(Grayson) "Susundan ko muna si Hannah, Grayson. Dapat pagbalik ko ay wala na ang babaeng yan!" galit na usal ni Mommy. Tumango naman ako sa kanya at galit na tinignan si Kriselda. "Hindi mo yan pwedeng gawin! Formonix and Hana company has been friends ever since, gusto mo bang masira ang relationship ng dalawang kompanya?!" sigaw sa akin ni Kriselda. "Wala na akong pakielam, lumabas kana dito bago pa kita ipakaladkad palabas." Akmang lalagpasan ko na sana siya ng bigla niya akong niyakap sa likod. "No! Hindi mo pwedeng gawin yan sa akin! Please Grayson, hiwalayan mo na ang babaeng yan. Nandito ako!" pagmamakaawa niya. Pwersahan kong kinuha ang kanyang kamay sa bewang ko at tinulak siya palayo, Okay naman noon si Kriselda. Actually business partners pa nga kami pero nag iba ang p

