Episode 10

1979 Words
THREE YEARS LATER.... William's POV "Hello?" "Hey. What's up? Napatawag ka?" "Have you heard the news?" "No! Alam mo naman diba hindi ako palabukas? Dahil sawa na ako sa mga balitang paulit-ulit." "You need to know Will. May karapatan kapa din malaman." Nagtaka man ako sa sinabi niya. Kaya binuhay ko na ang TV. REPORTER: Usap-usapan ngayon ang unti-unting pagbagsak ng mga Cruz. Isa na dito ang dahilan ng pagbagsak nila ang paglubog ng kanilang barko makalipas ang limang buwan. Usap-usapan din ang pagreretiro mismo ni Diego Cruz." "See? Kaya bago pa-" "I'll talk to you later. Tatawagan ko din sila denver. Papasok na ako. I have to go." Pagtatapos ko sa usapan namin ni Rio. Madami pa akong gagawin sa opisina. Pero bago pa man yan tatawagan ko muna sila Denver at Benedict para magkita kaming apat at makapag-usap. Mula kasi ng mawala si Kristina sa buhay ko, ni isang balita ay wala na akong nasagap. Hindi rin nabalita kung pano siya nawala at bumalik sa mga Cruz. Yun din ang pinagtataka ko. Isa lang din ang gusto kong makumperma kung totoo ba nga nagkaanak kami. Kaya ba siya tumatago ng matagal dahil isa na rin sa dahilan ang anak namin. Ayaw ba niya na malaman ko na may anak kami. Kung totoo man ang lahat. Handa akong bawiin siya. Silang mag-ina ko. Kung kailangan itago ko ulit siya ay gagawin ko! Mahalin niya lang ako ulit. Babawiin kita Kristina Mondragon. Kristina ang asawa ko. "Magreretiro na daw si Diego Cruz. So? Alam na natin kung sino ang papalit." Sabi ni Rio. "Hindi tayo sigurado diyan. Isa pa. Ilang taon na ba? Ni isang balita about kay Kristina wala tayong narinig. Hindi rin tayo sigurado sa chismis na nabuntis si Kristina that day na-" "Shut up Denver!" "Fine! Fine.. Pasensya na." Pagsusuko ni Denver habang nakasandal sa pader. "Guys chill lang kayo okay? This battle is mine. Kaya ko na ito. Kung si Kristina man yan, ang gusto ko lang malaman sa kanya kung totoo ba na nagkaanak kami. Yun lang." "What's your plan?" Tanong sakin ni Benedict. Alam ko naman na kahit umilag ako sa kanila alam na alam nila ang ugali ko. Kaya hindi ako pwedeng magsinungaling. "Alam naman natin na asawa ko pa din si Kristina. Kung totoo man na babagsak na ang na ang mga Cruz. I'm willing to help. Lalo na para sa anak namin." "William, alam namin na mahal na mahal mo pa rin si Kristina. Payong Kaibigan lang. Huwag ka nang gagawa ng hindi maganda sa kanya. Tinulungan ka namin dahil nakikita namin gaano mo kamahal siya. Halos magpakamatay kana nga! Kung hindi lang natin nabalitaan na nagkaanak kayo hindi kana siguro magtitino." "Alam niyo ang ugali ko. Alam niyo din na gagawin ko ang lahat para sa kanya." "What if kung wala talaga kayong anak?" "Hindi parin magbabago ang balak ko. Tutulong padin ako. She's my Wife. Gagawin ko ang lahat mapatawad niya lang ako." "But Will do you think she'll recognized you now? Ang alam natin hindi ka talaga niya naaalala." "I will do everything. Maalala niya lang ako." "Damn Love! The f*****g chickboy. Laking pinagbago mo bro!" "Ano inggit kana Denver?" "f**k you! Mas masaya ako sa ganito madaming babes." **** Ilang araw Kong hinanda ang sarili ko. Kung sakalaing si Kristina ang papalit kay Diego. Handa akong tumulong sa kanya. "Sir, may balita po akong nalaman." "Tell me everything." "Bukas po dadating ang papalit kay Diego. Walang iba kundi ang nag-iisang anak nila ni Salva Cruz. Si Kristina Cruz po. Siya ang papalit at mamamahala ng lahat ng Corporation nila. May usap-usapan din na baka ibenta na nila ang Cruise ship nila. May mga member daw po na nag pull out ng shares nila dahil palugi na po ito." "What about their other business?" "Only Cruise ship Corporation lang po ang ibebenta nila Sir." "Okay. Thanks. Set me a meeting sa Cruz." "Kanino po Sir sa bagong-" "No. Kay Diego Cruz. Mamayang gabi." "Copy sir." "Good. You may go." Ang sekretarya ko ang inutusan ko sumagap ng balita tungkol sa mga Cruz. Alam ko matagal na nanganganib ang Cruise Ship Corporation. Malaking epekto sa kanila ang nangyari sa paglubog ng isang barko. Madami ang napinsala at namatay na mga tao. Kaya sila lahat ang gumasto lahat. Nadadanay na rin ang kanilang ibang kumpanya. Kaya bago pa man mangyari yan papasok na ako sa buhay nila. Hindi bilang isang business man. Kundi bilang asawa ni Kristina. Bago pa dapat makarating ng pinas si Kristina. Dapat makausap ko na si Diego. "Hello? Confirm. Si Kristina ang papalit kay Diego. At bukas ang dating niya." "That's good. Malalaman mo na rin kung may anak talaga kayo." "Yeah. Kung may anak man kami o wala ibabalik ko siya. Ibabalik ko siya sa dating Kristina." "You mean iuuntog mo ulit? Naku bro! Mahirap yan." Imbes mairita mas natawa ako sa sinabi ni Benedict. Hindi ko alam may siraulo pala akong kaibigan. Sira sa utak! "Sira! Gago mo! Bahala kana nga sa buhay mo." "Biro lang. Sige na. Esturbo ka talaga!" Ilang minuto ng paghihintay ko dito sa cafe Benedict nandito na rin si Diego. Ang ama ng asawa ko. "Good Evening William Mondragon." "Good Evening Sir." "Your secretary request a meeting na tayong dalawa lang. Anong mapaglilingkod ko sayo?" "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Sir Diego Cruz. Isa lang ang kailangan ko." "About what?" "Bibilhin ko ang company niyo." "What company Mondragon?" "Cruise ship Company. Alam ko na palugi na ito. Kaya ako ang bibili." Tumawa ito ng mahina. Kaya sumimsim ako ng alak. "Bakit mo naman gustong bilhin ito?" "Business is Business. Alam mo yan. Kung hindi mo naman ibebenta I'll buy half in your company since madami na ang nag pull out ng shares sa company mo. What do you think Mr. Cruz?" "I'll think of it. Anyway thanks sa offer mo." "Think of that Mr. Cruz. My secretary will send my number to you. Thank you. Have a nice evening." Kristina's POV It's so good to be back home again! Ang amoy ng Manila, ang ingay ng bawat sasakyan! Pero bago pa man kami makaalis ng ibang bansa may masamang kutob na talaga akong nararamdaman. Pano kung muling magtagpo ang landas namin? That day na umalis ako dito sa pinas, lahat ng kaugnayan ko kina Samantha ay pinutol ko na. Nakaka guilty nga kasi palaging tumatawag at nangangamusta sila Samantha. Kaya nag desisyon na akong magpakalayo-layo upang mapadali ang paglimot sa mga nangyari. "Let's go?" "Oh? Ye-yeah! Sure." "Kanina pa pala tumatawag si Tito. Tawagan muna kaya?" Sabi sakin ni Herald habang dala ang mga bagahi namin. Kasama ko siya sa States. Sa una ay hindi niya alam ang pag-alis ko. Dahil sa kakulitan nakumbinse niya ang magulang ko kaya nalaman niya kung nasaan ako. Wala naman akong magagawa pa dahil hindi pa talaga alam nila Mom na wala na kaming relasyon ni Herald dati. Pinagtaboyan ko si Herald, madaming pagsubok ang nagawa niya kaya hinayaan ko na lamang si Herald sa gusto niya. He choose to stay with me. Halos mawalan din ako sa katinoan. Palaging naglalasing, umaalis sa gabi para magsaya at uminom ng uminom! Without Herald ewan ko kung ano na ako ngayon. Until one day I realized na wala dapat sisihin sa pagkawala ng anak ko. We admit na nagkamali kami. Kaya napatawad na namin ang isat-isa. Hindi na rin kami nagkabalikan pa. Sapat na ang pagkakaibigan namin ni Herald. Alam ko naman na may lihim na pagmamahal pa si Herald pero hindi ko na iniintindi iyun. Ang importantr sakin ay bumangon ulit. Iniisip ko na ang mga nangyari sakin ay isang masamang panaginip lamang. Limutin ito ng tuluyan. Dapat ang pagtuunan ko ng pansin ang mga magulang ko. Ang kumpanya namin. Pinaghirapan ng magulang ko. Iaahon ko ito. "Yes dad. Kararating lang namin. Yeah! Were on our way now. Don't worry dad. Thanks. Bye." "Kagabi pa tumatawag si Tito sakin. Hindi mapakali sa pag-uwi natin. I'm sure they missed you so much." "Yeah I know! Ang kulit lang. Ahm. May sasabihin din daw siya sakin. About sa Company. Ugh!! Ngayon pa lang sumasalubong na sakin ang problema ng kumpanya." "Ganyan talaga. But Kristina it's about time na siguro na ikaw na ang mamahala sa kumpanya niyo. Palugi na ito. Baka ma sulosyonan pa. Magawan ng paraan." "I don't know Herald." Halos pabulong kong sabi sa kanya. Bumuntong hininga muna ako bago ulit magsalita. "Bahala na! Para kina Dad at Mom I will do everything hindi lang masayang ang pinaghirapan nila." "Don't worry. Hindi kita papabayaan." "Thanks Herald." "Ako nga ang dapat magpasalamat sayo. Sa laki ng kasalanan nagawa ko, nagawa mo parin ako mapatawad. By the way. Maiba ako. Kailan mo balak sabihin kina Tito at Tita ang lahat?" "Ewan ko. Isa din yan sa problema ko." "I'm sorry." "Isa pang sorry Herald babatukan na talaga kita!" "Woh! Chill!" I heard him laugh. " Kay init na nga sa pinas, sumasabay kapa. Ang beauty sweetie masisira." "Ewan ko sayo! Tulog muna ako. And please? Don't disturb me." "Okay! You're the boss." Except sa mga kaibigan ni William, isa din si Herald sa may alam anong nangyari sakin. I told him everything. Lalo na sa kasal namin ni William. Nagpapa salamat din ako kay Herald dahil hindi niya ako pinangunahan ng malaman namin na buntis at nakunan ako at the same time. Makalipas ang ilang oras ng biyahe dahil sa sobrang traffic, buti naman ay nakarating na kami sa mansion. "Hey sweetie, we're here." "Ang bilis talaga natin nakarating noh?" "Sinabi mo pa. Tumutulo na nga ang laway mo sa sobrang sarap ng tulog mo." "Herald! Ayan kana naman." "Biro lang! Sige na baba kana. Alam ko kanina pa naghihintay mga magulang mo." Papasok na kami ng bahay ng marinig ko ang sigaw ni Mommy na nagpagulat samin ni Herald. "Kristina my baby girl! Ikaw naba yan? Ang ganda-ganda mo na! Hay naku! Iha na sobrang namiss kita!" "Mom! Sobrang miss din kita. Si dad po?" "I'm here honey." Napalingon ako sa gilid. Bago pa man ako makalapit sa kanya para yakapin siya. Napansin ko sa kanya ang awra niyang sobrang stressed. At alam ko dahil ito sa kumpanya. "Dad! I miss you!" "Ang Little Princess ko is now a Lady! Laking pinagbago mo iha." "Si dad naman. Ako pa din po ito. Nadagdagan lang ng kaunti ang kagandahan ko." "I like that baby. Bukas lalabas tayo para magpa ganda. Oh! I'm so excited!" "Sorry darling. Resched that. Bukas na mag uumpisa si Kristina. Ipapakilala ko na siya bukas. At may dapat pa kaming pag-usapan." "Diego, pagpahingain mo muna ang anak mo." "No mom. It's o-okay. Sa weekends na lang tayo lumabas. Dad was right. Unahin muna namin ang kumpanya." "Hmm. Fine. Basta huwag kang magpapagod ha? Diego, understand? Huwag mong ipressure ang anak natin? Anyway, Kamusta kana Herald? Thanks to you dahil hindi mo iniwan si Kristina." "No worries Tita. Alam niyo naman po gano ko kamahal ang anak niyo. Kahit wala na kami. I still love her." "Hindi ko man alam ang pano kayo nagkahiwalay pero thank you pa rin dahil hindi mo siya iniwan." "Sige na at alam ko gutom na kayo. Kumain na muna tayo bago ka umuwi Herald. Alam ko pagod ka din." "Come here Princess mag kwento ka naman sakin sa states." Mapapasabak na naman ako neto sa kadaldalan ng Mom ko. Si mom kasi ang uri ng babae na hindi titigil sa kaka kwento ng kung ano-ano lalo na ngayon nakauwi na ako? I'm sure madaming tanong na ito sa isip niya. Kulang na lang ay ilista niya lahat para wala talaga nakalimutan. Napangiti na lang ako ng kaunti. I missed them so much! Silang dalawa ang buhay ko. Kaya gagawin ko ang lahat para hindi masayang ang pinaghirapan ng magulang ko. Lahat gagawin ko! Para sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD