—Anna Perez Pov—
Narito pa rin ako ngayon sa loob ng banyo hindi pa rin kasi ako lumalabas pagkatapos na ibigay sa akin ni Tristan itong binili niyang Napkin.
Malagkit pa rin ang aking pakiramdam dahil sobrang init na init ang katawan ko ngayon.
Masakit rin ang puson ko dahil makalipas ang dalawang buwan ngayon na lang ulit ako dinatnan ng dalaw.
“Anna?Bhesssttiiee anjan kaba?” napatingin ako sa pintuan ng marinig ko ang boses ni Hannah mula sa labas.Kagat labi pa akong napahinga ng malalim bago ko tinangkang buksan ang pintuan.
“Are you okay?” napatingin naman kami ni Hannah sa kuya nitong si Tristan dahil sa tanong niya sa akin.Peke naman akong ngumiti sa kaniya at tumango.
“Ano ba nangyari?Sabi ni Kuya may masama daw na nangyari sayo?Hinahanap rin kita kanina sa Cafeteria pero wala ka?” turan ni Hannah habang naka tingin sa akin.Tuluyan akong lumabas at humarap sa kanilang dalawa.
Lumapit naman ako kay Hannah.Hinawakan ko siya sa braso ng mahigpit at naunang naglakad..
“Ehh kasi Bhest may dalaw ako” pabulong na sagot ko sa kaniya pero bigla siyang lumayo sa pagkakadikit ko.
“Ha?Saan?Sino?Gwapo ba?” kumunot ang noo ko ng bigla nalang niyang inilinga linga ang tingin niya sa paligid.
Nahampas ko siya sa kamay at muling lumapit sa kaniya.
“Gagi dalaw as in yung ano yung” tumingin ako mula sa likuran nakita ko naman si Tristan na malapad akong nginitian.Napangiti na rin ako at muling ibinalik ang atensyon kay Hannah.“Yung regla” sagot ko sa kaniya.
Sandali siyang tumigil sa paglalakad na ginawa ko rin.
Umikot siya ng lakad sa aking likuran para tiyakin ang sinasabi ko sa kaniya.
“Wala naman ah?” sagot pa niya sa akin.
“K-kasi tinulungan ako ni Kuya mo si Tristan” ngiting sagot ko sa kaniya.
Tumingin naman siya kay Tristan at tinaasan ito ng kilay na tila ba nagbabanta.
“Siya yung bumili ng Napkin t-tapos pinahiram rin niya sakin tong palda mo na kinuha niya sa locker mo p-pero lalabahan ko din ng mabuti tapos isasauli ko sayo” ngiting sagot ko pa sa kaniya.
“Anna wait” napatingin kaming pareho ni Hannah ng magsalita si Tristan.Huminto kami sa pag lalakad at hinintay siya.
“Bakit?Ahh tungkol ba sa napkin?B-babayaran kita bukas hindi ko kasi dala yung pera ko ngayon” pinangunahan ko na siya.
“Pfftt no..I just want to ask kung kamusta yung pakiramdam mo ngayon? Masakit ba puson mo?” tumingin ako kay Hannah dahil sa tanong ni Tristan sa akin.
“Oo pero normal lang naman yung sumakit yung puson kapag may dalaw ka eh” sagot ko naman sa kaniya.
“Hasytt naku Anna alam mo ba itong si Kuya Tristan este Tristan nung una akong nagkaroon ng ganyan todo taranta siya akala niya naman kung mamamatay na ako Hahaha” naglakad ulit kami pero tumawa ng malakas si Hannah ng ikwento niya yun.
“Bakit naman?”
“Todo sigaw at iyak kasi ako nun kasi nga sobrang sakit ng puson ko.Tapos si Kuya este Tristan po pala takbo dito takbo dun yung ginagawa niya” napatingin ako kay Tristan na ngayon ay pasimple nang ngumingiti dahil sa kwento ng kapatid niya.
“Paano ako hindi matataranta that time eh hindi ko naman alam kung anong masakit sayo oh ano ang pwede kong gawin.Then ikaw nga ang mas nakakatawa kasi sabi mo pa sakin mamamatay kana dahil may dugo jan sa ano” malakas akong napatawa dahil sa sinabi ni Tristan.
Nagpatuloy kami sa paglalakad na puno ng tawanan dahil sa kwento nilang dalawa.
“Hoyy Anna dahan dahan lang sa pagtawa baka bumulwak yan” tawang tawa na usal ni Hannah sa akin.
Napatigil kami sa paglalakad at pagtawa ni Hannah at Tristan ng may apat na lalaking humarang sa dinaraanan namin.
“Tristan follow me we need to talk” malamig na utos ni Bryan kay Tristan.
“Kanina kapa hinahanap ni Boss pero nandito ka lang pala" usal naman ni Shawn.
“Tinulungan ko lan~”hindi nagawang ipagpatuloy ni Tristan ang sasabihin niya ng mabilis na naglakad patalikod sina Bryan at ang kasama nito.
“Sige na” sambit naman ni Hannah kay Tristan.
“Sorry pero Anna just approach me or call me Hannah when you need my help” sambit nito bago tumakbo para habulin ang mga kaibigan niya.
Napakibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy kami ni Hannah sa paglalakad.Pero pagdating namin sa Room samo't saring bulungan na ang bumungad sa amin este sa akin kasi ako lang naman ang pinapatamaan nila dahil na rin sa ginawa ni Tristan kanina sa akin.
“Sobrang landi”
“Tinatarget pa ang baby ko”
“Tristan is only mine”
“Ako nga hindi makalapit kay Tristan pero siya grrrr”
Hindi ko na lamang sila pinansin pero biglang may isang babae ang humablot sa kamay ko dahilan para matigilan ako sa paglalakad papunta sa aking upuan.
—Bryan Pov—
Nakaupo ako sa damuhan habang nasa tabi ko naman ang mga kaibigan ko.Hinihintay ko si Tristan dahil gusto ko siyang makausap tungkol sa sinabi ng isang lalaki sa akin kanina na bigla nalang daw niyang mahigpit na niyakap si Anna at binuhat ito kung saan.
Pinahanap ko siya kay Shawn at sa tapat ng banyo namin siya nakita.Masaya siyang nakikipag kwentuhan kina Anna at Hannah
Hindi naman ako masamang tao para pigilan ang kasiyahan niya pero ang nakakainis lang ay ang nilalabag niya ang kautusan ko.Kailangan niyang layuan ang mga taong malapit sa kaniya dahil sa oras na malaman ito ng mga sendikato na kalaban namin maaring si Hannah ang gawin nilang pain para makuha nila si Tristan.
“Boss nandito na siya” napatingin ako kay Shawn ng magsalita siya at tumingin mula sa aking likuran.Hindi ako nag sayang ng oras na lingunin ito dahil alam ko naman na si Tristan na ang dumating.
“Balak mo bang ilagay sa peligro ang buhay mo o buhay ni Anna at Hannah” malamig na boses ang pagtatanong ko sa kaniya.
“Kinailangan lang kanina ni Anna ng tulong ko kasi bigla siya~” napatigil siya sa pagsasalita ng bigla akong tumawa.
“Tulong?Diba sanay na sanay ka naman nang panoorin ang mga studyanteng pinapahirapan ko eh bakit mo tutulungan si Anna?” inis na pagtatanong ko sa kaniya.
“Hindi na mauulit boss” tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap siya..Magkapantay lang kami at tinapik ang kaniyang balikat.
“Talagang hindi na mauulit dahil sa oras na mangyari pa yun kakalasin ko na kayo sa grupo..Nasa poder ko si Anna kaya ako ang may karapatan sa kaniya para tumulong o ano ang gagawin ko” madiing sagot ko pa sa kanila.
Hindi ko alam kung bakit?Pero naiinis ako kay Tristan dahil sa ginawa niya.Bakit niya tinulungan eh sanay na sanay na siyang makakita ng mga studyanteng kinakawawa o tinatawanan pero bakit bumaliktad siya kay Anna!
“May gusto kaba sa kaniya?” isang salitang pagtatanong ko kay Tristan.Umiwas naman ito ng tingin na ikinakunot ng noo ko.
“Wala boss” diretsong sagot niya na ikinangiti ko.Ewan ko nalang pag sumagot siya ng 'oo' baka masuntok ko siya ngayon dito.
“Kuya!!Kuyaa!” napatingin kaming lahat sa pinanggalingan ng sigaw si Hannah sa hindi kalayuan habang hingal na hingal itong tumatakbo palapit sa amin.
“Bakit?” tanong ni Tristan sa kaniya pero humawak lamang siya sa kaniyang dibdib.“Nasaan si Anna?” dagdag na tanong pa ni Tristan para mag init ang ulo ko.
“Anong nangyari?” malamig na boses na pagtatanong ko kay Hannah.
“S-si Anna pinagtutulungan sa classroom ng fans niyo” inis akong tumingin sa second floor dahil sa sinabi niya..Agad akong tumakbo ng mabilis paakyat sa hagdan para makarating agad dun.
Nakita ko naman sila Tristan at ibang kaibigan ko na sumusunod sa akin pero ako ang nangunguna.
I don't know kung bakit pero sobrang lakas ng kabog ng puso ko ngayon at galit na galit na para bang sasabog na sa sobrang galit.
Pagkarating ko sa Classroom nakapalibot ang mga babae sa isang gilid na ikinataka ko.
“Tristan is Mine” rinig kong sigaw ng isang babae at malakas na sampal ang narinig ko.
“Ikaw cheap na probinsiyana ang landi landi mo talaga” usal naman ng isang babae.
Agad akong naglakad palapit sa kanila at nakita ko si Anna na nakaupo sa sahig habang hawak ng isang babae ang muka nito at paulit ulit na sinasampal.
“Isa pang sampal na igawad mo sa babaeng yan impyerno ang babagsakan mo” isang malamig at nakakatakot na boses na pag babanta ko.
Napatingin silang lahat sa akin at lumayo.Ang iba bumalik sa kani-kanilang upuan habang ang babae naman na nananampal kay Anna ay nakangiti itong nakatingin sa akin.
“Hi Bryan wattzup” napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi ng babaeng ito.
“Hindi pa ako nakakasuntok ng babae pero kung gusto mo ikaw na ang buena mano ko” banta ko pa sa kaniya.
Maarte siyang tumawa at feeling close pang hinampas ang balikat ko.
“Ikaw naman bryan mapagbiro ka..Binibigyan ko lang ng aral tong babae na ito kasi alam mo nilalandi niya si Tristan” usal pa niya..“Diba girls” tanong niya pa sa ibang babae na nandito sa loob ng classroom.
Matalim kong tinignan si Anna na ngayon ay nanghihinang umiiyak habang nakayuko sa kaniyang tuhod.Napansin ko naman na nasa pintuan na sila Shawn.
“Ano gusto mo Bryan sipain namin toh o kaya suntukin ko pa sa muka” mayabang na pag asta niya..Nanlaki ang mga mata ko ng marahas niyang hinila ang buhok ni Anna patayo.
“A-araaaayy” pag inda ni Anna.
“Let her go” malakas kong hinila si Anna sa kaniya at itinulak ang babaeng nasa harapan ko.
Tinawanan naman siya ng iba ng tumumba siya sa may sahig
“Hindi nilalandi ni Anna Perez si Tristan dahil Anna is my Girlfriend” mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Anna na ngayon ay sobrang init na ewan.
“What did he say?”
“Ate pakisampal ako nananaginip ba ako?”
“Cheaapp”
“Ano bang pinagsasabi mo?” narinig kong tanong ni Anna sa akin pero pinisil ko ang kamay niya.
“Yes Anna is my girlfriend at kung sino man ulit ang manakit sa babaeng kasama ko ngayon ay mananagot sa mga parusa ko and you we need to talk later” sinamaan ko ng tingin ang babae bago binuhat si Anna palabas ng classroom pero—Nakita ko ang mga kaibigan ko pati na rin si Hannah na nakanganga dahil sa sinabi ko.
But i'm willing to do anything to protect this girl.
Dinala ko si Anna sa clinic para mapagamot siya.Pero ang sabi ng Nurse nakatulog daw siya dahil sa pagod.Hindi naman malala ang nangyari sa kaniya pero mananagot sa akin ang babaeng yun.
“Anong sinabi mo kanina si Anna Girlfriend mo dude prank master kana ba ngayon” tanong ni Shawn na nasa harapan ko ngayon.
“Diba ikaw na nagsabi na wag naming lalabagin yung utos?” sabat pa ni Justin.
“Bakit mo ginawa yun?” tanong naman ni Tristan sa akin.
“Si Anna Perez ang hinahanap ng mga sendikato.Ayon din sa nalaman ko siya ang babaeng nakatakas sa grupo ni Mr.Joseph pero hindi ko pa rin alam kung bakit siya patuloy na hinahanting” sagot ko sa kanila hinampas naman ako ni Shawn sa kamay na ikinainis ko.
“Anong koneksyon nun sa tanong namin?” saad pa niya.
“I want to defend him from people trying to hurt her” sagot ko naman sa kanila.
“Are you inlove with her?” napatingin ako kay Justin dahil sa tanong niya.
“What if i said ‘Yes’ may problema ka?” pang aasar ko sa kanila pero agad na lumabas si Shawn at nagkunwaring nasusuka.
Pagkatapos naming mag usap bumalik ako sa kwarto na kung nasaan nakahiga si Anna.
Umupo ako sa bandang kanan niya sa mismong kinahihigaan niya.
“Are you feeling well?” bungad na tanong ko sa kaniya ng magising na siya.
Tumingin muna siya sa paligid bago ako binalikan ng tingin.
“Nasaan ako” tanong niya at akmang tatayo na pero bigla din siyang napahawak sa tiyan niya.“Araayy” pag inda nito.
“Hindi kapa okay kaya wag ka muna magmagaling hindi ka astig” masungit na sambit ko.
“Bakit mo sinabi yun” napatingin naman ako sa mga mata niya.
“Yung alin?”
“Yung ano yung girlfriend mo ako?! Hindi mo ba alam na dahil dun mas lalo akong mapupunta sa g**o” tumayo ako sa kama at pasimpleng tumawa.
“Tungkol nga pala sa bagay na yun hindi yun totoo..Yun na lang kasi naisip ko para mailigtas ka sa mga umaapi sayo dito sa Campus kaya tayong dalawa magppretend as magjowa” sagot ko sa kaniya tumaas naman ang kanang kilay nito.
“Boyfriend?Ko ikaw?Yucck hindi ako pumapatol sa m******s at mayabang noh” pag iinarte niya sa akin.
“Me too hindi ako pumapatol sa cheap na probinsiyana at hindi naman totoo ang relasyon natin dahil fake lang..Edi kung ayaw mo okay lang ikaw lang din naman ang mapapahamak” sagot ko pa sa kaniya bago umupo sa ibabaw ng lamesang nandito sa gilid.
“Papayag ako sa isang kondisyon” nanlaki at napangiwi ako sa sinabi niya.
“Kondisyon? Hoyy hindi kita pinipilit kaya wala kang karapatan na magbigay pa ng kondisyon jan..” sagot ko naman sa kaniya.
Kapal naman ata ng apog ng babaeng ito na humingi pa ng kondisyon.
“Swerte mo nga kasi magiging pekeng boyfriend mo ang gwapo na katulad ko marami kayang naghahangad sakin” pagmamayabang ko pa sa kaniya.
“Ahh eehh ang ang hangin naman dito parang may darating na bagyong BRYAN”
“Tanga syempre may aircon” sagot ko sa pagpapatama niya sa akin.Umasim naman ang muka nito..
“Hoyy kapag naging pekeng magjowa tayo ayoko ng hinahalikan mo ako ah” usal nito dahilan para mapatawa ako.
“Tsk hindi ka maganda para halikan ko” walang emosyong sagot ko sa kaniya.
Pero ang hindi niya alam nahalikan ko na siya at nahalikan niya na ako.