(Hannah)
"This are all the information you needed Hannah." my private investigator handed me a brown envelope.
Agad ko itong binuksan dahil ito ang magiging susi ko para malaman kung ano ang pinaggagawa ng magaling kong ama sa nakalipas na taon. Pero napakunot ako ng noo dahil sa laman nito. "What is the meaning of this?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Pero hindi siya kumibo at uminom na lamang ng tubig, "That 2 sheets of paper will tell you everything, Hannah. Your father hit a big mountain this time."
nanlumo ako sa sinabi niya, agad kong binasa ang laman ng papel na iyon at habang pababa ng pababa ang mata ko ay nararamdaman ko ang galit sa dibdib ko.
Nilipat ko naman ang pagbasa ko sa kabilang pahina at dalawang digits agad ang pumukaw sa atensyon ko. "60 Billion US Dollars?! What the fck!" gulat kong sigaw.
"Your father is involved in a big time scam in Netherlands and now, isang malaking sindikato ang inutangan niya ng 40 billion US dollars with 10% interest rate per month. At kapag cocomputin natin lahat ng utang niya, I mean lahat lahat," he pause for a while.
"Mapapadasal ka nalang na sana hindi mo nalang siya naging ama."
I slammed the table angrily. This can't be, 60 billion US dollars palang to?! and now babalik siya dahil hinahabol siya ng mga pinagkakautangan niya, Anong akala niya sa akin? tumatae lang ng pera?"
"And there is one more thing," nag aalangan na sabi ni Detective Clark.
"What?"
"Your father is also involved in drugs, and now pinaghahanap siya ng higher authorities sa Netherlands." mahinang sagot ni Detective Clark sa akin.
hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil yan ang dahilan kung bakit ko pinahanap ang mga whereabouts niya this past few years and now, how I wished na sana hindi ko nalang inalam pa.
"Ano ang maitutulong ko?" I look at him confused. But it only took a minute bago ko magets and sinabi niya. "Paniguradong hahabulin ako ng mga pinagkakautangan ni Daddy, kaya siya siguro umuwi dito ngayon," seryoso kong saad. I took a small sip of my wine at binalik it agad sa lamesa. I clenched my jaw dahil naasar ko sa problemang dala ni Daddy.
"Call my laywer, Tell him to secure my mansion in the northern part, magiging madugo ang mga susunod na mangyayari dahil any moment from now malalaman at malalaman ng mga pinagkakautangan niya ang location niya," napasapo naman ako ng noo ko dahil sa stress.
"Notify the authorities sa Netherlands, tell them na isusuko natin siya. I don't want a criminal in my house." seryoso kong utos kay Detective Clark.
tumango naman siya habang sinasara ang notebook niya, "Should I contact the banks to secure some money for you?"
tumango ako and I took a deep sighed.
matapos ang meeting ko with Detective Clark ay umuwi na agad ako, I need rest. Siguro magfifile muna ako ng work from home dahil nakakastress magkaroon ng ama na katulad ng sa akin.
Pagkadating ko sa bahay ay binigay ko naman ang susi ng Bently sa personal valet ko.
"Bakit ngayon ka lang?"
napatigil ako sa paglalakad when a deep at puno ng authority ang sumalubong sa akin, and I know exactly kung kanino yun.
"Bakit ka nandito?" galit kong tanong sa kanya.
"Wala ka na talagang galang, Is that how you answer me? ha? Hannah?" galit ding sagot sa akin ng magaling kong ama.
"Sino ang nagpapasok sayo dito? Guards!" malakas kong tawag sa mga guards namin.
"This is also my home. Your mom and I are still married and lahat ng properties niya, may parte ako dun." mayabang niyang sagot sa akin, I just raise my eyebrows on him.
"Baka nakakalimutan mo na ang tanging property lang ni mom ay ang maliit na penthouse sa syudad ng Amsterdam? doon ka lang may karapatan remember?" I answered with a mockery in my face.
Nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya dahil sa galit. "Wala ka talagang utang na loob! I am still you father at sa ayaw mo at sa gusto susunod ka pa rin sa mga gusto ko!" galit niyang sigaw sa akin.
"Magkano ba ang putanginang utang na loob na yan at babayaran ko ng buo." matapang kong sigaw sa kanya.
natahimik siya dahil sa pagtataas ng boses ko. "You know what? ilang beses mo na akong blinackmail sa utang na loob na yan, Everytime na uuwi ka, Yan lang ang bukang bibig mo."
"Mukhang nakakalimutan mo ata kung paano mo binago ang sweet at uto-uto mong anak?" dagdag ko. Hindi ko na mapigilan na sagutin siya ngayon, he started this row.
Lumapit ako sa kanya with a closed fist. "At akala mo ba hindi ko alam kung anong katarantaduhan ang ginawa mo this past few years? Kaya ka ba bumalik?"
Nagulat naman siya dahil sa sinabi ko. "How?" I smiled victoriously. Mukhang napaatras siya ng konti dahil nakita ko na gumalaw ang upuan na nasa likuran niya.
"Ang kapal din naman talaga ng mukha mo na tumapak dito sa bahay KO? Ano? pinaghahabol ka na kaya ngayon hihingi ka ng tulong sa akin?" sunod sunod kong tanong sa kanya.
Ilang saglit pa ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Anak tulungan mo ako, papatayin nila ako."
I rolled my eyes on him. "Saan ba nanggaling ang kalyo mo sa mukha? napakakapal na kasi. This is not just the first time na humingi ka ng tulong from me," I looked at him pitifuly.
"Halos 10 billion US Dollars ang nakuha mo sa akin, and wala ka ngang naiambag sa kumpanya ko. And now hihingi ka ulit sa akin dahil hinahabol ka ng mga pinagkakautangan mo?" galit kong sigaw sa kanya.
"Piece of cake lang naman sayo ang pera anak, parang awa mo na tulungan mo ako."
sa sobrang panggagalaiti ko sa kanya ay tinapon ko ang vase ni mom sa harapan niya. Nakita ko naman na nagulat siya ginawa ko dahil kaninang nakaluhod niyang position ay nakaupo na ngayon sa sahig.
"Piece of cake?! Anong akala mo sa kumpanya ko Pink Ribbon?! Hindi lang ulit 10 Billion US Dollars ang utang mo ngayon. Sobra pa ata sa 50 Billion, tapos piece of cake?"
Halos lumuwa naman ang mata niya sa sinabi ko. "Hindi naman ata aabot sa 50 Billion anak."
napabuga naman ako sa sobrang galit sa lalaking ito. "Aabot Dad! at ngayon lang ulit nakabawi ang kumpanya ko mula sa pagkakautang mo, tapos babalik ka?"
"What is happening here?" isang malumanay na tinig ang narinig ko mula sa second floor ng mansyon ko.
"Hon? Hannah? Are you having a row?" inosente niyang tanong sa amin.
Tumawa ako ng pagak dahil sa sinabi niya. "Really mom?"
Hindi naman makatingin si Mommy sa akin dahil alam na niya kung ano ang ginawa niya na mag uumpisa nang kaguluhang ito.
"Why did you let this man enter my home?" seryoso kong tanong sa kanya. She lowered her head and did not utter any word.
Nagpakawala ako ng isang malakas na buga ng hangin dahil sa inis at stress. "I can't believe you mom!"
"Please, don't blame your mom. Sa akin nalang, ako nalang."
I look at the man in front of me with a surprise face. "Stop being so dramatic! Kailan ka pa nagkaroon ng care kay mommy?"
This man is so unbelievable! How can he utter those words na parang ang inosente na niya?
"Anak! You are being too much! Kahit balik baliktarin mo ang mundo, Ama mo pa rin siya!" Galit na sigaw sa akin ni Mommy. Tinignan ko nang masakit ang nanay kong sobrang rupok.
"Yun na nga eh, kahit patayin ko man ang lalaking to ngayon. That will not change the fact na anak ako nang isang drug user! Isang criminal at isang makapal ang mukha!"
And before I knew it, my mom slap me. I look at her dumbfoundedly. "A-anak, I am so sorry,"
And before she can said more words, I picked my bag angrily and look at her coldly. "Kung andito pa yan bukas, kalimutan mo nang may anak ka."
And run to my room, I slam the door and scream at the top of my lungs!
Hindi ako makapaniwala na nasampal ako ng nanay ko dahil lang sa tatay kong walang ginawang tama sa buhay niya.
Habang pinapakalma ko ang sarili ko, napukaw ang atensyon ko sa isang envelope na nasa study table ko. Inisip ko kung ano iyon at kung paano napunta ang envelope na iyon dito sa room ko.
Agad ko itong kinuha at binuksan. Halos mamutla ako sa nabasa ko, its a death note.
They know he is here. Damn.