Sa Isang hotel kami dinala ni Marco. Habang nasa beyahe kami ay Panay Ang iyak ni Dianne kaya napilitan kaming sa likurang bahagi maupo na mag Ina nag mukha tuloy driver namin ngayon si Marco. May sariling room na kinuha si Marco gusto sana niyang sama sama nalang kami sa Isang kwarto tumanggi ako Hindi parin Ako komportable, pinilit Kong Ako Ang magbayad sa kwarto na uukopahin Namin ni Dianne pero Hindi pumayag si Marco, sa huli si Marco parin Ang nagbayad. Kaya ko naman magbayad ng hotel kahit papaano ay may ipon naman ako, Hindi man kalakihan Ang sahod ng Isang guro pero sapat na naman ito sa amin nila tatay, at kahit papaano ay kumikita parin si tatay sa kanyang maliit na tindahan kaya mkakapag ambag din Siya para sa pang araw araw naming gastusin. Alam kung Hindi Rin naging madali

