(Hannah) "I've heard na sumama daw sayo yung anak ni Grayson? Yun ba yung narinig kong umiiyak na bata sa opisina mo noong nakaraang araw?" Halos mabulunan ako sa biglaang tanong sa akin ni Penelope. "Anak? Bata?" nagtatakang tanong ni Amelia at Claire. I sip a wine to clear my throat, pakiramdam ko kasi bumara ang pagkain sa lalamunan ko. "Ano ba kasi ang nangyayari Hannah? Bakit hinahabol ka ni Grayson?" "Probably because may inutang na malaking pera si Daddy sa kanya," I answered. Inis kong hiniwa ang steak ko dahil naalala ko naman ang nangyayari sa kompanya ko, Siguro ay dahil nabayaran na nga ni Grayson ang ibang pinagkakautangan ni Daddy using my properties pero hindi pa rin daw yun sapat sabi ng sekretarya ko kaya dinagdagan daw ni Grayson. "Then pay him, marami ka namang

