CHAPTER EIGHTEEN

1708 Words
"BABE, SMILE! " sigaw ni Ashton habang hawak-hawak ang cellphone n'ya. Nang makita n'yang ngumiti na si Hestia ay agad n'yang kinuhanan ng litrato ang dalaga. Her smile made my heart smile, also. Ilang pose pa ay natapos na rin ang pagkuha n'ya ng litrato kay Hestia. Tiningnan n'ya ang mga 'yon, iba talaga ang epekto ng babaeng 'yon sa kanya. "Huy, anong nginingiti-ngiti mo d'yan? " saad ni Hestia nang makalapit ito sa kanya. "Wala lang, ang ganda mo kasi, eh. " "Ay sus, nang-bola pa! Tara, tayong dalawa naman ang mag-picture! " sabi ni Hestia sa kanya saka kinuha ang cellphone n'ya saka sila nag-selfie. Wala naman na s'yang magawa dahil nag-picture na si Hestia. Marami-rami rin ang picture na meron sila, meron 'yong nakatingin sila sa isa't-isa, at meron ding naka-halik sa pisngi n'ya si Hestia. Hindi n'ya alam pero nakaramdam s'ya ng kilig. Isang Ashton Monteverde, nakakaramdam ng kilig? Ibang klase ka talaga, Hes. "Nasa'n nga tayo ngayon, Ashton? " Inilibot n'ya ang paningin n'ya dahil sa tanong na 'yon ni Hestia. "Nasa Conciergerie tayo ngayon, babe, " sagot n'ya rito. The Conciergerie was built in the 10th century to be the main palace for French kings who, over the centuries, enlarged it. Its Great Hall was one of the largest in Europe; another hall was where the palace's 2,000 workers ate. Today the Conciergerie is a popular tourist attraction in Paris but also still serves as courts. Nang manawa na sila kaka-picture do'n ay nag-punta naman sila sa susunod nilang destinasyon, ang Pantheon. Ang Pantheon ang nagsisilbing libingan ng mga sikat na mamamayan sa France. Noon, ito ay isang simbahan na dedicates kay St. Guinevieve, ang patron saint ng Paris. Kalaunan, ito ay nabago sa during French Revolution para bigyang pugay ang mga revolutionary martyrs. Nag-picture rin sila roon at nang-istorbo pa si Hestia ng ibang tao para lang picturan silang dalawa. "Hi, Miss, can you take us a picture? " tanong ni Hestia sa isang turistang babae. Natawa na lang s'ya ng patago. "Sure, " sagot naman ng babae. Nakita naman n'yang binigay ni Hestia ang phone n'ya sa babae. Pumwesto naman sila ni Hestia at nag-pose. "You two look good together. You look like a newly wed couple. " nakangiting wika ng babae sa kanila matapos silang picturan. Napangiti naman s'ya rito, nakita n'ya ring namula ang pisngi ng dalaga. "Ah, thank you, " sabi n'ya sa babae. Tumango lang sa kanya ito saka umalis na. "Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? " tanong ni Hestia sa kanya. Tiningnan n'ya ito habang may malapad na ngiti pa rin sa kanyang mukha. "Eh kasi, sabi n'ya para daw tayong bagong kasal, hehehe, " sagot n'ya rito. "Hindi naman mangyayari 'yon. " nawala naman ang ngiti n'ya. "What do you mean? " "Hindi ako gusto, 'diba? " he chuckled on what Hestia said. "Yeah right, I don't like you, " sagot n'ya rito. "Sige ipamukha mo pa! " inis na wika ng dalaga sa kanya saka naunang mag-lakad. Lalo naman s'yang natawa. I don't like you, Hestia, because I already fell inlove with you. "GRABE 'no? Ang sarap ng pagkain dito sa Paris! Lagi akong busog hehehe, " wika ni Hestia kay Ashton habang nginunguya ang pagkain na nasa bibig n'ya. "Beautiful, don't talk when your mouth is full, " pero hindi n'ya pinansin ang sinabi ng binata. "Thank you, Ashton ha? Pangalawang araw pa lang natin 'to, pero sobrang saya ko na! " "Ako din, sobrang saya ko din, Hestia. " "Ano namang nagawa ko para maging masaya ka? Eh, ikaw pa nga ang nag-dala sa 'kin dito sa Paris, eh! " "Masaya ako dahil kasama kita, " sagot ng binata na ikinatigil n'ya. Ininom na lang n'ya ang juice na nasa mesa para itago ang kilig na nararamdaman n'ya. Peste ka, Ashton! Ba't mo ba ako pinapakilig ng ganto? Matapos n'yang uminom ay tumikhim muna s'ya bago nag-salita. "Alam mo bang dream place ko ang Paris? " tanong n'ya sa binata. "Nope. Nag-search lang ako kung saan ang mga lugar na gustong puntahan ng mga babae, and the google suggested me to bring you here, tapos naisip ko, Google was right, Paris, France is the city of love afterall, " sagot nito sa kanya. City of love, pero 'di mo naman ako love. Tahimik na lang n'yang inubos ang pagkain na nasa plato n'ya. Hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin n'ya, dahil baka lumabas na naman sa bibig n'ya ang tungkol sa hindi pag-gusto ni Ashton sa kanya. Naalala n'ya tuloy ang sinabi nito sa kanya kanina habang nando'n sila sa Pantheon. "Yeah right, I don't like you. " Umiling-iling na lang s'ya at mukhang napansin naman 'yon ni Ashton. "May gumugulo ba sa isip mo, baby? " damn that baby! It makes her heart beat so fast! "Ah wala, sa'n tayo susunod na pupunta? Pagabi na din kasi, pero ayoko pang pumunta ng hotel. " "Hmm, disneyland, you want? " at para namang nagningning ang mga mata n'ya. "Of course! Omg, I'm so excited! " "I like it when you're happy. " ngumiti na lang s'ya sa sinabi ng binata. You never failed to make me happy, Ashton. Sana lagi na lang gan'to. Nag-libot-libot na muna sila sa lugar na malapit sa restaurant dahil hinihintay pa nila ang sundo nila ni Ashton. Habang naglalakad sila ay hawak-hawak ni Ashton ang kanyang kamay, gano'n din s'ya. Para talaga silang magkasintahan sa ginagawa nila. They took a lot of pictures together, and she could say that she's genuinely happy when she's with her boss. Pagkatapos nitong date nila sa Paris, ay matatapos na rin ang ka-sweet-an ni Ashton sa kanya. Nalungkot naman s'ya sa isipang 'yon. Gustong-gusto n'yang tanungin ang binata kung ano nga ba talaga sila, kung anong relasyon ang meron sa kanila, pero natatakot s'yang ipamukha sa kanya ni Ashton na wala lang sila. She hates to admit it, but she is slowly falling inlove with Ashton. Hindi na lang basta like ang nararamdaman n'ya para sa binata, unti-unti na s'yang nahuhulog dito, at isa pa 'yon sa ikinatatakot n'ya. Masakit mahulog sa taong walang kasiguraduhan kung kaya ka n'yang saluhin. I'm falling for you, Ashton, and I hope you'll catch me. Ilang minuto pa ay sa wakas dumating na din ang sundo nila, kinausap na naman ni Ashton ang driver nila sa salitang French. "Anong sabi mo? " she asked when Ashton is done talking with their driver. "Inutusan ko lang s'yang dalhin tayo sa disneyland. " nakangiting sagot nito sa kanya. Tumango na lang s'ya rito. Sumandal s'ya sa balikat nito at naramdaman n'yang unti-unti na s'yang nakakatulog. *** "Hestia.. Hestia.. " nagising s'ya sa tawag ng binata sa kanya. "Ay, hala, sorry nakatulog ako! " sabi n'ya rito saka agad na inalis ang sarili mula sa pagkakasandal sa binata. "We're here, tara na. " iginiya naman s'ya ng lalaki palabas sa limousine. Muli ay kinausap ni Ashton ang driver sa wikang French na naman. "Sinabi ko lang sa kanya na sunduin tayo mamaya. " "'Di ko naman tinatanong. " "Pero, alam kong nagtataka ka na kung ano 'yong pinag-usapan namin. " "Hmp! Kilala mo na talaga ako, eh 'no? " "Medyo hehe, ano tara na? " "Tara! " hinila naman na s'ya ng binata papasok sa disneyland. Nang makapasok sila do'n ay tumambad sa kanila ang napaka-raming tao. Dinadayo talaga ang Disneyland Paris ng mga turista, dahil na rin siguro sa mga activities na meron dito. Nagsimula na silang maglibot-libot sa Disneyland, at bawat ikot nila ay nagpi-picture s'ya. Gusto n'ya lang ng remembrance. "Gusto mong sumakay sa rides? " tanong ni Ashton sa kanya. Tumango-tango naman s'ya, ngumiti sa kanya si Ashton saka hinila papunta sa mga rides na pwede nilang sakyan. Sa buong sinakyan ata nila ay s'ya lang ang nag-enjoy, dahil si Ashton parang tuod na naka-upo lang kanina sa mga rides. Ang corny, hmp! She looked at her wrist watch, 8:00 pm na pala. "Nine o'clock ang start ng fireworks display nila, are you excited? " "Really? Waaaah! " "Para kang bata, " sabi ni Ashton sa kanya saka pinisil ang kanyang pisngi. "Nacu-cute-an ka lang sa 'kin, eh, " biro n'ya sa binata. "Cute ka naman talaga, eh. " "I know right! " at nag-tawanan naman silang dalawa. Habang hinihintay ang oras ng fireworks display ay nag-ikot-ikot ulit silang dalawa at nag-picture sa mga disney characters na nando'n. Bumili rin sila ng mga pagkain, at headband na ang design ay tenga ni Mickey Mouse at Minnie Mouse. Nag-talo pa nga sila dahil ayaw ni Ashton mag-suot ng headband na mickey mouse, pero napilit pa rin s'ya ni Hestia. "Sabi na eh, bagay sa 'yo! " natutuwang sambit n'ya kay Ashton. "Oo na, tsk. " "Sus, 'wag ka ng mainis d'yan, cute naman sa 'yo, eh! Picture tayo, " sabi n'ya sa binata. Umiling naman ang binata dahilan para mapanguso s'ya. "Ang kj mo! Tss. D'yan ka na nga! " inis na sambit n'ya rito saka nag-lakad palayo. "Nakakainis naman 'yon! Hindi ba pwedeng magpanggap s'ya na gusto n'ya 'yong head band? Napaka talaga! " bulong n'ya sa sarili. Tiningnan n'ya ulit ang wrist watch at 8:50 na. Nalungkot naman s'ya bigla, mukhang hindi n'ya mapapanood ang fireworks display na kasama ang boss n'ya. Pangarap pa naman n'ya 'yon, ang makanood ng fireworks display kasama ang taong mahal n'ya kahit pa hindi s'ya sigurado sa nararamdaman ng binata sa kanya. Bawat minutong lumilipas ay tinitingnan n'ya ang wrist watch, pati na rin ang paligid n'ya, pero walang Ashton ang nagpakita sa kanya, maski anino nito ay wala man lang. Nag-simula nang mag-count down ang mga tao, it's already 8:59. Bumuntong hininga na lang s'ya saka nakisabay sa count down ng mga tao. "5.. " "4.. " "3.. " "2.. " Hindi na n'ya nasambit ang huling numero nang may biglang humila sa bewang n'ya. Kasabay ng fireworks display ay ang paglapat ng labi ng isang lalaki sa labi n'ya. At kahit hindi n'ya makita nang maayos ang mukha nito, ay alam n'ya kung kaninong labi ang sumakop sa labi n'ya. It was Ashton's. Habang magkalapat ang labi nilang dalawa ay pipi n'yang kinausap ang binata. I love you, Ashton. I love you so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD