Ella "Miss Caranzo diba education Ang kurso mo?" ano Mrs. Sandoval Ang bagong Dean ng KNA, Hindi ko alam kung bakit napalitan si Mrs. Almonte. "Yes ma'am, English major po." nakangti Kong sagot sa kanya mukhang nahuhulaan ko na kung ano ang susunod na sasabihin nito sa akin. "Bakit hindi mo subukan na Dito sa KNA magturo mas mataas Ang sweldo at magaganda dn naman ang benefits." sinasabi ko na nga ba ani ko sa loob ko "Maraming salamat po sa offer ma'am pero masaya po ako sa trabaho ko ngayon bukod sa hindi ko po maaring Iwan Ang tatay ko sa probinsya." marami nang opportunity Ang dumating sa akin pero lahat iyon ay tinatanggihan ko sa kadahilanang Hindi ko maaring iwan Ang itay ko, ngunit Ang totoong dahilan kaya ayoko na Dito sa manila mag turo ay dahil sa bangongot sa nakaraan ko.

