Chapter 06

1362 Words
Both Sari and Bry were jamming the music being played on Bryson's stereo. Sinasabayan nilang pareho ang kanta dahil wala naman ibang tugtog ang pini-play nila kundi ang favorite song nilang dalawa. They both sing along. Well, maganda naman talaga ang boses ni Bryson, hindi iyon mapagkakaila. Minsan na nga'ng napilitan na sumali sa pageant itong si Bryson nong event nila sa school dahil ito ang representative ng department nila at kumanta ito doon, may isa nga'ng entertainment company ang nag-over dito para maging singer pero tinanggihan iyon ng binata. Bryson may have grown up in a family of politicians but he doesn't like publicity. Kaya minsan lang mahagilap ang binata kapag may social gatherings. Ipinadara ng binata ang sasakyan sa harap ng isang abandonadong mansion. Kahit na walang may nakatira at hindi naalagaan ang lote ay hindi iyon masukal. Malaki ang mansion at halata na mayaman ang dating nag mamay-ari sa bahay. Dito ang sinasabi nilang hide out. They always came here for dates. Tahimik kasi ang lugar dahil malayo ito sa ibang kabahayan. Sa likod kasi ng mansion ay may malawak na lawa doon at iyon ang paborito nilang tambayan kahit noong kolehiyo pa sila. They accidentally discovered this abandoned place. Mula noon ay palagi na silang bumabalik at ginagawa na nilang tambayan ang lugar. Sa gilid kasi ng lawa ay may malawak na garden at punong-puno iyon ng iba't-ibang klase ng bulaklak. Malinis din naman ay bahagi niyon ng mansion. Sariyah breath out as she stared the magnificent scenery in front of her. This place really feels so majestic. Tahimik at payapa. "It's been a month since our last visit here." Ani Bryson at yumakap sa likod ng dalaga. Nakatayo sila sa harap ng lawa at nakasilong sila sa ilalim ng malaking puno na pumi-protekta sa kanila sa init na dala ng araw. "Hmm," Sariyah answered in hum. "Na-miss kong tumambay dito." Dahil sa recovery mula sa pagka-aksidente nila ay hindi na nila pa nabisita ang kanilang hide-out. "Yep," Bryson said and kissed the top of her head. "We need to clean our garden. May mga damo na. Natatabunan ang ganda ng mga tinanim mong bulaklak." Dahil sa sinabi nang binata ay napatingin naman sa gilid ng lawa kung nasaan ang garden. And it's true, may mga kunting damo na nga ang tumu-tubo doon. "We should have our lunch now Bry, so we could clean the garden." Sambit ni Sari habang nakatingin sa garden. "Sayang ang ganda ng mga bulaklak kung maraming damo sa paligid." Ilang taon na ang lumipas simula nang ginawa nila na tambayan ang lawa sa abandonadong mansion pero ni isang beses ay hindi pa nila nakakasagupang palad ang may-ari ng abandonadong mansion na iyon. Dahil naman palagi sila doon ay nakaugalian na nilang pareho ang linisan ang parte na iyon ng mansion. Nagtatanim din ng mga rosas ang dalaga pandagdag sa mga bulaklak nang nakatanim doon. "I'll get the food. Just wait here." Hinalikan muna ng binata ang girlfriend nito bago inayos ang kanilang baon. Naglatag ng picnic blanket si Bryson sa damuhan at doon inilagay ang pagkain na dinala nito para sa lunch nila. Sumabay ang ganda ng panahon sa kanila. The sun was shining brightly. Hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. They both converse casually as they eat their lunch. "Sino kaya ang may-ari nito, ano?" Sari asked out of the blue. "Ang ganda-ganda pa naman ng lote na ito tapos pinabayaan lang." Pinasadahan pa ni Sariyah ang kabuohan ng lugar. Unang kita palang talaga niya sa lugar ay nabighani agad siya. Tahimik lang kasi ito at hindi masyado lantad sa karamihan. Perfect location for her dream house. "I was wondering, too," tugon naman ng binata sa dalaga habang sinasalinan ang baso nito ng juice. "I even asked Dad about the owner of this property but he said he didn't know who it was. Matagal na daw talaga itong abandonado." "Nasasayangan talaga ako sa bahay na 'to," sambit ng dalaga. "I want to have this lot for future needs. I want to live in a place like this." Tukoy ni Sariyah sa lugar. "Tahimik lang, walang makikialam na kapitbahay," Sabay na natawa ang dalawa sa huling sinabi ng dalaga. "Pwedeng patayuan ng bahay." Tumango din ang binata bilang pagsang-ayon. It's true. Maganda nga ang lugar na ito. "You want to build our house here once we get married?" Tanong ni Bryson sa dalaga. Sariyah nodded in response and eat her food. "Then, consider it done," masiglang ani ng binata sabay halik sa labi ni Sari. "I'll asked help to Dad and lolo to find the owner of this land. Papag-ipunan ko para mabili ko ang lupa na ito. Dito natin ipapatayo ang dream house mo tapos ako ang magiging engineer." Bryson, swear and smile. "I'll work hard to give you everything you want, love. I'll give you everything you deserves." Napalabi naman si Sari dahil sa sinabi ng kasintahan. Napaka-thoughtful talaga nitong nobyo niya. She's very lucky to have Bryson beside her. Even for a simple matter that Bryson does makes her heart flutter and warmth. Hindi niya kayang ma-picture out ang future niya na walang Bryson. Mababaliw siguro siya kung hindi sila ang magkakatuluyan. Hindi niya naiimagine na ang sarili na may ibang lalaking makakasama kundi si Bryson lang. Sariyah hugged her boyfriend or must say her future husband? Well, si Bryson naman talaga ang lalaking gusto niyang makasama sa pagtanda. Kung hindi si Bryson ang mapapangasawa ko, huwag nalang! Mas pipiliin niyang maging single nalang habang buhay kung hindi si Bryson ang makakatuluyan niya. "Thank you for always making me feel loved, Bry..." Puno nang pagmamahal na sambit ni Sariyah habang yakap ang binata. "I'm such a lucky person to have you. I'm the luckiest woman on earth because I have a dependable and loving man like you." Bryson hugged back his girlfriend. "And I am such a lucky man to be called your boyfriend, love. Mahal na mahal kita, sobra." Sariyah was touched. Sino ba naman kasi ang hindi magiging masaya kung may kapareha ka na kapakanan mo palagi ang inuuna. "I'll do all the means to give you the life you deserve, my love." Pahabol na na wika ni Bryson. Si Sari naman ay naiyak dahil sa sobrang galak. She couldn't contain herself. Kumalas ng yakap ang dalaga at tumingala ito sabay singhot. "You're making me cry, mahal." Humalakhak naman ang binata at pinunasan ang mata ng dalaga. "That's how much I love you, Ms. Villaruel," and Bryson suddenly has this naughty grin on his lips, "or should I say, Mrs. Galvez?" Itinago naman ng dalaga ang kilig nito. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilin ang ngiti na sumilay. Pinalo ni Sari ng marahan ang braso ng binata at pinagtaasan ito ng kilay. "Stop teasing me, Bryson Galvez!" Pagalit na wika ng dalaga pero ang totoo, kinikilig talaga ito. Bryson chuckled and teased Sariyah even more. He likes seeing his girlfriend's flustered face. "I'm not teasing you, my Mrs. Sariyah Coleen Villaruel Galvez." Ani ng binata sabay taas-baba ng kilay nito at sinundot-sundot ang kanyang tagiliran. Pinalo naman ni Sariyah ang kamay ng bunata. Bukod sa nakikiliti siya ay hindi niya kayang lanindigan ang pagkukunwari na galit. Tinalikuran niya ito at umusog palayo dito. "Kumain ka nalang diyan, Bryson." Aniya. "Sus, naman, galit-galitan naman ang mahal ko na 'yan," parang bata na sambit ng binata sabay lapit sa dalaga. "Aysus, naman... Ang baby ko tinutoyo agad." Umusog ulit ang dalaga pero lumapit lang ang binata sabay sundot sa kanyang tagiliran. "Ano ba, Bry! Nakikiliti ako." Matigas na wika ng dalaga habang may tinatagong ngiti sa labi. "Kumain kana nga lang sabi, eh. Lilinisan pa natin ang garden ko!" "Opo, Mrs. Galvez ko," nang-aasar na tugon ng binata. "Stop calling me that!" Usal ng dalaga at umusog palayo. "Opo, Mrs. Galvez," tugon ng binata at umusog din palapit sa dalaga. "Bryson, tumigil kana." "Okay po, Misis ko." "Isa, Bryson!" "Dalawa, Misis—" "Bryson!" Tuwing umuusog ang dalaga ay umuusog din papalapit dito ang binata. Their lunch was filled with laughter and teasing. Ganon ang naging tanghalian nila. Usual scene for people whose inlove— like them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD