Chapter 02

1163 Words
Ayoko na, Bry. Busog na ako." Tanggi na ni Sariyah dahil muli siyang sinubuan nang nobyo. "Ikaw naman ang kumain." Sari was having her meal for the day. Nasa hospital parin sila para sa recovery. Si Bryson ay nakakalakad na dahil hindi naman gaano kalakas ang impact sa kanya nang banggaan. "Just finish this one baby, please?" Malumanay na pilit ni Bry. "Kunti nalang 'to. You have to eat a lot so you could have have your strength. Para makaalis na tayo dito. Don't you like to go out this room?" Tanong pa ni Bry. "Okay..." labas sa ilong na ani Sariyah. "Kunti nalang ha?" "Yes, Baby." Masayang tumango si Bryson. "Kunti nalang." Walang nagawa si Sariyah kundi ang ubusin ang pagkain na hinanda nang nobyo sa kanya. Ang gwapo naman kasi ng boyfriend niya para tanggihan pa. Minsan talaga parang magulang niya na si Bryson. Likas na maalaga talaga si Bry. Mula noon hanggang ngayon, hindi na nagbago ang ugali na iyon nang binata. He's always caring and thoughtful. Always attentive when it comes to her. Always prioritizing her more than himself. Talagang ramdam mo bawat galaw ni Bry na mahal niya ang dalaga. Wala ngayon ang parents niya sa hospital dahil kailangan sila sa kompanya. Their family, the Villaruel came from lineage of business minded people. Lahat sa pamilya nang Villaruel ay mga business optimist tanging si Sari lang ang hindi sinunod ang nakaugalian nang kanilang pamilya. Bata palang kasi siya ay gusto niya nang maging marine biologist. She's always at the beach when she's kid. Doon niya nakahiligan ang tumambay sa dapit-dagat kaya morena ang kutis ni Sariyah dahil palaging naliligo sa dagat. "Are you comfortable?" Malumanay na tanong ni Bryson kay Sariyah. Umiling si Sariyah. "I liked it when you're near with me." Magkatabi kasi sila na nakahiga sa hospital bed. Since, wala ang parents ni Sariyah ay si Bry ang bantay sa dalaga. Kahit na pasyente din si Bryson ay pinilit nitong bantayan at alagaan ang nobya. He's thinking that it was his fault why her girlfriend is in this state. He's guilty. Magkayap at magkatabi ang dalawa. Hindi talaga ito naghihiwalay. Palaging magkasama at hindi nagsasawa sa isa't-isa kahit pa araw-araw na nakikita at magkadikit. Ganon naman kasi diba kapag mahal mo yung tao? Kahit pa ilang segundo palang ang nakakalipas na hindi mo siya kasama, na mi-miss mo kaagad. That's the reason why she likes Bryson to be by her side always. Dahil magkatabi sila sa hospital bed at hindi na namalayan nang dalawa na nakatulog na pala sila. Bryson and Sariyah were inseparable. Elementary palang talaga sila ay lagi na silang magkadikit. It was 3 o'clock in the afternoon when they both woke up. Hindi pa din sila pwedeng ma-discharge dahil may laboratories pa na kailangan i-perporma kay Sariyah. Si Bryson naman ay ayaw pa din umuwi sa kanila hangga't hindi sila sabay nang nobya na lalabas ng hospital. He wanted to be at his girlfriend side no matter what. "Nga pala hijo, anong plano mo katapos niyong maka-graduate ngayon? Two months nalang at magtatapos na kayo ni Sariyah." Tanong ng ama ni Sariyah kay Bryson. Kumakain sila ngayon sa loob ng silid ni Sariyah. Hindi na bumalik pa si Bryson sa kwarto nito sa hospital kaya nakiusap nalang ang ama ni Bryson na kasalukuyan na gobernador sa kanilang lungsod. Bryson came from a lineage of politicians at matuturing na maimpluwensiya din ang pamilya nito. Kaya naging magkaibigan sila sulimula nang mga bata pa sila sa nasa iisang estado lang sila. "I am still finding a company that can make me grow, Tito." Sagot ni Bryson sa tanong ng ama ni Sariyah. Sariyah's dad, frowned. "Wala bang may nag-o-offer sa 'yo? You're good. Malaking kawalan kung hindi ka nila agad kukunin bilang engineer." "There's a companies that offering me a job, Tito, but I declined them all." Magalang na saad ni Bryson sa ama ni Sariyah. "I wanted to start from scratch without relying on someone. I wanted them to accept me for the job because of my skills and credibility and not because I am a son of the governor and the former president. Gusto ko po yung pinaghihirapan ko ang lahat." That made Samuel, Sariyah's father, smile. Alam talaga nilang nasa tamang lalaki ang kanilang unica hija. Bryson is such an upstanding and righteous man. Kaya panatag si Samuel na si Bryson ang naging kasintahan ng kanilang mag-iisang anak na babae. "That's good..." Ani Samuel saka ngumiti. "How about marriage? Hindi pa ba sumasagi sa isip niyong dalawa ang magpakasal?" Biglaang tanong pa ni Samuel dahilan para mabilaukan si Carla, ang asawa nito. Samuel immediately tend his choking wife. Inabutan niya ito nang tubig habang si Bryson at Sariyah naman ay napatigil sa pagkain. "How can you asked that question, Samuel!" Bulalas kaagad ni Carla sa asawa. "They are both still young, for Christ sake!" "What?" Inosente pang tanong ni Samuel. "They're both consented adults, honey. Pwede nang ikasal ang anak natin at si Bry." "I know! I know!" Ani Carla saka sumulyap kay Bryson na may nangungusap na mga mata. "You know how much I like you for my daughter, hijo. You're such a good and upright person. Alam kong maganda ang magiging kinabuksan nang anak ko sa 'yo, but please. . . Huwag muna kayong magpapakasal ha?" Carla said with teary eyes. "I am not against between you two, pero gusto ko pang makasama ang unica hija ko. Don't take her away from me, too soon. She's the only daughter I have." "Honey, magpapakasal lang naman sila. Hindi mangingibang bansa. Titira pa rin naman sila sa Pilipinas. We could just visit them, regularly." Natatawang sambit ni Samuel pero tinatago niya lang ang tawa dahil baka makurot siya ng asawa. His wife was really an adorable person. "Sa Pilipinas naman sila titira, hindi sa bahay." Carla stated. Isipin palang na mawawalay ang kanilang anak ay nanghihina na siya. Todo nga ang naging iyak niya noon nang magpaalam si Sariyah na bubukod sa kanila at titira sa condo nito. Samuel and Sariyah were talking or more on, Samuel was consoling his adorable wife. Pinapanood naman ni Bry at Sari ang mag-asawa na parang nasa honeymoon stage pa rin. Sobrang sweet sa isa't-isa. "I think we should tell Tita Carla, the sooner that we were living together after our graduation." Mahinang bulong ni Bry. Tumango si Sari. "Yup! We must. Baka umiyak pa si Mommy nang sobra. She'll go berserk if she's the last person to know." Sabay na natawa ang dalawa. Nagplano na talaga silang dalawa na nagsasama sa iisang bubong kapag nakapag-ipon na sila. Alam na nang pamilya ni Bryson ang kanilang Plano at ang ama ni Sariyah. Tanging ang ina nalang talaga ni Sari ang hindi pa nila nasasabihan dahil tiyak silang dalawa na iiyak talaga ito kapag malaman na magsasama pa sila. Usapang kasal pa nga lang ay naiiyak na ito, ano pa kaya kung magsama na talaga silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD