Sa mga nagdaang araw ay hatid-sundo si Sariyah ng nobyo, maliban sa araw na ito. Wala si Bryson dahil nagtungo itong Pangasinan para tingnan ang project na in-offer sa kanya.
This is another accomplishment for her. Minsan kasi dahil sa sobrang maalaga si Bryson sa kanya ay hindi niya na minsan nagagawa ang mga bagay-bagay na dapat ay ginagawa niya.
Tulad nalang ng pag-drive ng kotse.
Ipinarada ni Sari ang sasakyan sa harap ng research center. Mataas ang sikat ng araw ngunit hindi iyon masakit sa balat.
"Thank you Lord, for another day..." Wika ni Sari saka bumaba ng kotse. Kunti palang ang tao na nandoon sa center nila. Alas-syete palang kasi ng umaga. Alas-otso naman talaga ang pasok niya sa trabaho sadyang gusto niya lang pumasok ng maaga.
"Good morning po, Ninang." Bati ni Sari nang makapasok siya sa opisina nila at nadatnan ang kanyang Ninang na may binabasang papel.
"Ang aga mo ngayon, ah..." Nakangiting saad ni Doc. Quizon. "At parang ang saya-saya mo. What's the matter?"
Naglakad si Sari papunta sa kanyang desk.
Lumapad ang ngiti ni Sari sa labi. "Masaya lang ako dahil nagkapag-drive din ako sa wakas. Palagi kasing si Bry ang sumusundo at naghahatid sa akin kahit saan ako pumupunta kaya, eh. I'm just happy I drove on my own today."
"Nasaan ba ang boyfriend mo ngayon?"
"He's in Pangasinan po. They're gonna visit their next project. They have their new client there."
Tumango-tango ang ginang. "I see. That's good."
"Yes, I'm happy for him. It's his first project if ever he would accept it. Nagdalawang isip kasi kung tatanggapin niya. Nalalayuan siya sa lugar."
"Sa galing at talino ni Bryson, kahit hindi niya tanggapin ang project na iyon ay malamang madami pa ding darating sa batang 'yon. He's good in his field, kahit kaka-graduate niya lang at wala pang masyadong experience."
"He really is Ninang. I'm a proud girlfriend here."
Sang-ayon din si Sari doon. Habang nasa koliheyo sila ay nagpa-part-time job ito sa construction firm nang kaibigan ng Daddy nito. May nagawa na itong dalawang project at masasabi mo talagang magaling ang binata.
Bryson is the only Engineer in his family. Lahat kasi nang pamilya siya ay Politika ang gusto.
Sari spent her time reading the results of her conducted study and on the laboratory.
"May lakad kaba mamaya, Sari?" Tanong ng kaibigang si Rex. Nasa laboratory silang dalawa. May ibang tao sa kanilang laboratory.
"Bibisita lang ako mamaya sa hospital for my Regular checkups. Why?"
Bumuntong hininga ang lalaki. "Samahan mo akong magwalwal mamaya. Broken hearted ako."
"Kaya pala ang tamlay-tamlay mo kanina." Napansin kasi iyon nang dalaga simula nang pagpasok ng kaibigan. He looks so down. "Okay, samahan mo nalang ako sa hospital tapos sasamahan kita saan mo gusto."
"Nasaan ba ang tanod na sunod nang sunod sa 'yo?"
Naguguluhan na tumingin si Sari sa kaibigan. "Huh? Sinong tanod?"
"Boyfriend mo malamang!" Bulalas nito. "Girl, grabe makabakod 'yon sa 'yo. Akala mo naman talaga may magtatangka pang lumapit sa 'yo kung ganon siya makadikit."
Malakas na tumawa si Sariyah dahil doon. "Ganon talaga kapag maganda. Binabakuran."
"So, anong ibig mong sabihin? Na pangit ako kasi walang bumabakod sa akin?"
"Hindi, ah. Ang sinasabi ko lang, kaya walang bumabakod sa 'yo kasi mukha ka nang bakod."
"Aba! Pasmado 'yang bibig mo, ah!" Hindi makapaniwalang tugon ni Rex.
Humagalpak nang tawa si Sari kaya napalingon sa kanilang deriksyon ang lahat ng tao sa kanilang laboratory. Nahawa nalang din si Rex sa tawa ng dalaga.
"Abantihin mo nalang iyang ginagawa mo babaita ka para makaalis tayo ng maaga. Magwawalwal ako ng to the max ngayon."
Pinagpatuloy naman si Sari ang ginagawa pero tumatawa-tawa pa rin ito. Rex had a boyfriend, patago nga lang kapag lumalabas ang dalawa. Hindi pa kasi nag-a-out si Rex. He's afraid to be judge by others. Marami pa namang tao ang hindi tanggap ang mga kagaya nila.
Nagpaalam sina Rex at Sariyah na mag-half day lang. Pinayagan sila ni Doc Quizon dahil maging ito ay may importanteng lakad din kaya maagang nag-out ang lahat.
Sasakyan na ni Sariyah ang gamit nila. Siya ang nagmamaneho at si Rex naman ang nasa passenger seat.
Papunta silang hospital para sa regular check-up ni Sariyah. She still needs to be monitored. Kaya required sa kanya na bumisita sa doktor every after two weeks.
"So far, so good, Miss Villaruel. Your body is restoring the damage tissues on its own. Good signs but still, don't over strain your body. Bawal ka pa rin gumawa ng vigorous works baka mabinat ang katawan mo."
Sariyah was happy to hear it. At least, paunti-unti nang bumabalik sa ayos ang katawan niya.
"Yes, Doc. Thank you po."
"Don't forget to take your meds. It will help you to fasten your recovery." Ani nang doktor saka may ibinigay sa kanyang resita. "This is your new medicine receipt. Binabaan ko na din ang dosages ng gamot mo. Kapag maubos mo na ang dati mong gamot, use this. Ito na ulit ang bilhin mo kapag naubos na ang dati kong niresita sa 'yo."
Tinanggap naman ng dalaga ang papel saka ngumiti. "Copy that, Doc. Salamat po ulit."
May ngiti sa labi ng lumabas si Sari sa office ng doktor. Nakita naman niya ang kaibigan na mataman naghihintay sa kanya sa labas at mukhang may ka-text ito sa cellphone.
"Hey, it's all done. Tara na?"
Agad naman na tumayo ang lalaki at isinuksok ang phone nito sa bulsa. "How's the check up? All good?"
Nag-uusap ang dalawa habang naglalakad patungong elevator.
"Yes, slowly getting better." Ani Sariyah. "So, saan ang next stop natin? Bar or Café?"
Bumuntong hininga si Rex. "Gusto ko magbar para magwalwal."
"Then let's go to bar! Sasamahan kita para i-celebrate ang wasak mong puso."
"Paano ka? Hindi ka naman pwedeng mag-inom dahil may gamot kang iniinom."
"Gaga! Hindi naman ako mag-iinom. Sasamahan lang kita. I'll be your guard for today." Sariyah smile.
"Sige. Pero magpaalam ka muna sa tanod mo. Baka majumbag ako dahil sinama kita sa bar. Marami pa namang lalaki doon."
Natawa si Sari. "Yep, I'll text him later. So, ano? Tara?"
"Yep! Let's G!"
Sariyah drove off to the nearest bar in the city. Ang sumasayaw na mga ilaw ang unang sumalubong sa kanila nang makapasok sila. Maraming nag momomol sa gilid, sumasayaw sa intablado na parang mga ibon na kakalabas palang sa hawla. Mausok sa loob at maraming tao. Naghahalo-halo na ang amoy sa loob.
Napili nilang kunin ang table na malayo sa mga tao. Magwawalwal lang naman daw si Rex at hindi sasayaw. Nag-order ng isang bucket ng beer si Rex habang si Sari naman ay juice lang. Sasamahan lang talaga niya ang kaibigan.
Nagpadala din siya nang mensahe sa magulang at nobyo niya.
From: Mommy
Okay. Huwag ka lang magpapagabi.
Reply ng kanyang ina nang sabihin niya na nagbar sila nang kaibigan. Walang reply mula kay Bryson kaya ibinalik nalang ulit ni Sari ang cellphone sa bag.
Hindi pa nangangalahati ang bucket ng beer ni Rex nang nagsimula itong umiyak.
"Napakagago mo! Putangina mo!" Sigaw nito habang dinuduro-duro ang picture sa cellphone nito. "Makarma ka sana sa ginawa mo! Hayop ka! Napakapangit mo! Manloloko!"
Sariyah doesn't get the same sentiment with Rex. First boyfriend niya si Bryson at hindi pa siya naloko kaya hindi niya alam paano pakalmahin ang kaibigan.
"Gago! Hindi mo manlang pinaabot ng anniversary ang relasyon natin! Napakagago ng putek! Ako na nga nagpaaral sa 'yo tapos may gana ka pang buntisin ang ibang babae! Napakagago!"
Hinagod-hagod lang ni Sariyah ang likod ng kaibigan. Umiiyak ito at panay mura sa dati nitong kasintahan. His six month boyfriend impregnated another woman. Ito ang rason kung bakit broken hearted ang kaibigan.
Ilang oras pa silang namalagi sa bar. Nang makita ni Sari na lasing na lasing ang kaibigan ay saka lang sila umiwi.
Nagpatulong si Sari sa isang bouncer para alalayan ang lasing na kaibigan. May kabigatan kasi ang kaibigan.
"Ma'am, hanggang dito nalang po ako. Kailangan din po ako sa loob dahil may nagsuntukan daw po." Wika nang bouncer habang may kausap ito sa walkie-talkie.
"Sige po, kuya. Thank you po."
"Sige po, Ma'am. Ingat po."
Napangiwi naman si Sari dahil lahat ng bigat ng kaibigan ay napunta na sa kanya. Medyo malayo pa ang sasakyan nila.
"Dàmn! Why are you so freaking heavy!" Reklamo nang dalaga habang inaalalayan ang kaibgan na pasuray-suray kung maglakad.
"Sheksy kaya ako!" Lasing na wika ni Rex.
"Napakabigat mo!" Halos hindi mapinta ang mukha ni Sari dahil ang bigat talaga ng kaibigan. "Umayos ka sa paglalakad diyan! Malayo pa ang kotse ko!"
Haggard na ang mukha ni Sari at pinagpapawisan na din siya. Nakakapitad sila nang paunti-unti. Nakahinga ng maluwag si Sari nang makita ang kotse niya.
"Malapit na tayo, gaga! Ayusin mo ang lakad— oh my Gosh!"
Biglang napalitan ng sigaw ang sasabihin ng dalaga nang biglang may kamaong dumapo sa mukha ng kaibigan kaya bumulagta ito sa sahig at nang tingnan niya kung sino ang sumuntok sa kaibigan ay nakita niya ang madilim na mukha ni Bryson.
"Bry! What did you do?!" Bulalas niya at tinulungan na itayo ang kaibigan pero hinila siya ng nobyo.
"Why are you with him in this goddàmn place?!" Galit na sigaw ng binata. "At bakit mo hinayaang hawakan ka ng lalaking 'yan? I've been calling you since earlier and you're not answering your phone!"
Napaawang ang labi ng dalaga. Hindi niya lubos akalain ang inakto ng nobyo.
"Bry, I am just helping Rex. Lasing na lasing 'yong tao, malamang tutulungan ko siya! And don't you dare raise your voice at me."
Nawala ang dilim sa mukha ng binata pero umiigting pa rin ang panga nito. "He is not your responsibility, Sariyah—"
"He is! He is my friend! Ako ang kasama niyang pumunta dito kaya responsibilidad kong ihatid siya pauwi." Tinabig ni Sari ang kamay ni Bryson na nakahawak sa braso niya. "I'm sorry, Rex. Kaya mo bang tumayo?"
Rex grunted, "sakit panga ko."
"I'm sorry, can you stand up?" Hingi nang paumanhin ni Sari sa kaibigan.
"Stop touching him, Sariyah. Come on let's go home." Madiin na wika nito.
"No, ihahatid ko siya sa kanila." Matigas din na Sabi ni Sari.
"Why? Do you like that man, Sariyah? Gusto mo ba ang lalaking 'yan?"
Hindi makapaniwalang tumingin si Sariyah sa nobyo. "Drop that, Bryson. Huwag mong ituloy 'yang sasabihin mo."
Bryson rake his hand over his hair, "don't tell me—"
"Wala akong gusto sa kanya, Bry. Kung 'yan ang gusto mong itanong." Pilit na pinatayo ni Sari si Rex. "Kaya mo ba, Rex?"
"Shaket ulo ko..." Daing ng lasing na si Rex.
"God! Stop touching him!"
Inis na tumingin si Sariyah sa nobyo. "Tulungan mo nalang ako dito kaysa pagalitan mo ako."
"Mahal, may gusto sa 'yo ang lalaking 'yan! He's just acting drunked so he could touch you—"
"My god, Bryson!" Stress na wika ni Sari. "Hindi magkakagusto sa akin si Rex dahil lalaki ang gusto niya! Baka nga magkagusto pa itong si Rex sa 'yo kaysa sa akin! Kaya pwede ba? Tulungan mo nalang ako dito!"
Natuod naman si Bryson sa kinatatayuan. Hindi kayang i-proseso nang utak niya ang sinabi ng dalaga.
"What the fúck..." Mahinang bulong si Bryson.