Napa nga-nga ako nang tumapat sa akin ang dulo ng bote ng cola matapos itong ikutin ni Jamayma sa laro naming spin the bottle. Nagdiwang silang lahit na nagmstulang Canon Event ang pangyayari.
“Truth or Dare?” tanong ni stella na may nanunudyong aura.
“Dare.” Dretsa kodahil ayaw ko na ulit tanungin nila ng kung ano ano, katulad nalang ng pag amin ko kung sino yung crush ko kanina dahil sa larong to.
“E confront mo si Aeron right now through call.” sabay sabi ng aking pinakamahal na girl group
Nanlaki naman ang mata ko at umiling ‘s**t’ yung unang pumasok sa isip ko nung isaysay na nila ang dare . Hindi man lang sumagi sa isip ko ang ganoong klaseng dare na hindi ko alam kung makakaya ban g mga tulad kong mailap sa mga tao.
Oo mailap ako dahil mahiyain, pero iba tong mga kasama ko ngayon hindi nila ako nagawang tanggalin sa grupo dahil mailap ako kaya nandito ako ngayon. Minsan natatanong ko na lang yung sarili ko, pano kaya pag ako nalang umalis?
“Sigeeee naaaaaa……” pag pupumilit ni stella. “malay mo diba.”
“ayaw ko nga…. Kaka close nga lang namin.” Sabay iling iling ko dahil ayawww ko talaga.
“ hala ka sige ka, tag iisang daan kaming tatlo pag ayaw mo.” Ani Ajie
Napa isip naman ako, wala pa akong allowance para rin akong pusang gala sa ngayon nabubuhay lang sa pagkain.
Pero siguro mabibigayan ko naman siguro sila ng tig iisang daan pag nag part time ako kay papa sa furniture shop na minsan lang din kumikita. Napa iling ako, wala akong lusot dahil kahit pag c-cr ayaw pumayag ni Stell na syang may bahay at may birthday ngayon kaya napilitan lang kaming gawin kunng anong gusto nya.
Kanina pa ako nagbabalak mag escape pero di ko magawa dahil trapped kami sa kanyang room.
“Sige na wala namang mawawala sayo.” Ani stella.
“Meron,” medjo naiinis kong sagot, wala talaga kasi akong courage na mag confess kay Aeron. Pakiramdam ko magkaka anxiety ako pag ginawa ko yun.
“Ano?”-stella
“Friendship.” Tipid kong sagot dahil nagmamatigas talaga ako.
“Ayos naman siguro yun keysa sa mix signals diba?” sabat ni Ajie, nang malaman nilang si Aeron pala yung crush ko ayh inayawan agad nila dahil redflag daw. Sila naman kasi yung saksi kung pano ako ginawang taga gawa ng mga homework at activities ni Aeron; yung projects, assignments iba pang related sa school.
Uto uto nga talaga ako pero hinayaan ko na lang dahil yun rin naman yung paraan para mapalapit ako sa kanya.
Bumuntong hininga nalang ako.
“Ayaw ko talaga.” Patuloy na pag aayaw ko
“Wag nyo ng pilitin.” Sumabat narin si jamayma, pareho kaming introvert pero magkaiba yung level namin.
Siya yung mapapagsabihan mo ng introvert dahil behave lang, ‘modest’ kung tawagin. Ako yung introvert na sinasadya talagang lumayo sa mga tao dahil ang awkard ko, at natataranta ako tuwing tinitingnan sa mata o kung sinusubukan man lang kausapin ng di ko kilala o di ko ka close.
Umirap nalang ang dalawa. “pangit ka bonding.” Ani nila at bumalik sa pag ka upo sa sahig, yung posisyon namin kanina na nag aabang sa boteng umiikot.
Guy friend ko si Aeron sa akin sya lumalapit pag may kailangan sya, ako lang rin naman kasi yung close nyang babae o baka feeling ko lang? sabihin narin natin na first crush ko, kasi di kasi ako mahilig sa lalaki. Aside sa mga idols na pogi, wala talaga.
May mga acquainted naman ako na guys pero di talaga pareho kay Aeron na sobrang close na napagkakamalan nalang kaming mag jowa.
Mixed signals nga sya, gusto kong mag tanong sa kanya kung ano bang meron pero baka guni guni ko lang lahat at wala talagang meron.
Kaya Hesitante talaga ako sa dare nato, pero ewan ko bigla nalang akong napa. “Sige na nga.” Matapos kong mag buntong hininga ng tatlong beses. Mag kaka anxiety talaga ako nito.
Lumingon si Ajie sa akin, si Stella naman tumigil sa pag ikot ng bote bago lumigon sa akin.
lumagok ako ng dalawang shot ng GSM blue mojito para magkaroon ng lakas ng loob. Kinuha yung cellphone at binuksan yung contacts para hanapin ang number ni Aeron.
“Huyyyyyyy, uminom na si Cielo. Canon Event talaga to.” Tili ni Stella, ganito talaga reaksyon nya pag may ginawa kaming hindi kasanayan, para bang pag ginawa namin yun ayh ka anib na nya kami.
Nag titinginan kaming apat, Binigyan ako ni Jamayma ng ‘ayos lang ba?’ na tingin, habang sina Ajie at stella ay naka ‘Go girl kaya mo yan’ look.
Nangangaba na sanang e p-press yung Aeron, pero. “Hindi ko talaga kaya.” Napaurong ako.
“Hayyyyssss” napasinghal yung dalawang makulit.
“akin na nga.” Ani Stella at kinuha yung cellphone ko.
Napa angal ako pero tiningnan ko lang syang tinawagan si Aeron. Lord, kung mag backfire sana kunin mo nalang ako.
Dalawang beses na naming kinontak yung number ni Aeron, pero walang sumagot. Through messenger sana namin tatawagan pero pinapaayos pa yung modem ng wifi nina Stella, at wala rin akong load for data.
Inagaw ni Ajie yung cellphone ko na hawak ni Stella at sinubukan ulit mag kontak ng pangatlong beses. Pinaligiran na namin yung cellphone na para bang may just found na bangkay ng tao at kinailangan naming alamin anong nangyari nito.
Itinapat nya yung cellphone sa tainga nya at kinagat kagat yung kuko nya habang nag hihintay, nang may response ayh umilaw ang kanyang mga mata at ibinigay sa akin ang phone.
Tumingin ako at nakita kong may time na, pahiwatig na nag sisimula na yung call.
Bumuntong hininga muna ako at tinaboy silang tatlo. “H-Helloo Aeron, s-sorry kung tumawag ako bigla… a-ano kasi may gusto kong malaman ano tayong dalawa.” Nauutal ko pang sabi, tumingin ako kina stella na nasa tapat ng pinto ng room nagpipigil ng tawa.
“for assignment and school activity lang ba yung purpose mong pag approach sa akin?” matagal ko na talaga syang nais tanungin tungkol dito.
“Hello who are you?” tanong ng nasa kabilang linya na boses babae
Natigilan ako’t napatingin kina Stella. Lumapit agad sila sa akin
“Anong sabi?” excited na tanong ng makulit na si stella.
“babae” bulong ko kina Stella
Inagaw ni Stella yung cellphone at pinalitan ako
“why are you calling my boyfriend’s phone?” tanong ng nasa kabilang linya
“Taray maka English beh.” Comment ni Ajie
Nagsitinginan kaming apat.
“Boyfriend? You mean si Aeron? May girlfriend sya?” tanong ko sa katawag
“Yes?” sumagot naman ito ng patanong.
“may I know who this is?” hindi naman
nangagaway yung tunog ng Girlfriend, curios lang talaga kung sino yung paulit ulit tumawag sa number ng bf na parang kung may anong atraso.
Bigla nalang inagaw ni Stella yung cellphone “hello paki sabi sa boyfriend mo na wag na sana nyang e take advantage yung kaibigan ko. You tell him to do his own homework!” ani Stella sa nangangaway na tuno at pinatay ang tawag.
I admit I am disappointed, alam kong sa ibang girl sya interested. Pero nabuhayan kasi ako ng loob at hope nung binibilhan nya ako ng ice cream o kahit anong foods na personal nya pang hinahatid sa room. One time nga binigyan nya ako ng flowers nung grade 10 kaya nag assume talaga ako. Pero siguro his way of thank you lang yung mga yun dahil ako nga yung taga gawa ng activities nya.
Alam ng mga girlfriends ko yung nararamdaman ko ngayong disappointment, I mean obvious naman matapos akong napa upo sa sahig at sumandal nalang sa bed ni Stell. Niyakap nila ako at inabutan naman ako ng Shot ni Ajie.
Napagdesisyonan nalang naming ubusin yung tatlong GSM para sa birthday ni Stella at mag walwal kaming apat hanggang matapos ang gabing yun.
Pero syempre desisyon lang, first time naming uminom at mag decide na mag lasing, hindi nga naming naubos yung pangatlong bote dahil inaantok na ako sa pang pitong shot. Isang mallit na shot glass nga lang yung ginamit namin.
Mga dalawang bote siguro nung nag siduwalan na sina Ajie at Stella habang si Jamayma naman yung ‘always the mother of the group’ siya yung taga handle sa kabaliwan ng dalawa. Ako naman, nasa sulok ng kwarto ni Stella nakahiga san aka tambak nyang bedsheets na nilaro naming kanina. Nagging komportable ako dito kaya di na ako naka alis sa pwesto, wala rin akong lakas tumulong.
Hinatid ako nina Stella around 11 p.m nang hindi tantanan ni Mama ng tawag yung cellphone ko dahil wala sa usapan namin ang sleepover. Nagpa drive si Stella sa Papa nya para ma hatid ako at pati na rin sila Ajie at Jamayma.
Straight akong bumati kay mama pagdating ng bahay at dmiretso ng kwarto ko para di ny ako mahatalang naka inom, inexcuse ko na lang yung sarili kong nakalimotan yng oras at antok na antok na.
Totoo naman yung part na antok na antok na talaga ako dahil hindi ako type na mag puyat at dahil narin naka inom ako, hindi naman mahirap yung pag tulog ko nung gabing yun dahil sa paglapag ko higaan ayh agad rin naman akong naka tulog...
Nagising nalang ako mga 4 oclock ng madaling araw dahil sa sunod sunod na beat ng aking cellpone at naguguluhan ng mabasa ang text.
Aeron: Who’s this?
How do you know me?
What’s your motive?
Teka? Kailan pa to naging englishero tong gagong to?