Episode 1
(Hannah)
"Hannah?" napatingin ako sa pintuan ng opisina ko dahil sa pagpasok ni Mommy. "Mom? what are you doing here?" nagtataka kong tanong sa kanya, I close my laptop to focus on her.
My mom is wearing her usual attire and she is holding her berkin bag. "Just visiting you, Madalang kana kasi kung umuwi sa bahay." mahinhin niyang sabi sa akin. Napangiti naman ako dahil sa pagtatampo ni mommy. "Mommy alam mo naman na kailangan kong pumasok everyday and work 24/7 for our company right?" seryoso kong sagot sa kanya. But she just pouted at me.
"Pero anak alam mo naman kung gaano kalungkot mag isa diba? kailan ka ba mag aasawa?" mahinang sabi ni mommy sa akin. napasapo naman ako sa ulo ko sa sinabi niya. Tinignan ko siya at nakita ko ang kanyang mukha na parang atat na atat na mag asawa na ako.
"Sinabi ko na sayo mommy na ayokong mag asawa diba? If you want to have a grandchild that bad, I can undergo Artificial insemination to get pregnant," I responded to her. But she frowned from what I said at parang bata na nagdadabog.
"No, ayokong magka apo using that technology. Anak magpakasal ka na kasi," pagpipilit niya ulit sa akin. Paano nga ako magkakapag asawa at magkaka-anak kung ayoko nga sa mga lalaki. "Mommy, Alam mo naman na ayoko sa mga lalaki diba? you know the reason."
"Hindi naman lahat ng lalaki katulad ng daddy mo." my mom said sadly. Napailing naman ako sa pagtatanggol ni mommy sa mga lalaki, pinindot ko naman ang intercom ng opisina ko. "Bring us tea." utos ko sa sekretarya ko.
"Ipapakilala kita sa mga kakilala ko na may anak na lalaki, Anak sige na." pagpupumilit ulit sa akin ni mommy. Pero umiling lang ako sa sinabi niya. "Ayoko nga mommy, And I don't want to talk about this anymore." seryoso kong sabi sa kanya. Napatahimik naman siya sa sinabi ko.
Alam na alam ni mommy na ayaw niya akong magalit. Binuksan ko ulit ang laptop ko at nag umpisang mag trabaho ulit. "Ano ba kasi ang ginagawa mo?" curious na tanong sa akin ni mommy.
"I am planning to participate to an annual bidding mom, and this papers I am working right now are the main requirements para sa mga sasali doon." seryoso kong sagot sa kanya habang hindi kinukuha ang tingin sa laptop.
"It is the time of the year na pala? So ano ano ang mga ibibid doon at gusto mong sumali?" she plain asked. I look at my mom na pasimpleng hinigop ang tsaa na inihanda ng sekretarya ko. "The Del sol valley, Mom." Masaya kong sagot sa kanay at ibinalik ko na ang tingin ko sa laptop ko.
Narinig ko naman na napabuga siya sa sinabi ko. "What? How come na nasa bidding ang Del Sol valley?" gulat niyang tanong sa akin. I just rolled my eyes on her. "Hindi na iyon importante kung bakit nasa bidding ang Del sol Valley, ang importante ngayon ay dapat makakakuha ako doon kahit ilang hectares lang ng lupa para mapagpatayuan ko ng pabrika." bored kong sagot sa kanya.
"Nabankrupt ba ang mga Del sol?" nagtatakang tanong ni mommy. Napailing naman ako sa sinabi niya. The Del Sol valley is one of the famous valley here in our country and everyone went crazy when the Del Sol family put it on lease. Hindi kami makapaniwala dahil ito ang pangunahing pinagkukunan nila ng pera pero bakit nila ito ibebenta?
Well, Hindi ko na iyon problema pa ang nasa isip ko ngayon ay dapat makakakuha ako doon kahit ilang ektarya ng lupa at kapag nakakuha ako doon. My company will be one of the top companies in the world next to Seranogarcia and Rodrigez. Tanging sa country na ito top ang Pamilya ko at ang goal ko, I will make my family as one of the most powerful families in the world.
"Your dad is back." biglang anunsyo niya. Kaya napatigil ako sa pagtytype. I look at her shocked and at the same time nararamdaman ko ang galit na nabubuo sa loob ng katawan ko. "How dare him to go back?!" I roared. I punch my table out of anger.
"Anak , calm down." pagpapakalma sa akin ni Mommy. "Calm down? Mom? After all this years that you are living in vain babalik siya? Ano? wala na ba siyang pera?" galit kong usal sa ina ko na ngayon ay natatakot na sa pagtaas ng boses ko.
Hindi makasagot sa akin si Mommy. I take a deep breath at uminom ng tsaa. "Bakit siya bumalik? mom?" puno nang galit kong tanong kay mommy.
"He said that he is sorry sa pag iwan sa atin, He said na magbabago na siya, He said--" hysterical na sabi niya kaya I stop her.
"At naniwala ka naman mom?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. She nod, Napabuga naman ako sa sagot niya. Umiling ako dahil sa disappointment. "Mom, Noon pa man ay sinasabi na niya na magbabago siya, And everytime na binibigyan natin siya ng chance he will take it as an advantage para makahuthot ng pera, at kapag nakuha na niya ulit ang pera itatapon na niya ulit tayo ng parang basura." puno ng hinanakit kong sabi kay mommy.
Napayuko naman si mommy sa sinabi ko. "But he said magbabago na siya." she said with full of hope. Napakuyom naman ako ng kamao dahil sa sinabi niya.
That man took advantage my mom again. "And he said na gusto niya tayong magdinner anak, He wants his family back," hopeful na sabi ni mom sa akin. I just look at her at nakita ko kung gaano kamahal ni Mommy si daddy when in reality. My dad wants my mom as her sugar mommy.
Pera lang ang habol ni dad sa amin, ngayon at napausbong ko ng maigi ang company ni mommy. "Can you give him another chance anak?" puno ng pag asa niyang tanong sa akin.
"You already know the answer mom. Kailan ka ba magigising sa katotohanan na manloloko si dad?" I articulated. "But he said--" I stand up aggressively dahil sa patuloy na pagrarason ni mommy. She stopped.
"He will never change, Never!" seryoso kong sabi sa kanya. "And I won't give him another chance, pag pera ang usapan mom? magiging pink ang buwan bago siya makakuha sa atin." buong tapang kong sabi kay mom.
I never stood against my mom in any decisions in her life. But when it comes to this man. I will raise hell para hindi siya makalapit sa amin. And while I am thinking about raising hell, dapat maunahan ko na ang mga disasters na dala ng taong iyon.