"GOOD MORNING, MY BOY! " masiglang bati sa kanya ng ina ni Ashton sa kanya. "What are you doing in my room, Mom? " tanong n'ya sa ina dahil nasa kwarto n'ya ito. "Pinaghahanda ka ng almusal, " simpleng sagot nito at nakita nga n'yang nag-aasikaso ito ng makakain. Tumayo na lamang s'ya at nag-tungo sa CR. Nag-hilamos s'ya saka nag-sipilyo saka tumitig sa salamin. "I'm getting married, Ashton. I'm sorry. " Napapikit na lamang s'ya nang maalala ang mga katagang 'yon mula kay Hestia. Hindi n'ya alam kung nagbibiro lamang ito, o nagsasabi ng totoo? Paanong nangyaring ikakasal na ang dalaga matapos lahat ng nang-yari sa kanilang dalawa? Ano ba talaga ang nangyayari? Umiling-iling na lamang s'ya saka lumabas ng banyo. "Mabuti naman at natapos ka din sa banyo, akala ko ay nilamon ka na

