Chapter 13—To Return The Favor

2800 Words
May 26, 2020 Ryan’s House 7:00 PM Nakaupong pa-de-kwatro si Ryan sa malambot niyang sofa sa living room habang maya’t mayang hinihigop ang mainit at nakakapapaso pang kape na kanyang itinimlla. Habang hinihintay niya ang inaasahang pagdating ni Claire anumang oras, minabuti niyang libangin muna ang sarili. Binuksan niya ang TV upang manood ng anumang palabas. Pagkabukas niyon ay bumungad sa kanya ang TV Show ng isang kilalang Celebrity Host tungkol sa Travel Adventures. Gumuhit sa mga labi ni Ryan ang matamis niyang ngiti nang makita niya ang tourist spot na ipini-feature ng TV Host sa mga sabdaling iyon. Ang mapamosong El Nido, Palawan. Aliw na aliw siya sa panonood habang patuloy lang siya sa pag-ubos ng kanyang tinimplang kape. Napabalikwas siya at naalis ang paningin sa pinanonood nang marinig niyang may nagdoorbell mula sa labas ng kanyang pinto. “Si Claire.” mahinang sambit niya. Tumayo siya at lumakad patungo sa kanyang pinto at agad itong binuksan. Agad siyang napangiti nang sumilay sa kanyang mga mata si Claire, na sa mga sandaling iyo’y nakatayo’t naghihintay sa labas ng pinto ng kanyang bahay. “Hi Bes!” Masayang pagbati ni Ryan. “Hi! What’s up?” masiglang tugon ni Claire sa kanya. Pilit na itinatago ni Claire kay Ryan ang bigat ng kanyang dibdib dulot ng eksenang pumagitan sa kanilang dalawa na nangyari noong huli silang magkasama. Ayaw niya itong ipahalata kaya ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para ikubli ito sa pamamagitan ng kanyang pagngiti at masiglang pakikipag-usap kay Ryan. “I’m feeling better now. Wala na ‘yung hangover sa katawan ko.” Pagpapaliwanag ni Ryan. “Wow, that’s good to hear!” Ani Claire. “Halika, come inside!” Pag-aaya ni Ryan. Ibinuka pa niya nang bahagya ang pinto ng kanyang bahay at siya’y gumilid upang makadaan si Claire. Agad namang humakbang si Claire papasok ng bahay at dumeretso sa sofa sa may Living Room. Umupo siya sa bandang kanan ng sofa at inilagay naman niya ang tangan-tangan niyang paper bag sa kabilang side nito. Samantala, sandaling naiwan si Ryan upang isara ang pinto at siguraduhin na naka-lock ito. Pagkatapos, agad din siyang naglakad patungong Living Room ng kanyang simple ngunit malinis na bahay. “So, how’s your trip going here? Mukhang napagod ka yata sa biyahe mo. You should rest first.” Pagtatanong ni Ryan. “Oo nga, eh. Ang hirap talaga bumiyahe kapag naabutan ka ng rush hour sa daan.” Tugon ni Claire habang tinatanggal ang sandalyas sa kanyang magkabilang paa. “Ahm, do you want coffee or something to eat? I can make you one.” Masiglang pag-aaya ni Ryan sa kanya habang akmang tutungo sa kusina. “Hmm...Cold water nalang siguro, bes.” maamong tugon nito. “Alright, just a minute.” ani Ryan. Pumasok ng kusina si Ryan upang kuhanan si Claire ng malamig na tubig. Samantala, nilibang naman ni Claire ang kanyang sarili habang hinihintay si Ryan na makabalik. Naibaling niya ang kanyang paningin sa TV. Katulad ni Ryan kanina, napangiti rin siya nang makita niya ang El Nido, Palawan na ipini-feature ng Travel Show iyon. Muli niyang inikot ng kanyang paningin ang paligid. Ilang saglit pa, napansin niya ang isang katamtamang laking maleta na alam niyang hindi naman pagmamay-ari ni Ryan dahil sa kulay nitong pink. Nakalagay ito malapit sa kinaroroonan ng TV. “Parang pamilyar ang maletang iyon sa akin? Bakit naman magkakaroon ng ganitong maleta sa bahay ni Ryan?” wika nito sa kanyang sarili. Maya-maya’y nakabalik na sa sala si Ryan. Napansin niya na napako ang paningin ni Claire sa maletang iyon. Humarap si Ryan kay Claire upang matanggal nito ang kanyang paningin sa maletang iyon at saka inabot ang baso na may lamang malamig na tubig. “Here.” Wika ni Ryan habang inaabot ang baso kay Claire. “Thanks, bes!” Nakangiting tugon nito sabay tungga sa baso. “Anyway, pwede ko bang makita ang bago nating DSLR Camera?” ani Ryan. “Sure!” Mabilis na tugon ni Claire. Agad niyang inilapag ang baso sa maliit na center table na ga-dangkal lang ang layo sa sofa at saka kinuha ang paper bag sa kanyang tabi. Agad niya itong binuksan upang ipakita kay Ryan ang nabili niyang bagong DSLR Camera kanina sa Mall. “Here’s it is!” masiglang wika ni Claire habang iniaabot kay Ryan ang DSLR Camera. Agad naman itong kinuha ni Ryan. Masayang pinagmamasdan ni Claire ang kanyang bestfriend habang tuloy lang ito sa pagsipat ng bagong biling camera. “Claire, ang gandang klase naman ‘tong napili mong bilhin! Ito yung latest model na best fit for taking scenic view. Perfect camera for travel vloggers like us! This is great!” Bulalas ni Ryan habang patuloy na sinusuri ang kalidad nito. “Well, you should thank Nick about that...” tugon ni Claire. “Why Nick?” “We coincidentally met at the mall. I was in the camera store when he stepped in. I’m in the dilemma of picking the best camera to buy. Luckily he was there. He helped me choose.” pagpapaliwanag ni Claire. “Ahh, it was Nick.” nakayukong wika ni Ryan. Napansin ni Claire ang matamlay na pagtugon ni Ryan at kung paanong unti-unting nilamon ang katauhan nito ng matinding kalungkutan. Habang pinagmamasdan niya ang bagsak na mukha ni Ryan ay may kung anong kumurot sa kanyang dibdib. Marahang napabuntong-hininga si Claire at pagkatapos ay muli niyang ibinaling ang kanyang atensyon sa blangkong si Ryan na sa mga sandaling iyo’y walang imik na nakatitig lang sa sahig. Pinukaw ni Claire ang atensyon ni Ryan. Nakangiti niyang kinuha ang camera sa mga kamay nito at nakangiting kinausap ang bestfriend niyang tila naglalakbay ang diwa. “Sige nga, let’s see kung talagang kayang pagandahin ng camerang ito ang kahit anong view na kukuhanan.” wika ni Claire. Bahagya siyang umatras upang kunan ng litrato si Ryan. “Hmm... naku, mukhang sira naman itong nabili kong camera. Ang mahal-mahal pero ang pangit ng kuha!” sambit ni Claire habang nakakunot-noo na sinabayan pa ng pag-ismid. Tahimik na iniangat ni Ryan ang kanyang mukha at tumitig kay Claire. Napaisip siya kung anong ibig ipakahulugan nito sa kanyang sinabi. “Hmm... mukhang kahit gaano kaganda at kalinaw ang lense ng camera, wala parin itong kakayahang baguhin ang mood ng taong kinukunan.” ani Claire. Pagkasabi nito, muli niyang tinitigan nang deretso ang mga mata ni Ryan at saka ngumiti. “Eh bakit kasi nakasimangot ka? Aba’y kung ganyan ang kukuhanan na ‘scenic view, ilaglag nalang ulit natin sa hagdan ‘tong pagkamahal-mahal na camera na ‘to! Nagtapon lang tayo ng pera sa wala.” Sambit ni Claire habang nakataas ang isang kilay. Napabuntong-hininga si Ryan at saka muling kinausap si Claire. “Claire, I’m not a scenic view. Mukha ba akong bundok?” “Of course not! But you are a Travel Vlogger, aren’t you? You are the face. You are the mood. You are the charisma. You should’ve known better.” Wika ni Claire sabay irap. “Smile.” Dugtong niya. “W-What?” tanong ni Ryan. “Smile sabi.” pag-i-insist ni Claire habang inilalagay ang camera malapit sa kanyang mata at akmang kukuhanan si Ryan. “W-Wait.” Wika ni Ryan sabay pilit na pinangiti ang sarili at nag-posing nang bahagya. Tiningnan ni Claire ang kanyang kinuhanang litrato sa may screen ng camera. Nakita niyang bahagya namang napangiti si Ryan ngunit halata parin na ito’y napilitan lamang. “Not good at all, duh! Ano ba naman ‘yan bes! Ang pangit ng ngiti mo. Parang ngiti ng kabayo!” bulalas ni Claire habang muling itinataas ang kanyang kaliwang kilay. “Eh malamang sarcastic ang ngiti ko, pinilit mo lang naman akong ngumiti.” Pilyong sagot ni Ryan. “Ah ganun?” Ani Claire na may maangas na pananalita. Ibinaba ni Claire ang bagong camera na hawak niya sa may center table at saka naghalukipkip habang matalim na tinitigan si Ryan. Iniangat niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang harapan at unti-unting siyang naglakad palapit kay Ryan na mistulang zombie. “Claire, ano nanaman ‘yang pinaplano mong gawin? Kung ako sayo... huwag mo na ituloy yan...masisipa talaga kita nang ‘di oras!” Sambit ni Ryan na sa mga sandaling iyo’y nahuhulaan na kung ano ang susunod na gagawin ni Claire sa kanya. Ilang dipa nalang ang pagitan at mahahawakan na siya ni Claire sa magkabilang tagiliran nito. “Ayaw mong ngumiti nang maayos ah? Pwes... patatawanin nalang kita nang bongga!” Wika ni Claire. Sa isang kisap-mata ay naramdaman nalang ni Ryan ang mga daliri ni Claire sa kanyang tagiliran. Kinilabutan siya at pilit na pinigilan ang pagbulalas ng kanyang tawa ngunit sadyang hindi matatawaran ang galing ni Claire sa pangingiliti. Ilang segundo lang ay napa-halakhak na si Ryan nang walang humpay. “Claire, stop! I’ll die if you don’t! Oh, please!” Mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ni Ryan habang pilit na hinahawi ang mga kamay ni Claire. Mas tinindihan pa ni Claire ang pagkiliti sa kanya hanggang sa halos hindi na makahinga ang kanyang bestfriend. Nanghina ang mga tuhod nito at pabagsak na napaupo sa may sofa. Nang napaupo na ito’y saka siya tinigilan ni Claire sa pangingiliti. Hingal na napaupo si Claire sa tabi ni Ryan at pasimpleng sinulyapan ang mukha nito. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Claire nang masaksihan niya kung paanong bumalik ang sigla sa mga mata ni Ryan. “Hooh! There you are! Nasilayan ko rin ‘yang genuine smile mo. Ngingiti ka rin naman pala, gusto mo pa talaga na dumadampi ang mga daliri ko sa tagiliran mo!” Panunuyang wika ni Claire. Hindi nito napigilang humalakhak hanggang sa pati siya’y mangilid na ang luha sa mga mata. “Sino ba naman kasing hindi bibigay sa ginawa mo, Claire? Bwisit ka!” ani Ryan habang patuloy niyang hinahabol ang kanyang paghinga at pinahuhupa ang sakit ng kanyang tiyan. Nagkatinginan silang muli ng mata sa mata at sabay silang nagbigayan ng matatamis na mga ngiti. “Thank you, Claire. You never ever let me down...” ani James. “Wala ‘yun. We’re best friends, right? I know you’re still in pain.” Malumanay na sagot ni Claire. “Ewan ko ba kasi sa ‘yo? Masyado mong nilulugmok ang sarili mo sa kalungkutan. ‘Ayan, napabili tuloy tayo ng wala sa oras ng bagong camera. Tapos narinig mo lang ang pangalan ni Nick nag-iba na naman agad ang mood mo. What the heck?” Dugtong niya. “Well... I’m sorry for that. I just can’t help it.” Pagtatanggol ni Ryan ng kanyang sarili. “It’s okay. But try to get used to it, okay?” Ani Claire. “I can’t promise. B-But I will. I’ll try.” Wika ni Ryan sabay buntong-hininga. Liningon ulit ni Claire ang maamong mukha ni Ryan. Napansin niyang medyo nabahiran ulit ito ng kalungkutan. Kaya bahagya niya itong siniko at saka ngumiti na halos mapunit na ang mga labi. Muling sumilay ang sigla sa mga mata ni Ryan na ikinatuwa naman ng puso ni Claire. “Oh! Look!” Bulalas ni Ryan sabay turo sa may TV sa bandang kanan nila na patuloy parin sa pagpapalabas ng Travel Adventure sa El Nido, Palawan. Agad namang napatingin si Claire sa TV. “El Nido, Palawan! Oh, how I love and wish to go there!” Sambit ni Claire. Pinagmasdan ni Ryan ang mga mata ni Claire at nakita niya kung gaano ito ka-excited na makapunta roon. “Tara? Punta tayo dyan?” Pag-aaya ni Ryan. “Sige! I-plot mo na sa calendar kung kailan natin ipi-feature yan sa vlog natin!” Masiglang tugon ni Claire. Hindi niya maialis sa kanyang paningin ang pinapanuod sa TV. “Ngayon na?” Ani Ryan. “Oo! I-plot mo na ngayon para ma-priority natin puntahan next month!” Tugon ni Claire. “No. Let’s go there, tonight.” Natigilan si Claire sa kanyang narinig. Liningon niya sa kanyang kaliwa si Ryan na nakakunot-noo. Saktong paglingon ni Claire ay ipinakita ni Ryan sa kanya ang dalawang Plane Ticket. “W-What’s the meaning of this?” Nagtatakang tanong ni Claire. Hindi niya maunawaan nang lubos si Ryan kung ano an binabalak nito. “Well, just as you heard. Let’s go to Palawan. Right now.” Malambing na tugon ni Ryan na may kasama pang kindat. “Wait. What. Are you serious? Naku ha. Ryan ginu-good time mo ba ako? Mag-aaya kang mag-film ‘dun ‘eh kabibili lang natin ‘tong camera. Hindi pa nga natin alam kung paano ang settings niyan. ‘Tsaka, hindi ikaw ‘to, ‘eh. Ayaw mo ng mga biglaang lakad kapag nagta-travel vlog tayo ‘di ba? Kaya nga lahat naka-calendar. Then why is it now? What’s the rush?” Mahabang paliwanag ni Claire. “Teka, teka. ‘Eh sino bang nagsabing pupunta tayo dun for filming?” Natatawang tanong ni Ryan. “H-Hindi ba?” Hindi siya sinagot sa salita ni Ryan bagkus ay umiling-iling ito habang nakangiti. “S-So, kung hindi tayo pupunta dun for filming, anong purpose ng pagpunta natin du’n? Nalilitong tanong ni Claire. “Well... we’ll go there for a short vacation. Three days, two nights. Just you and me.” “Just you and...” Bulong ni Claire. “Teka, teka, teka. A-Ano ba talagang pinaplano mo, Ryan? Bakit all of the sudden bigla-bigla kang nagdedesisyon na hindi ako kinukunsulta?” Napakunot-noo si Claire habang kinaklaro parin niyang mabuti kay Ryan kung ano ba ang balak nito. “Bes! Relax, Okay? Ba’t ba ang ligalig mo? B-Bakit ko naman sayo sasabihin kung surprise, ‘di ba? W-Well, ito kasi yung sinasabi ko sayong sorpresa para sayo.” Paliwanag ni Ryan. Inakbayan niya si Claire at inilapit sa kanya. Si Claire naman ay natigilan at naramdaman niyang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. “I just want to do something special for you. Ikaw nalang kasi lagi ang may ginagawang mabuti para sa akin. Ayoko naman na isipin mo na, magbest friend tayo, pero wala akong ginagawa para sa ‘yo. So... to return the favor, please let me give this gift for you once in a while.” Wika ni Ryan habang masiglang tinatapik-tapik ang balikat ni Claire. Lalong bumilis ang t***k ng puso ni Claire at naramdaman niyang uminit ang kanyang pakiramdam. “Kaming dalawa lang sa...” Sambit ni Claire sa kanyang sarili. Hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi sa kanyang isip ay natigilan na siya nang maalala niya ang mga pangyayaring naganap sa pagitan nilang dalawa kaninang madaling araw nu’ng siya ay halikan ni Ryan. Napailing na lamang ito at napapikit. “C-Claire are you alright? Hindi mo ba nagustuhan yung sorpresa ko sayo?” Tanong ni Ryan sa kanya. Ngunit hindi siya sinagot ni Claire. Nanatili lang itong nakapikit habang nakakunot ang noo. Bumalik sa ala-ala ni Claire ang mga sinabi sa kanya ni Nick nang magkita sila kaninang hapon: *** “Claire, I mean it. You should tell him. Everything. Before it’s too late. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. *** “Sasabihin ko ba sa kanya? Would it be worth telling? Wala bang magbabago kung sabihin ko sa kanya?” Patuloy na pagtatanong ni Claire sa kanyang sarili. “Bes!” Napamulat bigla si Claire nang marinig niyang muli ang tinig ni Ryan. Kanina pa pala siya tinatawag nito. “Bes, is something wrong? Hindi naman kita pinipilit sumama kung ayaw mo talaga.” Malambing na sambit ni Ryan. “N-No, no. It’s not that. It’s just...” Hindi malaman ni Claire kung paano niya sasabihin kay Ryan ang mga tumatakbo sa isip niya. Nang makita niyang hindi inaalis ni Ryan ang kanyang paningin, nagdesisyon si Claire na umisip na lamang ng ibang puwede niyang maidahilan para tanggihan ito. “It’s just...wala akong dalang mga damit, bes. Three days, two nights tayo du’n and yet wala man lang akong dalang kahit ano para sa sarili ko.” Pagdadahilan ni Claire. Bahagyang natawa si Ryan sa kanyang mga narinig. “Ah ‘yun lang ba? Naku, you have nothing to worry about! Hayan yung mga gamit mo, oh!” Masiglang wika ni Ryan sabay turo sa maleta. “I-Is that mine? How could you possibly...” “Pumunta ako sa apartment mo. Binigyan mo ‘ko ng susi di ‘ba? Then nagpatulong ako sa kaibigan mo na nakatira sa katabing pinto lang ng room mo. Si Andrea ba ‘yun? Siya nagsalansan ng mga gamit mo. Mabuti nalang at may babae kang kaibigan doon dahil kung wala, wala talaga akong choice kundi halungkatin ang drawer mo isa-isa para kuhanan ka ng mga damit mo, pati na rin ng undergarments mo.” Paliwanag ni Ryan habang pigil sa paghalakhak. “Ibang klase ka talaga Ryan...” Ito na lamang ang mga nasambit ni Claire matapos niyang mapakinggan ang salaysay ng kanyang best friend. Hindi rin niya alam kung ano ang ipapakita niyang reaksyon. Masaya siya, ngunit sa kabilang banda’y may kirot sa kanyang puso. “So, pa’no ba ‘yan? Tuloy na tuloy na tayo ah? Bawal na magback-out! Twelve midnight ang oras ng flight natin. Pahinga ka muna dyan, okay? We’ll be leaving here at Nine. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD