Episode 3

1108 Words
(Hannah) Halos mawindang ako sa nakita ko. "And your mom look so happy. How can you take away her precious smile?" sarcastic na tanong sa akin ni Penelope. Sinamaan ko siya ng tingin sabay inom ng wine. "My mom deserves everything in this world, and that man? he doesn't deserve mom and a penny." mataray kong sagot sa kanya. ibinalik ko naman ang tingin ko sa nanay kong maka ngiti ay akala mo walang ginawang masama sa kanya ang kasama niya. At makangiti naman ang ama ko ay akala mo walang ginagawang kalokohan sa aming mag-ina. Napakainosente ng mga ngiti niya, paano kaya siya nakakatulog tuwing gabi sa lahat ng panlolokong ginawa niya sa amin? Napadako naman ang mga mata ni mommy sa akin kaya masaya niya akong tinuro. Tumalikod ako sa kanila at nakita ko ang reaction ng mga kaibigan ko na pinipigilan ang pagtawa. "Plastic mode on," natatawang sabi ni Amelia. She drank her wine while giggling. "Anak, Nandito ka pala? sana sinabi mo para sabay na tayong magdinner anak," masayang bati sa akin ni mommy. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako humarap sa nanay ko. "Mom, I am just hanging out with my friends, matagal ko na din silang hindi nakakasama for dinner," tumayo ako para humalik sa pisngi ni mom. Nakita ko agad ang mukha ng tatay ko na nakangiti nang sobrang tamis. "Sumama kana sa amin ng mommy mo para makapag usap naman tayo anak," malambing na saad ng tatay kong plastic. "Mom, I will go home tonight pakisabi nalang kay manang to prepare my bath." I said coldly ignoring what he said. "Anak, kinakausap ka nang daddy mo," babala sa akin ni mommy. I just raise my eyebrows in her. "You already know the reason mom, Wag mo nang hintayin na sabihin ko dito baka may mapapahiya." nakangiti kong sabi sa kanya sabay balik sa upuan. "Have a great night mom!" masaya kong bati sa nanay ko. "And mom," tawag ko ulit kay mommy na ngayon ay nag aalinlangan kung aalis ba or hindi. "I don't want to see him in our house, and I expect you na nandun ka pag uwi ko." seryoso kong sabi sa kanya. "Are you her mom?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Claire. "Nope. Pero ako ang decision maker sa bahay because ako ang gumagastos doon. Hindi ako makakapayag na basta basta na lamang babalik ang taong iyon sa buhay namin,"seryoso kong sagot sa kanya. I drink my wine because of frustration. Dumating na din yung mga inorder namin. "Your dad looks awful anong nangyari doon?" panimula ni Amelia habang hinihiwa ang steak niya. "I don't know either. Kaya nga ako nagpapatulong sa inyo to look deeper kasi masama ng kutob ko bakit siya nagkakaganyan." puno ng pagdududa kong sagot sa kanya. "Mukhang alam ko na ang isang rason kung bakit siya nagkakaganyan?" napatingin naman kami sa sinabi ni Claire. "Do you have any idea claire?" I asked her. "But I need to confirm it first bago ko sabihin sa inyo, Mahirap na," she cautiously answered. I look at her curiously. Napatingin naman siya sa akin. "Trust me. You won't like to know right now, Kailangan ko lang maka sigurado pero mukhang doon na din yun papunta. I need evidence to support my speculations first." dagdag niya. "Mukhang may Idea na din ako Hannah sa sinasabi ni Claire, at kung parehas kami ng iniisip kailangan nga niya ng evidence," pagsegunda naman ni Amelia sa sinabi ni claire. "Afterall, Claire owns the greatest hospital in our country, makalipas lang ang ilang araw makukuha mo na din ang sagot sa mga pinagsasabi namin." dagdag niya. "Hospital? bakit na involve ang hospital dito?" I ask them curiously. "Mukhang may Ideya na din ako." sabi naman ni Penelope. Why is it na involve ang hospital? bakit? I look at my Father na ngayon ay halos mapunit ang mukha dahil sa sobrang lapad ng ngiti. He look sick pero unusual ang mukha niya. Parang may ginagamit. Napatigil ako sa pag iisip dahil sa ideyang iyon at napatingin sa mga kaibigan ko na nag iwas ng tingin. "Don't tell me?" gulat kong tanong sa kanila. "Wait! wag ka munang mag assume. We need evidence to support the idea." pagpigil sa akin ni Penelope. "Wag ka munang mag assume, Ako na ang bahala dito." seryosong sabi ni Claire. Halos hindi ako makapaniwala sa naiisip ko ngayon. After all what he did to us, ito yung mas nakakagulat. "Mukhang ito na yung problemang sinasabi mo." wika ni Penelope. Hanggang pag uwi ko ay iyon pa din ang iniisip ko, Kung totoo nga itong iniisip namin. Mas malaking kahihiyan ito sa pamilya ko at worst it may affect my company and reputation. pagkapasok ko ng bahay ay bumungad sa akin ang mukha ni mommy. And I know this look. "Wag mo akong unahan mommy," I warn her. It is her tuntrums look. "Pagod ako." dagdag ko sa kanya. "Kawawa naman ang daddy mo anak, Nasa hotel nakatira at worst sa isang cheap na hotel pa anak." pagpaparinig niya sa akin. I just rolled my eyes on her. Alam na alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin. "No." agad kong sagot sa kanya. Umalis na din ako sa harapan niya dahil andyan na naman ang pouty lips niya. "Anak please! Malaki naman ang bahay anak, Kahit hindi kayo magkita." pagmamakaawa sa akin ni Mommy. "I said no!"seryoso kong saad sa kanya. I look at her again. "When I said no mom, No. I don't want him to step in this house. Not now, Not ever" matapang kong sabi sa kanya sabay akyat papunta sa kwarto ko. Hindi ko pa din matimpla ang ugali ni mommy. Parang noon lang ay galit na galit siya kay daddy dahil sa pag iwan niya sa amin. Ngayon ay parang aso na gustong makakuha ng buto kung makapag pa cute sa akin. When I reach my room. I immediately close the door dahil any moment ay papasok si mom doon to nag me. "Sino ba kasi ang matanda sa amin dito?" naasar kong tanong sa sarili ko. I entered my bathroom to take a bath. mas lalo kong inisip ang speculations nang mga kaibigan ko kanina. Mas kailanga kong protektahan ang nanay ko mula sa kanya if ever totoo iyon. At ang nakakapagtaka lang, sapat na ang perang ninakaw sa amin ni dad noon. Kahit ako hindi ko iyon makakayang ubusin sa loob ng 7 taon. pagkalabas ko ng banyo ay agad kong kinuha ang Cellphone ko to call someone. After a few rings ay sinagot na din niya ito, "I want you to loook for something."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD