Maaga akong dumating sa school para hanapin si Marv dahil magmula pa ka gabi hindi ako makatulog kaka overthink dun sa number na paulit ulit pa din tumatawag, o nag memessage ng death threats magmula nung kinontak ko yun.
Palagi ko naman nang iniignore pero ayaw pa rin akong tantanan. Kailangan ko lang talaga kumpirmahin kung kanino yun dahil di na talaga ako mapalagay. Gay friend ko si Marvin na nasa ABM hiningan ko sya ng number ni Aeron noon dahil mag pinsan sila, pero parang mali yata yung naibigay.
Nakita ko naman syang nagwawalis sa loob ng kanilang room habang ka kwentuhan ang babae nyang classmate and as usual tungkol nanaman ito sa mga petpeeves nila. Natigi sila sa biglaan kong pag dating.
"Marv" tawag ko sa kanya at OA syang nag excuse sa kausap nya.
"Uy, sis? Why?"Medjo conyo nyang tanong.
Dinala ko si Marv sa stairway at dun na nag tanong. "Ano kasi Uhm....yung number na binigay mo sa akin, kanino ba yun?
Napaisip sya ng bigla bago sya sumagot. " Alin dun?"
"last last week"
"Syempre kay Aron(Ahron) beh, bakit?"
"Aeron?"
"Yes beh"
"Aeron Dela Torre?"
"Hala Aaron Daniels! yung Kano sa dept namin!" Pagka rinig ko ay agad nanglaki ang mata ko't na lag yung buong system ko sa katawan.
"Aaron Daniels!? Hindi kay Aeron Dela Torre!?" pasigaw dahil sa bigla, kong tanong.
Napahawak muna sya sa dib dib nya kunwari shock bago nya ako sinagot. "Oo, bakit?"
" kay Aeron pala yung kailangan mo? Sorry na mishear siguro kita nun, nalilito rin talaga ako sa names nila minsan HAHA" Aniya at pinalo palo pa yung balikat ko ng bahagya. "wala akong number nun."
Bumuntong hininga ako, Bigla ay may kinawayan si Marv na dumaan. Nilingon ko kung sino at na statwa ako bigla nang Makita ang Matangkad maputi at maamong pagmumukha ni Aaron. Tumingon ito Kay Marv ngumiti, at sa akin ng 0.1 second at diretsa lang nag lakad.
"Bakit nga pala?" napatanong ulit si Marv sa akin
"Ahhhh wala" ngumiti nalang ako awkwardly, ayaw kong mag share kay Marvin sa nangyari dahil siguradong ipagkakalat nya ito.
Om-Okay lang si Marv at nag signal sa akin na mauna na sya dahil hahabulin nya si Aaron kaya tumango nalang ako at naglakad pababa ng stairway.
Kahihiyan, puro kahihiyan yung nasaisip ko. Na relieve na sana ako dahil hindi pala si Aeron yung na natawagan ko dahil baka hindi totoo na may girlfriend sya, pero nahihiya at di ko alam ang gagawin. Ba't di ko na realize na di pala si Aeron yun, nung nag eenglish na? Pero wala naman sigurong mang yayari pag nag a-act fool lang ako diba?
Dumating ako sa classroom na andun na yung mga girlfriends ko, nag chichika naman si Ajie at Stella habang si Jam ay nakikinig lang. Tumingin sila sa akin pagkarating ko.
"Uyyy andito na pala si Cielo na parang pasan lahat ng problema sa mundo" si Ajie
Tumawa naman si Stella, wala talaga silang alam na surreal natong problemadong aura ko ngayon. Lage naman kasi akong nagmumukhang problemado lalo na pag mag isa. Napatingin ako kay Stella. Ulti Crush nya raw ngayon si Aaron, pano pag nalaman nyang si Aaron pala yung na contact namin? Sasabihin ko ba?
"May sasabihin ako."-ako
Bumaling naman yung focus nila sa akin.
"Yung ano" tumingin ulit ako kay Stella. Parang pusa na excited sa treat yung expression nya.
"Ano kasi..yung tungkol sa-"
Bigla silang bumaling sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Aeron nag aabang sa akin malapit sa pinto ng classroom, sumenyas sya ng 'halika' kaya sumunod ako sa kanya.
"yung essay ko pala?" aniya
Natigilan ako saglit. Yung essay nya nga pala!
Dahil sa kaka overthink ko ka gabi ayh nakalimutan ko.
"Nakalimutan mo?"
Tumango ako bilang sagot at humingi ng pasensya.
"Ayos lang, after recess pa naman yung period para ipasa ko yun. Pero magagawa mo pa ba?"
Tumango ulit ako . "Oo, bigay ko sayo before recess, sorry talaga."
After the conversation ayh dretsa akong nagkuha ng papel at ballpen at nagsimulang mag sulat, medjo nahirapan ako mag hanap ng idea pero si Aeron naman yun, as long as matapos ko yung pinapagwa nya ayh okay na sa kanya yun, may ma-ipasa lang.
Habang nagsusulat ako di mawala sa isip ko si Aaron. Wala akong gusto sa kanya no. magkaiba lang kasi talaga sya sa text at in person. Maamo sya personal, pero nakakataakot yung mga banta nya sa akin sa text messages.
Nagsimula na ang first period sa Philosophy, hindi ko naramdaman na dumating na yung subject teacher dahil naka tuon yung atensyon ko sa aking ginagawa.
Fuentes.
Fuentes!
Dretsa akong napatayo nang tumawag si Sir. Nagsilaglagan yung mga ballpen ko at papel dahil sa aking pagkataranta.
Tumingin si Sir sa akin na naguguluhan. Naguluhan din ako.
"Fuentes Angelo."Bumaling si Sir sa pinakadulo.
Napatingin ako samga classmates ko na nagpipigil ng tawa dahil sa dalawa kaming nakatayo ngayon ng pinsan kong si Angelo. Agad naman akong bumalik sa pagkakaupo at pinulot ang mga nalaglag na gamit para magpatuloy sa pagsulat.
"Sa first name mo kasi sila tawagin Sir." Sabi ng isa kong classmate.
Ngumiti lang si Sir at tumango. "Okay now, Explain to me what is Ethics."
Nag explain naman si Angelo pero 'deals with moral dilemma lang yung narinig ko
Natapos ko yung pinagawa ni Aeron sa akin. hindi nga lang before recess, kaya hinanap ko sya sa mga taong nagkukumpulan sa canteen.
Hindi ko sya nakita kaya umupo nalang ako sa bakanteng upoan sa canteen at inilagay yung papel sa mesa.
Nakita ko sina Jamayma at pinalipat nila ako sa pwesto nila. Maya maya ayh nakita ko si Aeron sa dulo ng canteen kasama yung barkada nya, nakatayo lang silang kumakain at nag uusap.
Lalapitan ko sana para ibigay ko yung essay na pinagawa nya sa aking nang mamataan ko si Aaron papalapit sa akin. kaya imbes na pumunta ako sa direksyon nina Aeron ayh nag exit ako para hindi nya ako masundan.
Hindi ko nakitang may nagkukumpulan palang mga junior high sa exit. Dahil sa pagmamadali ko ayh nabangga ko sila. Di lang ako natapunan ng juice, kundi nadaganan ko rin yung nabangga ko.
"Ate mag ingat ka naman!" reklamo nung lalaking Juniorna nasa mga G9 siguro.
Dalawa kaming nabasa dahil sa Juice. Tinulungan naman ako ng ibang mga nakita para patayuin ako, yung iba naman nagsitawanan.
"Are you okay?" nagulat nalang ako nang nasa tabi ko na ngayon si Aaron.
"You left this." Ibinigay nya sa akin ang isang yellow sheet.
Late ko lang na realize na hindi ko na pala hawak yung papel na dala dala ko lang kanina ayh wala na pala sa akin.
Tinanggap ko naman ito at ilang na nag thank you.
Napadalas yung pagkakasalamuha naming ni Aaron dahil napadalas na rin yung labas nya sa kanilang classroom. Umosbong rin yung issue na kaya napadalas yung pag labas nya ayh dahil wala na yung mga fangirls na handa syang pagsilbihan.
Sa tuwing nakakasalamuha ko sya ayh agad agaran din akong iiwas. Isang lingo na rin syang nag sesend sa aking ng death threats.
'I'll find you'
'You owe me'
Tumatawag rin sya pero hindi ko sinagot kaya blinock ko nalang yung number nya. Pero maparaan tong taong to. Apat na number na yung pa palit palit na tumawag sa akin. Gusto ko na mag change kung di lang talaga importante ang number na to.
Dahil sa madalas na salamuha naming ni Aaron ayh napadalas din yung mga kahihiyan na nagawa ko sa harapan nya.
One time , Nakalimotan kong mag baon ng lunch kaya bumili nalang ako sa canteen, di ko alam na sya pala yung nasa likoran ko sa pila kaya natarantanta ako, dahil dun di ko nadala ng maayos yung tray na nilagyan ng rice at sabaw ng monggo kaya natapon. Tutulungan pa nga nya sana ako pero tinulak ko sya kaya di nalang.
O kahit nalang nung naramdaman ko syang sinusundan ako palabas sa canteen kaya tumakbo ako palayo, pero gusto nya lang palang isauli sa akin yung naiwan kong tumbler. Kaya ayon Inutusan nalang nya si Marvin na mag sauli para sa akin.
**
Tinutulungan ako ngayon ni Jamayma na mag hanap ng libro sa Personal development para sa report ko sa second period. Naka hanap na ako ng libro pero wala kaming mauupuan, dahil maraming mga junior high dito sa lib nag clout for aesthetics. Maganda kasi interior.
Nakita kong may kumaway sa akin sa dulo ng library kaya lumapit kami ni jam para maki upo.
"Marv," ani jam nung makalapit na kami at nag apir sila.
Napatingin ako sa katabi ni Marvin na seryosong nag babasa ng libro, sumulyap ito sa amin at ibinalik agad ang atensyon sa librong binabasa. Nagsimula na ulit akong kabahan, nahihiya talaga ako kay Aaron. Dun sana ako uupo sa upuan na ka Harap ni Marv pero naunahan na ako ni Jam.
Nagdalawang isip akong umupo oh mag walk out nalang, pero nung kinuwestyon ako ni jam at marv kung bakit nakatayo pa ako ay napilitan akong umupo kaharap ni Aeron.
Naiilang akong kumaha ng yellow pad ko at mag simulang mag summarize ng report. Nararamdaman kong sumusulyap si Aaron sa sinusulat ko kaya ang dami ko ng naiisip.
Baka napapangitan sya sa hand writing ko o ano.
Tumingin ako sa kanya, napatingin rin sya sa akin.
"Y-you should include the second sentence, It's also important." Halatang naiilang pero bomoses parin sya.
Napamaang ako, hindi ko inexpect yun lang pala concern nya. "Ahh ganito lang talaga ako gumawa ng summary."
"okay." Simpleng aniya at bumalik sa seryoso nyang awrang nag babasa ng libro.
Ang awkward, o ako lang ban a aw-awkward sa atmosphere ngayon dahil awkward lang talaga akong pagkatao. OA na kung OA pero pakiramdam ko tuloy ang bobo ko sa paningin nya. Alam ko namang suggestion lang yun, pero may social anxiety ako hoy.
Nung marinig kong mag ring ang bell ay dumiretso ako ng tayo, kinuha yung yellow pad ko at umalis.
Medjo nakalayo layo na ako sa library nang maisip na yung libro na ginamit ko kanina di ko pala naibalik sa lagayan.
"Jam, yung libro." Napahinto ako
"Kinuha ni Aaron sya na ata nag ligpit."
Napatingin ako sa may bandang likuran nya at nakita sina Marv at Aaron na naglalakad papunta sa direksyon namin kaya nagmadali nalang akong pumunta sa room.
***
Pagkatapos ng last period ayh nagsimulang bumuhos ang ulan, sasama pa sana ako kina Jamayma pero nahiwalay ako sakanila palabas ng gate. Dahil sa ulan dumiretso nalang ako sa waiting shed sa harap ng school at nag hintay ng masasakyan.
Marami rami kaming sumilong dito occupied na yung upuan kaya kinuha ko nalang ang aking cellphone sinuot ang pods at nagpa music para di masyadong mabagot at ma awkward kakatayo.
Naramdaman kong may tumabi sa akin, para kunwari di ko ma pansin ayh nag surf nalang ako ng kung anong apps sa phone ko. Napunta ako sa gallery, kung ano anong apps, pati narin sa settings. Ayaw ko kasing may maka eye to eye, allergy ako nun.
Nagpatuloy ako sa scroll scroll nang biglang may tumawag.
Muntik ko na nga mabitawan yung cellphone dahil sa gulat nung Makita ko yung caller I.d.
paulit ulit koi tong denecline at paulit ulit rin itong tumawag.
May bagong dumating na nakisilong sa waiting shed dun pa sa harapan ko pumwesto kaya napa urong ako at nabangga yung tagiliran ko sa aking katabi at nabitawan ko ang aking phone.
Pupulutin ko na sana yung cellphone pero nagkasabay kaming pumulot nung katabi ko kaya't nag untogan ang mga ulo namin. Napaupo ako dahil sa impact at sya namay muntik na matumba.
Napatingin ako dun sa tao at natigilan nung marealize ko na si Aaron pala, pinulot nya yung cellphone ko kayay agad ako tumayo at binawi yun sa kanya. Nabigla naman sya sa ginawa ko.
"Are you okay?" tanong nya, di ko sya pinansin dahil nilibot ko yung paningin ko sa mga taong nakatingin sa amin ngayon.
Nilagay ko nalang yung cellphone ko sa bulsa ng uniform at dumistansya. Na awkward ulit ako, kaya kahit na ang lakas pa ng ulan ay sumulong ako at nag hanap ng bagong ma sisilungan.