(Hannah)
While I am listening sa pag uusap nila sa kabilang linya ng telepono ay hindi ko na ata alam kung ibababa ko pa ang tawag na to. Nagtatalo ang devil at angel sa balikat ko. "Cheska baby, Lets give mommy more time ha. She is tired from her work and she needed rest," malambing na saad nang lalaking hindi ko alam ang pangalan.
"But Daddy, I really miss her and I want to see her." malungkot na sagot nung batang babae. Oh baby, I don't who you are but I want to hug you.
Alam kong mali itong ginagawa ko, na nakikinig ako sa usapan ng iba pero anong magagawa ko? Is it rude to hang up already? or Should I wait for him to speak? to ask an apology dahil sa biglang pagtawag ng anak niya.
Hindi ako nagsalita nang ilang minuto nang biglang tumahimik ang ang kabilang linya. Tinignan ko ito at doon ko napagtanto na pinutol na pala nila ang tawag. "Bastos yun ah, di man lang nag sorry." inis na usal ko sa sarili ko.
sa sobrang inis ay tinapon ko ay pinatay ko nalang ang telepono ko para wala nang gumambala sa akin. Tinapos ko na agad ang mga ginagawa ko, hindi ko na namalayan na 4 na pala nang umaga at nakikita ko na ang sinag ng araw. "When was the last time I saw the sun rise?" mahinang bulong ko sa sarili ko.
And there you have it, I spend another restless day sa office ko and panibagong araw na naman ang haharapin ko dahil sa problemang dala ng ama ko.
"Ma'am?" natigil naman ako sa ginagawa ko dahil sa biglang pagpasok ng sekretarya ko sa opisina.
"Bakit?" seryoso kong tanong dito. Tinignan ko naman ang mukha niya dahil mukhang naalangan pa siyang sabihin kung ano man ito. "Just say it while I have time, can't you see that I'm busy?" pagalit kong dagdag.
"Ma'am may nagpadala po sa inyo ng package, should I bring it here ma'am?" takot niyang sagot sa akin. napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, Package?
"Galing kanino?"
"Hindi po sinabi ma'am, special package daw po." magalang na sagot niya.
"Just let it in." I answered coldly. I went back to my work and focus sa mga papeles na nasa harapan ko. I already take a bath dahil may comfort room ako dito sa office ko, I have a spare dress here and a hygiene kit. Hindi naman ata pwede na haharap ako sa mga investors and sa mga kliyente ko na parang basura ang itsura ko diba?
Makalipas ang ilang minuto ay biglang may pumasok na mga lalaki. Nagulat naman ako dahil sa isa isa silang pumasok at may dala dalang bouquet, basket and what the fck? Standee of flower? at halos mapuno ang opisina ko ng rosas and patuloy pa rin sila sa pagpasok.
"What the hell is this?!" malakas kong sigaw. Natigilan naman sila dahil sa ginawa ko, halos lumuwa ang mata ko dahil mukhang marami pa atang bulaklak ang nasa labas. "JULIA!" galit na sigaw ko.
Nagkakadarapa naman sa pagpasok si Julia na parang hindi malaman ang mararamdaman. "You said na package ang dumating? What the fvck is this?"
"Ma'am, package daw po yan. Akala ko din po ma'am isang basket of roses lang ang ipapasok nila, yun pala ma'am tatlong truck--" halos lumuwa ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Tatlong truckk?! What the hell!" malakas kong mura. Tinignan ko ng masakit ang mga taong patuloy pa rin sa pagdeliver ng mga bulaklak. "ALL OF YOU, STOP IT!" I shouted angrily.
"You!" tawag ko sa isang lalaki na may hawak na standee ng tulips?
"Ma'am?"
"Kanino galing ang mga bulaklak na to?" seryoso kong tanong sa kanya. "Ah. eh. Ma'am bawal ho sabihin kung sino ang nagpadala ma'am dahil labag po yun sa privacy policy ng kompanya namin," magalang na sagot niya.
"I don't fckng care! Ilabas nyo lahat nang to within a minute, MY COMPANY IS NOT A FREAKING FLOWER SHOP!" asar na sigaw ko sa kanila. "Ma'am pagagalitan ho kami ng nagpadeliver. At sabi niya ma'am, kung sakaling magtanong ka kung sino ang nagpadala, ay ibigay daw sayo ito." takot niyang sagot sa akin. Inabot niya naman sa akin ang isang envelope at tinapos na nila ang kanilang ginagawa. tinignan ko ang color pink na envelope at mukhang scented envelope pa ata ito, marahas kong binuksan ito at binasa ang nasa loob.
'Bouquet of flowers are not enough to express my feeling' - G.R
Oh yeah? because you bring the whole fvckng garden here!
"Who the hell is this G.R?!" I cursed loudly.
makalipas ang ilang oras ay halos mapuno ang kompanya ko ng mga bulaklak. "Ma'am? ano po ang gagawin namin sa mga bulaklak?" nag aalangan na tanong ni Julia.
"Wag mo muna akong kausapin Julia, I need to think of something." malamig kong utas. tumango naman siya at lumabas na nang opisina.
"That damn creep." mahinang mura ko. That anonymous man sent this freaking flowers to my office, Ano ba talaga ang pakay ng hayop na to sa akin? "Daddy, this is all your fault." simpleng utas ko. Tama naman ako diba? kung hindi lang gumawa ng kalokohan ang magaling kong Ama, hinding hindi mangyayari ang lahat ng to.
Ilang saglit pa ay nag ring ang cellphone ko. Hindi ko na ito tinignan at sinagot ko na lamang ito. "What the hell are you doing Mr. G.R?"
"Oh my, mukhang inaasahan mo na ang pagtawag ko Ms. Vanidestine. So, How's my surprise?" malanding bungad niya sa akin. I just rolled my eyes dahil sa inis. "Ano ang tingin mo sa opisina ko? Flower shop? at may mga standee of flowers pa dito, mukha bang may Patay dito?"
"Yes, meron," pilosopong sagot niya. "Aba't--"
"Patay na patay sayo." malanding dagdag niya. "Demonyo, who ever you are creep. Get this flowers out of my company right now." may diin kong litanya.
"Why? hindi mo ba nagustuhan?"
"If I am a spoiled brat, yes magugustuhan ko. But btch I am not. So get your flowers here and leave me alone creep!" galit kong sagot sa kanya at tsaka binaba ang tawag. Hindi ko na namalayan na naibagsak ko pala ng malakas ang Cellphone ko.
Asar kong tinignan ang opisina kong puno nang bulaklak. "Hindi ata package yung pinadala niya, Garden ata. plantito ba yun?"
"Julia!" malakas kong tawag sa sekretarya ko. makalipas ang ilang segundo ay dumating agad siya. "Anong parte ng company ang walang bulaklak?"
"Ma'am ang conference room po." nagtataka niyang sagot. "Good, magpatulong ka sa labas at bitbitin nyo lahat ng gamit ko dito, itransfer nyo doon. Hindi ako makakapagtrabaho pag ganito ang environment ko." seryoso kong utos sa kanya. Nauna na agad akong lumabas at doon tumambad sa akin ang bande-banderang bulaklak na napatong sa lahat ng sulok ng kompanya ko.
I just took a deep but harsh breath tsaka pumasok na sa conference room. Masuyo kong tinignan ang kalakhan ng Conference room at umupo na sa swivel chair. Napaisip tuloy na ako na dapat may secret office na ako dito sa company ko incase na maulit yung nangyari kanina. "Pero bakit mauulit pa yun?" baliw kong tanong sa sarili ko.
"Ma'am? nakita po namin ang cellphone nyo, naitapon nyo po ata." tinignan ko naman ang cellphone ko na basag na ang LCD. Akala ko ba naibagsak ko lang to ng malakas kanina? naitapon ko ata. "Thank you," tanging sagot ko kay Julie. Tumango naman siya at agad na umalis sa conference room, aasikasuhin ata ang mga gamit na pinapalipat ko dito.
Binasa ko naman kung sino ang nagtext at doon nakita ko na naman ang numerong napakabweset. "Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin? Ano ba ang sinabi sa kanya ni Daddy?" mahinang bulong ko sa sarili ko. Hindi ko siya kilala pero the way he interact parang kilalang kilala niya na ako, I mean, I am also popular since I am a tycoon but parang may alam siya sa personal na buhay ko.
"Hindi kaya binenta ako ng ama ko sa kanya?" gulat kong pahayag. What the hell! human trafficking yun ah, kaya ba niya ako pinadalhan ng bulaklak dahil binenta ako ng ama ko sa isang lalaking may Anak na? Matanda na ata to.
binasa ko naman ang text na mula kay G.R.
'I am sorry for what I have done to your company, I will send some men to clean your whole office and I promise it will never happen again by the way I am Gray--'
Nak nampucha! basag ang LCD hindi ko mabasa ang whole message! sinabi na niya ang pangalan niya sa huling parte pero hindi ko pa mabasa dahil sa black na ang kanang parte ng phone ko. "JULIA!!!" malakas kong tawag sa sekretarya ko .
Napansin ko agad ang kanyang pagmamadali na pumasok sa Conference Room. "Ma'am?"
"Get me another phone," utos ko dito.
"Anong phone po?"
"Anything, just get me one."
Tumango naman siya at umalis na agad. "Gray what? Color ka ba?"
Natapos na nang mga tauhan ko ang paglilipat ng mga gamit ko sa Conference room at nag umpisa na agad ako sa mga trabaho ko. Makalipas ang ilang oras ay bumalik na si Julia dala ang isang paperbag na hula ko ay Cellphone na. "Ma'am sorry natagalan ho, Eto na nga po pala ang bagong cellphone nyo ma'am." magalang niyang sabi.
Tumango naman ako at kinuha ang paperbag na naglalaman ng Cellphone ko.
"You may have you break, and here," kinuha ko naman ang isang card at binigay sa kanya. "Get yourself something to drink and buy some snacks to the employees. Alam kong marami ang naantalang trabaho dahil sa pambubulabog kanina." utos ko dito.
"Maraming salamat po ma'am." nakangiti niyang sagot at umalis na siya agad.
nilipat ko naman ang simcard at memory card ko sa bagong cellphone. makalipas ang ilang minuto ay bumukas na agad ito. Agad kong tinungo ang messages para basahin ang message mula sa lalaking iyon.
'I am sorry for what I have done to your company, I will send some men to clean your whole office and I promise it will never happen again by the way I am Grayson Reyes. And I would like to invite you for dinner, to apologize formally.'
'No reply? Okay I will assume that you said yes.'
'I will pick you up by 6. See you later'
Lumaki naman ang mata ko dahil sa mga message nya, Teka! hindi naman ako pumayag ah. at G.R?
Grayson Reyes?