Episode 11

1830 Words
"You like it?" "Okay naman Dad. Alam mo naman sakin hindi maarte. Don't worry about me Dad." "You sure? Pwede ko naman paayusin ulit kung ayaw mo sa kulay ng Office room mo." "Huwag na Dad. Okay lang po sakin. Anyway Dad tungkol po kahapon." "Oh? Yeah. About yesterday. Alam mo naman diba na may iilang nag pu-pull out na ng shares nila sa Cruise Ship Company natin. Instead ibenta ang kumpanya sa iba. Why don't we take the offer." "Offer?" "50% na ang nawala sa kumpanya natin. At mahirap humanap ng ganong kalaki. Someone offered me. Gusto niyang bilhin ito." "N-no Dad! Hu-huwag mong ibenta ang kumpanya natin. Gagawan ko ito ng paraan. Just trust me." "I know that my Princess. Alam ko kahapon pa lang pagmalaman mo ang tungkol dito, alam ko hindi ka sasang-ayon. Pero princess mahirap humanap ng ganyang kalaki to maintain our company. 50% na lang ang shares natin doon dahil sa mga sustento na ginawa natin sa mga nawalan ng pamilya." "So what's your plan Dad?" "Ibebenta ko ang kalahating kumpanya. 50%" "You mean hindi na tayo ang may-ari kundi dala-" "Yes Kristina. Ma impluwensiyang tao ito, ang pamilya niya. Kaya hindi na manganganib ang kumpanya natin kung sakali kalahati ang ibebenta natin. I know how hard for you this kind of situation. Sa ganito pang paraan na problema kitang pinasok sa kumpanya. Mahirap din ito sakin lalo na kami ang nag-umpisa nito." Ilang sandali muna ako natameme sa mga narinig at gusto ni Dad. Kung tutuusin tama din si Dad. Sobrang laki ang nalugi sa Cruise Company namin. Gusto ko mang ito isalba pero pano? Ngayon nagsisimula pa lang ako kapalit kay Dad. Wala talagang magkaka interest para mag invest sa kumpanya namin. "Don't worry princess. Ako muna ang bahala sa ibang kumpanya natin. Laking adjustment ito sayo. Sana hindi ka sumuko." May kung anong humaplos na sakit sa aking dibdib sa sinabi ni Dad. Alam ko kung gaano niya kamahal ang Cruise Company na ito. Mahirap man samin pero kailangan tanggapin. "Get ready. Ipapakilala kita sa mga empleyado dito sa kumpanya." Ilang floor ang nilibot namin ni Dad. Mula sa pinakamataas hanggang sa mababang estado ng trabaho ay pinakilala ako ni Dad. I'm proud of my Dad dahil sa magandang trato niya sa mga empleyado. Hindi ako nakaramdam ng pagkaasiwa bawat taong nakilala ko. Lahat sila magagalang, ang iba isang pagkakamali mo lang pupunahin kana agad pero at the end mabait naman pala. May iba naman na mahiyain, mayroon ding jolly. Sa unang araw ko pa lang akala ko mahirap na pero sa tulong nila I think mapapadali ang pagtratrabaho ko. "Kristina?" "Yes Dad?" "Natawagan ko na ang magiging partner natin sa kumpanya. Gusto ka niyang makilala. Since kayo ang mamamahala dito." "Sure. I'm ready for tomorrow." "Ngayong araw mismo Kristina. Actually his on the way now. So, prepare yourself." "Right now Dad? But I have a lunch with Herald." "Pwede naman yan mamaya. Is that okay to you?" "Fine. I'll text Herald." Pwede naman bukas. Kay atat naman yatang tao ito. Nevermind! Sumasakit lalo tuloy ang ulo ko. Me: Herald pwedeng mamaya na lang tayo? May imemeet lang kami ni Dad. Herald: On the Way na ako sweetie. Okay lang. Maghihintay na lang ako. Me: Okay lang ba sayo? Herald: Oo naman. Ikaw pa. Sige na. Nagmamaneho kasi ako. Me: Okay. Keep safe. Ilang beses na ba ako bumalik sa CR? Wala namang mali sa mukha ko? Sa suot ko kaya. Shocks! Heto na naman ako sinusuri na naman ang mukha at buong katawan. Sa suot okay naman. Simply lang. But ba parang conscious ako sa katawan ko? Haist! Relax Tin! Dala lang siguro ito ng kaba dahil siguro hindi na kami ang nag iisang may-ari ng kumpanya. Kundi dalawa na. Oo nga pala hindi ko pa naitanong kay Dad kung sino sila. Sa sobrang busy kanina nawala na sa isip ko ang magtanong. Napalingon na lang ako sa cellphone ko na tumutunog. "Yes Dad?" "Okay. Papunta na ako diyan." Habang naglalakad ako papuntang conference room nararamdaman ko ang mga kamay kong nanlalamig. Pinisil pisil ko ito para kumalma ang panginginig. Buti na lang at may dala akong lipstick, nakapag retouch din ako bago tumuloy dito. Tiyak namumuti na ito sa kaba kung hindi tinapalan ng kulay. Bago pa ako pumihit tumunog ulit cellphone ko. Kaya sinagot ko muna ito. "Yes. Nandito na ako sa Conference room. Pakihintay na lang. Sige bye." Inhale, exhale! Relax Tin. Relax! "Finally." "Sorry I'm la-" Isang malakas na kabog ang naramdaman ko! No! Hi-hindi siya yan diba? Anong ginagawa niya dito? Parang gusto ko na lang bumalik sa states at tumago ulit. "Kristina? Kristina princess. Are you okay?" "Y-yes Dad." "Anyway. Siya ang sinasabi ko sayo. William Mondragon. William this is my Daughter Kristina Cruz." "I'm glad to finally meet you Kristina Cruz." Hindi ako nakagalaw kaagad ng lumapit ang mukha niya sa gawi at ginawaran ng isang halik ang pisngi ko. "Finally meet you again Kristina Cruz Mondragon. My Wife." Kahit pabulong niya lang sinabi sakin. Ramdam ko ang diin niya sa pagsabi ng asawa ko. Bakit ba kailangan pa mangyari ang lahat ng ito? Imbes na siya dapat ang matakot, pero but parang ako ang natatakot at kailangan magtago? f**k! "Gla-glad to meet you William Mondragon." Isang matinding katahimikan ang namutawi samin. Ano naman kasi ang gagawin ko? Ngingitian siya? Kamustahin na parang walang nangyari? Hell no! Hindi na nga ako makahinga sa ginawa niya. Paano pa kaya kung araw-araw kaming magkikita dito sa kumpanya? Baka mas mawalan ako ng hangin sa sobrang sikip ng dibdib ko na nararamdaman sa kanya! "Let's start?" "Go on Mr. Diego. Kristina?" Nilahad niya ang kamay hudyat para paupuin ako. Kung wala lang talaga si Dad dito malamang na sampal ko na siya! I don't care kung siya ang magiging partner namin! Mas gugustuhin ko pang kumayod para masalba ang kumpanya namin kaysa makasama araw-araw ang lalaking ito! "Thanks." Tipid kong sagot sa kanya na walang kabuhay-buhay. Nagsisimula ng magsalita si Dad. Pinipilit ko mang intindihin lahat ng sinasabi ni Dad, ni isa wala talagang may pumapasok sa utak ko. Panay na lang ang OO ko kay Dad. Wala naman akong maikukumento. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Nandito na siya. Kabastosan naman kung ipagtaboyan ko siya at sabihin sa pagmumukha niya na kaya namin maisalba ang kumpanya. "Kristina?" "Ye-yes Dad?" "Baka may gusto kang sabihin. Any suggestion?" "Po? Ahh ehh. Nothing Dad! All clear naman po sakin." Ano ba yan! Yan napapala sa mga taong hindi nakikinig. Dapat hindi mo iniisip yan. Dapat focus ako sa kumpanya at hindi sa kanya! "Good. So William? I guess wala ng problema. Isa kana din nagmamay-ari ng kumpanya. If you have any suggestion don't hesitate to tell me. Alam ko naman matalino kang bata. Marami kana rin alam sa pagpapatakbo ng kumpanya." "Don't worry Mr. Diego. All clear." "Good. Pano? Maiwan ko muna kayo. May aasikasuhin pa akong iba. Kristina, ikaw na ang bahala kay William, ipakilala mo siya sa mg empleyado." "Bu-but Dad may lakad po ako." "Postponed that. Ikaw na ang magpakilala kay William sa mga empleyado." Isang tingin ang ginawa ko sa kanya na hindi mahahalata ni Dad. Naku! Nasisira talaga ang araw ko sa kanya! Sa daming mayayaman na tao sa buong mundo siya pa talaga? Tama talaga ang kasabihan. Ang liit ng mundo. Sobrang liit! "Fine. Ingat Dad." "Thanks. You too Princess." Hinalikan ako ni Dad sa pisngi. Napakagat labi naman ako sa tingin ni William. Bigla na lang din ako kinabahan sa pagtitig niya. Mas namula ang mukha ko ng mag flashback lahat ng nangyari samin. The way he kissed me and taste all of my body! D*mn! Habang inaayos ko ang mga papeless na nakakalat sa lamesa. Napaigtad ako sa likuran ko. Sh*t! Hinalikan niya ang batok ko! "I missed you so much my wife." "I'm not your wife! So please? Stop calling me wife!" "Really? Kristina Cruz? Mas maganda kung Mondragon ang ginagamit mo. I'm your husband Kristina." "Dati! Noong wala akong maalala. Pero ngayon?" "Wala pa din pinagkaiba sa dati at ngayon. Your still my wife babe." Isang matalim na tingin ang ginagawa niya sakin. Medyo kinakabahan na nga ako. Lahat sa kanya ay may nagbago. The way he talks na mas buo ang boses. Lalaking lalaki ito. His body na halata dito na alaga ang katawan. Siguro palagi itong nakatambay sa gym? Ay ano ba yan! Kahit siguro ilang suntok ang gawin ko sa kanya. Hindi ito makakaramdam ng sakit. "Are you done checking on me? Miss me, wife?" "N-no! Pwede ba William!? The way you act parang walang may nangyari satin. Lalo na sakin!!! Sh*t!" Tinalikuran ko na siya at padabog kong sinirado ang pintuan. Nagulat din ako dahil nasa labas pala si Herald. "Hey? You okay?" "Kanina kapa ba? Sorry nakaligtaan ko." "Saan ka pupunta? Ipapakilala mo pa ako sa mga empleyado dito. Remember? Pero kung may lakad ka it's okay. Tawagan ko na lang si Pa-, I mean your Dad." What did he just say?! Am I right! He's trying to call my Dad! Ang kapal!" "Ahm. Herald pwede bang sa susunod na lang araw? Or maybe later matapos ang trabaho ko. Kwento ko na lang sayo mamaya." "It's okay. Anytime sweetie." "Sorry Herald. Thanks." "Don't worry about me. Mas ako dapat ang mabahala sayo. Call me if you need me. You know." "Thanks Herald. Ingat ka." Herald kissed my hand and the top of my head. Gusto ko sanang mag protesta dahil hindi ako sanay lalo na nandito ang asawa ko. I-I mean William! Oh sh*t! "Mukhang sanay na sanay ka na hinahalikan ng gagong yun!" "Paki mo? Pwede ba, huwag mong ihalo sa trabaho kung ano mang meron tayo?" "So you admit na asawa mo ako." Tumingin ako sa kanya ng marinig ko ang mahinang tawa niya. Tawang nang-aasar! "Wala akong sinasabing ganyan!" "Ang cute talaga ng asawa ko. You know what? Pag ganyan ka palagi baka hindi ako makapag timpi sayo. F*ck!" I Clearly heard him cursed. Kaya nilingon ko siya at tinarayan. "Anong gagawin mo? Itatago uli? Ilalayo? Kagaya dati? Kaso Will pinagkaiba lang ngayon may naaalala na ako. Kaya malabong mangyari." Pangpipikon ko sa kanya. And I think effective. I saw his jaw clenched. "Hmm. Let me think of that sweetie? Pwede pa naman. Why not? May karapatan naman ako sayo co'z your my wife." He winked at me. Mas lalo tuloy akong kinabahan. He's right! Asawa niya ako kaya may karapatan siya. "Humanda ka sakin! I want an annulment.!" "Oh? Tss. Tss. Tss. Gagasto ka lang ng malaki. Palubog na nga ang kumpanya niyo, idadagdag mo pa yan? I mean kumpanya natin. Ayaw ko naman mangyari yun." Natahimik ako bigla sa sinabi niya. Oo na! Siya na ang tama! Wala na naman akong panlaban! F*ck that f*cking marriage! "Shall we? Mauubos lang ang oras natin sa pagtatalo. Hindi ka mananalo sakin my wife." Grr!!! Humanda ka sakin! William Mondragon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD