"HAPPY ANNIVERSARY!!!"
"O, bottoms-up 'to ha? Walang aangal!"
"First beer ngayong gabi! woooh!”
"Okay. One, two, three!”
CHEEEERSSS!”
Sabay-sabay nilang tinungga ang tig-iisang hawak na bote ng SanMig habang naka paikot sa cocktail table.
Tuwang-tuwa ang anim na magbabarkada dahil nagmistulang "mini-bar" ang mansyon na bahay ni Lexie. Sinadya nilang ipa-set-up ang lights and sounds sa tabi ng swimming pool upang makapag-soundtrip sila habang nagsi-swimming sa buong magdamag.
Nag-imbita naman si Nick ng isang acoustic band para tumugtog sa kanila ng mga sweet and RNB music. Naisip niyang magandang magkaroon ng live band dahil sa lihim na plano nila ni Lexie.
"Babe, hindi mo naman sinabi na may pa-live band ka, ikaw talaga you're so sweet!!!", pabulong na sabi ni Lexie kay Nick na hindi maitago ang pagka-surprised.
"Surprise nga e, 'di ba? Tsaka... para mas maging romantic yung announcement natin mamaya."
"Hoy! Ano 'yang mga pinagbubulungan niyong dalawa?" tanong ni Claire habang tinutulak si Lexie palapit pa lalo kay Nick.
"A, wala naman. Wala." ani Nick. Hinawakan niya si Lexie nang mariin sa baywang at bahagyang sumulyap sa mukha nito.
"Come on, babe. Isip ka ng magandang palusot." Tikom ang bibig na sambit ni Nick. Agad namang tumalima si Lexie sa mensahe ni Nick na para bang narinig mismo ng kanyang dalawang tainga.
"Nag-iisip kami ni Nick ng mga song requests na pwede nating ipakanta sa band mamaya. 'Di ba, Babe?"
"Yeah, yeah!" pagsang-ayon ni Nick.
"Kayo? Ano ba ang gusto ninyong ipakanta? Para masabi natin sa kanila. Nagse-set up pa naman ang band kaya pwede pa natin sila maistorbo. Pag all-set na sila, nakakahiya na mag-approach." nakangiting pagpapaliwanag ni Lexie.
"Well, kanino ba kasing idea na magpa-live band? ‘Di ba Nick? ‘E, tinanggalan niyo ng trabaho yung DJ niyo, o." Pang-aasar ni Iya habang nakangusong tinuturo ang magandang set-up ng sound system ng nirentahan nilang mobile.
"Don't worry, Iya. Makakasayaw ka rin. It's still early. 7:00 PM pa lang. Maaga pa para magpakalango sa alak at magsasayaw. Baka nakakalimutan mong overnight walwalan ito?" Sabi ni Ryan sabay tawa ng lahat ng barkada.
"Grabe kayo sa akin! Ako lang yata ang talagang party people dito. Ay, party person pala. I hate you all!" Pabirong sabi ni Iya. Nagtawanan ang lima habang kina-kantyawan si Iya dahil sa sinabi niya.
"Well, may live band para talaga sa ating lahat. You know, Anniversary natin today and, we don't see each other for a while and... hindi tayo nagkakaroon ng quality conversation time with each other. Maybe it's a good opportunity to all para magkumustahan. Parang di naman tayo magkakarinigan kung yung mga kanta eh 'chugs chugs' agad. ‘Di ba?" ani Nick.
"And don't worry, guys. Well-informed naman ang lights and sounds natin na later sila bibira. kaya, chillax lang and just go with the flow!" pagsegunda naman ni Lexie.
"Daming sinabi" patuyang sabi ni James. "Pero tama kayo. I like the idea."
Sabay-sabay na naman silang naghalakhakan. Naputol lang ito nang lumapit na sa kanila ang female vocalist.
"Excuse me, Sir Nick? Just wanna ask if may mga special song request po ba kayo?"
"Careless whisper!" pagsabat ni Iya.
Hindi na naman napigilan ng magbabarkada ang kanilang hagikgikan. Pigil naman ang tawa ng vocalist ngunit halatang gusto niyang makitawa sa narinig.
"Well, siguro, just go with your prepared line up nalang muna, okay? Then I'll approach you during dinner kung may ipapadagdag kami." ani Nick.
"Sure, sir!" Mabilis na sagot ng female vocalist.
"Speaking of dinner. Nilapitan na pala ako kanina ng catering. Ready to serve na raw. Now, shall we?" Masayang pag-aaya ni James.
"Yes!” Sabay-sabay na sagot ng magbabarkada.
"Thanks sa pag-sponsor ng food, bro." sabi ni Nick kay James. Inakbayan niya ito habang unti-unting nginingitian ang kaibigan. Ginantihan din naman ito ng ngiti ni James.
"Don't mention it!" Mabilis niyang tugon habang pasimpleng sumusulyap kay Lexie.
"Anything for... the barkada, of course!"
Meanwhile, nagsimula nang kumanta ang live band. Sinimulan nila ang pagkanta ng "Awit ng Barkada" ng Apo Hiking Society. Habang ang magkakaibigan naman ay lumipat na sa dining table na noo'y punong puno na ng putaheng inihanda ng nirentahang catering service ni James.
(Male Vocalist)
"Nandirito kami, ang barkada mong tunay
Aawit sa iyo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo"
"Ooowwwwhh" hindi mapigilang ekspresyon ni Iya. "I love it, Nick! It's so nostalgic! Buti na lang talaga at nagdala ka ng live band dito!" Kinikilig na sabi nito.
"I told you," pagmamayabang ni Nick.
"Sus, tuwang tuwa ka Iya. E, kanina, sayaw na sayaw ka na!" Banat ni Claire.
"Shhh! Ang ganda na ng moment, e. 'Wag kang ano." pagbawi ni Iya.
"Well, let's make this night more intimate! Kumusta na ba ang mga buhay buhay natin?" Who wants to begin? ani Lexie.
"Aba! E, simulan natin sa businessman! 'Di ba, Nick?" sabi ni Iya habang panay lang sa pagkain at pakikinig sa kanta ng live band.
"Well, sige. Ako na ang magsisimula. Pero bawal mabigla, a? pambibitin sa kuwento ni Nick.
Well, in December, bubuksan na namin ng mga business partners ko 'yung second branch ng resto namin in Tagaytay!" pagpapatuloy niya.
"Wow! Congrats Nick!" sabay-sabay na cheer ng lima. "Libre! Libre! Libre!" pagpapatuloy nila.
"Well, thank you guys! I hope, maging successful din 'yun. Just like the first one in Makati." masayang pagtugon ni Nick.
"Don't worry, Nick! Sa galing ba naman ng management skills mo at mga kinuha mong chefs, sigurado 'yan na magki-click ang itatayo ninyong branch sa Tagaytay." sambit ni Ryan.
"At siyempre, just like before, we will do the ritual! Kami ang unang magiging customers niyo doon! At wala ulit bayad, a?” sulsol pa ni Claire. Napahalakhak siya nang malutong.
"Sus, Claire. Kaya ka nananaba, e! Puro ka kasi ka--!" sambit ni Iya.
Hindi pa natatapos si Iya sa pagsasalita ay binara na siya agad ni Claire.
"Hoy, ang sexy ko kaya!"
"Naku, Ryan. Sa'n mo ba pinagdadadala itong si Claire at dumaldal nang ganito? Dating mahinhin, noong sumama lang sa mga travel vlogs mo, lumala na 'yung kadaldalan.” pang-aasar ni Lexie. Nakahawak ito sa tyan at pilit na pinipigilan ang pagtawa.
"Sino ba kasing nagpauso na mahinhin ako? Hindi naman talaga ako mahinhin, no?”
"Sus. Hindi raw. Gusto mo ikwento namin ulit sa'yo ni James kung paano ka namin nakilala noong First Year High School?" Panunuya ni Nick.
"Shh... shut up! Oo na. I once... that girl. PERO DI NA NGAYON! People change, right Ryan?
Umiling iling lang si Ryan. Sinakyan na lang niya si Claire para hindi mapahiya at saka gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Walang paglagyan ang katuwaan ng magbarkada.
"O, going back... Sige. Ryan, pasok! Masiglang wika ni Lexie.
"Well, last month, we were in Davao. Sa school ni Quibuloy? And this coming week, plano naman namin i-feature yung Daranak Falls, somewhere in Tanay. Basta abangan niyo na lang sa next upload namin.” Pagkukuwento ni Ryan.
"Wait, wait. School ni Quibuloy? Ano bang meron du'n?" tanong ni Iya.
"Wala. Building na mala-hogwarts lang naman.” Sagot ni Claire.
"Wow! Sounds Interesting! So, nakita niyo si Voldemort du’n?" ani Iya.
"Sus. Korni mo talaga. Obviously, hindi! Mabuti na nga lang at kasama ko talaga si Claire. Siya ang kumausap sa lahat ng dapat kausapin makapasok lang kami dun."
"Well said, Ryan. I deserve the honor.” nakangiting sabat ni Claire sabay hawi ng buhok nito sa kanyang tainga. Pagkatapos nito'y bigla niyang ibinaling ang kanyang tingin kay James na sa mga sandaling iyon ay nakatingin at namamangha sa kanya. "Well, ikaw James? ano na ang balita sa'yo?" tanonng niya.
"Ako? Wa-wala. I'm just a common photographer na maswerte lang napiling ipalit sa nagback-out namin na kasamahan para i-cover ang tour visit ni IU dito sa Pinas next next Month." halos mautal-utal pang pagbabalita ni James sa barkada.
"Wow! What an achievement! Congrats, James!" sambit ni Lexie. Nahihiya ngunit mababakas ang pagkatuwa sa kanyang mga mata.
"Well, wala namang dapat ipagmalaki du'n. Sino bang gustong maging second choice lang? Nobody wants to be in a second place..." sagot ni James habang pasimpleng sinusulyapan si Lexie na isang dipa lang ang pagitan mula sa kanyang kinauupuan.
Natigilan si Lexie nang marinig ang sagot nito sa kanya. Agad siyang napayuko at nawala ang kinang sa kanyang mga mata. Nakaramdam siya ng lamig na umaakyat mula sa kanyang paa papuntang ulunan. Nang mapansin ni James ang pagbabago sa kalagayan ni Lexie, ibinaling niya ang paningin niya kay Ryan.
"Di ba Ryan?"
"Huh? A, oo naman pre. Oo naman." sagot nito na halos mabilaukan pa sa kamamadaling makasagot sa tanong ni James.
Napansin ni Iya na medyo nagka-hiyaan na ang ilan sa barkada kaya siya na mismo ang nag-initiate para mapunta na sa kanya ang usapan.
"So guys... ako? Hindi niyo ba ako tatanungin kung anong pinagkaka-abalahan ko ngayon? Of course together with my BFF Lexie?" tanong ni Iya.
"Well, ano nga bang pinagkakaabalahan ng pambansang gala ng barkada? E, sa sobrang gala mo yata ay tatalunin mo pa 'yung travel vlog nila Ryan, e." panunuya ni Nick.
"Well, I've changed. Di na ako gala, no! Nag-apply ako kay Lexie as her personal researcher para sa ginagawa niyang book! Isn't it amazing??" mabilis na tugon ni Iya.
"Nag-apply talaga, ha?" , 'di makapaniwalang tanong ni Claire.
"Ewan ko ba dyan kay Iya. Nag-apply, edi tinanggap ko. E, pumayag naman siya sa compensation. So, go lang." nakangiting sambit ni Lexie.
"Wow Babe... ‘di mo pa sa akin name-mention to ‘ah? Tungkol saan yung book na ipa-publish mo?" malambing na sabat ni Nick.
"Well, Babe I know you're too busy kasi sa pag-o-open niyo ng second branch ng resto and for that ‘other thing’. So, I decided na ‘di nalang muna banggitin sa'yo..." ani Lexie habang hinihimas-himas ang mga braso nito gamit ang kanyang malalambot na mga kamay.
"Babe naman? Alam mo naman na ikagagaan ng loob ko kapag nakakarinig ng any news about you. That's awesome!" Sagot ni Nick sabay halik sa pisngi ni Lexie.
"Thank you, Babe." muling pagsagot ni Lexie. Sumandal siya sa braso ni Nick. Kumikislap ang kanyang mga mata dala ng hindi masukat na kagalakang nadarama niya.
Samantala, Tahimik lang si Ryan na nakaupo habang pinagmamasdan ang dalawa. Si James naman ay 'di na mapakali sa upuan. Dinaan na lang niya sa pagkain ang pagkabalisa. Tila nalimutan na ni Lexie ang tungkol sa ikinu-kwento niyang pagpa-publish ng libro dahil sa pagkakahilig niya sa braso ng kanyang nobyo. Kaya si Iya na ang nagpatuloy.
"Actually about sa mga old filipino tradition ang project namin ni Lexie... kaya ‘wag kayo mabibigla kapag minsan may mababanggit siyang mga 'super-old-fashioned' words like 'disco'. Hay! kaloka!" paliwanag ni Iya habang pinagmamasdan pa rin ang nakasandal na si Lexie.
"HA.HA. FYI ha, IKAW ang nagturo sa akin ng mga term na ‘yun." panunuya ni Lexi.
"Oo ako nga. Pero, girl, 'di ko naman sinabi na gamitin mo sa usual convo natin. Like, duh! It's so kadiri! As if I'm talking with my lola." halos mangasim na mukha na tugon ni Iya.
"Oo na. Mine this time" pag-amin ni Lexie. Minsan pang narinig ang halakhakan ng barkada.
"Pero, what really caught my attention was, that 'other thing'. So, Nick, would you like to explain something? May babae ka no?Naku bubugbugin ka talaga namin..." pagpapatuloy ni Iya.
"Bugbugin na yan! Bugbugin na yan!" sabay-sabay na pang-aasar ng barkada. Tuloy-tuloy lang ang kanilang pangangantyaw. Natigil lamang ito ng magtama ang mga mata niya kay Lexie at Nick. Pinagsalit-salit niya ito nang titig na wari'y may gustong iparating. Agad naman itong napansin ng tatlo pa nilang kaibigan.
"Hoy hoy, ano 'yang mga tinginan na yan huh? May 'di kayo sinasabi sa amin?" pang-uusisa ni Claire na kakikitaan ng curiosity sa mukha. Natigilan naman si James sa pagkain, habang si Ryan ay walang kurap na nakatitig lang sa tatlo.
"Babe, it's time..." sambit ni Lexie sa kanyang nobyo.
"I guess so." malambing na tugon ni Nick.
***