After staying up in the hospital for three more days, Sari and Bry, finally got discharged. Para silang bata nakamumulat pa lang sa mundo. Though, nahihirapan pa rin si Sari na maglakad dahil naipit ang kanyang paa, pero maayos naman na siya.
Todo alalay naman ang kanyang golden retriever na nobyo. Asikasong-asikaeo siya. Parang hindi din ito galing sa hospital eh, parang hindi din maaksidente kagaya niya.
"Bry, I'm fine really." Pangungumbinsi ni Sariyah sa boyfriend nito na kanina pa hindi mapakali at panay ang tanong sa kanya kung maayos ba siya. "Upo ka lang muna diyan or better, yet, to take some nap. Hindi kapa tanging idlip lang ang nagawa mo kahapon. You didn't get enough of sleep."
Talking about sleep, Bryson suddenly feel sleepy. Naghikad siya. "Yeah, inaantok na nga ako pero ayaw kong matulog. Baka kasi may kailanganin ka."
"Ako na ang bahala, hijo." Pakikisabat na ni Carla, ang Ina ni Sariyah. "You shouldn't strain yourself for too much. Hindi maganda na pinapagod mo kaagad ang katawan mo. Remember, galing ka palang sa hospital."
"It's fine with me, tita. Hindi naman po ako napapagod pa." Magalang na tugon ni Bryson.
"Ikaw hindi napapagod, pero yung katawan ang kawawa." Nakisali na din si Samuel, ang ama ni Sariyah, habang nakatutok ang atensyon sa harap nang daan. "Take some sleep, young man. Ako na muna ang bahala sa prinsesa ko. Matuto ka namang magpahinga kahit papaano, hijo."
"Ayos lang po talaga─"
"Bry, makinig kana kay Mommy at Daddy. Remember that I am not the only one who just got discharged from the hospital. Ikaw rin, kaya alaagan mo din ang sarili mo." Kumbinsi din ni Sariyah. Minsan talaga may pagkamatigas ang ulo nitong boyfriend niya, eh. Sa sobrang responsable minsan nakakalimutan na nito ang sariling kalusugan.
Tinapik ni Sariyah ang kanyang mga hita. "Umunan ka muna dito, dali. Medyo malayo naman ang biyahe natin kaya mahaba haba pa ang itutulog mo."
Walang nagawa si Bryson kundi sundin ang girlfriend. Ang totoo niyan ay inaantok talaga siya, pero hindi niya magawang magpanhinga. He wanted to tend his girlfriend and he felt responsible because of the accident.
Nang sandaling naka-unan si Bryson sa hita ni Sariyah ay doon lang siya nakaramdam nang pagod at antok. Tinitiis lang talaga niya ito. Kaya agad siyang naka-idlip. Lalo pa't hinahaplos ni Sariyah ang kanyang buhok nang binata.
Sariyah hum their favorite song while stroking Bryson's hair so gently . Ang payapa tingnan nang mukha ni Bryson. He looked very vulnerable and calm. Hinayaan lang muna ni Sariyah na makatulog at makapagpahinga ang nobyo kahit panandalian lang. Ginising niya lang si Bryson nang makarating sila sa bahay.
Inalalayan siya nang nobyo na bumaba nang kotse. Medyo mahina pa kasi ang kanan niyang tuhod, na ngangatog pa iyon pero kaya naman niya ang maglakad.
"Umakyat muna kayo sa kwarto niyo, anak. Let Bry, continue his sleep. Gigisingin ko nalang kayo kapag hapunan na. You both rest first." Utos nang kanyang Ina.
Dahil sa matagal naman na sila na magkasintahan ni Bryson ay open na sila sa isa't-isa. Minsan natutulog din siya sa bahay nina Bry. Malayo nga lang ang bahay nina Bryson dahil nasa kabilang village iyon.
Sabay na umakyat ang dalawang magkasintahan sa kwarto nang dalaga. Of course, todo alalay naman itong si Bryson sa nobya. Gawain nang mga responsable na kapareha.
Bryson was Sariyah's ideal, guy. Kaya nang manligaw ito sa kanya ay hindi niya na pinatagal pa. Responsible, consistent, man of his words, attentive and caring. Lahat na yata nang mabuting katangian ay naka'y Bryson na. Siguro noong umulan nang good manners at right conduct ay nagtatampisaw si Bryson sa labas.
"Come, sit here first. I'll massage your legs." Pag-aaya ni Bryson sa kanyang kama. "The doctor said we should always massage your legs for the muscles to adjust."
"Mamaya na. Matutulog muna tayo, love. Kailangan mo din magpahinga."
"I'm fine. Nakatulog naman na ako kanina sa kotse."
Napairap nalang talaga si Sariyah sa ere. Minsan talaga naiinis siya sa kabaitan ng nobyo. Parang wala itong pakialam sa sariling kapakanan basta Makita na okay lang ang iba, automatic na okay na rin ito. And I really hate that attitude of him!
Lumapit si Sariyah sa kinauupuan nang nobyo. Syempre, hindi niya hahayaan na i-massage siya nang nobyo. Importante sa kanya na makapagpahinga naman ito. Sigurado kasi siya na magpapagod na naman ito dahil halos isang buwas silang nakaliban sa klase dahil sa aksidente, maraming kailangan habulin.
"Higa kana, Bry. Tabi tayo." Tinapik ni Sariyah ang bakante nang higaan. At dahil masunurin ang nobyo, agad itong humiga sa tabi. Pinaunan ni Bry si Sari sa braso niya at yumakap dito.
"Are fine in this position? Baka naiinitan ka─"
"Shh, quiet, Bry. Sleep for a bit." Saway ni Sari sa nobyo.
Sari felt safeness on Bryson's arms. He's hugging her too tightly. Maya-maya ay hindi namalayan nang dalawa na nakatulog na sila pareho. They found solace in each warmth. Talagang comportable na sila sa isa't-isa.
Susunduin sana ni Carla ang dalawa para pababain dahil kakain na'y, hinayaan nalang muna ito ng ginang nang makita na sobrang himbing ang tulog nang dalawang magkasintahan. Magkayap pa talaga ito at magkasuno sa iisang unan.
Bumaba nalang si Carla sa kusina. She doesn't have the heart to wake the two love birds.
"Oh, nasaan ang dalawa?" Takang tanong ni Samuel nang makita ang asawa na mag-isa lang na bumaba.
"They're asleep. Napakahimbing, kaya hindi ko na muna ginising. Para naman makabawi nang lakas ang dalawang 'yon." Ani Carla sa asawa.
Akmang maghahapunan na sana sina Carla at Samuel dahil tulog pa naman ang dalawang magkasintahan, nang may mag door bell sa kanila. Since walang mga kasambahay ang pamilyang Villaruel ─ kahit gaano pa karangya ang kanilang buhay ─ ay si Samuel na ang nagpresenta na magbukas sa pinto.
"Good evening po, Tita!" Masiglang wika ni Luna. Ang matalik na kaibigan ni Sariyah saka bumeso sa ginang. "Si Sari po?"
"Good evening din, hija." Maligayang bati din ni Carla. "Nasa taas, nagpapahinga, kasama si Bryson."
"Oh.." Simangot na wika ni Luna. "Gusto ko pa naman sana mag-over night dito. Na miss ko na kasi si frenny ko."
Natawa si Carla kaya pinisil nito ang pisngi nang nakalabi na dalaga.
"You can stay here. May kwarto kana man na dito sa bahay. You can bond tomorrow since it's Sunday. Wala naman kayong pasok sa trabaho diba?"
"Yes! Thank you po, Tita Ganda!" Ani Luna at yumakap pa kay Carla.
"Stop hugging my Mom, Luna. Sipsip ka talagang babaita ka."
Lahat napatingin sa nagsalita. Kagigising lang nina Sari at Bry. Parehas pang magulo ang buhok nang dalawa. Nakapagbihis na din ang mga ito.
"Pangit talaga nang ugali mo." Mataray na wika ni Luna saka humarap kay Carla at nanghingi nang tulong. "Tita Ganda, inaaway ako ni Sari po. She's very bad."
Natawa nalang si Carla. Sanay na siya sa ugali nang magkaibigan. Halos araw-araw naglalaitan ang dalawa. Parang normal na nga lang sa dalawa ang laitin ang isa't-isa. It was like their kind of happy pill─ ang laitin ang isa't-isa.
"Good evening, Tita, Tito." Magalang na bati ni Bryson.
"Evening Mom, Dad." Si Sariyah naman at magkatabi na umupo sa hapag.
"Sa akin frenny, hindi mo ba ako I-greet?"
Umirap sa ere si Sari. "Ingay mo talaga, Luna. Kumain ka na nga lang diyan."
"High-blood mo naman. Sige ka, papangit ka niyan."
"Stop arguing in front of the food." Said the baritone voice. Si Samuel ang nagsalita.
They are happily conversing with each other as they eat. Parang pusng gala kasi minsan itong si Luna, kung saan-saan nagsususuot, parang hindi anak nang mayor, eh.
As the moon rises and glimmer it's light, the household Villaruel, filled with laughter because of the banters and chitchats. Hindi mo na talaga namamalayan ang oras kapag kasama mo ang mga taong mahal mo.
And Sariyah, was blessed to have this kind of family. Sana lang talaga ay maging masaya lang sila. Only woman can hope.