Chapter 2

1341 Words
"guys I have chikaaaaa." Ani stell nang maka upo na kaming apat sa aming arm chair. Seat mate lang kaming apat, basta own arrangement talaga automatic magkatabi talaga kaming apat. Sa unahan naming dalawa sina stella at Ajie habang sa likuran naman kami ni jamayma, para madaling maka chika. Inilapit naman namin ang aming mga ulo sa kanya na parang may sikretong pagpupulong ang nagaganap. "Alam nyo, yung crush ko and his girlfriend just broke up." Ani stella Napasinghal naman kaming tatlo at bumalik sa tamang pagkaka upo. "ayan ka na naman, sinong crush kamo?" sabay irap ni Ajie dahil andami talagang crush nitong si Stella, parang halos lahat ng strand dito sa St. Therese High at lahat siguro ng section ng mga senior high may crush sya. "You Know, yung ultimate crush ko now si SSC secretary." Sabi ni stella "pano mo nalaman?" tanong ni Ajie "Nawala na kasi yung rs nila sa f*******: tsaka di na nya feneature. Tsaka nag day din sya kahapon ng song ni lewis capeldi na Before you go." Chika ni stella para ma suportahan ang kanyang claim. Tumango tango naman kaming tatlo na mga nakinig. "dalawa lang naman dahilan pag ganyan diba? Either nagkakalaboan o di kayay break na?" dag dag nya pa. "Ohh ano naman ngayon? May plano ka?" tanong niAjie Ngumiti lang si Stell, yung ngiti nyang parang may binabalak nga, tumikhim naman si Jam pahiwatig na may subject teacher ng darating para simulan ang first period. *** Kasalukuyan kaming na sa canteen para sa Lunch. "Paparating na si Crush!!!!! ang gwapo talaga" tili ni stell sa dumarating na si Aaron nung lumagpas ito sa ino-occupy naming table. I have to give it to him, gwapo naman talga sya dahil siguro sa mga features niyang umousbong talaga ang kanyang dugong dayuhan. Para sya yung pino portray ng mga American highschool movies na heartthrob kaso nga lang hindi sya bad boy at hindi rin sya sporty.Well, Hindi ko alam. Pero hindi ko pa sya namataan na nag lalaro ng kung anong sport. Madalas lang din syang sumasama sa isang circle, di tulad ng nasa mga pelikula. Dahil ba Pinas to o dahil kakaiba lang talaga sya? "Hi Aaron." Excited na bati ni Stella na may pa tili tili pa "Hi" nakangiti naman itong sumagot at umalis, dala yung binili nyang C2 at sandwhich Hindi naman mapigil ni Stell ang kanyang pinipigilang kilig pagkatapos. At palagi nyang inuulit ulit yung pagpansin sa kanya ni Aaron na para bang nanalo na sya ng lotto dahil lang pinansin sya nito. Hindi yung tipo na malamig na heartthrob si Aaron, hindi nga nya siguro alam kung heartthrob sya. Madali syang e approach, dahil na rin sa tungkulin nyang pagiging SSC secretary pero ganon lang talaga yung observance ko sa kanya. Wala syang masyadong circle, madalas din syang mapag isa, pero magiliw naman sya sa ibang larangan. Higit sa lahat, hindi sya natatanggal sa Honor's list, may paki sya sa acads kaya na rin maraming nagkakagusto sa mga tulad nya. Wala nga lang mag t-take ng risk dahil na rin sa may medjo long term girlfriend na sya na napag alaman na rin naming kakabreak lang recently. "Pero alam mo may naka pag sabi sa akin kanina na kaya daw honor palagi yang si Aaron ayh dahil daw tinitake advantage nya yung nagkakagusto sa kanya." Biglaang saysay ni Ajie "Di naman siguro" ani Jam "Hindi nga" napa comment na rin ako "Pano mo nasabi?" ani Stella para ipaglaban yung minamahal nyang si Aaron Hindi naman rin kasi kapani paniwala. Isang Aaron ba naman issuehan ng ganon? Pero baka rin naman siguro dahil di naman namin sya lubusang kilala. "Maynagsabi lang sa akin ano ka ba." Ani Ajie. "Para rin naman daw syang type na mag titake advantage." Dagdag nya. "kasi raw inuutusan raw nya yung mga nagkakagusto sa kanya na bilhin sya ng mga snacks, ganon. Kaya nga minsan lang sya lumalabas sa room nila kasi pinapagawa nya lahat sa mga fans nya." "Hoy saan ka naman galing nyan?!" Singhal ni Stella, para depensahan yung pinakamamahal nyang crush. "sabi ng mga classmate nya, tsaka classmate rin sila ni Troy noh yung boyfriend ko." Ani Ajie Umirap lang si Stella, di nya alam kung anong kanyang e re-rebut. Minsan lang talaga lumalabas si Aaron sa kanilang classroom, kapag pa meeting yung mga ssc o di kayay may ipapagawa sa kanila yung principal at mga guro. *** "Cielo!" Natigilan ako sa pagnguya ng sandwhich nang may biglang tumawag sa aking pangalan. Tinapik nya yung kabila kong balikat bago umupo sa bakanteng upoan sa gilid ng aking table. Nauna na yung mga girls sa classroom dahil pinili kong magpaiwan. Na awkward ako bigla pero parang casual lang yung dating nya sa akin. "Aeron?" "May favor ulit ako hihingiin." Aniya at ngumiti ng bahagya Napatanong ako saglit kung bakit sya nakikipag usap sa akin ngayon at huminhingi ng favour, hindi ba sya nahiya? Di ba sya galit dahil sa call ko last saturday night? "Essay ba yan?" ako Ngumiti naman sya at tumango, "Nonfic 500 words." napa iling nalang ako at napa okay sign. Humiyaw naman ang gago sa tuwa, ganito sya palagi kahit alam naman nyang hindi ko sya aayawan. "Dabest ka talaga." Aniya Nanatili sya ron at naki pag kwentuhan kung gano ka ayaw nya sa strands nyang Humms dahil sa daming mga sulatin at reports ang ginagawa, hanggang sa mag ring na ang bell pahiwatig na tapos na ang lunch, binilhan naman ako ni Aeron ng ilang snacks at sumabay sya sa akin dahil pareho kami ng tatahakin na daan papunta sa mga kanya kanya naming classroom. Pagdaan ko sa room ayh naka taas na ang mga kilay nina Stella at Ajie, habang si Jamayma ayh focus lang sya sa pagsusulat ng di ko alam kung ano. "Ano yun? Goods na ba both of you?" tanong ni Stella, handa na nya akong mandaran "may pinagawa lang" mahinahon kong sagot "Pumayag ka naman?" si Ajie Tumango lang ako at nagsi-irapan naman ang dalawa. "last na to promise" "Sinabi mo rin yan noon, pero ikaw yung gumawa sa concept paper nya pagkatapos. Ano kaba?" nagsimula na akong pag sabihan ni Stella. "Promise" Maysasabihin pa sana sya ngunit dumating na yung subject teacher at pinaghanda kami ng papel para sa quiz namin sa Earth Science. *** Naiwan sina Stella at Ajie dahil kasama sila sa Cleaning Duty habang nauna naman kami ni Jam para daanan yung street vendors sa harap ng school. Mahilig talaga kaming apat kumain ng strretfoods pagkatapos ng klase, pero dahil may duty pa sina Stella at Ajie ayh kami muna ni Jam. Hindi kami masyado naguusap ni jam pag magkasama kami dahil pareho kaming hindi pala imik pero nagsasama pa rin. Hindi naman kami awkward, mas komportable lang talaga kami pag ganon, pero sa grupo, si Jam talaga yung counsellor naman na lagi naming tinatakbuhan pag gusto naming mag rant. Binigay sa akin ni Jam ang dalawang piraso ng isaw matapos nitong ma re-fry bago bumalik sa waiting shed ng school. Maya maya ayh dumating na ang sundo ni Jam, habang ako ayh naghintay pa rin ng akin. nababagot, nag scroll scroll muna ako ng f*******: to kill time. "Cielo" Napalingon ako sa tumawag sa akin. ngumiti ako sa kanya at tumabi sa inuupuan ko. "Yung essay ko ha, wag mong kalimutan." Paalala ni Aeron sa akin "kalian pa ako naging malimutin?" Ngumiti naman sya "Tara streetfoods" pang aaya nya "Already bought one, kasama ko si Jam kanina." Tanggi ko "ayhh sigee" maypagka dismayang aniya at nagpa alam para umalis Bigla namang nag vibrate yung cellphone ko dahil sa isang message 'Why do you keep ignoring my texts?' 'Just tell me who you are!' Napatingin ako sa kaka alis lang na si Aeron na ngayon ayh tumatawid na ng kalsada. Biglang tumawag yung number na syang nagpatigil ako nang may mapagtanto. Tiningnan ko ulit si Aeron na nasa kabilang parte na ng kalsada na ngayon ayh may kausap na kanya rin kakilala habang bumibili sila ng streetfood. Lagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD