(Hannah) Nagmamadali kaming umuwi ni Grayson dahil nandun daw si Thalia sa mansyon at hinaharass si Cheska, damn that woman. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit, wag ko lang talagang maabutan na sinasaktan niya ang bata dahil paniguradong maninilim ang paningin ko sa kanya. Habang nanginginig ako ay hinawakan naman ni Grayson ang kamay ko kaya napakalma ako ng konti. "It's okay, walang mangyayari kay Cheska." He assured. Tumango naman ako at bumalik ang mata sa daan, makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa mansyon. Agad kong napansin ang mga armadong lalaki na nakapalibot sa mansyon, mas lalo akong kinabahan ng marinig ko ang iyak ni Cheska. When the car stops, mabilis kong tinanggal ang seatbelt at tumakbo sa loob. "Ano ba! Bitiwan mo ang apo ko!" Sigaw ni mo

