Sari was busy examining a sample from the microscope. It was the heart of a 20 year old whale that suffered from suffocation due to underwater wastes. She wrote down her observations and reports with regards to the sample. Naka-suot siya ng laboratory gear. Since hindi pa naman siya pwedeng sumama sa field ay sa laboratory muna siya nakatuka.
Before the accident, Sariyah was part of the team who dived deep down at the ocean. Kasama siya sa mga divert researcher ng team. Pero nga, dahil hindi siya pwede pa sa mga vigorous works ay sa center na lamang muna siya.
Sari likes it when she's submerging underwater. It gives her a relief that she can have contacts with fishes and other underwater organism. It brings her another set of fulfilment everytime she swims. It gives her another form of satisfaction.
Dahil naka-focus siya sa ginagawa, hindi na napansin ni Sari ang katrabaho na si Rex na pumasok sa loob ng laboratory room nila.
"Someone's looking for you outside."
Napaigtad si Sariyah dahil sa biglaang pagsulpot ng boses na iyon. Muntik niya pang masagi ang ibang sample sa lamesa dahil sa gulat.
"Holy shít!" Gulat na sigaw ni Sari at hinarap ang nag mamay-ari nang boses na iyon. "Hayop ka, bakla! Ginulat mo naman ako!"
Bigla naman na alerto ang binata at dali-daling tinakpan ang bibig ni Sari.
"Gaga ka! Baka may makarinig sa 'yo!" Mahinang wika nito pero mariin iyon na ani mo'y pinapagalitan siya. "Don't call me bakla when we're here at work!"
"Ikaw kasi, eh! Ginugulat mo ako!" Sambit ng dalaga nang tanggalin ng binata ang kamay nito na nakatakip sa kanyang bibig.
Rex her friend— is a straight guy who also likes men at tanging sila lang dalawa ang nakakaalam sa sekretong iyon. Rex just came out recently. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito magawang lumantad sa iba pa nilang mga katrabaho dahil natatakot itong mahusgahan ng ibang tao.
May itsura naman talaga si Rex. Maganda ang pangangatawan dahil nag-gi-gym ito araw-araw. Maputi ang balat nito at magandang lalaki talaga. Pero nga lang, lalaki din ang tipo.
Lahat na talaga ng mga pogi ngayon, pogi din ang hanap.
Aminin man natin, may magsisitaasan talaga ang kilay pagdating sa same séx relationship. Madali lang para sa ibang tao ang manghusga pagdating sa ganoon usapin. Marami ang tutol at hindi sang-ayon sa ganon na relasyon at 'yon ang kinakatakot ng kaibigan. At iyon din ang rason kung bakit itinatago nito ang tunay na kagustuhan.
"Ayy wow naman," nakataas kilay na sabi ni Rex. "Talagang ako pa ang sinisi. Ikaw nga itong bingi tapos ako pa sinisi mo. Kanina pa kaya kita tinatawag dito."
Mahinang natawa si Sari. Umarte kasi itong si Rex bilang babae at inipit pa ang boses nito para magtunog matinis.
"Sorry naman." Sari said between her chuckles. "I was on my full focus with my laboratory. Na-miss kong magtrabaho, eh."
"Yeah, yeah, na miss mo na," Said Rex while waving his hands to the air, dismissing the thought. "Pero labasin mo na ang bisita mo doon at kanina pa iyon naghihintay sa labas. Ayaw pumasok kahit pinapapasok na ni Doc. Quizon. Sa labas lang daw siya at doon ka nalang hihintayin."
Tumaas naman ang kilay ng dalaga. Wala naman itong inaasahan na bisita kaya nagtataka ito kung sino ang naghahanap sa kanya.
Hinabad niya muna ang surgical gloves na suot at tinapon iyon sa basurahan nila ay sabay na lumabas sa laboratory room kasama ang kaibigan nitong ni Rex.
"Oh, you're here," bungad kaagad ni Doc. Quizon kay Sari nang makita ito sa pasilyo. "That man outside was waiting for you. I told him to just wait for you inside and he insisted that he'll just wait for you outside." Umiling-iling pa ang ginang na doktor. "That's the real man you've got, Ms. Villaruel. Such a lucky woman."
Napapantistukuhan naman si Sari. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ng doktor. She doesn't have an idea who it was.
"Hindi naman siguro si Bry, ano?" Tanong ni Sari sa kanyang sarili. "Busy 'yon kaya hindi iyon pupunta sa center—"
And Sariyah's words were cut off when she saw a handsome looking man leaning on against its car and waiting patiently.
Matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi at tinakbo ang distansya papunta sa lalaking naghihintay sa kanya sa labas.
Siguro ay nakaramdam ito kaya nag-angat ito nang tingin.
"Baby, don't run. You might strip." Malumanay at mahinang saway ng binata sa nobya nitong tumatakbo papunta sa kanya.
"Hi, handsome." Bati ni Sari sa nobyo ay mahigpit itong niyakap.
Bryson stifles a sexy chuckle and hugs back his adorable girlfriend. Daliang nawala ang pagod ng binata nang makita ang masaya at magandang mukha ng pinakamamahal nito.
"How's your day, baby?" Bryson asked, gently. "Good?"
Biglang sumimangot si Sari. "The work is fine."
"Your voice doesn't sound fine," pansin ng binata. "Did something happen at work?"
"I'm sad,"
Kinalas ng binata ang yakap nila at iniangat ng dahan-dahan ang mukha ng dalaga para magtagpo ang kanilang paningin.
"Why is my baby sad?"
"Because this baby can't see her lover whenever she's at work, that's why she's sad." Parang bata na sumbong ni Sariyah sa nobyo.
One thing she likes about Bryson is he lets her act like a baby. Sariyah was naturally clingy and so is he. He let Sariyah be childish at times, she's adorable nonetheless, so it's fine.
Sariyah was acting all cute now. Kaya pinisil ng binata ang pisngi ng dalaga.
"Wanna go to our hide out?" Nang iinganyong tanong ng binata sa dalaga habang may ngisi sa labi. "It's lunch break so we have time. I did prepare our food so we could go there to have some picnic date. Tara?"
Well, wala naman problema sa schedule ng dalaga. Wala din naman siyang masyadong gagawin sa center.
Sariyah smile at her boyfriend, lovingly.
"That's sounds so inviting," nagkunyaring nag-iisip ang dalaga kung sasama ba siya sa lakad pero ang totoo naman talaga ay willing siya.
"So? Wanna come?" Tinaas-taas pa ni Bryson ang kilay nito.
Natawa naman ang dalaga doon. Minsan talaga itong boyfriend niya ay may pagkapilyo minsan.
"Ahm..." Umaktong nag-iisip si Sariyah. "Sige na nga."
Sabay na natawa ang dalawa kahit wala namang nakakatawa. They look really inlove. By how those eyes gaze at each other, people could say that the two were in love and in cloud nine.
Talagang mapapa sanaol ka nalang talaga.
Nag paalam muna si Sari sa kanyang boss na aalis muna siya at baka ma-late ang pagbalik. Um-okay naman doon ang may-ari ng center na si Doc. Quizon.
And the two continue their way to forever.
Sa mga oras na iyon ay masaya silang dalawa. Walang pagsidlan ng galak ang dalawa dahil sa wakas ay sa haba-haba man ng araw, sila pa din dalawa ang magkasama.