"How's your yesterday Kristina? Hindi ba mahirap pakisamahan si William? You know what? Bilib ako sa batang yun. Imagine, siya lahat ang namamahala sa kumpanya nila. Nakilala ko na din ang ama niya. Ngayon ko lang din nalaman na magkaklase pala kami ng ama niya noong Highschool. Matanda na talaga ako para hindi maalala ang pagkabata ko dati."
"Okay naman Dad." Sobrang okay. "Mahangin nga lang." Sabi ko ng pabulong.
"What did you say?"
"Wa-wala po. Sabi ko mukhang mahangin sa labas. Parang uulan."
"Huh? Hindi naman iha? Anyway, mauna na ako sayo. Madami pa akong client na imemeet. Ikaw na lang gumising sa Mom mo. I have to go Princess. Bye."
"Bye Dad. Ingat po."
"I will."
Parang ayaw ko tuloy pumasok ngayon. Nakakatamad talaga!
"Naku po! Katamaran layuan mo ako!" Sigaw ko ng malakas para naman gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko.
"Good Morning! Nangyari sayo anak?"
"Good Morning mom. Wala po. Medyo natatamad po kasi ako." Sabi ko sa kanya habang nagsasalin ng gatas sa baso.
"Sabi ko naman sa ama mo na bigyan ka ng ilang araw para makapag relax ka muna bago pumasok sa kumpanya."
"It's okay Mom. Naintindihan ko naman si Dad."
"Huwag ka muna pumasok ngayon. Lumabas ka lang muna. Enjoy yourself today. Ako na bahala sa ama mo. Hmm?"
"Sure Mom? Promise ngayon lang ito. Gusto ko din kasi lumabas kasama si Herald. Kahapon kasi hindi kami natuloy kasi pinakilala ko si-"
"Ay oo pala! Si William iha. Kamusta naman anak? Na kwento din yan ka gabi ng Papa mo sakin. Hindi ko pa siya nakikita sa personal pero ang mga magulang niya na meet ko na dati. Mababait sila kaya I'm sure naman mabait din ang anak nila. Balita ko nga ngayon ang dating ni Rebecca galing states."
"Okay lang naman."
"Pasensya kana anak ha. Kung hindi lang nangyari ang ganito hindi sana natin mabebenta ang kalahating kumpanya. But I guess lahat ay may dahilan. Okay na rin atleast hindi nawala ang pinaghirapan namin ng Papa mo."
"Huwag na po kayong mag-alala Mom. Ang importante ay okay na ang kumpanya. Hindi na tayo nag-iisa sa pagpapalakad."
"Ang swerte talaga namin sayo."
"Ako po ang swerte Mom kasi nandiyan kayo ni Dad. Ginagawa ang lahat para sakin."
"Tama na nga ito! Na iiyak na tuloy ako. Tara na at ng makakain na tayo."
Sumunod naman ako kay Mom. Halos isang oras kaming nag-usap habang kumakain. Na kwento ko din sa kanya ang pamumuhay ko dati sa states kasama si Herald. Buti na lang at hindi pa naulit ang tanong niya kung bakit kami naghiwalay ni Herald kaya mas nakaginhawa ako ng mabuti.
William's POV
"Kamusta Bro? Ano may nalaman kaba?"
Rio ask me about what happened yesterday. Pinaalam ko kasi sa kanila ang nangyari kahapon.
"Wala Rio. Umalis kaagad siya matapos akong ipakilala sa mga empleyado. Isa rin ang dapat kong malaman. Kung sino si Herald sa buhay niya. I'll remember that name, yun ang dapat kong malaman kung sila pa."
"Nangangamoy karibal ba yan pare?"
"I guess. But don't worry. Kaya ko ito. I will make sure na makukuha ko ulit ang asawa ko. I will do everything to her."
Matapos ang usapan namin ni Rio, napagpasyahan ko na pumunta sa Mall. To buy some expensive wine para sa bagong kumpanya ko. Madalas umiinom ako kapag stress sa trabaho. Kaya yun na lang pinagtutuunan ko ng pansin kaysa lumabas para uminom at mambabae.
Mula ng makilala ko si Kristina nagbago ang lahat sakin. Lalo na ng mawala siya sakin. Ni isa ay hindi ako tumingin o tumikim man lang ng babae.
HABANG namimili ng alak, napatingin ako sa labas. Sa una ay akala ko namalikmata lang ako but no! It's my Wife with that f*cking bastard!
"Hey honey. Oh? May kasama ka pala. Tell me is that your Bodyguard?"
"Hey. Relax Herald." Alam ko inis si Kristina sa sinabi ko but damn! Ang sarap inisin lalo na sa nakikita kong mga labi niya pano mang gigil sakin.
"Pwede ba William?! Na nanahimik kami. So stop pestering me."
"Masama bang makipagkilala sa kasama mo? Hmm. I'll remember you. Only your name. Herald right?"
Sabay lahad ng kamay ko sa harap niya. Nang mapansin ko na hindi siya makikipagkamay binawi ko ito.
"I'm William. William Mondra-"
"Yeah I know who your are!"
Sabi niya sa iritadong tono.
"Kilala mo ako? I guess alam mo rin kung sino ako sa buhay ni Kristina. I'm her Husband. Kaya kung ako sayo huwag kang gagawa ng hakbang sa asawa ko. Hindi mo alam sino ang kinakalaban mo."
"William!!!"
Tumawa ako ng malakas habang papalayo sa kanila. Alam ko rin na inaawat niya si Herald. Unang hakbang pa lang ito Kristina. Kung madali sayo na kalimutan ako. Pwes! Ibabalik ko ang nakaraan natin. Akin ka lang Kristina. Akin ka lang!
Kristina's POV
"Hays! Nakakainis talaga ang lalaking yun! Kung alam ko lang talaga Herald na siya ang sinasabi ni Dad! Hindi talaga ako papayag ipagbili ang kalahating kumpanya! Mas kalbaryo sakin kung araw-araw ko makikita ang pagmumukha ng-"
"Asawa mo. You know what Kristina. Laking tama talaga ng William na yun sayo. Imagine, kinasal kayo. Hindi ka talaga pinakawalan."
"You know what din Herald. Remember na nagka amnesia ako. Wala akong na aalala. Lahat ng nalaman ko mga kasinungalingan niya lang. Kaya na-"
"Kaya na kasal ka sa kanya."
"Kahit baliktarin ang mundo sa papel lang kami mag-asawa. Pero sa puso ko."
Medyo natauhan ako sa sinabi ko. Hindi ko na rin natuloy ang sinabi ko. Alam ko na halata ito ni Herald. Kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Ahm. I have a question Tin."
"What!?"
"When your memories come back. Ni isa ba o kaunti man lang. Wala ka bang may naramdaman kay William ng malaman mo lahat ng pinagsamahan niyo? Siguro naman hindi ka magpapatali sa kanya kung masama siyang tao."
"Teka nga! Bakit ba parang kinakampihan mo pa ang ugok na yun!?"
"It's not like that Kristina. What I mean is hindi ka naman siguro magpapakasal kay William kung masama siyang tao. I'll understand you. Lalo na kasi ako ang dahilan bakit ka nagka ganyan. What I mean is napatawad mo nga ako pano pa kaya siya? Kahit baliktarin ang mundo kasal kayo Kristina. Sa papel at alam ko diyan sa puso mo. Nagkaanak rin kayo. Kahit hindi mo aminin alam ko Kristina na may pagmamahal kapa rin sa kanya."
Bumuntong hininga ako sa mga sinabi ni Herald. Hindi rin ako makakilos, makapagsalita dahil sa mapanuring mata ni Herald. Ayaw kong magsalita baka iba pa ang masabi ko.
Ang totoo, ng bumalik ang alaala ko, unti-unti ring bumabalik ang masasayang araw na kasama ko si Herald. Minsan nga nagigising ako habang humihikbi at hinahanap siya. Pero pag naaalala ko ang nangyari sa anak ko bumabalik lahat ng masasakit na ginawa niya. Ang Pagsisinungaling niya.
"Whatever! Iuwi mo na lang ako Herald. Nawalan na ako ng gana kumain. Please?"
I heard Herald sigh. Hindi na rin ako lumingon sa gawi niya. I don't want him to see my face. Ayaw ko na nag-aala siya. Herald was right. Napatawad ko nga siya sa mahabang panahon. Pano pa kaya si William. Asawa ko siya. Kaya wala akong takas sa kanya. Lalo pa na malapit na siya sakin.
Mas doble ang problema ko pano ko sasabihin sa magulang ko ang lahat? Malaking problema ito. Doble ingat dapat ako. Ayaw kong malaman ng iba na hindi na ako isang Cruz. Kundi isang Mondragon na, isang Mondragon sa mahabang panahon.
***
"Good Morning Iha."
"Good Morning Dad."
"Mukhang matamlay ka anak? May sakit ka ba?"
Kinuha ko ang cellphone ko at nanalaming. Shocks! Ang haggard ko! Kagagawan ito ni William. Buong magdamag siya ang iniisip ko. Kung makatulog naman ako ilang minuto lang dahil siya ang pumapasok sa panaginip ko! Ibang kamandag talaga ang lalaking yun!
"Oo nga iha. Pano labas tayo? Sige na para naman makapag-ayos ka sa labas. Medyo hindi ko keri ang ayos mo. Right Darling?"
"Sumama kana sa Mama mo. Enjoy yourself with your Mom. But tomorrow make sure na papasok kana? Ayaw ko na may masabing hindi maganda si William. Napapa bilib ako ng batang iyun. Very talented. Gusto lahat pulido kaya nga hindi ako nagsisisi na siya ang nakabili ng kalahating kumpanya natin."
"Punta muna ako sa itaas Mom. Mag-ayos na po ako."
"Hindi kaba muna kakain?"
"Hindi na Mom nawalan na po ako ng gana." Nawalan ng gana sa bukang bibig ni Dad kay William. Kay sarap isigaw talaga!!!!
"Iha okay ka lang ba?"
"Yes Dad. Sige po. Bye."
Hanggang sa matapos akong maligo siya ang bukang bibig ko! Wala lang gusto ko lang sabihin ng paulit-ulit na "Paksh*t ka William" to satisfy myself. Ilabas lahat ng galit sa kanya. Nakakainis!
Pinasadahan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako pumunta sa ibaba. I'm wearing a simple crop top and skinny jeans na tenernohan ng flat doll shoes. Dumako naman ang tingin ko sa aking tiyan. I remember my Baby Angel. Sa dami nangyari hindi sumagi sa isip ko ang baby ko. Hindi ko pa siya nabibisita sa puntod. Only me and Herald ang may alam lang dito. Kahit kasing liit pa ito ng beans inilibing ko pa din siya. Halos hindi na nga ako umalis sa tabi kung saan siya inilibing.
Sa tuwing na aalala ko ang mga nangyari. I'll always ask, wish na sana masamang panaginip lang ang lahat. Na sana buhay pa ang baby ko. Ang baby namin ni William.
Kung sakali kaya na nabuhay ang baby ko, ano kayang mangyayari sakin, samin ng anak ko. Tatanggapin ba siya ni William?
Naputol ang aking pag-iisip ng may kumatok sa pinto.
"Iha matagal kapa ba? Huwag ka ng magtagal at baka ma traffic tayo sa daan."
"I'm done Mom."
"Okay. Sa baba na ako maghihintay sayo."
Patingin-tingin ako sa mukha ako habang inaayos nila ang buhok ko. Yung purong buhok ko may halo na ng kaunting blond. Inahitan din nila ang kilay ko na mas nagpaganda sa mukha ko. Ang fresh lang tignan. They recommend some product na rin para sa buhok at mukha ko. Ang totoo, hindi talaga ako maayos. Only lipstick at powder lang ginagamit ko pero ngayon mukhang mapapasabak ako nito. But it's okay, dapat mas maayos ako lalo na nagpaoalakad na ako ng kumpanya. Ayaw ko naman maging muchaha sa ibang tao lalong-lalo na kay William. Wait? No! Hindi para sa kanya ang pagpapaganda ko. So stop thinking na para sa kanya na hindi maging muchacha!
"Oh diba? Ang ganda mo girl! Perfect! Simple lang pero super duper fresh na fresh!"
Sabi ng nag-ayos sakin habang sinusuri ang kabuoan ko. As in wow na wow. May iba kasi kong mag-ayos halos parang dadalo na ng pageant pero ito? Fresh na fresh. Lakas makabata!
"Iha ang ganda mo! Di kita nakilala mas dumalaga ang ayos mo."
"Thanks mom. And Thanks to you." Sabi ko sa kanilang dalawa. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko feeling ko kasi sobrang haggard ko na this past few days. Lalo na ng magcross ang landas ulit namin ni William.
Ano ba yan! Walang araw talaga na hindi sumasagi sa isip ko ang mukong na yun! Nakaka stress palagi!
"Okay lang? Natahimik ka?"
"Ye-yeah mam. Gutom lang po ito."
"Hindi ka kasi kumain kanina. Yan tuloy. Hala sige na at para makakain na tayo."
Tinuro naman kaagad ng ibang staff nila kung saan kami babayad. Pagkatapos namin sa salon pumunta kami sa isang Restaurant. It's look elegant. Halos ang mga kumakain dito ay makikita mo sa kanila ang pagkabigatin.
"Salva? Is that you?"
"Hey Rebecca!"
Kaway ng Mom ko sa isang babae na may kasama ding lalaki. I think his Husband. Dahil kita naman dito pano siya titigan ng lalaki.
"Hindi kita nakilala." Nag besihan silang dalawa habang ako ay nakatingin lang sa kanila. Hindi ko naman kasi kilala siya. "Kakain din ba kayo? Why don't you join us. Dito na kayo sa table namin."
"Iha okay lang ba sayo?"
Hindi naman ako makakapag tanggi dahil nakatingin na sila sa mukha ko na halos hinhintay nila ang sagot ko. Nakakahiya naman kung umayaw ako.
"It's okay mom. No prob."
"That's great! So Salva is this your daughter? Ang ganda niya. Bagay sa anak ko."
"Saan pa magmamana eh di sakin. Bakit? Wala bang nilalabas ang anak mo?"
"I don't know Salva. Ni isa wala namang pinakilala samin ng ama niya. Date siguro meron. As long wala siyang pinapakilalang babae ako na siguro maghahanap ng babae para sa kanya. We're not getting younger hindi ba Hon?"
"You mean apo Rebecca?"
Nasamid naman ako sa iniinom kong tubig. Napataingin din sila sa gawi ko. Kaya ako na ng bumitaw sa mga titig nila.
"Are you alright iha?"
"O-opo Ma-"
"Tita, you can call me Tita Rebecca. Don't be shy iha. Mag partner kayo ng anak ko sa isang kumpanya kaya huwag ka ng mahiya tawagan ako ng Tita. Besides I know your mom matagal na bago pa man binili ng anak ko ang kalahating kumpanya niyo. Ang papa mo rin magkaklase din sila ng Tito Julyo mo."
Kay liit lang talaga ng mundo! Proven na talaga sakin. Buti na lang ay hindi sila nakahalata. Speaking of apo. May Apo na po talaga kayo kung nabuhay lang siya. Dahil sa anak niyo nawala siya. Hindi lang apo kundi kasal na din kami kaya hindi siguro Tita, Tito ang itatawag ko sa inyo kundi Mama at Papa. No! Anong Papa at Mama? Ar you out of your mind? Bakit nagsasama ba kayo? Singit ko bigla sa isip ko. Hindi ko rin namalayan na umaksyon na pala ako sa pagtapik ng ulo ko kaya napalingon na naman sila.
"Masakit ba ulo mo iha?"
"Ay hi-hindi po. May naalala lang po ako."
Buti naman hindi na sila nag-usisa pa. Patuloy lang sila sa pagkwekwentohan. Si Mr. Julyo naman ay nakatingin lang din sa kanilang dalawa. Minsan nga halos sa asawa niya. Patay na patay siguro si Mr. Julyo sa asawa niya. The way he look at her wife may kakaibang mga tingin ito. Kulang na lang sambahin niya ito.
Now I know saan nagmana si. F*ck! Siya na naman ang iniisip ko! Para talaga siyang kabute kusang sumisingit sa isip ko. Utak naman? Baka kailangan ng palitan ang utak ko. Siguro kong na scan lang ang utak puno na ng William ang lama nito! Kung pwede lang i reformat ang utak ginawa ko na para wala ng virus na umaaligid sa utak ko! Lakas maka virus ni William sa utak ko!