Chapter 16

3099 Words
—Anna Perez Pov— "Bhessttt kamusta pakiramdam mo?Sorry kanina hindi kita naipag tanggol sa babae na yun eh kasi b-baka pagtulungan rin nila ako kaya sumaklolo na ako ng tulong sa grupo ni Bryan" hindi ako lumingon kay Hannah dahil sa hindi ko pa rin malimot ang mga sinabi at ginawa ni Bryan kanina.Matamis akong ngumiti lalo na nung sinabi niya na girlfriend niya ako sa napaka raming studyante feeling ko nga tuloy tila siya'y isang sikat na actor tapos ako ang kaniyang nobya.. "Ahhhh araaayy" malakas na sigaw ko ng hampasin ako ni Hannah sa kanang braso ko.Agad ding bumukas ang pintuan at dali daling bumungad si Bryan at ang mga kaibigan niya dahil na rin siguro sa lakas ng pagsigaw ko eh grabe naman kasi itong si Hannah manghahampas na nga lang sa masakit pa. "Anong nangyari?" "Anong masakit?" Napatingin ako kay Bryan at Tristan na sabay na nagtanong sa akin.Ngumiti naman si Hannah at tumayo sa kaniyang upuan na katabi lamang nitong kama..Medyo masakit kasi itong braso ko dahil sa madiing pag hawak ng babaeng yun kanina na sobrang galit dahil daw nilalandi ko ang five campus prince. "Ahh ehh wala" sagot ko nalang sa kanila.Nakita ko naman si Bryan na bahagyang itinulak si Bryan na nasa katapat ng ulo ko. "Are you sure? If you are not feeling well just call me baby" malambing na boses na sagot niya bago ako binigyan ng isang halik sa noo dahilan para mainis si Hannah at itinulak si Bryan. "Hoyy ang kapal naman ng muka mo akong baby baby ha tapos anong kabwesitan na hinahalikan mo tong kaibigan ko" singhal ni Anna dahilan para kumunot ang noo ni Bryan sa kaniya. "Anna is my girlfriend.And baby is our callsign kung may reklamo ka sabihin mo lang and don't you dare to raise your f*****g voice when you talk to me because your voice hurts so much in my ear" madiing boses na pananalita naman ni Bryan. Ibinaling muli sa akin ni Bryan ang tingin niya at isang matamis na ngiti ang pinakawalan bago siya naglakad palabas habang si Tristan naman naiwan dito sa aking harapan. "Are you hungry?Gusto mo bang bilihan kita ng pagkain?" tanong niya sa akin pero umiling ako dahil hindi pa man din ako nagugutom. "Tristan" napatingin kaming tatlo dahil sa pagtawag ni Bryan kay Tristan.Mapait naman muna itong kumawala ng ngiti bago lumabas. Hindi ko alam kung tama ba itong pinasok ko pero baka nga totoo?Totoong ginawa lang ito ni Bryan para protektahan ako sa mga taong umaapi sa akin sa University na ito.Pero hindi ko din alam kung bakit siya kinakatukan alam ko na may buhay pa siyang hindi ko alam na alam ng iba. "Bhest tama ba yung narinig ko ha?" napatingin ako kay Hannah ng tanungin ako nito. "Hindi.." "Don't Deny it Anna..Inamin niya rin naman sa napakaraming tao kanina..Why did you hide this from me" hawak buhok niyang sagot. "Hindi nga kasi totoo yun..Dahil ginawa niya lang daw yun para maiwas ako sa g**o dito sa mga babaeng humahanga sa kanila" seryosong pananalita ko. "Pero mas magulong buhay ang pinasok mo..Hindi mo pa alam ang tunay na katauhan ni Bryan at sa pagpayag mong ito mas lalo kang mapapahamak" mapait akong ngumiti dahil sa sinabi ni Hannah..Totoo naman siya eh pero wala naman akong magagawa dahil pinilit niya ako at amo ko siya. Teka?Bakit ako sumunod?Ang sabi ko nun hinding hindi niya ako mapapasunod?But why? Lumipas ang ilang minutong pag uusap namin ni Hannah dito sa loob habang sina Bryan naman nasa labas.Seryosong usapan din daw ang ginagawa nila sabi sa akin ni Hannah. "Anna papasok kaba" tanong ni Hannah sa akin ng marinig niya ang malakas na pagtunog ng ring hudyat na pumunta na sa mga room.Mabilis ko naman siyang tinanguan at dahan dahan na tumayo para makabalik sa room pero napatigil ako ng bumukas ang pintuan- "What the f**k are you doing" bungad na salita ni Bryan at patakbo itong lumapit sa akin. "Hindi kapa sana tumayo baka mabinat ka galing ka pa naman sa mga bugbog" saad naman ni Tristan. "Magaling na ako ayos na nga oh" iwinawagayway ko ang kamay ko pero malakas na tinapis iyon ni Bryan. "No,Hindi ka muna papasok ihahatid na muna kita sa bahay para makapagpahinga ka and then ako nalang babalik dito" sagot ni Bryan narinig ko naman ang pag asik ni Tristan na tila ba nainis sa sinabi ni Bryan sa akin "Kaya ko nga" pagsusungit ko pa sa kaniya pero madiin niyang hinawakan ang kamay ko.."Hoy kumag ka bitawan mo nga ako" malakas na sigaw ko ng bigla niya akong pabuhatin na tila ba papartihing baboy. "Uuwi ka sa ayaw at gusto mo" asik pa niya..Sinusuntok suntok ko ang kaniyang likuran pero ayaw niya akong bitawan sa halip naglakad na siya palabas ng kwarto habang bitbit ako. "Boss ako nalang kaya maghatid sa kaniya baka may gagawin ka pa" napatigil naman si Bryan ng humarang si Tristan at sinabi ang salitang iyon. "Ako na ang maghahatid sa kaniya at wala naman akong gagawin just stay here and wait me dahil may gagawin tayo" usal ni Bryan. "Hehehe babye bhest" sambit naman ni Hannah ng papalayo na kami. "Bibitawan mo ba ako o sisigaw ako na binabalak mo akong gahasain" lakas loob na pagbabanta ko kay Bryan. "Edi gawin mo ng magkaroon na ako ng lakas ng loob para gawin yang sinasabi mo" natatawang usal niya dahilan para suntukin ko ulit siya sa likuran. "Ibaba mo nga ako at hindi ako baboy" sigaw ko pa sa kaniya. "Pag hindi ka tumigil jan sa kakasuntok sa likuran ko bibitawan kita pero patiwarik" malamig na boses na pagbabanta niya dahilan para tumigil ako. Mabilis kong tinakpan ang muka ko ng makalabas na kami dito sa clinic dahil panigurado akong pag uusapan na naman kami sa labas pag nakita ako na kasama ang kumag na ito. "Bumaba kana nga ang bigat mo ansakit na ng balikat ko" ibinaba ako niya ako na ikinatuwa ko. "Good" Naglakad ulit ako papasok pero ilang hakbang pa lamang ng hilain niya ang suot kong uniporme patalikod kaya napabalik ako sa kaniya. "Saan ka pupunta?" inis na tanong niya naman sa akin. "Papasok nga ako" sagot ko pa sa kaniya. "Hindi ka nga papasok?Look at your self andumi na ng uniporme mo puro pasa pa yang mukha mo" hinawakan niya ang bandang baba ko pero mabilis ko itong tinapik. "Hoyy kumag pumayag ako na maging pekeng girlfriend mo pero hindi ko sinabi na maaari mo nang hawakan itong muka ko" inis kong turan sa kaniya. "Arte mo di ka naman maganda" sagot niya saka ito ginulo ang buhok ko. "Ano ba yung buhok ko" pag iinarte ko pa sa kaniya pero tinaliman niya lang ako ng tingin. "Halika na bilisan mo" nauna siyang naglakad sa akin.Buti nalang at wala ng gaanong mga studyante na pakalat kalat dahil nagsisimula na sila sa bawat klase. Naglakad kami ni kumag este ni Bryan palabas nitong University pero nanghihina ang katawan ko.Sobrang init pa dahil sa tirik na tirik ang araw. "Saan ba kasi yung kotse mo? Kanina pa tayo naglalakad eh pagod na pagod na ako" pag rereklamo ko sa kaniya. "Hoyy probinsiyanang babae wag kang aarte arte jan ha bilisan mo kung ayaw mo edi maiwan ka dito" umupo ako dito sa may gilid dahil sa sinabi niya..Ano siya gold? Pagod na pagod na ako eh ayoko ng mag lakad.Sobrang layo naman kasi ng pinagparadahan ng kotse niya.. Ipinikit ko ang aking mga mata at humawak sa aking tiyan dahil sa sakit ng puson ko.Feeling ko punong puno na yung napkin ko kasi anlagkit na eh..Dipa ako nag bibihis. "Hoyyy babae anong ginagawa mo?Kanina pa ako salita ng salita wala ka naman pala sa likuran ko" usal ng lalaking demonyito sa harapan ko. "Pagod na nga akong mag lakad edi kung gusto mo buhatin mo ako" sagot ko naman sa kaniya pero inis siyang kumamot ng ulo. "Ang arte..Hintayin mo ako dito ha wag kang aalis uupakan talaga kita" mayabang na pag babanta niya pero hindi ako sumagot. Habang nakaupo ako dito sa may labas ng University sa may gilid na hinihintay si Kumag ng biglang may isang bata ang lumapit sa akin mula sa kung saang hindi ko alam- "Ate may nagpapabigay po" sabay abot ng bata sa akin ng isang red roses at sulat. "Ahh eehh saan galing?" tanong pa niya pero umiling lamang siya at umalis na..Kumibit balikat naman ako at binasa ang nasa sulat.. ?????? ????? ???? ?? ?? ???? ??????? Kumunot ang noo ko ng mabasa ang sulat dito sa isang maliit na papel.Kasabay nun ang pag tingin ko sa paligid para alamin kung sino ang taong nagpadala nito sa akin. "Hoyyy akin yan" sigaw ko ng marahas na inagaw ni Bryan ang papel na hawak ko. "I know hindi ko inaagaw..Sino yang secret lover mo na yan?" bakas sa boses nito ang pagka inis. "Wala kang paki at bakit kaba nagagalit eh pekeng girlfriend at pekeng boyfriend naman kita" sagot ko at mabilis na inagaw ang papel mula sa kamay niya.."Nagseselos ka?" pang aasar na tanong ko sa kaniya. "Bakit ako magseselos?Sino kaba?Eh diba sabi mo nga peke lang kaya wala akong karapatan para magselos...Ano naman paki ko jan sa Secret secret lover mo na yan eh baka mas gwapo pa ako jan" sagot niya bago buksan ang pintuan ng kotse at pumasok na ito. "Edi hindi" Binuksan ko ang kabilang pintuan at akmang sasakay na sa tabi ng driver seat ng bigla nalang niya akong itinulak at sinara ang pintuan. "Dun ka sa likod" utos niya na tila ba naiinis sa akin. Bwesit naman pala itong kumag na ito eh..Pag may tao ang sweet sweet tapos pag kami nalang dinaig niya pa yung nireregla. "Hoyy lalaki bakit mo pala ako hinalikan sa noo kanina diba sab~" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya itong pinutol. "Shut up...Ihahatid lang kita sa bahay ngayon..Ipahinga mo yang katawan mo para lumakas kana hindi yung para kang lantang gulay jan" usal pa nito. Matamis akong ngumiti dahil alam ko naman na concern itong lalaking ito sa akin eh. "Wag kang ngingiti ngiti jan gusto ko lang gumaling ka para makalinis ka ng bahay at maka laba.." sagot pa nito kaya kumibit balikat nalang ako. Pagkarating namin sa mansion niya bumaba na ako pero napa tingin ako sa likuran ng palda ko dahil tila basang basa na ito..! "What the hell is that?" napatingin ako kay Bryan ng tumingin siya sa palda ko. "Ha eh d-dugo ano ba sa tingin mo?" malakas siyang tumawa dahil sa sinagot ko. "What the f**k ano ginawa mo sa kotse ko" muli akong napatingin sa kaniya ng malakas itong sumigaw.Ano naman kaya problema nito. "Ano ba ginawa ko sa kotse mo?" tanong ko pa sa kaniya. "Bwesit naman ohh...Ano yan" napatingin ako sa tinuro niya mula sa pinag-upuan ko kanina. Mapait akong ngumiti at tumingin sa kaniya dahil sa nakita ko.Natagusan na pala ako hehehe..Tapos kulay Gray pa itong upuan hehehe..Nyawa "Ha?Sorry di ko naman alam eh pero hindi naman na nila yan malalaman" sagot ko pero inis siyang napababa ng kotse niya. Di ko naman talaga sinasadya na matagusan ako eh..Kainis naman kasi pero okay na rin hahaha atleast nakabawi. -??????? ????? ?? ????- _ _ Inis kong iniyukom ang aking kamao dahil sa naiinip na ako dito sa aking kinauupuan para lang mahintay si Bryan sa pag dating niya.Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin siya. Hindi na rin kami nakabalik sa room dahil sa kaniya.Bawal naman kaming pumasok kapag hindi namin siya kasama baka paniguradong mag aalburoto na naman yun sa galit. Kami lang ni Justin ang nandito sa labas ng University sa isang kubo habang ang dalawa naman na sina Shawn at Drake ay nasa Cafeteria dahil nagugutom daw sila. "Tell me the truth dude do you like her?" ibinaling ko ang tingin ko kay Justin dahil sa salita na lumabas sa kaniyang bibig na sumira din ng katahimikan sa aming dalawa. "What?Who?" takang tanong ko pa sa kaniya pero alam ko kung sino ang kaniyang tinutukoy. "Tsk don't deny it..Halata na nga eh kanina kapa nag aabang kay Bryan or si Bryan talaga ang gusto mo?" tumaas ang kanang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Ginagago mo ba ako?" tanong ko pero napatawa lamang siya at umiling.Hindi na muli ako nag salita dahil baka masapak ko lang ang kumag na ito dahil sa pang iinis niya sa akin. "If you like her sabihin mo wag kang duwag kasi baka mamaya mauhan kapa ng iba" muling pananalita niya pero hindi ko na lang siya sinagot. "Hindi ba kayo nagugutom" "Hasytt busog" Napatingin ako sa dalawang kumag na ito na nakahawak pa sa tiyan habang papasok dito sa kubo. "Wala pa rin ba si Bryan?" tanong ni Shawn bago ito umupo sa katabi ni Justin. "Meron na hindi mo ba nakikita?" pangpipilosopo na sagot naman ni Justin. "Tagal niya ah" "Baka sa langit niya dinala si Anna" inis akong napatingin kay Drake dahil sa sinabi niya. "Bawas bawasan mo yang kabastusan mo ha" pagbabanta ko sa kaniya. "Yan kasi puro kabastusan sa impyerno kana talaga babagsak" usal naman sa kaniya ni Shawn. Ilang minuto pa ang lumipas ng may humintong taxi sa harap ng malaking gate ng University na pinapasukan namin. "Gagi mga pre si Bryan oh" itinuro ni Shawn ang lalaking nakita kong bumaba sa taxi. "Hahaha bakit siya nakataxi" natatawang pagtatanong ni Justin bago sinilip si Bryan. Akmang papasok na ito ng tumakbo si Shawn palabas at palapit sa kaniya at itinuro kung nasaan kami narito.Pinigil ni Justin at Drake ang tawa nila siguro nga dahil sa ang masungit at maarteng gaya ni Bryan ay sa wakas nakasakay na sa pampublikong sasakyan. "Dude saan kotse mo?" bungad na tanong ni Justin sa kaniya. Inis siyang umupo at matalim kaming tinignan.Kumunot naman ang noo ko dahil tila masama na naman yata ang mood ng boss namin...tsk "Nasa bahay pinalinis ko muna alam niyo ba kung bakit?" lumapit sa kaniya si Shawn. "Bakit dude" tanong nito. "Naputikan ba?" "Binato ba ng mga juice or what?" tanong naman ni Drake pero umiling lamang si Bryan. Humalukipkip ito at isinandal ang kaniyang katawan sa may likod ng inuupuan niyang sofa. "Dahil sa bwesit na babaeng iyon akalain mo ba naman na may dalaw pala siya tapos hindi niya sinasabi kaya ayun..May dugo yung kotse ko...Ampt anlasa pa ng amoy" biglang natawa ang tatlo dahil sa sinabi ni Bryan. Biglang sumagi sa isip ko si Anna baka kasi masakit yung puson niya o di kaya uminom yun ng malamig na tubig baka mapahamak pa siya...Tsk "By the way boss gusto ko lang este kami na malaman ang tungkol sa kanina ano ba talaga ang plano mo at bakit mo nasabi na nobya mo si Anna?" tanong ni Justin kay Bryan. "I don't know pero ang alam ko lang ngayon i need to protect her sa mga sendikato na humahabol sa kaniya and then sa mga babae dito sa University" sagot ni Bryan kaya naman napaasik na lang ako sa aking utak. "Pero diba? Mas malalagay siya sa panganib dahil sa ginawa mo" pagsagot ko kaya naman napunta lahat ng atensyon nila. "Kung meron mang magtangka na manakit sa kaniya i will make sure na babawian ko yun..Wait Tristan can i ask you? Kanina ka pa eh" pinanlakihan ko siya ng mata bilang tanong. "Bakit boss ano problema kay Tristan?" tanong naman ni Justin kay Bryan. "May gusto kaba kay Anna?" natahimik ako dahil sa tanong niya hindi ko alam kung ano ang pwede kong isagot."If you love her it's okay with me pero sana if manliligaw ka sa kaniya don't you dare na gawin yun sa harap ng maraming tao dahil kailangan pa naming magpretend" sagot ni Bryan na ikinangiti ko. "P-pwede?" "Yes" tumango siya at isa isa kaming nginitian.."Karapatan niyo ang sumaya pero sana alam niyo kung ano ang limitasyon ng bawat galaw na gagawin niyo dahil baka isang araw ang mga taong iniingatan niyo madampot ng sendikato" sagot niya na ikinahiyaw ni Shawn. "Grabe makahiyaw bakit may Jowa ka?" pang iinsulto naman ni Drake sa kaniya. "If you like Anna i just want you to know that i like Hannah and i will do this my best to prove my self with your little sister" bigla kong tinapik sa braso si Justin dahil sa sinabi niya. "By the way kailangan nating magpunta mamaya sa Club Shawn magdala ka ng panangga dahil alam kong kilala na nila tayo dun" utos ni Bryan kay Shawn. Pagkatapos naming mag usap usap lumabas na kami ng kubo at bumalik sa room pero wala ng pasok dahil hanggang 3:30 pm lang nagkaroon kasi ng mahalagang meeting ang mga teacher. "Can we talk" madiing bungad ni Bryan sa grupo ng babae na bumugbog kay Anna kanina.Nanlaki naman ang mata ng babae ng makita kami. "Sorry pero nagmamadali ako" biglang naglakad ang babae pero humarang kami ni Shawn sa pintuan dito sa kana habang sina Justin at Drake naman sa kabila para hindi sila makalabas "Sa ayaw at gusto mo mag uusap tayo" marahas na pina upo ng s*******n ni Bryan ang babae na ginawa rin ng mga kaibigan nito. "Ano bang problema mo" malakas na singhal ng babae sa kaniya..Mahigpit niya itong hinawakan sa panga. "Kaharap mo lang ako kaya wag na wag mo akong lalakasan ng boses kasi sobrang sakit sa tainga alam mo ba yun ha.Gusto lang kita makausap dahil sa ginawa mo sa girlfriend ko" usal ni Bryan..Malakas naman siyang tinawanan ng babae. "So?Hindi talaga biro yung sinabi mo kanina HAHAHA are you crazy para patulan ang isang cheap na probinsiya..Oh baka naman ginayuma ka lang niya Bryan Gonzales" mayabang na asta ng babae kay Boss. "Shawn give me my g*n" Napatingin kaming lahat dahil sa utos ni Bryan na iyon.Ayaw sana ilabas ni Shawn ang b***l na nasa black bag pero bakas sa muka ni Bryan ang galit kaya agad niya itong iniabot. "M-meron kang b***l" garagal ang boses ng babae na tanong nito kay Bryan. "Yes..Gusto mo ba ikaw ang kauna unahan kong mapatay sa b***l na ito" mala demonyong ngumiti si Bryan bago pinaglaruan ang b***l na hawak niya. "B-bryan ilayo mo yan baka maiputok mo" utos ng babae pero malakas na loob itong itinutok ni Bryan sa tapat ng ulo ng babae. "Ipuputok ko talaga sa bungo mo ito kapag hindi ka hihingi ng kapatawaran bukas kay Anna..Kilala mo ako hindi ako marunong makipagbiruan kahit na umalis ka ngayon dito susundan at susundan kita" pagbabanta ni Bryan sa babae. "O-oo na gagawin ko na pakawalan mo ako at ilayo mo sa ulo ko yang baril..Gusto ko pang mabuhay" sigaw ng babae lumayo si Bryan at ngumiti ng malawak pero halos hinatayin na sa gulat ang babae at ang mga kaibigan niya ng itinutok niya ito at biglang kinalabit. "Pasalamat ka wala itong bala kundi sabog kana jan sa kinauupuan mo" inihagis ni Bryan ang b***l pabalik kay Shawn at lumabas na ito. Nginitian ko naman ang grupo ng babae na nakahawak sa kanilang dibdib at malalim na kumawala ng isang hinga. Dumiretso kami sa bahay nina Shawn buti nalang at wala dun ang daddy niya kaya malaya kaming nakapasok at nakakuha ng b***l at bala.Ginamit na rin namin ang isang van nila na magiging sasakyan namin ngayon papunta sa Club.Sumapit ang gabi hindi na muna kami kumain pero nag bihis kami ng pangnormal bago pumunta duon. Pagpasok mo pa lang rinig mo na ang malakas na hiyawan ng mga taong lasing pati na rin ang iba't ibang amoy ng alak na talaga namang nakakahilo. Pinili naming pwesto ang madilim para walang gaanong tao ang makakita sa amin.Inutusan kami ni Boss Bryan na maghiwa hiwalay para daw hindi magtaka ang mga tao pero nakasuot kami ng mga maskara. Gusto niyong malaman kung sino talaga kami?Pwes Bryan is a secret Mafia Boss..Siya ang sekretong lalaki na pumapatay ng mga taong sangkot sa kasamaan siya ang naninikil ng buhay ng mga taong mapang api. Ngayon nasa ilalim kami ng kautusan at kahilingan ng mga pulis na ubusin at alamin kung sino ang mga lider ng sendikato na nagpapakalat ng droga sa mga studyanteng kabataan.Mas ginanahan si Bryan na gawin ang misyong ito para sa mga katulad naming syudyante.. Now you know bryan is a secret Mafia Boss ang taong kinakatakutan..Ang taong sekretong tumutulong sa mga studyante at tao sa pamamagitan ng pagsusuot niya ng maskara at ibang pangalan na gamit niya. Bryan is not a devil.. "Ahh shitt" sambit ko ng may makabangga akong isang lalaki Kumunot ang noo ko ng tila kinikilala ako ng lalaking ito. "Sino ka?Tanggalin mo ang maskara mo kundi papatayin kita" lumakas ang kabog ng puso ko ng bigla niya akong tinutukan ng baril..Inagaw ko ang b***l sa kaniyang kamay ng sinusubakan niya na tanggalin ang maskara sa aking muka. Malakas na naghiyawan at nagtakbuhan palabas ang mga tao ng biglang nagpakawala ng isang nakakagulat na putok ng b***l itong pinag aagawan namin "May kalaban" Hinila ko sa leeg ang lalaking ito at ipinutok ang b***l sa isang lalaki na papalapit para barilin ako..Hinampas ko ang lalaking ito ng b***l sa balikat kaya naman natumba siya. Inayos ko ang aking maskara bago naglakad.Iba't ibang palitan ng putok ng b***l ang naririnig ko ngayon dito. "Mr.Hunter alam kong ikaw yan HAHAHA ninanais mo pang pasukin ako sa teritoryo kong animal ka" sigaw ng isang matanda na para bang si Mr.Joseph the biggest and famous d**g businessman. Nagtataka ba kayo kung sino si Mr.Hunter it was Bryan his name as a Mafia Boss. "Hoyy tandang panot kailangan ng matapos itong kasamaan mo madami ng mga kabataan ang nasisira ang buhay dahil sa walang sawa niyong pagkakalat ng droga" sigaw ni Boss Bryan. "Boss upo" sigaw ko ng makita ang isang lalaki na palapit sa kaniya upuang siya'y barilin pero inunahan ko na. "Hunter,Hunter wala kang mapapala jan sa ginagawa mo mapapagod ka lang.Hindi ako madaling talunin kaya kung gusto ko sumali ka nalang sa grupo ko magkakapera kapa" sigaw ng matanda kay Boss. "Hoyy Panot anong gusto mong gawin ko kapag namatay ka isama ang mga pera at droga sa libing mo" pagsingit ko sa kanila "Sa oras na malaman ko kung sino kayo sa likuran ng maskara sisiguraduhin ko na hindi ko papatahimikin ang buhay niyo" banta ni Mr.Joseph "Kung kaya mo" Lumabas kami ni boss bryan sa pinagtataguan namin at nakipag sabayan sa bawat putok ng b***l na pinapakawalan nila. "Atraaasss may pulis" malakas na sigaw ng isang tauhan nila. "Mga duwag" sigaw ko bago sila pinapaputukan ng b***l pero mabilis silang nakatakbo. Inilibot ko ang tingin ko dito sa Club hanggang sa makarating ako dito sa pinaka isang kwarto. Nagkata pa ako nang makita ang larawan ni Anna na nasa cafeteria.Habang may mga butas butas na ito dahil sa pag papana at muka pa ni Anna ang ginamit nila. Ano bang meron sayo Anna at bakit ka tinatarget ng sendikato?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD