(Hannah) "Ano ba Hannah! Hindi ka pa nga magaling!" pagpipigil sa akin ni Penelope. Patuloy pa rin nilang kinakatok ang pintuan ng banyo sa kwarto ko. Nagbibihis ako ngayon dahil hindi ko pwedeng hayaan na si Daddy ang mamahala sa kompanya ko, that jerk. Hindi man lang nagawang bumisita sa akin, he grab the opportunity na nasaktan ako sa kagagawan niya para itake over ang kompanya. "No, Hindi ako pwedeng humilata lang dyan tapos inuunti unti na ng magaling kong tatay ang kompanyang pinaghirapan ko." "What is happening here?" narinig ko ang boses ni Grayson na mukhang bumalik pa dito. Bakit ba yan nandito? "Great, nandito kana. Hannah insist to discharge today, mukhang babalik pa sa kompanya niya." Amelia blurted out. Inis kong sinuot ang white dress na may nakaimprintang strawberry

