Chapter 3—We’re Getting Married

2095 Words
Dali-daling pumunta si Nick sa harap at magalang na pinahinto sandali ang tugtog ng banda. "Ahm, Hello, everyone! May I have your attention please?" Napahinto at napalingon kay Nick ang lahat. Hindi lang ang limang kabarkada niya kundi pati ang lahat ng event crews and caterers at mga housemaids na nandoong kasama nila. "First of all, I would like to thank you all, kayong lahat na nandito't kasama naming nagse-celebrate ng Anniversary. Magdamag na party ito, at magdamag din namin kayong makakasama. Kaya gusto kong kunin ang pagkakataon na ito para i-express ang pasasalamat ko—hindi lang ako, kundi lahat kaming anim na magkakaibigan na pinaglaanan niyo ng effort at panahon." "Pasensya na kung medyo 'maramdamin' ang mga sinasabi ko. Pero ito lang masasabi ko sainyong lahat. YOU GUYS ROCK! Palakpakan naman dyan!” Sambit ni Ryan. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang walang patid na kagalakan na kanyang nararamdaman sa sandaling iyon. Nagpalakpakan ang lahat at mababakas sa mukha ng mga event crews and caterers na talagang naibigan nila ang pagbati na ginawa sa kanila ni Nick. "Meron akong dalawang mahalagang sasabihin ngayong gabi...Ang una... ay dedicated para sa nag-iisang rason kung bakit tayo nandito lahat. TROPANG DREAMERS! Mag-ingay!” Agad namang nagcheer ang limang kabarkada niya na naroon parin sa dining table at excited na nakikinig sa mga sasabihin pa niya. "Woooh! "10 years. 10. Solid. Years. Hanggang ngayon hinding hindi ko nalilimutan ang araw na nagsimula tayong magturingan, hindi lang bilang magkakaibigan, kundi magkakapamilya." Bahagyang napapikit si Nick. Maririnig lang ang paghinga niya sa mic. "Ansarap balik-balikan kung paano tayo nagsimulang lahat..." *** May 25, 2010 UP Diliman Annual Oblation Run Makikita sa eksena ang napakaraming nakapalibot na estudyante na nag-aabang sa bawat dadaanan ng mga lalaking lalahok sa oblation run. "O James, nasan na ba daw sila Claire at Ryan? ‘Di ba napag-usapan natin na sama sama tayong manunuod ngayong taon ng mga lalakeng nakahubad?" ani Nick na nasasabik na sa pagsisimula ng taunang tradisyon. “Aba ewan ko nga eh, chillax ka lang bro, di pa naman magsi-start ‘yan eh" sagot ni James. "Hoy!" panggugulat ni Lexie na nasa likod na pala ng dalawa. “Aba't nauna pa kayo talaga sa akin? Mga bakla.” Pang-aasar ni Lexie sa dalawa habang tinatakpan ang mga bibig at sinusubukang pigilan ang pagkawala ng kanyang halakhak sa kanyang bibig. “Sus, nagpa-late ka kasi ayaw mong masabihan na malibog ka? Aminin mo?" pang-aasar ni Nick. “Ano ba kayong dalawa? Kung alam niyo lang ang malalim na kahulugan ng tradisyon na ‘yan, ‘di kayo magbibiro nang ganyan" sabat ni James. “Hay naku, umiral nanaman 'yang pagkamakabayan mo..." ani Lexie. “Selfless Offering for the Country'. Alam na alam na natin yan since day 1 nung first year. Pero siyempre iba yung moment na makakakita ka ng nudes na libre.” pang-aasar pa lalo ni Nick kay James na ginatungan pa ng kanyang malulutong na halakhak. “Hay naku, Nick, itigil mo na nga ‘yan. Malapit nakong makumbinse na bakla ka talaga." Sabay irap ni Lexie. “Oo na. Sorry na madam. ‘Di ka na mabiro.” Tugon ni Nick. Matagal niyang tinitigan si Lexie at saka ngumiti. “O, ayan na pala sila" sabay turo ni James sa tumatakbong si Claire, Iya at Ryan. “Hi guys!" “Hi! Late na ba kami?" tanong ni Claire. “Naku, muntik na. Akala ko papalagpasin mo yung mga lalakeng tatakbong may mga lawit, eh" panunuya ni Nick. Umirap naman si Claire na kunwari nagsusungit. “Hay naku ‘wag niyo pansinin ‘yang si Nick. Masyadong pabibo sa akin, eh." pambabara ni Lexie. Dumagundong ang tawa ni Nick habang patuloy lang siyang pinagmamasdan ng kanyang mga kasama. “Anyway, sorry pala guys medyo delayed kame, hinintay pa kase namin ‘tong si Iya at baka di makapasok dito eh. Alam niyo naman. High School pa eh.” sabat ni Ryan habang hinihimas-himas si Iya sa ulunan na kasingtaas lang ng kanyang balikat. “Oo na kasalanan ko talaga, eh, ba’t kasi High School palang ako. Tsk." Wika ni Iya. Tinanggal niya ang kamay ni Ryan sa kanyang ulo at bahagyang sumimangot dito. “Wag ka mag-alala, graduating ka narin naman, no. ‘Pag college ka na edi sama-sama na talaga tayo dito." ani Lexie sabay akbay kay Iya. “Oh, yeah! I know right!" Naputol ang usapan nila nang matanaw na nila na nagsisimula nang tumakbo ang mga lalakeng nakahubad. Enjoy na enjoy silang panuorin ito lalo na si Iya, Ryan at Claire na mga first time palang makapanuod. Matapos ang oblation run, nagpahinga sila at sumilong sa isang malaking puno na nasa loob parin ng campus. “Grabe kakaibang experience!” “Sus Iya, ‘pag ilang beses mo na yun napanuod nakakasawa din.” ani Lexie. “Gano’n ba? ‘Eh bakit nga ulet ‘yun ginagawa?" “Oh James, care to explain?" panunuya ni Ryan. “Well... selfless offering for the country" ‘yan ang turo samin since first year. “Wow. Ang lalim naman no’n." ani Iya na kababakasan parin ng excitement sa mga mata. “Oo. Kaya nga ewan ko ba sa mga taong ‘to at ginagawa nilang biro 'yun. Kasi for me? Wala namang pinagkaiba 'yun sa kahulugan ng tunay na pagkakaibigan" “It's cliche, pero I agree." ani Nick. Nagtinginan sa kanya ang mga kaibigan niya na wari'y nagtataka kung sincere ba ‘yung mga sinabi niya. “Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Nagtawanan ang lahat. “Well, mukha lang naman na binibiru-biro ko yung tradisyon, pero sa totoo lang, I really appreciate it. Lalo na kung i-a-apply mo ang principle na ‘yun sa friendship." “To offer yourself for the sake of the friendship... That's amazing!" dugtong ni Lexie. “Yeah, Lexie.. That's really, really something" Sambit ni Ryan habang malagkit na nakatitig kay Lexie. “I wonder if makakatagpo ako ng kaibigan na willing magsacrifice para sa akin..." ani Iya. “Ay sus, ito naman. Nag-isip ka pa talaga? Anong tawag mo sa amin?" Wika ni Claire sabay sandal sa kanyang balikat. “Totoo ba 'yan? Parang ang sarap kasi mangarap nang mataas kapag alam mong may mga kaibigan na laging nandyan para umalalay sayo..." dugtong ni Iya. “Then, let's make it official! Punong-puno ng sayang pag-aaya ni James. Kumuha siya ng ballpen at inukit sa puno ang mga katagang... “TROPANG DREAMERS MAY 25, 2010” “Ayan... from now on... tayo na ang Tropang Dreamers... magkasamang aabot sa lahat ng pangarap..." Sambit ni James habang nakikipag-apir sa lima. “Tayo ang tropang.... (Sabay sabay na sinigaw) DREAMERS!!!! Masaya silang nagtawanan at nagsandalan habang nagpapalipas ng oras. *** "Kahit ilang beses kong balikan ang mga moments na ‘yun. Hindi ako nagsasawa... It's just a simple act of writing doon sa puno sa UP. But for the last 10 years... pinatunayan niyo sa akin at sa lahat... na may mga kaibigan akong napaka selfless at handang gawin ang lahat para sa pagkakaibigan..." Naantig ang lahat ng nakarinig sa mga kwinento ni Nick. Nagpalakpakan ang mga crews, ang live band at mga maids na naroon. Biglang nagpakuha si Nick ng 6 sets ng glass of wine. "Well, I just want to offer a toast for Tropang Dreamers. Pero kung meron mang dapat nandito sa unahan... hindi ako 'yun. Pareng James... come on here! do the honor please" Nag-ingay ang magto-tropa habang nahihiyang naglakad patungong harap si James. "Well. Wala na akong masasabi pa. Inubos na lahat ni Nick.” Pabirong bungad ni James sa lahat. Inangat ni James ang glass of wine na hawak niya at saka umakbay kay Nick. "Cheers for the past 10 years of friendship... and for more years to come..." Inangat naman ng apat na nasa dining table ang kani-kanyang glass of wine at sabay sabay itong ininom. "Let's give ourselves a round of applause!" Nagpalakpakan ang lahat ng event crews caterers and maids. Pagkatapos nito, bumalik na sa pwesto si James at nagpatuloy naman sa kanyang speech si Nick. "And now, for the second one..." Napabuntong-hiningang malalim si Nick. "Okay, this is it." Biglang tumugtog ang gitarista ng banda ng kantang "forevermore" ng Side A. Nagpatuloy si Nick sa pagsasalita habang sinasaliwan siya ng acoustic band. (Female vocalist) "There are times, When I just want to look at your face... Like a stars in the night...” "All throughout these years... may isang babaeng soobrang mahal na mahal ko... alam na alam niyo yan...Lexie... can you come over?" "Yiiieeh!” Sigaw ng mga taong naroroon. Abot-tenga ang ngiti at namumula ang mga pisngi ni Lexie habang pinakikinggan niya ang kanyang nobyo sa harapan. Tumayo siya at dahan-dahang naglakad palapit sa kay Nick habang ang apat naman nilang kabarkada ay namangha’t nabigla. Tahimik lang nila na sinasaksihan ang romantic way na paglalahad ni Nick ng kanyang pag-ibig kay Lexie. Si Iya, na nakakaalam na tungkol sa mangyayari ay hindi maikubli ang saya sa mukha. Halos mapunit ang kanyang labi sa pagngiti at halos mahulog na sa upuan sa sobrang kilig. Hinawakan ni Nick ang kamay ni Lexie at saka ito tiningnan ng matamis sa mga mata nang ilang segundo. Ginantihan naman ni Lexie ng malagkit na pagtitig si Nick. At saka sila ulit bumaling sa kanilang mga kaibigan. "Tonight... we grab this intimate opportunity... to tell everyone here... to my friends... event crews... live band... caterers and the maids... all of you...that finally... WE'RE GETTING MARRIED!” "Hoooh!” 'Di na mapigilang tumili ni Iya dahil sa sobrang pagka-proud niya sa kanyang BFF na si Lexie. Na finally, after all those years na nasaksihan niya kung paano sila nagmahalang dalawa ay heto’t hahantong na nga talaga sila sa kasalan. Samantala, natulala si Ryan sa kanyang nasaksihan. Mixed emotions. Hindi niya alam kung ano ang ipapakita niyang reaksyon sa lahat ng kanyang narinig. Masaya siya at gusto niyang ipakita ito sa lahat, pero may kung anong kurot siyang nararamdaman sa kanyang dibdib. Hindi pansin ni Ryan, pero kanina pa pala nakatitig sa kanya si Claire. Gusto man niyang magsaya sa kanyang narinig ay hindi naman niya maialis sa kanyang atensyon si Ryan. Dahil alam niyang sa mga sandaling iyon ay nadudurog ang kanyang puso. Hinarap ulit ni Nick si Lexie at hinawi ang buhok nito. "Lexie... thank you for letting me love you... sa harap ng mga taong naririto... gusto kong sabihin sayo na..." Biglang sinabayan ni Nick ang kanta. "You were just a dream that I once knew I never thought I would be right for you I just cant compare you with Anything in this world You're all I need to be here with forevermore" Sabay halik sa kamay ni Lexie. Si Lexie naman ay maluha-luha na habang pinagmamasdan si Nick. "I love you, Lexie..." "I love you too..." Niyapos ng magnobyo ang isa’t isa sa harap nilang lahat. Biglang tumayo si James at pinalakpakan ang dalawa. Nagsunuran naman ang tatlo at lahat ng mga taong nakapaligid sa kanila. Walang paglagyan ang tuwa at kilig sa lahat ng mga naroroon. Nasa ganito silang eksena nang biglang kalabitin ni Ryan si Claire... "Ahm, Claire... magsi-CR lang ako ha? Baka hanapin ako, ‘eh." "Ah sure, sure." Pinagmasdan ni Claire si Ryan habang naglalakad. Sobra niyang inaalala ang kalagayan ni Ryan. *** JUNE 25, 2020 Nick and Leslie Nuptial 10:05PM "Lexiiiee!” Hagulgol ni Claire habang hindi makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata na duguan at wala nang buhay si Lexie. "Claire.... I did not do this... I didn't! I would never do this to her! You know that!" pigil na hagulgol ni Ryan. "Okay... okay... I believe you.. alright? Now please first just calm down.... calm down... breathe in... breathe out.... look at me... Hinawakan ni Claire si Ryan sa magkabilang pisngi. "You didn't do this... Now.. clean yourself up... and we need to get out of here... okay?" "Okay...o-okay...." Binitawan ni Ryan ang patalim. Hinugasang mabuti ang mga kamay na punong puno ng dugo. At binasa nang kaunti ang bahagi ng coat na may mantsa ng dugo ni Lexie. Pagkatapos, hinawakan ni Claire ang kamay ni Nick, at sinenyasan niya na sabay na lumabas ng Ladie's room. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD