Balik eskwela na ako kinabukasan. Maaga akong gumising dahil Ako Ang naghahanda sa almusal namin nila tatay inaasikaso ko rin ang mga dadalhin namin ni Dianne sa pagpasok sa eskuwela . Si tatay naman ay maaga ring nag bubukas ng kanyang tindahan sa harap ng aming bahay. "Dianne baba na , kakain na male-late nanaman tayo nito." tawag ko dito. Agad naman itong bumaba at agad na dumulig sa mesa. "Tawagin mo Muna si tatay doon para sabay sabay na tayong mag almusal." Maya Maya pa ay magkasabay na itong pumapasok sa bahay. Tahimik kaming kumain, niligoit na Muna Namin Ang aming pinagkainan si tatay Ang naka tikang maghugas ng aming pinagkainan dahil kami ni Dianne ay nagmamadali ng pumasok sa eskwela. "Good morning ma'am Caranzo, good morning Dianne." halos araw araw ay ito ang bungad sa

