CHAPTER NINETEEN

1541 Words
"MAGBA-BANYO LANG AKO, " sabi ni Hestia kay Ashton nang makarating sila sa hotel room nila. She looked at her wrist watch, it's already 9:30 pm. Hindi na n'ya hinintay ang sagot ng binata sa pagpapaalam n'yang magbabanyo s'ya dahil hindi na rin n'ya mapigilan ang sariling mapangiti. Nang makapasok s'ya sa CR ay agad n'yang binuksan ang gripong naroon at saka impit na tumili. "Omg! Omg! That was so romantic! " mahinang pagkausap sa sarili. "Okay, kalma, Hestia, kalma! " sabi n'ya pa at impit na namang tumili. Paulit-ulit na nagfa-flash sa utak n'ya ang ginawa ni Ashton sa kanya sa Disneyland, and for her, that was damn romantic! "Paano na kita iiwasan kung patuloy ka sa pagiging sweet, Ashton? " nakatingin s'ya sa salamin na nasa harap n'ya at kitang-kita n'ya ang pamumula ng kanyang mukha. Akala n'ya kasi hindi n'ya makakasama si Ashton sa pag-nood ng fireworks display, pero nagka-mali s'ya. Hindi n'ya nga alam sa sarili kung ba't gano'n na lang kalaki ang epekto ng halik na 'yon ni Ashton, samantalang ilang beses na silang nag-halikan at kung minsan pa nga'y nauuwi sa.. alam n'yo na. Pero, ang halik kanina na pinagsaluhan nila ni Ashton ay kakaiba, sobrang iba. May nararamdaman ka na din ba sa 'kin Ashton? Sa halik na 'yon ni Ashton, ay nawala sa isip n'ya ang sinabi ng binata sa kanya. Bakit gano'n, Ashton? Hindi tugma sa sinabi mo sa 'kin ang ginagawa mo? Halo-halo ang emosyong nasa loob n'ya ngayon, gustong sumabog ng puso n'ya dahil sa sobrang saya! Hindi pa man sila nakakarating sa Eiffel Tower, ay solve na solve na s'ya sa nangyari ngayong araw. Hay, Ashton, sana pareho tayo ng nararamdaman. Nang matapos na n'yang kausapin ang sarili n'ya ay napagdesisyonan na n'yang mag-half bathe. Pagkatapos no'n ay lumabas s'ya at naabutang tulog si Ashton. Napagod pa ata kita. Nag-bihis na muna s'ya ng pantulog bago tumabi kay Ashton. At para bang alam ng binata na nando'n s'ya dahil hinapit nito ang kanyang bewang palapit sa kanya. "I love you, Ashton. Thank you for making me happy, " saad n'ya rito saka hinalikan ang labi ng binata at mahimbing na natulog. *** "Ashton, let's take a picture here! " sabi n'ya sa binata at natawa naman s'ya nang makitang wala itong magawa. Ashton hates selfies, na opposite naman sa kanya. At natutuwa s'ya na kahit ayaw ni Ashton ay pumapayag ito sa gusto n'ya. "Babe, aren't you tired? Ang dami na nating picture, oh. " "No, I'm not! Tsaka, gusto ko ng remembrance dahil paniguradong pagbalik natin sa Pilipinas ay balik-trabaho na tayong dalawa, " sagot n'ya rito. Ngumiti lang sa kanya ang binata. "You're right, let's take a lot of pictures! " Ngayon ay nasa Champs-Elysées sila, ang pinaka-sikat na street sa Paris, dahil na rin sa mga puno rito. Ang tawag din ng mga turista dito ay tree-lined avenue, it has been described as the most beautiful avenue in the world! Just over a mile long, a boulevard connects the Arc de Triomphe and the Place de la Concorde. It's also an avenue lined with various restaurants, boutiques, museums and night clubs. "Pasok tayo do'n! " pag-aya ni Hestia kay Ashton at agad namang pumayag ang binata. "Bonjour, Madame, Monsieour, " Good morning, Ma'am, Sir. Bati sa kanila ng sales lady pagkapasok nila sa boutique. "Bonjour, " wika ni Hestia pabalik. "Naiintindihan mo, sila? " bulong sa kanya ni Ashton. "Ano ka ba naman, Ashton, Bonjour is one of the basic french words kaya naman madali silang intindihin. " nakangiting sagot ni Hestia sa boss n'ya. Maganda ang mga nando'n sa boutique na 'yon, gusto n'ya sanang bumili kaso wala s'yang sariling pera. Ayaw naman n'yang magpabili kay Ashton dahil nakakahiya. "Babe, tingin ka lang d'yan, okay? May titingnan lang ako. " tumango na lang si Hestia sa binata saka pinagpatuloy ang pagtingin-tingin sa mga damit. Meron ding mga jewelries na magaganda at talagang naa-attempt s'yang bilhin ang mga 'yon. Kapag may pera na ako ay bibilhin ko talaga kayo. Huhu. "Excusez-moi, madame, votre petit-ami vous y attend, " sabi sa kanya ng isa pang sales lady at tinuro si Ashton sa 'di kalayuan, hindi man n'ya naintindihan ay nginitian n'ya lang ito. Excuse me, Ma'am, your boyfriend is waiting you there. Pinuntahan n'ya si Ashton at may dala-dala na itong mga paper bags. Mukhang namili ito ng mga damit do'n. "Let's go? " hinawakan naman n'ya ang kamay ng binata. "Namili ka pala, ha? " saad n'ya kay Ashton habang magkahawak-kamay silang naglalakad palabas sa boutique na pinasukan nila. "Oo, pero 'di para sa 'kin 'to. " kumunot naman ang noo n'ya sa sinabi ni Ashton. "Kung hindi para sa 'yo, para kanino? " "Sa babae ko. " napasimangot naman s'ya sa sinabi ng binata. Agad n'yang binitawan ang kamay nito at naunang mag-lakad. Hmp! Babaero pala talaga. Pati ba naman dito sa Paris may babae pa rin s'ya? "Hey, babe. " rinig n'yang tawag sa kanya ng binata saka hinawakan ang kamay n'ya. "Babe.. " "Baby.. " tawag pa rin sa kanya ni Ashton, ngunit hindi n'ya ito tinapunan ng kahit kaonting pansin. 'Wag kang marupok, self! "Eto naman, selos agad. " "I'm not jealous! " singhal n'ya sa binata. "Okay, okay, sabi mo, eh. " natatawang wika sa kanya ng boss n'ya. "Do'n ka na sa babae mo! Ibigay mo na 'yan do'n! " sigaw n'ya ulit dito. Wala s'yang pake kahit pinagtitinginan na s'ya ng mga tao. Ano naman? Hindi naman s'ya naiintindihan ng mga 'to, eh. "Baby, all of these are for you. I bought these clothes for you. " napatigil s'ya dahil sa sinabi ng binata. "Sabi mo, para 'yan sa babae mo? " tanong n'ya rito nang humarap s'ya sa binata. "Oo nga, it's for you. You're the only girl that I was talking about earlier. " pakiramdam n'ya ay umakyat sa mukha n'ya ang lahat ng dugo sa kanyang katawan dahil sa kahihiyan. "B-ba't kasi 'di mo s-sinabi kaagad? " iwas ang tingin n'ya sa binata nang sabihin n'ya 'yon. "Pa'no ko sasabihin, eh nag-wala ka na agad? " oo nga naman. "S-sorry. " "It's okay baby, you know, you're more beautiful when you're jealous. " may halong pang-aasar na saad ng binata sa kanya. "I-I'm not jealous! " pagtanggi n'ya pa kahit obvious na obvious namang nagseselos s'ya. "Are you hungry, babe? Maraming restaurants dito, " tanong sa kanya ni Ashton. "Yeah, kain na tayo. Hindi kasi tayo nakapag-almusal kanina, eh, " sagot n'ya habang nakahawak na sa kamay ni Ashton. "Excited ka kasing mag-libot ngayon, eh. " Tama naman ang binata, sa sobrang excited n'yang mag-libot ngayong araw ay hindi na sila nakapag-almusal. Nag-hanap sila ng restaurant na makakainan nilang dalawa, tama si Ashton, madaming restaurant na makikita sa street na 'to, pero mas pinili nilang kumain sa simpleng restaurant na nakita nila. Pagpasok nila sa restaurant na 'to ay tumambad sa kanila ang masayang ambiance nito. Mukhang mga couples din ang mga kumakain dito. Binati sila ng isa sa staff do'n, iginiya sila nito sa isang bakanteng pwesto at saka binigyan ng menu. Marami silang in-order dahil magtatanghalian na rin naman. "CR lang ako, " sabi ni Hestia kay Ashton, nginitian naman s'ya nito. Magre-retouch s'ya para naman mukhang presentable ang mukha n'ya. Nang makarating s'ya sa CR ay dumiretso sa tapat ng salamin saka nag-ayos. Nagulat na lamang s'ya nang may lumapit na babae sa kanya. "Hestia Garcia? " she looked to the woman who called her name, and unfortunately, the woman is one of their company's shareholders. Oh, no! "M-Mrs. Fuentez.. " "Que haces aqui en Paris? " what are you doing here in Paris? "Ah.. vacaciones, " vacation. The woman just nodded at her. "Oh well, una empresaria merece unas vacaciones después de todo. " a businesswoman deserves a vacation afterall "Sí sí, ah.. si no te importa, seguiré adelante. Es bueno verte por aquí, Mrs. Fuentez. " yes yes, ah.. if you don't mind, I'll go ahead. Nice to see you here, Mrs. Fuentez. "Bueno. Nos vemos, señorita García. " okay. See you around, Miss Garcia. She just smiled at her and went outside. Pagdating n'ya sa table nila ni Ashton ay nando'n na ang mga pagkain. "Ba't ang tagal mo? What took you so long? " tanong sa kanga ng binata. "Ah, nothing, hindi ko kasi agad nahanap ang lipstick sa purse ko kaya natagalan ako. " pagsisinungaling n'ya rito. "Sabi ko naman kasi sa'yo, you're prettier with you barefaced. " ngumiti na lamang s'ya rito. "Kain na tayo? " "Sure. Ikaw lang talaga ang hinihintay ko. " Tahimik lang silang kumakain, at pasimple din s'yang tumitingin sa paligid dahil baka nando'n si Mrs. Fuentez. How could she forget that they have a shareholder here in Paris? "You okay, babe? " ngumiti lang s'ya sa binata saka tumango. Kinakabahan s'ya, kapag nalaman ng kanyang ama na nasa Paris s'ya ay baka puntahan s'ya nito at sunduin. "Ah, Ashton, balik na tayo sa Hotel after nito, please? " "Why? " "Masama ang pakiramdam ko, eh. " tiningnan s'ya nang maigi ng binata bago ito tumango. "Okay, if you say so. " Napangiti na lang s'ya dahil pumayag ang binata sa sinabi n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD