Darling so it goes...
Some things are meant to be
Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you
At ang lahat nga ay naging tahimik at para bang may isang napakagandang anghel na dahan-dahang dumaan habang kumakanta ng isang awiting mula sa puso.
Hayyy ang sarap naman talagang mainlove". wika ng isa sa mga coordinator ng kasal habang pinagmamasdan ang magandang bride na umaawit para sa kanyang naghihintay na groom sa altar.
As she walk slowly... Her groom awaits patiently hanggang sa dumating na nga ang pinaka hinihintay nilang pag tatagpo. Ika nga sa kanta nagkita rin ang ating landas... ngunit sa pagkakataong ito wala ng makakapaghiwalay pa sa kanila.
Sa kabilang dako ng kaganapan, isang nakakakilig na hiyawan ang pumukaw sa atensyon ni April.
Oo, si April na kanina pa natutulog sa isang tabi dahil sa pagod. Paano ba naman kasi boung magdamag itong nag tatrabaho sa paghahanda ng maraming bagay para sa kasalang ito.
Na alimpungatan s'ya dahil sa mga kasamahan niyang kulang nalang ay hanapin si Kupido ora mismo ng sa gayon ay makahanap narin sila ng ka-forever. Napa iling at natawa na lamang siya dahil sa nakikita niyang mga instura na para bang ang lungkot ng mga mundo nito dahil nga sa kawalan ng tinatawag nilang love life, pag-ibig o kung ano mang poncho pilatong tema ng love. She never believe in love.
Hoyyyy! señyorita Madam April aba gising kana pala good morninggg". wika ng isa sa mga ka workmate niyang beki pero kahit na ganon ito mag salita ay mataas parin ang respito niya dito dahil bukod sa mas mataas ang posisyon nito sa kanya eh mag kaibigan naman talaga silang lahat pag walang trabaho na. Kaya naman imbes na mainis ay kinindatan na lamang niya ito at pabirong sinabihan na baka mag ka wrinkles at di na mag ka jowa. Tseee! impaktang to' maganda ako" saad nito ng naka pameywang pa. Nag katawanan na lamang sila at nag apir.
Muling na focus ang atensyon nila sa kinakasal kasi nga exchange of the vows na pala. Lumapit na siya sa ibang mga kasamahan at hindi niya alam kung matatawa ba siya or mandidiri sa mga reaksyon nito na para bang kung pwedi lang mag ka love life agad. Ehhh yikesss lihim niyang utal sa sarili. Para sa kanya hindi kailanman totoo ang pag-ibig sa isang tao. Pwedi lang ito sa pamilya, kaibigan pagiging kapwa tao, sa mga hayop at sa lahat ng may buhay lalo na ang pinaka paborito niyang kalikasan.
Napangiti siya ng matamis dahil excited siya sa weekend. May lakad na naman kasi sila ng bestfriend niya tungo kay Inang kalikasan. Araayy! huli kalbon! aha! may NEVER EVER kapang nalalaman ha eh bakit parang nakita mo na ata si Prince Charming sa ngiti na yan Aber!.
Hindi na siya naka sagot sa haba ng lintaya nito. Bumuntong hininga na muna siya at hinihanda ang sarili upang mag salita pero bago pa akmang bubuka ang bibig ay may humawak na sa balikat niya. Bigla siyang natigilan at napangiti ulit ng matamis dahil ang kanilang head organizer pala ito. Second boss kumbaga kaya bawal mag-asaran sa harap nito.
Nagulat siya ng ngumiti ito sa kanila akala niya kasi maiinis ito dahil oras ng trabaho at dapat ay professional silang tingnan at focus sa work. Kaya pareho silang nagulat at nakahinga ng maluwag nang masilayan ang mga ngiti ng kanilang head organizer. Sa isip niya Ah baka inlove din ito. Ngumiti siya at inirapan ng palihim ang baklang coordinator dahil muntik na silang mapahamak dalawa.
Nagsimulang magsalita ang kanilang second boss na tinatawag nilang Ms.En at tulad ng inaasahan isang mahabang lintaya nga ang pinagsasabi nito. Isang himala nga ang magsalita ito ng ganun pero dahil nga na inspire ito sa masayang kasalan na obviously puno ng pagmamahal. Isang okasyon na kailanman ay hindi niya mararanasan. Pigil ang ngiti niya pero mas gusto na niya talagang matawa sa mga pinagsasabi ng boss nila habang nakatanaw sa bagong kasal nang biglang bumaling ang tingin nito sa kanya. Kinabahan siya bigla buti nalang ngumiti ito sa kanya na para bang nanunukso. Mukhang alam na niya ang mga susunod na kaganapan at hindi nga siya nagkakamali.
Oh Ikaw April kailan ka naman magmamahal? hindi ka ba talaga naniniwala sa nakikita mo ngayon? napaka sarap ma inlove lalo na kung tunay at wagas na pag-ibig.Yung tipong unconditional love at Hindi pansamantala kundi pang habang buhay...
Gusto na sana niyang humalakhak ng malakas ngunit hindi niya magawa dahil nga boss niya ito. Nahawakan na lamang niya ang tiyan dahil kundi eh baka nga di na niya mapigilang tumawa. Ngumiti na lamang siya sabay sabing hindi po eh. Hindi po talaga... Sorry". maiksi ngunit madiin niyang sinabi dahil nagawa pa niyang umiling.
Nagulat siya ng tapikin na naman ang kanyang balikat ng beking coordinator sabay hindi ngayon pero humanda ka pag dumating yun kasi nga darating talaga yun! tse! apaka bitter! lintaya nito sa kanya at saka umirap pa. Ngunit sa kalooban naibulong niya na walang sino man ang pweding gumimbal sa nanahimik niyang puso. Guarding her heart at all cost...At napangiti ng sobra dahil sigurado siya na walang pweding lalaki na pumasok at manggulo sa nanahimik niyang mundo.
Ngunit kagaya nga sa isang novela na nababasa niya sadyang mahiwaga talaga ang pag-ikot ng mundo at hindi mo alam kung anong mangyayari sa hinaharap... Pag-ibig nga naman napaka matalinghaga at puno ng sorpresa...