito
Tumango naman ako at pumunta sa loob ng bahay ni aling chabe malapit lang naman dito ang bahay niya
Pag ka rating ko ng bahay nila ay pumasok agad ako sa kwarto at pinag kukuha ang gamit ko
Papalabas na sana ako ng may anim na kawal ang pumasok sa kwarto ni aling chabe kasama rin ng mga ito ang Emperador na seryosong nililibot ang paningin sa buong paligid
Napangiwi na lang ako sa tingin palang niya alam kong hindi niya nagustuhan ang lugar nato
Matapos niyang kilitisin ang buong paligid ay ako naman ang tinignan niya
Inosenteng nakatitig lang ako sakanya at bumuntong na lang siya at sinenyasan ang mga kawal na kuhain ang gamit ko
Pero bago yun tinanggal ko muna ang pagkakatali sa maleta ko anim naman silang magdadala ng kaya no need na ng itali ang maleta sa isa't isa
Nagulat naman ako ng buhatin nila ang anim na maleta at nilagay yun sa ulo nila
Nakalimutan ko nga pala parang mga taong bundok ang mga nakatira dito
" Sandali lang mga kawal hindi niyo naman kailangan buhatin ang mga yan " sabi ko sakanila at saka sila nginitian nakita ko naman na ang sama ng tingin ng Emperador na to sa mga kawal niya
" Ganito yan hilahin niyo itong bakal na ito saka kayo mag lakad dahil may gulong naman ang mga ito " saka ko hinila ang maleta para ipakita sakanila manghang mangha naman silang naka tingin sa maleta ko
" Nakaka mangha ang bagay na yan"
"Kakaiba"
"Ngayon lamang ako nakakita ng ganyang klaseng bagay nakaka mangha"
"Ano ba ang bagay na ito"
Tanong ng mga ito at hinila ang mga maleta ko palabas ibinigay ko naman sa dalawang kawal ang backpack bago sila lumabas