Episode 2

1294 Words
(Hannah) After nang sagutan naminn ni mommy kanina ay naisipan na din nitong umuwi sa bahay. The nerve of that man to comeback. "Julia?" tawag ko sa sekretary ko. Makalipas ang ilang segundo ay pumasok si Julia sa opisina ko. "Call the underground. May ipapagawa ako sa kanila." she bowed her head on me at agad ding lumabas ng opisina ko. I picked my phone and dialed a number. After a few rings she answered. "What is the matter with you? siesta ko kaya?" mataray na salubong sa akin ni Amelia. I just rolled my eyes on her. "Call the others, Code red." seryosong sagot ko sa kanya and I hang up. Hinilot ko ang sentido ko dahil sa stress na nararamdaman ko ngayon. I look at my laptop at binasa doon ang mga kailangan ko for the upcoming bidding. This event is the most important bidding in my life. Kailangan ko itong makuha at ngayon isang problema naman ang dumating sa buhay ko. Bakit ka pa kasi bumalik? Ano nanamang problema ang dala mo? makalipas ang ilang oras ng pagtratrabaho ko ay biglang nag ring ang Phone ko. Tinignan ko kung sino ito at doon ay nakita ko ang numero ni Penelope. "Hey btch, The coast 8 sharp." Mataray na salubong niya sa akin. Hindi ko na kailangan pang sumagot sa kanya. What is the point? I stretch my hands and my body at humarap sa laptop ko. I started typing and reading the materials which is place on the top of my table. Ilang beses din akong humigop ng kape na pinahanda ko kay Julia. Makalipas ang ilang oras ay napatingin ako sa relo ko. "7:30?"basa ko sa orasan. I finish my works at exactly 7:30 p.m. Habang nagpapahinga ako ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at lumabas doon ang mukhang nag aalala ni Julia kaya nagtaka ako sa inasal niya. "What?" "Ma'am—” hindi na natapos ni Julia ang sinasabi niya ng biglang may pumasok sa opisina ko nang sumisigaw. "Sinasabi ko sa inyo anak ko ang may ari ng kumpanyang ito!" galit niyang sigaw sa mga tauhan ko. Nagpanting naman ang tenga ko dahil sa pamilyar na boses na iyon. Sinenyasan ko naman ang mga guard na bitiwan siya. "See?! mga hampaslupa," pang iinsulto niya sa mga ito. Inayos niya naman ang kanyang damit at humarap sa akin. "Darling! I miss you," plastic niyang sabi sa akin. He attempted to hug me but before he could do that I interrupt him. "Wala akong perang maiibigay sayo." direkta kong sagot sa kanya na siyang ikinatigil niya. "What?" puno ng pagtataka niyang tanong sa akin. I raise my eyebrows on him. "Wag ka nang mag maang maangan pa. So tell me? bakit ka bumalik?" nang aasar kong tanong sa kanya. Nakita ko naman na naoffend siya sa sinabi ko. Tinignan ko siya from head to toe. Napansin ko na pumayat siya. Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan nito? "Anak--" I stop him. "Hindi ka ba pinangingilabutan sa sinasabi mo? Anak? at hanggang kailan mo ako anak aber? pag nakuha mo na ang pera ni mommy?" galit kong usal sa kanya. This man is too much. "What? Anak nagbabago na ako for your sake, Tama na ang mga panahong sinayang ko. Hindi ko na uulitin ang mga nagawa ko noon." pagmamakaawa niya sa akin. But I just laugh sarcastically at tinignan siya. "Pang ilan mo na yan?" tanong ko sa kanya. He look at me with a question in his eyes. "Ilang beses mo nang pinag practisan yan? Daddy?" sarcastic kong tanong sa kanya. "Anak ama mo pa rin ako. You should know your place," matapang niyang sagot sa akin. Mas lalo naman akong napatawa dahil sa sinabi niya. "Ama? tell me? Hanggang kailan?" tumigil ako sa pagtawa at pinantayan siya ng tingin. "Show your respect young lady." galit niyang sabi sa akin. He even cross his arms while facing me. The audacity of showing a false authority. Napailing naman ako sa kanya, "Respect?! alam mo ang salitang iyon?" kunwari kong tanong sa kanya. I can tell na galit na galit siya sa akin ngayon dahil sa inaasal ko. "What happened to you? Bakit ka ganyan Hannah?" nag aalala niyang tanong sa akin. Mas lalo akong napatawa sa inasal niya. This man is ridiculous. Paano ko to naging tatay? akmang hahawakan niya ako pero iniwas ko ang kamay ko. "Don't touch me." malaming kong saad. "Simula noong niloko mo kami ni mommy, mula nung pinagpalit mo kami sa mga kabit mo, nagbago na ako. I’ve changed." matapang kong saad sa kanya. Lumapit pa ako ng kaunti para maramdaman niya na hindi ako natatakot sa kanya. "Kung inaakala mo na mauuto mo ako dahil sa sinabi mong magbabago kana? Ibahin mo ako kay mommy. Ibahin mo ako sa kanya." puno ng pagbabanta ko sa kanya. Napaatras naman siya sa ginawa ko. "Fernando!" malakas kong tawag sa head ng bodyguards ko. Agad naman pumasok si Fernando sa opisina ko. "Get this man out of my sight. And don't let him enter this company again. Do you understand?" utos ko sa kanya. He nodded at me at kinuha ang ama ko. "Bitiwan mo ako!" pagpupumiglas niya. "Ama ako ng CEO ng kumpanyang ito! Anak pag usapan naman natin ito," pagmamakaawa niya sa akin. I just turned my back on him at bumalik sa lamesa ko. Nagpupumiglas siyang hinila ng mga body guards kopalabas ng opisina. "Hannah! sinabing bitiwan mo ako eh! Hannah! anak!" rinig kong sigaw niya mula sa labas pero hindi ko iyon pinansin. Ang kapal ng mukha niyang magpakita sa amin. Hindi ko iniisip ang problemang dala ng lalaking iyon. Mas iniisip ko ngayon si Mommy. Knowing mom? marupok iyon pagdating kay dad. She can give him an infinite chances. Habang iniisip ko iyon ay nakita ko na ang sarili ko na pumasok sa The coast. "You are late!" bungad agad ng mga kaibigan ko. I just rolled my eyes on them at umupo na sa vacant sit. "Someone visits me kaya badtrip ako ngayon." asar kong sagot sa kanila. Tinawag ko naman ang waiter to order. "How unusual ikaw ang naunang mag order? So malaki nga problema, Spill it." gulat na sabi ni Penelope. Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang Waiter. "One steak and a wine," order ko at binalik sa kanya ang menu. "My dad came back." panimula kong sabi sa kanila. "What?! at ano na namang kaguluhan ang dala ng ama mo?" gulat na tanong ni Claire sa akin. "For now wala pa, but eventually meron sa future. I just need to prepare and I need your help." "Of course my dear btch, Tell us what to do?" I smiled to their response. "Same pa rin. But this time kailangan nating higpitan ang pagbabantay sa kanya, I sense something will happen in the future"seryoso kong sabi sa kanila. They just nod at me. "Nacontact mo na ba ang underground?" Tanong sa akin ni Amelia. I nodded. "Malaki ang maitutulong nila sa pag imbestiga kay dad. For now I need to secure our safety at mas gusto ko pang malaman kung ano na naman ang ginawa ni dad this time," I drink my wine na kakaserve lang sa amin. "And your mom?" Penelope ask me. "Wala akong makukuha kay mom. Bulag iyon sa pag ibig niya kay dad, hinigpitan ko na ang mga bank accounts niya dahil panigurado ay huhuthutan niya ulit si mom," sagot ko sa kanya. "Panigurado talaga girl. Look at your back." mataray na sabi ni Claire sa akin na siyang ikinalingon ko. "Nag uumpisa na nga eh" napahilamos naman ako sa mukha dahil mukhang alam ko na kung ano ang nangyayari sa likuran ko. Can I have a break from this father of mine?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD