Chapter 14—Keep Myself Right

2397 Words
May 26, 2020 James’ House 10:00 PM Nakabibingi ang katahimikan sa silid ni James. Hindi pa ito lumalabas ng kwarto mula kaninang umaga nang makauwi siya sa kanyang bahay sa Pampanga. Nakapatay ang lahat ng ilaw maliban sa isang lampshade na nakapatong sa maliit na lamesa. Buong araw lang siyang nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto habang nakahilata sa kanyang kama. Hindi niya namalayan ang paglipas ng mga sandali habang paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang maramdaming pag-uusap nila ni Lexie kaninang umaga. Nang tila napagod siya sa kakatingin sa may ceiling, bigla niyang naibaling ang kanyang paningin sa bandang kanan, sa maliit na lamesa kung saan nakapatong ang lampshade, kasama ng ilan sa mga iniingatan niyang mga litrato. Napabalikwas siya ng pagbangon at lumapit sa kinaroroonan ng mga litrato. Ang unang picture frame ay naglalaman ng litrato nilang anim na masayang magkakasama noong nagpunta silang Enchanted Kingdom, limang taon na ang nakararaan. Bahagya siyang napangiti habang inaaliw ang sarili sa pagtitig sa litratong iyon. Sinasariwa niya ang masayang sandaling kasama ang buong barkada. Segundo lang ang pagitan ng ibaling naman niya ang kanyang atensyon sa pangalawang litrato. Picture iyon nilang tatlo ni Nick at Lexie. Kinuhanan ito two years ago, noong nag-celebrate ng Silver Wedding Anniversary ang kanyang mga magulang. Pinagmasdan niyang mabuti ang litratong iyon. Muling sumilay sa kanyang mukha ang bahagyang pagguhit ng mga ngiti nito. Ngunit tila inagaw din agad ng matinding kalungkutan ang mga ngiti na kakasilay pa lamang sa mukha niya nang bigla niyang maituon ang kanyang atensyon sa huling litrato—Ang larawan nilang dalawa ni Lexie noong College Graduation nila. Nakakapit nang mahigpit sa braso ni James si Lexie habang hindi naman maikakaila sa mukha ni James ang labis na kagalakan. Ipinikit ni James ang kanyang mga mata. Ginugunita niya ang mga pagkakataong iyon at paanong nag-umapaw ang tuwa sa kanilang dalawa dahil sa wakas ay naka-graduate sila matapos ang apat na mabibigat na mga taon. Ngunit iba ang emosyon na bumalot kay James habang inaalala niya ang mga sandaling iyon. Naramdaman niya ang pagbigat ng kanyang dibdib. Malalalim ang kanyang paghinga. Unti-unting umakyat ang tensyon sa kanyang mukha at ilang saglit pa’y hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha mula sa kanyang nakapikit na mga mata pababa ng kanyang magkabilang pisngi. Ang matatamis na sandali ng nakaraan ay tila nilamon ng masidhi at mapait na kasalukuyan. *** October 5, 2009 UP Diliman 8:59 AM First year. Second Semester. Nagmamadali na sa pagpasok ng building ng school si James dahil male-late na siya sa kanyang unang subject. Lakad-takbo ang kanyang ginagawa habang dinadaanan ang mahabang hallway patungo ng hagdan. “Pambihira, sa dami-rami naman kasi ng pwedeng maging professor sa Major Subject, bakit si Ms. Gonzaga pa ang natapat sa section namin? Napaka istrikto sa oras! At sa dami-rami rin ng pwedeng maging classroom, doon pa kami nilagay sa pinakadulong room sa may third floor! Yung totoo, may galit ba sa amin ang admin ng school na ‘to?” Bulong nito sa kanyang sarili. Nakarating siya sa dulo ng hallway. Ngunit kailangan niya pang akyatin ang hagdan hanggang third floor. Huminga muna siya nang malalim at saka patakbong umakyat ng hagdan. Hindi na alintana ni James ang hingal na kanyang nararamdaman. Mas mahalaga sa kanya na maunahan ang kanyang professor sa Photojournalism. Nakayuko lang siya’t pinagmamasdan ang kanyang mga malalaking hakbang habang nakakapit sa railings ng hagdan ang kanyang kanang kamay. Ilang segundo lang ay narating na niya ang ikalawang palapag ng building. “Isang palapag na lang. I’m almost there!” Sambit niya. Sa kanyang pagmamadali ay hindi napansin ni James na may isang babaeng estudyante ang dahan-dahang bumababa mula sa Third Floor. Tila hindi nito alam kung saan siya pupunta. Lumilinga-linga lang ito sa paligid habang bumababa ng hagdan. Sakto naman na nakasalubong nito si James na kumakaripas ng pag-akyat ng hagdan. Napahinto ang babae sa kanyang paghakbang pababa habang pinagmamasdan niya si James na kumakaripas ng takbo paakyat. Inakala niya na makikita siya nito at lilihis nang bahagya para hindi sila magkabungguan. Ngunit nanatili lang itong nakayuko habang patuloy sa pagtakbo. Sa ‘di inaasahang pangyayari ay natapakan ni James ang paa ng babae at sila’y nagkauntugan. “Aray!” Bulalas ng babae habang unti-unti niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang kaliwang paa at pagkahilo dahil sa kanilang pagbubungguan. Nawalan ng lakas ang paa at tuhod ng babae. Si James naman ay tuluyang nawalan ng balanse, dahilan para maitulak niya ang babaeng kanyang nasa harapan. Sa isang kisap-mata ay natagpuan nila ang kanilang sarili na nakadapa sa baitang ng hagdan. Napahawak sa kanyang likod si James at nakakunot ang noo na pinagmasdan ang babaeng nakabungguan niya. Samantala, agad na bumangon at umupo ang babae at hinawakan ang kanyang ulo. Namula ang bahagi ng kanyang ulo na nauntog kay James. Nang makita ito ni James ay agad niyang nilapitan ang babae at hinawakan sa may bandang pisngi. “M-Miss, o-okay ka lang ba?” Tanong nito. Hindi siya agad sinagot ng babae. Tila nagulat ito sa paghawak sa kanyang mukha ni James. Walang anu-ano’y nag-init ang kanyang dugo. Sinampal niya si James ng pagkalakas-lakas. Anupa’t nabuwal si James mula sa pagkakaupo nito at muling nauntog ang kanyang puwitan sa baitang ng hagdan. “W-What’s wrong with you?” Nakasimangot at pabalang na wika ni James. “Tanungin mo sa sarili mo! Asshole! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!” Sagot ng babae habang matalim na tinitingnan si James. “Eh, sa nagmamadali ako. Ano ba’ng pakialam mo? Don’t you know the basic rule in using up the stairs? KEEP RIGHT! You should always keep right!” Pasigaw na sagot ni James sa babae. Hindi nito maitago ang pagkayamot dahil kung kailan naman siya nagmamadali sa pagpasok ay saka pa nangyari ang lahat ng iyon. “f**k the rules! I have my own! Always keep right ba ka’mo? I keep myself RIGHT as always.” Confident na sagot ng babae. Napailing nalang si James sa kanyang mga narinig. “Y-You’re unbelievable!” Bulalas ni James. “Whatever! Just get out of my sight!” Malamig na tugon ng babae. Dali-dali ay tumayo si James at pinagpagan ang alikabok sa kanyang likuran. Dahan-dahan siyang naglakad nang muli paakyat. Ang babae naman ay nakaupo parin sa hagdan at tila nagpapahupa ng init ng kanyang ulo. Nakailang hakbang na si Jamesna nang bigla siyang tumigil ulit upang tiningnan ang babae. “f**k the rules? Oh, f**k you!” Malakas na sambit ni James sabay ismid sa babae. Ilang segundo lang ang lumipas ay narating na rin sa wakas ni James ang kanyang classroom. Hingal na hingal siyang tumigil sa bungad ng pinto, minamasdan kung nasa loob na ba ang kanilang professor. Tininingnan niya ang oras sa kanyang relo. 9:02 na ng umaga. “Naku, Bro. Mabuti nalang wala pa si Ms. Gonzaga! Kung hindi, mapapatayo ka nanaman ng tatlong oras sa labas! Halika na dito sa loob. I’m sure padating na rin si Ma’am in few minutes.” Bungad ng Class President nila sa kanya. Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si James. Agad-agad itong nagpunta sa kanyang upuan, uminom ng tubig at pinahupa ang paghabol niya ng kanyang hininga. “Andyan na si Ma’am! Andyan na si Ma’am!” Sigaw ng isa sa kaklase niya. Dali-daling nagpasukan sa classroom ang iba niyang kaklase na nakatambay sa maliit na pasilyo sa harap ng kanilang classroom at pumunta sa kani-kanilang pwesto. Pagpasok ni Ms. Gonzaga ay natahimik ang lahat. Ayaw kasi nito ng maingay sa kanyang klase. Sinuman ang mag-ingay o magpasaway ay agad na palalabasin ng terror na professor. “O, bakit para kayong nakakita ng multo?” Bungad ni Ms. Gonzaga sa kanila. Tahimik lang silang lahat na pinagmamasdan ang kanilang professor. “Okay, class. We have a new student in this subject. Come, Hija!” Sambit ni Ms. Gonzaga habang sinisenyasan ang estudyante na nasa labas ng classroom. Agad naman itong humakbang papasok ng room. Nanlaki ang mga mata ni James nang makita niya kung sino ang bago nilang kaklase. Walang iba kundi ang babaeng nakabungguan niya kanina sa hagdan ng building. “Hija, please introduce yourself.” Wika ni Ms. Gonzaga. “H-Hi everyone! My Name is Lexie Santos. I’m 15 years old, from Quezon City. Wika ni Lexie na may maamong boses. “And I, thank you!” Pabirong sambit ng isang estudyante. Sabay-sabay naman na nagtawanan ang buong klase. Matalim na tinitigan ni Lexie ang kaklase niyang nagbiro sa kanya. “Class, enough! Mr. Rodriguez, gusto mo bang tumayo sa labas sa buong period ko? Mabilis lang ako kausap!” Inis na sambit ng professor. “No, Ma’am. Sorry po.” Agad na tumahimik ang buong klase. Nagpatuloy naman sa pag-iintroduce ng kanyang sarili si Lexie sa harapan. Samantala, hindi maialis ni James ang kanyang paningin kay Lexie. Pumukaw sa kanyang damdamin ang angking ganda nito. Siya ay nabighani at namangha sa kung paano niya dalhin ang kanyang sarili sa harapan. Nakalugay ang kanyang mahaba at tuwid na buhok. Ang mga mata nito’y maamo na wari’y nangungusap, maputi ang mga kutis at natural na namumula ang kanyang mga pisngi. Bagama’t hindi maiwaksi ni James ang kanyang paningin kay Lexie ay makailang ulit din itong napailing sa tuwing naaalala niya ang pagsusungit nito sa kanya nang magkabungguan sila sa may hagdan ilang minuto pa lang ang nakararaan. “Paanong hindi ko napansin ang ganda niya kanina? Marahil dahil sa pagtataray niya sa akin. Pero paanong ang babaeng ito na may maamong mukha ay magagawang kausapin ako nang wala man lang kagalang-galang? At nagawa pa talaga niya akong sampalin basta-basta? It doesn’t make any sense.” Bulong ni James sa kanyang sarili sabay buntong-hininga. “Well, said, Ms. Santos. Now you may take your seat.” Sambit ni Ms. Gonzaga. Nilinga-linga niya ang classroom upang maghanap ng maaaring upuan ni Lexie. “Mr. Cristobal?” Tanong niya. Napabalikwas si James nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng kanilang professor. “Y-Yes Ma’am?” “Absent ba ‘yung katabi mo na si Mr. Perez?” “I-It seems so, Ma’am.” Mabilis na sagot ni James. Napatingin si Lexie nang marinig niya ang boses ng lalaking nagsalita. Napakunot-noo siya nang madiskubre niyang naroon at kasama niya sa iisang klase ang lalaking bumunggo at sumira ng araw niya kanina. Nagkatitigan silang mata sa mata. Tila nanigas naman ang leeg ni James at hindi nito magawang alisin ang kanyang paningin kay Lexie. “Well, Ms. Santos you can take Mr. Perez’ seat for a while. Hindi na rin naman siya makakapasok sa klase ko today if ever he arrives late.”Mataray na pagpapaliwanag ni Ms. Gonzaga. Agad namang naglakad si Lexie palapit sa upuan na katabi ni James. Hindi inaalis ni Lexie ang kanyang paningin sa kanya. Tinitigan niya lang ito nang malagkit hanggang sa si James na lang mismo ang bumawi ng tingin sa kanya. “What the heck? Bakit dito pa siya pinatabi sa akin?” Sambit ni James sa kanyang sarili. Nang makaupo na si Lexie sa kanyang tabi ay lalong hindi na napakali si James sa kanyang kinauupuan. Pilit niyang iniiwas amg kanyang paningin rito, kahit naaanigan niya bahagya din siyang sinusulyapan nito. “Okay, class. Let’s start our discussion.” Malakas na sambit ni Ms. Gonzaga. “Who can give us a recap about what Photojournalism is? Anyone? Volunteer?” Tanong ng professor. Tahimik lang ang lahat. Nakayuko ang karamihan sa takot na baka sila ang mapagdiskitahang tawagin ng masungit na professor. “Stupid section.” Mahinang sambit ni Lexie. Narinig ito ni James dahil halos magkadikit lang sila ng arm chair. “What did you just say?” Pabulong at yamot na tugon ni James. “Di ko ugaling ulitin ang mga salitang nasabi ko na.” Masungit na tugon nito. Uminit ang dugo ni James sa mga narinig niyang iyon mula kay Lexie. Gusto niyang patunayan sa bagong estudyanteng iyon na hindi istupido ang section na iyon. “Wala bang gustong mag recite sa inyo? Wala ba kayong natututunan sa klase ko?!”Muling pagtatanong ni Ms. Gonzaga. Naka-kunot na ang noo nito habang nagsasalita sa harap. Walang anu-ano ay nagtaas ng kamay si James upang magrecite. “Oh, finally! Speak Mr. Cristobal. Answer it!” Malakas na sambit ng professor. Tumayo si James habang pasimpleng tiningnan si Lexie nang malagkit. “Watch and learn!” Panunuya nito kay Lexie. Sinuklian naman siya ng pag-irap ni Lexie habang nakangiti nang sarcastic. Nakita ito ni James at tila ba na-distract ito. “Photojounalism is... is... storytelling in...” Na-blangko si James at hindi niya maituloy ang pagsagot. Bahagyang natawa at umismid si Lexie dahil sa hindi matapos na sagot ni James. Si James naman ay animong napahiya at basta na lamang bumalik sa kanyang pagkakaupo. Muli niyang sinulyapan si Lexie at mas lalo siyang nainis nang makita niyang pinagtawanan siya nito nang palihim. Samantala, halos magwala na sa harapan si Ms. Gonzaga dahil wala ni isa mang makasagot ng deretso sa itinatanong niya sa buong klase. “Ganoon ba talaga kahirap ang tinatanong ko?! What a disappointing stupid class!” Bulalas ng yamot na yamot na professor. “I told you. Stupid ang section niyo. Now you watch...listen...and learn! Bulong ni Lexie kay James. Agad niyang itinaas ang kanyang kamay. “Alright Ms. Santos, please do not add-up on my disappointment! Answer the damn question!” Sigaw ni Miss Gonzaga sa buong klase. Tumayo nang malumanay si Lexie at saka nagsimulang sumagot. “In essence, photojournalism is the process of storytelling using photos as the medium, utilizing a camera to capture visual representations of a story.” Tila humupa ang init ng ulo ni Ms. Gonzaga nang kanyang marinig ang sagot ni Lexie. “Thank you very much, Ms. Santos. Please take your seat. Dahan-dahang umupo si Lexie habang patuyang nakatingin kay James. Hindi maikubli ng buong klase ang paghanga nila sa Transferee student. Bukod sa sobrang ganda nito ay matalino rin at wari’y walang kinatatakutan, kahit pa ang pinaka-terror nila na professor. Napatingin ang lahat sa kanya, maliban kay James na sobrang yamot na yamot at halos manginig dahil sa pagyayabang ni Lexie sa kanya. “Now you know? I always Keep myself right.” Mahinang bulong ni Lexie sa ‘di mapakaling si James. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD