"MY BOY, I MISSED YOU! " wika ng ina ni Ashton nang sunduin n'ya 'to sa airport. Niyakap naman s'ya nito saka hinalikan sa pisngi na ikinangiwi n'ya. Tumingin s'ya sa ama na palihim s'yang tinatawanan. "What brings you here, Mom? " tanong n'ya. Hindi n'ya kasi maintindihan kung bakit sinundan s'ya ng kanyang magulang sa Paris, knowing na busy ito sa family company nila. "We'll tell you something nga kasi, " sagot nito sa kanya saka kumapit sa braso n'ya. Ang kanyang ama naman ay umakbay sa kanya. "About what? Business? " ano ba naman kasi ang sasabihin ng mga ito sa kanya? Gano'n ba 'yon ka-importante at sinundan pa s'ya rito sa Paris? "We'll tell you later, son. Sa ngayon, magcheck-in na muna tayo sa Hotel kung sa'n ka tumuloy, " wika ng kanyang ama kaya naman tumahimik na lamang

