(Hannah) Tatlong araw ng nakakaraan matapos ang usapan namin ni Claire ay wala pa rin akong balita sa kanya. "Bakit balisa ka na naman? Ano na naman ba ang tinatago mo?" seryosong tanong ni Grayson. Nabalik naman sa realidad ang utak ko dahil sa biglang pagtatanong ni Grayson, uminom naman ako ng juice to clear my throat. "Pagtulala ba Grayson may tinatago agad? Iniisip ko lang yung pag-iimbestiga ni Claire about kay Mr. Lim, diba sinabi ko na iyon sa iyo." Tumango naman siya at humiwa ng steak. "I see, wag mo munang isipin yun dahil I am also conducting a seperate investigation about him and right now wala pa talaga kaming lead kung nasaan ang matandang hukluban na yun." "I see," napalingon naman ako sa mga nakapilang mga bodyguards ni Grayson at napansin kong wala doon ang lalaking

