Kabanata 1
Ella
"Ella aba'y bumaba ka na dyan kanina pa nag aantay si Ka Berting sa iyo, nakakahiya sa tao anak" parinig kung sigaw ni itay sa akin mula sa baba. Natatawa nalang ako sa reaction ni itay, kanina pa siya aligaga sa pag aasikaso sa akin at sa mga kakailanganin ko sa pag pasok. Magang maga palang ay gising na Siya para ihanda ang mga gamit ko sa aming dalawa Siya pa Ang mas excited sa pag pasok ko sa bayan.
"Opo andyan na po pababa na po." dalidali Kong isinukbit Ang aking bagong biling backpack. Pati mga gamit ko sa eskuwela ay si itay Ang namili. Sinigurado niya kahit papaano ay hindi naman ako magiging kawawa sa paningin ng inbang estudyante na nag aaral doon.
Grade 7 na ako ngayon, dapat sana ay doon lang Ako mag aaral sa aming lugar ng high school ngunit sa kabutihang palad ay mapalad Ako na naka pasa sa scholarship examination ng KNA ACADEMY. Sa mahigit Isang daang mag aaral na sumubok na kumuha ng pagsususlit ay Ako Ang bukod tanging nakuha. Kaya ganoon na lamang ang saya ni itay ng dumating sa bahay Ang sulat galing sa KNA ACADEMY.
Hindi naman nakakapag taka iyon dahit bukod sa sikat ang paaralang ito talagang maganda Ang kalidad ng pagtuturo.
"Alis na po kami itay, mag ingat po kayo dito." humalik muna Ako sa kanyang pisngi at nag mano bago umalis.
"Ay anong ako ang mag ingat, Ikaw Ang dapat mag ingat doon. Wala Kang kakilala doon, basta huwag Kang magpapa api doon, aba Hindi porket mayayaman Ang mga iyon eh aapihin na tayong mahihirap." paalala nito sa akin.
"Opo huwag po kayong mag alala sa akin." natatawa Kong saad dito.
"Siya humayo na kayo, Ka Berting ingatan mo anak ko ha. Huwag mo Rin kalilimutan mamaya sa uwian ha."
"Oo huwag Kang mag alala Ako na bahala sa prinsesa mo."
"Sige po itay Ali's na po kami."
"Sige ingat ka doon ha?"
"Opo"