Chapter 4—Untold Heartbreak

2249 Words
May 25, 2020 Lexie's house 10th friendship anniversary celebration Imbes na pumuntang CR, dumiretso si Ryan sa maliit na balcony sa second floor sa harap ng bahay ni Lexie. Wari'y hindi pa nagsi-sink in sa kanyang isipan ang ginawang announcement nina Lexie at Nick. Kinuha niya ang lighter at pakete ng yosi sa bulsa niya at saka nagsindi ng isang stick. Habang tulala sa hangin, muling bumalik sa kanyang alaala ang eksena kanina sa party. *** "You were just a dream that I once knew I never thought I would be right for you I just cant compare you with Anything in this world You're all I need to be here with forevermore" Sabay halik sa kamay ni Lexie. Si Lexie naman ay maluha luha na habang pinagmamasdan si Nick. "I love you, Lexie..." "I love you too..." *** Ipinikit ni Ryan ang kanyang mata habang patuloy sa paghitit sa yosi na hawak niya. *** February 14, 2012 Starbucks SM Megamall "Sir Ryan?" Sambit ng Starbucks Crew. Agad namang lumapit si Ryan sa counter para kunin ang inorder niya na black coffee. "Enjoy your coffee, Sir.” "Thank you, Miss.” Umupo siya malapit sa glass window ng coffee shop. Maya-maya pa'y natanaw niya si Lexie at Nick sa labas. Tila nag-slow-motion ang paligid ni Ryan habang tinitingnan ang napakagandang mukha at napaka-sexy na hubog ng katawan ni Lexie. Ngunit biglang bumalik ang kanyang ulirat nang makita niya na ka-holding hands niya pala si Nick. Sinundan niya sila nang tingin hanggang sa makita niyang papasok rin ng starbucks ang dalawa. "Guys..." nakangiting pagtawag ni Ryan. "Ryan! Andito ka pala!" Lumapit ang dalawa sa pwesto ni Ryan habang naka-holding hands parin. Ngunit nang mapansin nilang nakatitig si Ryan sa mga kamay nila ay bigla nilang inalis ang pagkakahawak sa kamay ng bawat isa. "Sus, ‘wag niyo na itago. Nakita ko na kayong magkahawak-kamay habang pumapasok dito." patuyang sabi ni Ryan. "A-ah... gano’n ba?”Nahihiyang sambit ni Lexie habang bahagyang nangiti’t nagkakamot ng leeg. "Ahm... well... yes... tama ka ng nasa isip, pre. SINAGOT NAKO NI LEXIE! FINALLY!” Tuwang-tuwang pagbabalita ni Nick kay Ryan. Ine-expect na ni Ryan na aaminin ito ni Nick sa kanya ngunit hindi parin niya maiwasang hindi magulumihanan sa kanyang puso at isip. "W-wow! Congrats to the both of you! H-Happy ako sa inyong dalawa!" "Thank you, Ryan!" ani Lexie habang nakatitig sa kanya’t ipinagkakaloob ang matatamis na mga ngiti. "Ahm, Babe, buti pa dyan ka na muna maghintay, samahan mo muna si Ryan habang o-order ako ng Coffee natin" Ani Nick. "Sure Babe.” sabay kindat sa kanyang bagong boyfriend. Sinamahan ni Lexie si Ryan sa table. Pilit naman na ikinubli ni Ryan ang lungkot na kanyang nadarama sa nalamang balita. "So... how's the feeling? Na finally, masasabi mong sa’yo na talaga si "The Guy of Your Dreams? Yiiee!" Pang-aasar ni Ryan para maitago ang sakit na kanyang nararamdaman. Napahalakhak nang marahan si Lexie sa kanyang narinig. "Ikaw talaga! Well, technically, I can't own him pa, hindi pa naman kame kasal nuh! Pero, siyempre, masaya! As in, SOBRANG SAYA! Akala ko nga magsasawa na siya sa panunuyo sa akin. You know, niligawan niya ko ng two years. Napatunayan ko naman na talagang committed siya sa akin. Kaya ayun! Naisip ko na siguro it's the right time para ipakita ko sakanya na hindi sayang yung pangungulit niya sa akin since 2010." Nakatitig lang si Ryan habang patuloy na nagku-kwento si Lexie kung gaano ito kasaya sa piling ni Nick. "You know what? Talagang tinanong pa niya ako kung ano daw bang character ng BF ang gusto kong makita sa kanya para masigurado daw niya na lagi akong masaya sa kanya? 'Di ba napaka-thoughtful niya? Yiiie!", kinikilig na pagku-kwento ni Lexie. "Oh, sinagot mo ba yung tanong niya? "Of course not! Pakipot ako kaunti siyempre.” Wika ni Lexie sabay takip ng kanyang bibig upang pigilan ang kanyang paghalakhak. “He should find out on his own.” Dagdag pa nito. "Uhm, well, if I'm gonna ask you? Ano nga ba ang magpapasaya sa’yo?" “Naku, baka sabihin mo kay Nick, ‘eh.” Sambit ni Lexie. “No, I’m not gonna tell him. Why would I?” “You sure about that?” “Well, yeah! You can trust me.” Pagbibigay-assurance ni Ryan. "Sige na nga, dahil friend naman tayo... at alam kong mapagkakatiwalaan naman kitang hindi mo sasabihin kay Nick, sasabihin ko sayo.” Tugon ni Lexie habang naghahawi ng kanyang straight na straight na buhok. Gusto ko yung... hindi magsasawang i-serenade ako. ‘Old School’ na kung ‘Old School’ pero gusto ko yung haharanahin ako... sa bawat pagtulog ko, sa proposal niya... kung balak niya mang mag propose... at siyempre sa mismong araw ng kasal!" Nangingiting sambit ni Lexie. "Ibang klase ka rin talaga, ‘no? Pang-aasar ni Ryan na pilit paring itinatago ang bigat sa kanyang dibdib. Tila umakyat sa dalawang magkabilang pisngi ni Lexie ang kanyang dugo. Uminit ito’t namula. Agad naman itong napansin ni Ryan dahil hindi naman niya iniaalis ang kanyang paningin sa dalaga. "I told you! I'm different than the usual girl dyan! Kaya dapat ikaw, kung maghahanap ka ng GF mo, yung katulad ko!" Wika ni Lexie sabay pakawala ng isang malakas na pagtawa. "Babe, okay na yung take-out coffee natin. Shall we?" ani Nick na sa mga oras na ‘yun ay nasa likuran na pala ni Ryan. "Oh! Wait babe, CR lang ako saglit ha?" "Sure!” Sinundan ng tingin ni Nick at Ryan si Lexie habang naglalakad papuntang CR. "Congrats ulit, pre!" Bati ni Ryan. "Salamat, Ryan! Ahm... meron sana akong request, okay lang ba kung, hindi mo muna mabanggit sa barkada? Gusto ko kasi sa amin manggaling ni Lexie yung balita... na officially mag-on na kami." "Ah, yun lang ba pre? Aba oo naman. Don't worry about it!" "Thanks! You know what? Mahal na mahal ko si Lexie... and I'll do everything just to make her happy... in every seconds of our life together. "Wow, that's pretty great! Happy to hear that! Nakita naman namin kung pano mo pinagsikapang ligawan si Lexie. Kaya alam ko, deserve mo siya, at deserve ka rin niya. At alam kong hinding hindi mo siya sasaktan." "Ano ba sa tingin mo ang bagay na magpapasaya sa kanya? Bigyan mo nga ‘ko tip" Ani Nick sabay akbay kay Ryan. "Saken ka pa talaga nanghingi ah?" "Sus! If I know, marami kang pinopormahan dyan. Ayaw mo lang ipakilala sa amin!” Wika ni Nick habang bahagyang ngumingiti. "W-well... ahm... na-try mo na bang i-serenade siya?" "Actually hindi pa... Pero don't you think it's way too old? "Nu ka ba? Wala namang old-fashion sa taong totoong nagmamahal. And besides, sabi mo naman ‘eh, gagawin mo LAHAT para sakanya. At pag sinabing lahat, kasama dun ‘yung mga bagay na hindi ka komportableng gawin, ‘di ba?" "I guess you're right", sagot ni Nick. Tumango naman si Ryan. "Para kay Lexie..." "Right. Para kay Lexie..." Napatigil ang dalawa sa pag-uusap nang makita nilang lumalapit na si Lexie. “Babe, I’m good!” Sambit ni Lexie. "Ahm, bro, we gotta go! Thank you ulit, ha?" Sabay tapik ni Nick sa balikat ni Ryan. "Don't mention it. Enjoy your first date na mag-on kayo." Tugon ni Ryan habang bahagyang ngumingiti. "Thanks, Ryan!" ani Lexie. Malungkot na pinagmasdan ni Ryan ang dalawa habang lumalabas ng coffee shop. Ibinaling nalang niya ang kanyang sarili sa kanyang kape at unti-unti itong inubos kahit na malamig na ito. *** "Sabi ko na nga ba at dito kita makikita..." "Claire..." "Bakit ka ba nag-iisa dito? Ang KJ mo naman nagkakasayahan sa baba, eh." "Well, 'di nako mag-isa, andito ka na", ani Ryan sabay abot ng lighter at stick ng yosi kay claire. Napabuntong-hininga si Claire habang sinisindihan ang yosi na binigay sa kanya. "You know the reason, Claire. You know it." Napatitig si Claire kay Ryan. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Hindi mapigilan ni Claire na maging malungkot din dahil nakikita niyang palihim na nagdudusa si Ryan at wala siyang ibang magawa para pagaanin ang loob nito. "Sus naman, Ryan! Get yourself up!" sabay tulak na mahina sa braso ni Ryan na nakasandig sa harang ng balcony. "Nakaya mong tiisin ang sakit ng ilang taon 'di ba? Since 2012 na nakita mo sila sa starbucks at umamin sayo na officially sila na..." Napatingin si Ryan kay Claire dahil sa mga sinabi nito. "Ngayon mo pa ba hindi kakayanin? ‘Tsaka... wala ka naman na talagang magagawa eh, ‘di ba? 'Di naman natin mapipigilan ang nalalapit nilang kasal. Kase wala naman silang nakikitang dahilan para hindi ituloy. Unless... magtapat ka sakanya..." "Shut up, Claire..." mariin na sambit ni Ryan habang umiiling dahil sa panghihinayang. Napa-buntong-hininga nalang si Claire dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya man lang nagawang mapangiti si Ryan. Ngunit ayaw niyang manatili sa ganoong kalagayan si Ryan kaya sinubukan niya ulit itong pangitiin. Binitiwan niya ang yosi na halos hindi pa nababawasan at tinapakan ito. Saka niya ulit kinausap ni Ryan. "Hay naku, Ryan. Lagi ko nalang bang kailangang gawin to? Walang sisihan, Ryan..." Biglang nilagay ni Claire ang dalawang kamay niya sa magkabilang baywang ni Ryan at kiniliti ito. "No! No! Claire No! Claire Stop!!!" Maya-maya pa'y hindi na napigilan ni Ryan ang pagtawa niya dahil sa walang humpay na pangingiliti nito sa kanya. Si Claire naman ay tawang tawa dahil sa kanyang ginawa. "Oh, there you are! Nakita ko na ulet yang ngiti mo..hahaha!" Kinurot ni Claire sa magkabilang pisngi si Ryan. "Smile na, ha? Ayokong makikitang naka-busangot ka sa harapan nilang lahat. Bumaba ka na after mo maubos ‘yang yosi mo." Tumalikod si Claire at napabuntong-hininga ulit nang malalim. Ayaw niyang ipakita kay Ryan na sobra siyang nangangamba. Alam niyang hindi naman talaga tunay ang mga tawa at ngiti ni Ryan dahil sa kabiguang dinaranas niya ngayon. *** "LET THE PARTY BEGINS!!!!" sigaw ni Lexie kasabay ng pagpapatugtog ng DJ ng mga nakaiindak at dumadagundong na mga music. Pagbaba ni Claire mula sa balcony ay nakita niya si Iya at Lexie na naka swimsuit na at sabay na lumusong sa kanilang malaking swimming pool. Lumapit siya sa pool para makipag-usap sa dalawa. "Claire! Come on here! Let's start the party!" Pasigaw na pag-aaya ni Iya habang nagtatampisaw sa pool. "Di naman kayo nagsabi na magbibihis na kayo ng swimsuit niyo. Wait lang magbibihis lang ako at bibigyan ko kayo ng tig-iisang kaltok sa ulo!" "Sus, bibihis pa, swimming na!" ani Nick na nasa likod lang pala ni Claire. Bigla niyang tinulak si Claire at tawang tawa ito habang nakikitang nahuhulog ito sa pool. "How dare you!" Biglang umahon si Claire at hinabol si Nick sa gilid ng pool. Dahil sa sobrang tawa ni Nick ay naabutan siya ni Claire. Tinulak siya sa nito sa pool bilang ganti sa ginawa nito sa kanya. Nasa ganitong eksena sila nang biglang bumaba si Ryan mula sa balcony at tahimik na pinagmamasdan ang mga kaibigan niyang nagkakatuwaan na sa pool. Kahit may dala-dala siyang bigat ng kalooban, gumuhit parin sa kanyang mga labi ang ngiti dahil nakikita ng dalawang mga mata niya na masaya ang kanyang mga kabarkada. Maya-maya pa'y may naramdaman siyang malamig na dumampi sa kanyang braso. Lumingon siya at nakita niya si James, yakap-yakap ang napakaraming beer at isang ice bucket. "Beer?" "Tara!" Umupo sila malapit sa swimming pool at sabay na pinagsaluhan ang beer na bitbit ni James. "Andami mo yatang kinuhang beer, James?" "A-ah, marami ba? Nagpakuha rin kase sila. Pero... pwede rin naman na ubusin natin tong dalawa... yun ay kung kakasa ka at kaya mo makipagsabayan sa akin sa inuman?” Patuyang sabi ni James. "Aba? Mukhang hinahamon mo ko ng matinding inuman ah? Hum! Mali ka ng inaya dre!" "Haha, well let's see kung sinong unang tutumba sa atin..." pagmamayabang ni James. "And we will see kung sinong may malaking rason para magwalwal magdamag!" dagdag ni Ryan. Nagkatinginan ang dalawa. Nag-cheers sila at sabay na tinungga ang tig-isang bote ng beer. *** June 25, 2020 Nick and Lexie Nuptial 9:50PM (Few minutes before Ryan’s Encounter) “Lexie..." Napahinto si Lexie sa tapat ng Ladies' room at napalingon sa likod. Nakita niyang nasa corridor din si James na nangingilid ang mga luha sa mata. Lumapit ito palapit kay Lexie. "Lexie... please... don't do this to me!" "No James! No! Tantanan mo na ko!" "Lexie, please talk to me!" "We're done talking! Nag-usap na tayo weeks ago regarding this and I said No! Pati ba naman ngayong kasal ko guguluhin mo ko! Tigilan mo nako James! Hindi ako papayag sa gusto mo!" Walang anu-ano'y naglabas ng patalim si James at itinutok kay Lexie. Itinulak niya si Lexie papasok ng pinto ng Ladies' room. Natapilok si Lexie at bumagsak sa sahig. "KUNG HINDI KA MAPAPA-SA AKIN, HINDI KA RIN MAPAPA-SAKANYA!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD