Chapter 12—Those Final Talks

3023 Words
June 25, 2020 Nick and Lexie Nuptial 10:10 PM “N-Nick... I-I’m so sorry for everything...T-This is all my fault. Nangyari ang lahat ng ito nang dahil sa akin. P-Please forgive me...” wika ni Lexie habang hinahabol ang paghinga. “N-No! No Babe! This is all my fault! I should’ve loved you way better! Y-You don’t deserve this! Babe you don’t deserve this! All of this is just a mistake! Please don’t die, Lexie! I-I can’t lose you! Please forgive me for what I did!” sambit ni Nick habang kandong-kandong ang naghihingalong si Lexie na nakasalampak sa sahig. “I-I deserved this! H-Hindi mo kailangang humingi ng tawad...” “N-No! No Lexie! No! This is wrong!You can’t die! Please don’t!” hagulgol ni Nick. “I-It’s over...” Pilit na inabot ni Lexie ang pisngi ni Nick at sa huling sandali ay muli niyang tinitigan nang mata sa mata ang kanyang kabiyak. “N-Nick... Thank you for loving me... more than I deserved. I-I will never f-forget...t-this... e-even after death...” wika ni Lexie habang patuloy na hinahabol ang mga sandaling nakakapagsalita pa siya. Hinawakan ni Nick ang kamay ni Lexie. Inilagay niya ito sa tapat ng kanyang dibdib. “M-Mahal na Mahal kita, Lexie... Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habambuhay...” wika ni Nick na sa mga sandaling iyon ay litung-lito at hindi na malaman kung ano ang nararapat gawin. “M-Ma-hal...” Hindi na natapos ni Lexie ang kanyang sasabihin. Ilang segundo lang ang lumipas ay naramdaman ni Nick ang unti-unting pagkawala ng lakas ng mga braso ni Lexie Ang mga kamay nito ay unti-unting lumamig na parang yelo at dumaloy sa kanyang buong katawan. Tuluyan nang tumigil sa paghinga si Lexie. Namatay itong nakamulat ang mga mata at nakatingin kay Nick. “B-Babe? Babe?!? No way!” sambit ni Nick habang patuloy na niyayapos ang malamig na bangkay ni Lexie. “M-Mahal na Mahal Kita! Please don’t leave me! Not this way! No!” Halos pagtakluban ng langit at lupa si Nick sa mga pangyayaring iyon. Mahigpit parin ang kanyang pagkakayakap sa walang buhay na katawan ni Lexie. Walang humpay ang pagtulo ng kanyang mga luha na sinabayan ng pigil na paghikbi. Hindi niya lubos-maisip na tuluyang babawian ng buhay ang kanyang pinakamamahal gayung kakakasal lamang nila. Ilang minuto ang lumipas, nahimasmasan nang bahagya si Nick. Tumigil siya sa pag-iyak at bahagyang natulala sa kawalan. Kandong-kandong parin niya ang katawan ni Lexie na punong puno ng dugo dahil sa kanyang natamong saksak sa dibdib. Tinitigan niya ang mukha nito. Gamit ang kanyang kanang palad ay ipinikit niya ang mga mata ni Lexie na naiwang nakamulat sa kanyang pagkamatay. “Hindi nila maaaring malaman ang totoo. Dadalhin ko ang mga pangyayaring ito hanggang sa aking hukay!” sambit ni Nick sa kanyang sarili. Matapos masambit ang mga katagang iyon, matapang na ibinaling muli ni Nick ang kanyang paningin sa walang buhay na kanyang asawa. Hinawakan niya ang patalim na nakabaon sa leeg nito na siyang tuluyang tumapos ng kanyang buhay. Buong tapang niya itong hinugot nang mabilis, bahagyang pinunasan ang hawakan nito ng kanyang itim na coat at saka inihagis sa may bandang pinto ng Ladies’ Room. Pagkatapos, muli niyang hinagkan si Lexie nang sobrang higpit. “Don’t worry, Babe... Everything will be alright... No one will ever know your secret.” Bulong ni Nick habang matalim na nakatingin sa kutsilyong kanyang binato. Ilang segundo lang ang lumipas, narinig sa buong reception hall ang pagkalakas-lakas na tinig ni Nick. Dumagundong ito na parang isang kulog. “Help! Somebody help me! Please! Help!” *** May 26,2020 SM Mega Mall 1:00 PM Gaya ng napag-usapan nina Claire at Ryan, nagtungo nga si Claire sa SM Mega Mall para doon ay makabili ng bagong DSLR Camera na kanilang gagamitin para sa kanilang naka-schedule na Travel Vlog next week. “Miss, I am looking for a camera which is best suit in travel documentaries.” sambit ni Claire sa isang agent. “Alright. This way, Ma’am.” magalang na tugon nito. Pinakitaan siya ng limang magkakaibang klase ng brand ng camera. Isa-isa niya itong sinipi at pinag-isipang mabuti kung alin ba sa mga nakahilerang iyon ang dapat niyang bilhin. “Naku, ang hirap naman pala pumili kung ano ang dapat maganda sa mga ‘to!” aniya. “Lahat naman po sila Ma’am ay maganda.” Panghihimok ng agent. “Ayun na nga Miss. Lahat sila maganda, kaya mas mahirap pumili! Ang dami na palang bagong labas ngayon na model! Parang last year hindi naman ako nahirapan sa pagpili.” Wika ni Claire. Napabuntong-hininga siya. “Ikaw ba Miss? Ano bang best para dito kung ikaw ang pipili?” Tanong ni Claire. “Naku, Ma’am! Sorry po. Wala po kasi akong idea pa masyado kung ano po pinagkaiba nila at kung ano po ang pinakamaganda. Kaka-start ko palang po last week.” Paliwanag ng agent. “Ganun ba? Sige okay lang.” Tugon ni Claire. Napabuntong-hininga nalang siya sa sinabi sa kanya ng agent. “Pwede ko ba ma-testing ito?” ani Claire sabay turo sa pangatlong camera. “Sure Ma’am. Pwede niyo po i-test shot ‘yan.” Agad namang dinampot ni Claire ang camera at sinubukang kumuha ng litrato gamit ito. “Aba, mukhang okay naman ang kuha.” aniya. Sinubukan din niya ang pangalawang camera. “Naku, mukhang maganda rin ang isang ito! Pareho silang maganda!” “Sabi naman sa inyo Ma’am, ‘eh. Walla po kayong itulak-kabigin sa mga iyan. Lahat po ‘yan ay magagandang klase.” Patuloy na panghihikayat ng agent. “Mas lalo akong naguluhan kung ano ang dapat kong piliin!” wika ni Claire sabay kamot-ulo. Napangiti nalang ang agent habang pinagmamasdan siya. “I would choose the fifth one if I were you...” wika ng isang lalaki sa likuran ni Claire. Lumingon si Claire upang makita kung sino ang lalaki na nagsalita ngayun-ngayon lang. “N-Nick? You’re here!” Ani Claire. “Yes! Kanina pa ‘ko aliw na aliw sayo habang litung-lito ka kung ano ang pipiliin mo sa limang ‘yan!” sambit ni Nick habang nakangiti’t pinagtatawanan ang iritableng si Claire. “Pambihira ka talaga, Nick!” tugon ni Claire sabay hampas nang marahan sa braso nito. “Anyway, how do you say that the best one’s the fifth? Hindi ko pa nga nate-test iyan, eh.” pagtatakang tanong ni Claire. Kinuha ni Nick ang panlimang camera at sinipi iyon. “Well, according to James, this kind of camera is the best for capturing scenic view. Which applies also in your case, as a travel vlogger.” Confident na pagpapaliwanag ni Nick. “Ahh... have you tried it?” “Yeah, and it’s quite impressive! Actually I have already this kind of camera. Nasa bahay ko sa may Cavite. Nanghingi rin kasi ako ng advice kay James two months ago kung ano bang dapat kong bilhing camera na gagamitin ko sa pagpo-promote ng location ng bago kong tinatayong branch sa may Tagaytay. He suggested this camera sa akin. Maganda rin kasi ang landscape ng nakuha kong location ng restaurant. Kaya naisip ko na dapat makuhanan ito for promotion sa social media.” Ani Nick. “Oh, I see. Pa-Test Shot nga!” ani Claire sabay kuha ng camera sa kamay ni Nick. Lumayo siya nang bahagya kay Nick at saka siya kinuhanan ng litrato. Si Nick naman ay game na game pa na nag-posing. Tinitigan agad ni Claire ang kalidad ng litrato na nakunan nito sa screen ng camera. “Wow, Nick! Mukhang tama ka nga. Ang ganda ng kuha ng camera na ‘to!” “I told you! Well, James was right. I can’t own the credit.” tugon ni Nick habang nakangiting pinagmamasdan ang tuwang-tuwang si Claire. “Ma’am, nakapili na po ba kayo?” nakangiting tanong ng agent kay Claire. “Hmm, yes. I think this will be it.” Ani Claire. “Alright Ma’am. Just wait for a while po para sa mga pipirmahan niyo po at para sa payment.” Tugon ng agent. “Okay. We’ll wait nalang dito.” Pumasok sa counter ang agent para ihanda ang unit ng camera na bibilhin ni Claire. Naiwan doong nag-uusap sina Claire at Nick. “Nick. Thank you! Mabuti nalang nandito ka. Mas nadalian akong makapili.” ani Claire. “Wala ‘yun. Nataon lang naman na napadaan ako dito. Dumeretso ako dito after ng meeting ko sa Tagaytay with my business partners. May tinignan lang din ako sa furniture center. May nakapagsabi kasi sa akin na may magagandang set ng dining table and chairs dito.” “Ah, ganoon ba? Mukhang todo na talaga ang preparation mo para sa pgbubukas mg restaurant mo. I’m so happy for you!” “Thanks, Claire!” “Anyway, how can I return you the favor? Hmm. Gusto mo ba magkape? Starbucks tayo? Ako na taya!” pag-aaya ni Claire. “Are you sure about that, Claire? Kasi hindi ko talaga hihindian ‘yan! You know how much I love coffee!” “Oo naman! Alam ko namang hindi ka tatanggi sa kape kaya iyon nalang pambawi ko sayo!” “O-Okay! If you insist!” sambit ni Nick. Bahagya siyang napatawa habang gumuguhit ang ngiti sa kanyang mukha dulot ng pananabik sa panlilibre sa kanya ni Claire. Ilang minuto ang lumipas ay tinawag na rin ng agent si Claire para makuha ang kanyang bagong biling camera. Agad silang lumabas ng store ni Nick at naglakad papuntang Starbucks Coffee na ilang metro lang ang layo sa store na iyon. *** Starbucks Coffee 1:45 PM Pumasok sina Claire at Nick sa loob ng Starbucks. Pagtapak pa lamang ni Nick sa loob ay naamoy na niya ang aroma ng kape na binu-brew. Agad siyang napangiti at masayang kumuha ng puwesto malapit sa window glass ng coffee shop. Dahil nag-insist si Claire na siya ang taya, agad siyang nagtungo sa counter para umorder ng kanilang iinuming kape. Ilang minuto lang ang lumipas at nakabalik na si Claire sa pwesto. “I-seserve nalang daw nila ‘yung coffee.” Masiglang wika nito kay Nick. “Alright! So, how are you? Kwento ka muna habang hinihintay natin ‘yung kape.” Pagsisimula ni Nick. “Wow huh? Makatanong naman ‘to kung kamusta ako. Parang hindi tayo magkasama kagabi sa party!” “Oo nga ano? Para akong tanga! Hmm, well, bakit ka pala bumili ng bagong camera? “Nasira ‘yung camera na ginagamit namin ni Ryan sa pagba- vlog. Nabagsak ni Ryan kaninang umaga mula second floor ng bahay niya. ‘Eh hindi pwedeng hindi makabili agad ng bago dahil may scheduled trip kami next week.” “Really? What happened? Pa’no nangyaring mababagsak ni Ryan ‘yung camera na ‘yun? Eh ‘di ba regalo mo ‘yun sa kanya last year nung nagreach ng one million ang subscribers niyo sa Youtube?” “Hang-over. Mukhang natagalan bago naalis sa sistema ng katawan niya yung kalasingan niya kagabi.” “Naku, iyan na nga ba ang sinasabi ko. Bakit naman kasi naglasing siya nang sobra kagabi. Mabuti nga’t sinamahan mo siya kagabi sa pag-uwi. Kung hindi, baka kung ano na pa ang nangyari sa kanya sa daan.” “Naku, kung alam mo lang ang totoong dahilan, Nick.” sambit ni Claire sa kanyang sarili. “B-Baka na-miss lang niya mag-inom. Ilang buwan din kasing hindi nakapagwalwal ‘yun ng ganoon dahil dikit yung mga planned trips namin. Wala talagang time.” depensa ni Claire kay Ryan. “I see. Pero dapat naman kasi nagtitira siya ng pang-uwi niya! Hay. Ang swerte nalang talaga sa’yo ni Ryan, ‘eh. Nandyan ka lagi para alalayan siya sa lahat ng bagay.” “Masaya akong gawin ang lahat ng ‘yun para sa kanya. “Wait... Haven’t you told him about your true feelings for him?” Nanlaki ang mga mata ni Claire. Hindi niya inakala na maririnig niya ang mga iyon kay Nick. Wala naman kasi siyang ibang pinagsabihan ng nararamdaman niya kay Ryan bukod kay Iya. “W-What do you mean?” “Sus, Claire. Alam ko kung paano mo tignan si Ryan. Alam kong matagal mo na siyang mahal. Sobrang napakalihim mo tungkol sa totoong damdamin mo. Pero kahit hindi ka magkwento, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo kay Ryan. Hay, ewan ko nga ba kung bakit hindi iyon magawang makita ni Ryan.” ani Nick. Iniwas ni Claire ang kanyang paningin kay Nick. Napayuko ito at saka nag-umpisang umamin sa kanya. “Nabanggit mo ba ito sa ibang kabarkada natin?” tanong ni Claire. “Nope. Hindi naman ako gano’ng klaseng tao, no. Pero, I can’t assure you na hindi nakakahalata ang barkada. Kasi kung ako nga nahulaan ko kahit wala ka namang sinasabi sa akin, ibig sabihin may chance din na maging sila—alam nila ang totoong feelings mo kay Ryan.” Paglilinaw ni Nick. “Huwag mo nalang sana sabihin sa iba, Nick. And besides, wala rin naman akong balak aminin kay Ryan na mahal ko siya.” Pakiusap ni Claire. Nawala ang sigla sa mga mata ni Claire. “Why not?” “Ano pang sense, Nick? Alam ko naman na hindi ako ang klase ng babaeng mamahalin niya.” “How sure are you? Claire, you should tell him and hear it to yourself!” panghihimok nito sa kanya. “Because I know kung sinong mahal niya. Si Lexie ‘yun at hindi ako.” sambit ni Claire sa kanyang sarili. Inangat ni Claire ang kanyang mukha at tinitigan si Nick sa mata. “I just know, Nick. And I know it’s not worth to tell him.” Malungkot na tugon nito sa kanya. Napabuntong-hininga nalang si Nick sa mga narinig niyang salita mula kay Claire. Gusto niya itong i-comfort ngunit hindi niya alam kung paano. Ilang minuto ang lumipas na hindi kumikibo ang isa man sa kanila. “For Mr. Nick and Ms. Claire?” sambit ng service crew ng coffee shop habang papalapit sa kinaroroonan nilang dalawa. Mabuti na lamang at dumating na ang order nilang kape at nabasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “Anyway, thank you sa panlilibre mong ‘to ha? Nag-abala ka pang gumastos, ‘eh ang mahal ng nilabas mong pera kanina pambili ng camera niyo ni Ryan.” Muling pagbubukas ng usapan ni Nick. “W-wala yon. At saka, one month after this, hindi naman na rin kita pwedeng ayain basta-basta. Since you’re gonna be married.” tugon ni Claire sabay bahagyang ngiti kay Nick. Sinuklian naman siya ng matamis din na ngiti nito. “You know, sa makalawa nga, imi-meet na namin ni Lexie yung wedding planner na kinuha namin. Para ma-finalize namin kung ano bang bini-vision namin na set-up ng kasal namin at sa reception.” ani Nick. “Wow, that would be great, Nick! Congrats ulit sa inyong dalawa! H-Happy kaming lahat ng barkada na, sa altar mauuwi ang matagal niyo ng relasyon ni Lexie.” “Thanks so much, Claire!” tugon ni Nick habang patuloy lang na gumuguhit sa kanyang buong mukha ang kagalakang kanyang nararamdaman. Naputol ang usapan nilang dalawa nang biglang tumawag si Ryan sa cellphone ni Claire. (over the phone) Claire: Hello, Ryan? Ryan: Hi, Claire! What’s up? Nakabili ka na ba ng bago nating camera? Claire: Oh, yes Ryan. Nakabili na ako. Ryan: Great! Naku, thank you talaga sa effort mo bes! Claire: Don’t mention it. Ang mahalaga may magagamit na ulit tayo for our next travel vlog. Ryan: Alright! Ahm, Claire, can you come over? Gusto ko lang makita yung bagong camera natin. Claire: You mean, as in now? Ryan: Yes, kung okay lang sana sa’yo. And, meron kasi akong maliit na surprise sayo. Just a token of appreciation for you. Claire: Ikaw talaga, Ryan. Ano ba ‘yang pa-surprise mo? Alam mo namang hindi mo na kailangang gawin yan, ‘di ba? Ryan: Yeah I know. Pero, basta. Just come over. It would be fun! Claire: A-alright, Ryan. Biyahe na rin ako agad papunta dyan. I’ll be there at 7. Ryan: Alright! See you then. Claire: Bye! Ryan: Bye! (end of call) Pagkababa ng tawag, agad na tumayo si Claire at nagpaalam kay Nick. “Ahm, Nick, sorry but I have to go na, baka kasi abutin ako ng rush hour papunta sa bahay ni Ryan.” “No, it’s okay. Actually, yayayain na nga rin sana kita na umalis na, kasi I have afternoon meetings pa ‘eh.” “Ah, I see. Ahm, thanks ulit sa assist mo today, ha? I’ll go ahead...” nagmamadaling paalam ni Claire. “Claire, sandali.” Napalingong muli si Claire kay Nick. “Ahm, about sa nasabi ko kanina. I’m sorry if I became insensitive. I know medyo nasaktan kita kanina. “Ahh, ‘yun ba? Kilala mo naman ako, Nick. Mabilis naman ako maka-get-over. Sa tingin ko nga, sa kanya lang ako nahihirapang magmove-on. Dahil hanggang ngayon hindi ko parin magawang iwaksi siya sa puso at isip ko. Tignan mo nga oh. Isang tawag lang niya, heto ako’t nagmamadali para makapunta sa kanya ngayon.” mahabang paliwanag ni Claire habang patuloy na mababakas sa kanyang mukha ang kanyang mabigat na kalooban. “Sorry to hear that. Though, hindi parin ako magbabago ng stand about that.” Hinawakan ni Nick sa balikat si Claire. “Claire, I mean it. You should tell him. Everything. Before it’s too late. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Ako, kung hindi ko sinubukan magtapat noon kay Lexie, malamang, wala kaming wedding na paghahandaan for next month.” Tinitigang mabuti ni Nick si Claire sa mata. “Tell him. Take courage to confess.” Napabuntong-hininga si Claire. Iniwas niyang muli ang kanyang paningin kay Nick. Iniisip niya kung paano niya maipapaunawa sa kanya ang buong sitwasyon. Tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang balikat at saka muling tiningnan si Nick sa mata. “Nick, thanks for your concern. I really appreciate it. But it’s not that easy. Hindi iyon ganoon kadaling gawin, lalo na sa sitwasyon na meron siya ngayon. At sa sitwasyon na meron din ako. Ibang iba sa sitwasyon na meron kayo ni Lexie. Sorry pero hindi ko lang mai-kwento sayo nang lubusan ang lahat. Pero it’s way harder than you think. Bye Nick. See you soon.” Agad na naglakad palabas ng coffee shop si claire. Naiwang nakatayo si Nick na pinagmamasdan ang malungkot na hitsura ni Claire. Napailing na lang ito dahil sa kinahinatnan ng pag-uusap nilang dalawa. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD