(Hannah) "Ma'am, nandito na po pala ang ibang papeles para sa darating na bidding for Del Sol Valley." Nakangiting bungad ni Julia sa akin. Kinuha ko naman ito at nagpatuloy na naglakad papunta sa opisina ko, nilingon ko naman si Cheska na ngayon ay cute na cute na nakasuot ng isang pink dress at hawak ang teddy bear niya. Napansin ko rin na tuwang tuwa ang mga empleyado ko tuwing pumupunta dito si Cheska, and Cheska likes them. Nasanay na rin sila na sa tuwing pumupunta dito ang bata ay pinapalibutan nila ito at pinanggigilan ang pisngi ng bata, kahit naman ako hindi ko maiwasan na hindi manggigil sa bata. Pagkapasok ko ay dumaretso naman ako sa lamesa ko while Cheska sits on her table, nagpagawa ako ng lamesa for her dahil interesado ata ang bata sa business. Nagulat nga ako na maru

