Pagkatapos nilang mag-lunch ay ang garden naman ang inaatupag nang dalawa. At dahil mahilig tumambay sa lawa ay meron na silang gardening tools doon. Binili nila iyon para panlinis nang garden kapag tumatambay sila sa kanilang hideout.
Chirping birds and their laughter filled the entire place. Nag-aasaran ang dalawa habang nililinis ang kanilang garden. Minsan kapag sila lang dalawa ang magkasama ay sobra nilang saya.
They're very happy to the point that it makes Sari anxious. Naniniwala kasi siya na lahat nang saya ay may kapalit. Lahat nang saya ay mauuwi sa lungkot. And she's afraid of what it might be.
"I think we need to buy more seedlings, love. Medyo matanda na ang ibang bulaklak dito. Kailangan nang palitan." Suhesyon ni Bryson habang tinatambak ang mga nakuhang damo.
"Manghihingi ako kay Mommy. Madami ang tulips bulb ni Mommy sa greenhouse namin."
"I'll try finding some varieties of flowers, too. Maganda kapag iba-iba ang bulaklak na itatanim natin."
A happy smile made its way to Sariyah's lips. Masuwerte siya dahil suportado siya nang nobyo sa kahit anong trip niya. Laking pasasalamat talaga ni Sariyah na si Bryson ang kanyang naging boyfriend.
"Punuin natin nang bulaklak ang lugar na ito." Nakangiting pahayag ni Sariyah. "Hindi naman siguro magagalit ang may-ari ng lupa na ito kung hanggang sa kabilang parte ay taniman pa natin ng bulaklak."
"This land will be ours soon, Love." Bryson surely stated. "This whole place will be yours. This will be your own, I'll make sure of that."
Biglang bumilis ang tíbok nang puso ni Sariyah. Hindi maitago ang kilig kaya nilapitan niya ang binata at pinatakan ng halik sa labi nito saka yumakap sa leeg nito.
"Thank you, Mahal."
"Anything for my princess."
Araw-araw kapag silang dalawa ang magkasama ay palagi silang masaya. Bryson being the responsible boyfriend and Sariyah being the girlfriend that decides for everything. Such a perfect much.
Pabalik na ulit ang dalawa sa Quizon Research Center for Marine life. As usual hatid sundo si Sariyah ni Bryson.
"Oh, that's great. You should go for it, Bry. That would help your career." Komento ni Sariyah nang ikwento ni Bryson ang offer nang boss nito sa trabaho.
"Yeah, I thought of that too,"
Kumunot ang noo ni Sari. "You don't look happy with it."
Huminga nang malalim si Bryson. "The project is in Pangasinan. It's too far. Hindi kita makikita at mababantayan araw-araw."
"Oh, don't you dare, decline the offer, Bry..." May banta sa boses ng dalaga. "Go grab that project, please. Malaking opportunity iyon. Sayang naman kung hindi mo kukunin. I will be sad if you'll turn down that project just because of me."
"It's you who's my priority—"
"I know that, Bry. Pero sayang naman kung hi-hindi ka. Marami ang nagpapakahirap makakuha ng malaking kliyente diyan na baguhan tapos ikaw na may dumating na pagkakataon, hi-hindian mo lang?"
May nag-offer kasi na project kay Bryson. It's a big project. Malaking opportunity na yon para sa binata na kaka-graduate palang sa kolehiyo at wala pang masyadong experience. Though, Bryson graduated with flying colors in Engineering but work field is different from what's taught at school.
It's hard to build a name in engineering department because of its competency. Maraming magagaling na Engineers ngayon kaya mahirap makahanap ng kliyente na malaki ang tiwala sa 'yo.
Mukhang nag-isip nang malalim ang binata dahil hindi muna ito nakasagot. Ilang minuto muna ang lumipas bago tumugon si Bryson.
"I'll think of it."
It's more fine with Sariyah. "Please, consider it, Love. Sayang ang opportunity."
"I will..."
"Thank you,"
Inabot ni Bryson ang kamay nang dalaga at dinala ito sa labi para patakan ng halik ang likod ng palad nito.
"I love you, baby..."
"Me too, I love you, Bry."
Hindi nagtagal ay nakatating din sila sa center. Nagpaalam muna si Bryson bago umalis. Pupuntahan pa kasi nito ang construction firm na pinagtatrabahuan para alamin ang tungkol sa project nito.
"Good afternoon, Doc." Magalang na bati ni Sari kay Doc. Quizon, ang may-ari nang research center na pinapasukan niya.
"You're already here...."
Nakasuot nang laboratory gown ang doktor at may binabasa na dokumento sa lamesa nito.
"Is there anything I could help you, Doc?"
"Stop the formalities, hija. I'm your Ninang. Call me that way." Doc. Quizon, smiles.
Doktora Quizon is one of her hundreds Godmother. Dahil nga sa dami nang Ninang at Ninong niya ay hindi niya na tanda ang iba. She came from well-off family, hindi na kataka-taka iyon.
"Okay, Ninang may maitutulong ba ako sa 'yo?"
"I'm fine," ngiti ng ginang. "Just do your thing at the Lab. Nandoon din si Rex. He is analyzing the samples brought by our divers earlier."
Tumango na lamang ang dalaga saka nagpaalam at tumungo ng laboratory nila for examination. Nakita nga doon ang kaibigan na si Rex na abala magsulat sa papel nito habang tumitingin sa microscope.
Hindi na inistorbo ni Sari ang kaibigan. Dumeretso nalang siya sa station niya at pinagpatuloy ang pagsusuri sa trabahong naiwan niya.
Sa bawat galaw nang dalaga ay malalaman mo na mahal nito ang trabaho. Bata palang talaga ay gusto na nitong maging marine biologist kaya nagsumikap siya. She's very much lucky that her family was very supportive plus may bunos pa siyang boyfriend na sobrang bait at maalalahanin.
Hapon na nang matapos ang trabaho ni Sari. Hindi na siya nagulat nang makita si Bryson na naka-abang sa kanya sa labas ng research center.
Bryson is sitting on the car's hood, handsomely. Matiyagang naghihintay. Seryoso ang mukha nito at walang ka ngiti-ngiti sa labi pero agad din lumambot nang makita siya nito.
He's eyes were fixed on her like she's the only person he could see.
"You're so beautiful..." He said like he's being enchanted by some sorcerer.
"I already know that, duh," biro nang dalaga at humalik sa labi ni Bryson na kaagad din naman nitong tinugon.
"Love the confidence..." Halakhak ni Bryson saka pinagbuksan ng pintuan ng kotse ang dalaga.
Imikot patungong driver seat si Bryson saka agad-agad na pinaandar ang kotse nang makasakay ito.
"How's work? Napagod kaba?" Tanong ni Bryson habang nakatutok ang mata nito sa daan. Nakapatong ang palad nito sa hita ng dalaga at marahan iyon na pinipisil.
"Sa laboratory lang ako tumambay maghapon kasama si Rex. May inaral kaming samples."
Agad naman napatingin si Sari kay Bryson nang maramdaman niyang natigil ang pagpisil si Bryson sa kanyang hita.
"You okay?"
Sumulyap si Bryson sa dalaga saka ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Rex... Lalaki?"
Kumunot ang noo ni Sari dahil sobrang lalim ng boses ni Bryson. Madalim ang mukha nito at parang galit ang hitsura.
"Ah, yeah... He's my workmate."
"Kayo lang dalawa ang magkasama kanina?" Patulong na tanong ni Bryson.
"Yeah, kami lang. Pero may ibang tao naman sa center. Kami lang talaga ni Rex ang tumambay sa laboratory kanina."
"I see..." Malalim na wika ni Bryson. "Tell me, pinupormahan kaba ng lalaking iyon? Is he interested in you?"
After hearing his words Sariyah, burst out a laughter. Naintindihan niya na kung bakit parang galit ang mukha ng boyfriend.
He's jealous!
Minsan lang magselos si Bryson sa ibang lalaki kaya sumasaya si Sari kapag nagkakaganito ang nobyo.
"Love, I am out of his league. Wala ka dapat ika selos kay Rex. Hindi 'yon pagkaka-abalahan ang ganda ko."
Bryson snorted, "he's still a man."
Mas lumakas ang tawa ni Sari.
And he also likes men.
Isasagot sana ni Sari sa nobyo pero hindi niya ginawa. She's respecting Rex' privacy.
"Oh, baby, even Rex is a man, he's not gonna hit on me. Hindi ako matitipuhan ni Rex. We're really just friends. Hanggang doon lang 'yon."
Hindi parin nagbago ang mukha ng binata. Gamit pa rin ito at mukhang nagseselos nga. Kaya naman tinanggal ni Sari ang seat belt saka tumingkayad para halikan ang pisngi ni Bryson.
"Stop, worrying over nothing, love. Ikaw lang ang tanging lalaki na para sa akin. Wala nang iba."
Doon lang nagbago ang ekspresyon ng binata. Bryson heave a sigh and reached her hand to kiss it.
"I'm sorry for getting jealous..."
"Don't be apologetic about it, Bry... It's okay to be jealous." Pinisil ni Sari ang kamay ni Bryson. "Masaya nga ako na nagseselos ka, eh. Ibig sabihin kasi no'n ay mahal mo ako. I'm happy every time you get jealous."
"I always love you, Sariyah. Every dàmn seconds." Muling hinalikan ni Bryson ang kamay ng dalaga. "I love you every moment that passes, Love. Always remember that."
"And I love you the same way as you do, Bry."
Ngumiti ang binata. "I guess we really love each other."
"Because we are!"
Humalakhak ang binata. "Yeah, we're sick of each other."
"I hope this won't end. I wish we could live together way longer than our life span. Gusto kitang makasama ng matagal."
"I, too, baby. Gusto kitang makasama nang matagal. I would willingly defy deàth just to live with you."
But guess life really has surprises. Habang patagal nang patagal ang pagsasama nila, ganon nalang ang kaba ni Sari dahil baka bawiin sa kanya ang kasiyahan.
Ihahanda ko na lang ang sarili ko para sa mga mangyayari pero ngayon, magiging masaya lang muna ako. Saka ko na iisipin ang hinaharap dahil nasa kasalukuyan pa naman ako.