—ANNA PEREZ POV—
ABALA ako sa pagbibigay ng mga order ng gaya kong mga studyante dito sa university.
Pabalik balik din ako dito sa kusina para kunin ang order nila pero hindi ko maiwasang mahiya dahil sa mga tawanan at masasakit na salitang ibinabato nila sa akin tungkol sa ginagawa ko ngayon na parusang ibinigay ni Bryan Gonzales.
Mabuti nalang at tinulungan ako ni ateng janitress kanina na tanggalin ang nakatali sa akin.Dahil dun maayos akong nakapasok dito sa cafeteria.
“Anna wag kang tatanga tanga jan at maraming studyante na nasa labas naghihintay ng mga order” nabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi ng babaeng masungit na taga luto ng mga pagkain dito sa cafeteria.
“Sorry po..Sige po kukunin ko na ang order nila” agad akong lumabas at nakita ang maraming studyante dito.
Sa tingin ko nga din parang pinili nila na kumain ngayon dito para makita nila ang kalagayan ko bilang katulong ngayong araw sa kanilang lahat.
“Hoyy Anna kanina pa kami dito ha.!Hindi mo ba kukunin ang order namin” sigaw ng isang babae na nasa kanan ko.Nag tawanan naman ang tatlong kaibigan niya na ikinangiti ko nalang ng mapait.
“A-ano order niyo?” tanong ko sa kanila.Tumawa naman ulit ang mga kaibigan niya pero ang pinaka lider tinignan lamang ako nito mula ulo hanggang paa na may halong pangungutya.
“Hoyy Anna Perez na probinsyana dapat kapag nangunguha ka ng mga order sa mga nandito ang tawag mo ‘Maam’ tapos sa bawat pananalita mo may ‘po’ at ‘opo’ hindi yung bastos at wala kang galang na nagtatanong” singhal ng babae sa akin.
Hindi ko siya kilala dahil sa tingin ko hindi ko naman siya kaklase pero ayoko itong ugali niya sobra ding manlait at mapag mataas tsk..!..Mapait muli akong ngumiti sa kanila
“Goodmorning maam ano po ang order niyo?” pang aasar at ulit na tanong ko sa kanila.
“Give me one of French Fries and two burger” sagot ng isang kaibigan niya na may kulot na buhok.
“Ako Spaghetti nalang”
“Me too”
“Kaming tatlo spaghetti and this girl give her a french fries and burger now” malamig na utos ng pinaka lider sa kanila.
Tinanguan ko naman sila bago isinulat ang order nila sa isipan ko.Kaagad akong bumalik sa pinaka kusina.
“Three spaghetti po at isang french fries and two burger” usal ko sa isang babae.
Pinanood ko siya kung paano niya ilagay ang sinabi kong order sa malaking container.
“Ohh ayan..Ihatid mo na” utos ni ate sa akin na ikinatango ko na lang din.
Dala-dala ko ang container pabalik sa apat na babaeng nasa labas na naghihintay ng kanilang order.
“Ito na po ang order niyo mga maam” pekeng pananalita ko bago ilagay sa ibabaw ng lamesa ang mga order nila.
“What is this?” may maarteng boses na tanong ng isang babae habang nandidiring naka tingin sa burger.
“Bakit?” taas kilay ko pang tanong pero naningkit na siyang tinitigan ako..“I mean bakit po maam?May problema ba?” tanong kong muli sa kaniya.
“I said what is this?hindi yan ang inorder ko” turan niya sa akin.
“Pero yan ang sabi mo french fries at dalawang burger” sagot ko pa pero inis siyang tumayo.
“So? Ano gustong palabasin na sinungaling ako?” malakas na boses na usal niya pero umiling ako.
“Hindi..Pero yan talaga ang sinabi mo na oorderin mo eh” sagot ko pa sa kaniya.
“No, i said give me a spaghetti tignan mo nga ang mga kasama ko nakaspag then me hindi?” tinignan ko ang mga kaibigan.
“Pero yan talaga ang sinabi mo eh” sagot ko pa at akmang tatalikod na dahil sobra siyang baliw pero—
“Ahh arayy” malakas na sigaw na pag inda ko ng malakas na hablutin ng babae ang buhok ko.
Tumingin ang mga studyanteng nandito sa kinaroroonan namin.
“Wag mo akong tinatalikuran kapag hindi pa tayo tapos mag usap ha” sigaw sa akin ng babae
Humarap ako sa kaniya pero kitang kita ko sa paligid ko ang ibang studyante na naglabas na ng mga cellphone para magvideo sa amin.
“Bitawan mo ang buhok nasasaktan ako” sigaw na pagmamamakaawa ko sa kaniya pero mas lalo niyang diniinan ang pagkakasabunot sa akin.
“Humarap ka sakin” pag utos niya.
Kagat labi kong nilalabanan ang sakit na nararamdaman ko pero hindi ko kaya...Humarap ako sa magkakaibigan na ito pero—
“Wow”
“Awwwttsss”
“Kawawa”
Nagsigawan at naglabas ng mga reaksyon ang mga taong nandito ng bigla akong sabuyan ng apat na babaeng ito ng malamig na tubig sa muka.
“Yan ang bagay sayo cheap na probinsyana” sigaw ng babae sabay bitaw sa buhok ko.
“You are not belong here napaka cheap mo umalis kana..Sino bang tanga ang nagpapasok dito sa katulad mo” singhal naman ng isang babae.
“Ano bang problema niyo ha?” palaban na sagot ko sa kanila pero—malakas na sampal ang inabot ko.
“Ang problema ko ang muka mo napakapanget mo para pumasok sa disenteng paaralan na ito” sambit pa ng isang babae.
Hinawakan ko ang kaliwang pisnge ko na malakas niyang sinampal.
Napangiwi ako ag pinanlisikan siya ng tingin.Ang pinaka lider ng grupo na ito.
“ohh ano iiyak kana?” tanong niya pa pero umiling ako.
“Hindi” mayabang na sagot ko bago kinuha ang isang platong spaghetti.
“Ahh gutom ka na ba” asar na tanong ng babaeng lider pero muli akong umiling.
“Hindi ako gutom pero baka ikaw na ang gutom” sagot ko bago tinampal sa muka niya ang spaghetti na ikinatawa ng lahat.
“What the hell anong ginawa mo” tanong ng isang babae at tatangkain na sugurin ako pero mabilis kong dinampot ang tinidor saka ito tinutok sa kaniya.
“Masarap po ba maam?” pang aasar na tanong ko sa binuhusan ko ng spaghetti..“Hindi ako cheap kayo itong cheap at mga loka-loka wala naman akong ginagawa sa inyo tapos ang init init ng dugo niyo sakin” sigaw ko sa kanila.
“Stupid girl”
Nabitawan ang hawak kong tinidor ng kinuha ito ng isang babae at tumawa.May isang babae na narito sa likuran ko na sinabunutan ako.Sobrang sakit ampt..Matatanggal na yata tong ulo ko.
Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak ng dalawa at pagkakasabunot ng isa pero hindi ko kaya kasi Lima na sila at iisa lang ako.
“Ikaw naman ang papakainin ko” mayabang na asta ng babaeng binuhusan ko ng spaghetti.
Kinuha niya ang dalawang plato na naglalaman ng spaghetti at ngiting asong ulol na tumingin sa akin.
Madiin akong pumikit ng makita ko na itatampal niya ito sa muka ko pero..—
Isa
Dalawa
Tatlo
Tatlong segundo ako bumilang pero walang ano man ang dumapo sa muka ko.
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata ng makita ko si Bryan na hawak ang isang babaeng nagtatangka akong tapunan ng spaghetti.
“Let her go or else” madiin at matalim ang tingin ni Bryan sa mga babaeng nakahawak sa akin.
“Bryan kasi alam mo yang cheap na probinsyana na yan tinapunan ako ng spaghetti sa muka look at my face oh” tumingin si Bryan sa isang babae na naiiyak pang tumingin kay Bryan para lamang kaawaan siya...Tsk
“Anna Perez follow because we need to talk” madiin na boses na utos ni Bryan sa akin.Sinamahan pa ito ng matalim niyang tingin.
Tinignan ko naman ang dalawang babae na nasa likuran niyang nakangiti ng malawak.
“Sinaktan ako ng bwesit na babaeng yan” usal pa ng babae.
Napairap na lamang ako..Agad namang lumabas si Bryan at susunod na sana ako sa paglakad ng hinila ako ng isang babae.
“Tsk buti nga sayo” bulong niya sa akin pero hindi ko nalang siya pinansin.
Binawi ko ang braso ko sa kaniya at kaagad na naglakad para masundan si Bryan na paniguradong paparusahan naman ako dahil sa ginawa ko sa babae yun.
Mabilis ang paglakad niya hanggang sa makarating kami dito sa may likuran ng University.Walang katao tao dito kaya tiyak kong dito na kami mag uusap tungkol sa parusa niya sa akin.
Huminto siya sa paglalakad at inis akong binalingan ng tingin.
“Ano bang meron sayo?” panimulang pagsasalita na tanong niya sa akin dahilan para kumunot ang noo ko.
“Ano pinagsasabi mo? At bakit mo pa ako dinala dito eh pwede mo naman akong pahiyain sa ibang tao” walang emosyon na sagot ko.
“Sino ang nagbigay sayo ng sulat na yun” tanong niya pa para mapaisip ako.
“Alin yung may pagbabanta sa buhay ko? Sa isang nerd na lalaki at bakit mo pa tinatanong eh alam ko naman na ikaw yung may pakana nun diba” diretsong sagot ko sa kaniya.
“No,Hindi ako yun..Isang lalaki na sangkot sa sendikato...Now answer my f*****g question bakit ka nila hinahabol?” tanong niya pa sa akin.
Kumunot ang noo ko at seryosong mapadako ang mata ko sa mata niyang nagliliyab na sa galit.
“Ano ba pinagsasabi mo? Eh ikaw lang naman ang nagtatangka sa buhay ko” sagot ko pa pero inis siyang namulot ng bato at inihagis ito sa malayo.
“Hindi ako nakikipagbiruan tell me ano ang kailangan nila sayo at hinahabol ka nila?” tanong niya pa sa akin.
Napatulala naman ako at iniisip ang tungkol sa blue book na pag mamay-ari ng sendikato.
Pero hindi ko maaaring sabihin sa kaniya ang tungkol dun..
“Hindi ko alam” ngiwing sagot ko sa kaniya pero kumunot ang noo nito sa akin.
“Tell me or else” napa atras ako ng bigla siyang umabante palapit sa akin.
“Hindi ko nga alam..B-baka gusto lang nila ako” sagot ko pa sa kaniya—Malakas siyang tumawa pero tumalikod na ako at tinakasan siya.
Bakit ba niya gustong malaman?!
Agad akong tumakbo papunta sa locker room para kunin ang bag na nilagay daw dun ni Hannah kanina.
Pasilyo ang nilalakaran ko.Walang katao tao dito kaya naman nakakatakot.
Nakakapanindig balahibo din pero kinaya kong maglakad.
Pagbukas ko ng locker ko tumambad sa akin ang isang—
“Roses?” tanong na pananalita ko ng makita ko ang tatlong roses na may kasamang maliit na papel.
“You are not safe but i will do my best to protect you....” pagbasa ko sa maliit na papel.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa paligid para tiyakin kung may tao ba pero wala namang ibang tao?—
“Anna huyy Anna” napatingin ako sa isang lalaki na ngayon ay palapit na sa kinaroroonan ko.
Mabilis kong itinago ang roses sa may locker ko at pekeng ngumiti kay Justin.
“Bakit?” tanong ko sa kaniya.
“Nasaan si Boss Bryan?” tanong niya pero hindi ko siya pinansin hindi kasi ako tanungan ng nawawalang kalabaw.Naglakad na ako palabas pero sinundan niya ako.
“Bhesttt” sigaw ni Hannah habang naglalakad siya kasama si Tristan palapit sa amin ni Justin.
“Yoww pare” bati ni Justin kay Tristan.
“Saan si Bryan” tanong pa sa akin ni Tristan pero gaya ng ginawa ko kay Justin hindi ko siya pinansin.
“Bye anna ingat ka” sigaw pa ni Justin ng makalayo kami sa kanila ni Tristan.
“Ulol tara na nga hanapin natin si Boss” pigil naman ni Tristan kay justin na may pakaway kaway pa sa akin....Tsk
“Ingat ka sa mga yan..Mapaglaro yan” makahulugang sambit naman ni Hannah dahilan para mapatango ako.
—K I N A B U K A S A N—
Nandito na ako ngayon sa classroom habang nakaupo sa aking upuan.Hinihintay ko ang pagdating ni Hannah para tanungin siya tungkol sa sinasabi niya kahapon sa akin na may ibinigay daw na activity si Miss Sungit at sa oras na hindi magawa yun may mga parusa siyang ibibigay.May oras pa naman siguro ako para mangopya kay Hannah dahil hindi ako nakapasok kahapon kagagawan na rin ni Bryan na pinarusahan akong gawing katulong sa Cafeteria.Napa busangot ako ng marami na ang studyanteng nagdadatingan pero wala pa rin si Hannah baka kasi dumating na si Maam sungit pero wala pa rin akong nakokopya.
“Nagawa niyo ba yung sinasabi ni Demonyita” sigaw na tanong ng isang babae na nasa gilid.Napatawa nalang ako sa aking isip ng walang sino man ang sumagot sa kaniya.
Napangiti ako ng malawak ng makita si Hannah sa bintana na papasok na dito.Umayos ako ng upo at hinintay siya na makalapit para makausap ko siya ng walang sino mang makaka alam na mangongopya ako.
“Goodmorning Anna ang aga mo ngayon ha” bungad na pagbati ni Hannah sa akin.Totoo naman siya maaga talaga akong gumising para lang makakopya kasi nag aalala din ako baka mapahiya na naman ako nito sa mga kaklase ko.
“Good morning din pero ano yung sinasabi mo kahapon na activity na pinagawa ni Maam Sungit?” tanong ko pa sa kaniya.Umupo siya sa upuan niya na katabi ko lang mabilis siyang ngumiti at may kung anong kinuha sa bag niya.“Ano yan?” tanong ko pa ng makita ang isang maskara.
“This is not a activity may gaganapin na okasyon dito sa University sa susunod na linggo and Maam sungit said na gumawa ng kani-kaniyang maskara at isusuot ito sa gabi” sagot pa ni Hannah dahilan para kumunot ang noo ko sa kaniya.
“Bakit gabi?” tanong ko pa.
“I don't know kung anong okasyon pero basta gumawa ka ng maskara like ganito sa akin.Tapos sabi ni Maam tayong mga girls pipila sa isang gilid may mga lalaking lalapit sa atin para ayain tayong sumayaw ng sweet dance tapos alam mo na yun ehh gagi excited nga ako eh baka dun ko na makikilala ang magiging first boyfriend ko” sambit niya habang malawak ang ngiti nitong pinapakawalan.
“Hindi ako sasali jan ang weird” sagot ko bago ibinaling ang tingin sa harapan.Hinampas naman niya ako sa kanang braso na ikinainda ko..Grabe kasi siyang maka hampas nagpeace sign siya sa akin tapos inilapit ang muka niya.
“Lahat ng studyante dito sasali at ang makakasayaw mo lang ay isa sa mga lalaking nandito” itinuro ni Hannah ang ibang kalalakihan na patawa tawang nakikipagkwentuhan sa ibang babae.Napakunotnalang ang noo ko pero desisyon ko ang masusunod hindi talaga ako sasali sa mga kabaliwan nila.
Sayang,ang aga aga ko pa namang nagising dahil buong akala ko activity na sinusulat tapos yun lang pala..Tsk grabe naman parang gusto ko nalang maging hotdog tapos ilagay sa ref nakakaumay..Ilang minuto pa kaming naghintay...Tahimik lamang akong nakaupo habang si Hannah nakikipagkwentuhan na sa katabi niyang nasa kanan habang ako nasa kaliwa niya.Maingay dito sa classroom namin dahil sa samo't saring tawanan at kwentuhan.
“ANJAAAANNN NA YUNG ASAWA NI SATANAS” lahat ng nakatayo mabilis na umupo.
Lahay ng nakalipat ng upuan halos madapa nang bumabalik sa pwesto nila.Ang isang matabang babae naman kaagad na tumayo at binura ang sulat sa pisara..Isang masungit na tingin ang ibinungad ni Maam sa amin..Malakas niya pang pinalo ang desk ng mesa dahilan para mabingi kaming lahat ng nandito.Walang sino man ang nagtangkang magsalita dahil tumaob sila kay Maam Sungit.
Nagsimula ang klase ng walang sinong nagsasalita.Tanging tunog lamang ng electricfan na nasa taas ang maingay.Si Maam lang ang nagsasalita habang nagsusulat sa board na aming kinokopya.
“Taena sinong umutot” inis na pananalita ng lalaking nasa kaliwa namin.Nagtakip lahat ng mga ilong nadamay na rin ako dahil sa baho ng utot na yun amoy itlog pa yata..
Ang pamalo na hawak ni Maam sungit ay muli niyang inihampas sa ibabaw ng lamesa.Matalim niyang inilibot ang kaniyang mga mata na tila naaamoy rin ang mabahong nanggaling sa pwet ng kung sino mang studyante dito..“Sino ang umutot” tanong ni Maam sungit sa aming lahat pero walang studyante ang nagtangkang sumagot dahil na rin siguro sa takot.
“Hoyy kung sino man yung umutot umamin kana ang baho grabe” pag iinarte muli ng isang lalaki na todo kung magtakip ng ilong.
“Tumayo kayong lahat” madiing boses na utos ni Maam sa amin. Nagtinginan naman ang iba bago tumayo..“Ngayon sino ang umutot sa inyo?” tanong pa muli ni Maam habang umiikot sa mga kinaroroonan namin.
“Maam si Xia po yata”
Napatingin naman kaming lahat sa kinaroroonan ng nagsalita at itinuro ang isang babae na ngayon ay nakaupo at namimilipit sa sakit ng tiyan niya.Kumunot ang noo ko tumaas rin ang kilay ko ng malakas na pinalo ni Maam sungit ang babaeng nakaupo..Iniyukom ko ang kamao ko ng malakas na sumigaw ang kaklase namin dahil sa malakas na pagpalo ng teacher namin.Napalunok at natakot ang lahat dahil sa kanilang nakita.
“Maam hindi po yata karapat dapat na saktan ng isang guro ang studyante niya” lakas loob na sagot ko.Napatingin sa akin si Maam pati na rin ang ibang studyante.
Ngumiti si Maam Sungit at lumapit sa akin.Rinig ko ang malakas na paghikbi ng pinalo niya kaya ramdam ko din kung gaano yun kasakit.Totoo din ang sinabi ko wala sa batas na maaaring saktan ng isang guro ang studyante niya.
“Sino ka para sagutin at paki alamanan kung ano ang ginagawa ko ha? Gusto mo ba na gawin ko sayo ang ginawa ko sa kaniya” itinuro niya ang babaeng pinalo niya pero hindi ako umimik.
“Isang kang walang kwentang guro lang dito bagong salta na animoy demonyo na pero sana kinilala mo muna kung sino ang studyante dito na may mataas na posisyon bago mo gawin ang mga bagay na hindi mo dapat ginagalaw” napatingin kaming lahat dahil sa sinabi ni Bryan na ngayon ay nasa pintuan.
Malakas na nagpakawala ng tawa si Maam Sungit at hinarap si Bryan.Hindi ko magawang mapigilan ang nararamdaman kong inis sa guro na ito dahil sa sama ng ugali niya.Hindi siya maaaring maging guro kung ganito lamang siya kasama.
“Mga tanga kayo wala kayong karapatan para sagutin ako ha..Kayong lima at ikaw na babae ka inuutusan ko kayo na pumunta sa labas at magbilad ngayon na wag na wag kayong aalis dun hanggat wala akong utos maliwanag ba?" madiing utos niya sa amin.
Napasinghal naman si Bryan at may kung sinong tinawag sa kanan niya.Napangiti ang lahat ng dumating ang dalawang pulis na kasama ang principal.
“Pasensya na kayo pero may problema lang siya sa ulo kaya siya ganun pero titiyakin namin na maiikukulong siya dahil sa dami ng mga studyanteng nasaktan niya hindi lang dito kundi sa ibang skwelahan” sagot naman ng principal sa amin.Maluwag na napahinga ang lahat ng arestuhin na siya ng mga pulis.
Agad namang dinala ang babae sa clinic dahil sa mga pasa nito dahil na din sa malakas na palo na ginawa ni Maam Sungit sa kaniya.Maayos akong umupo ganun rin ang grupo ni Bryan...May pumalit na teacher sa kaniya mas maayos at mas disenteng guro.Naging maganda ang takbo ng pagtuturo niya kaya naman naliwagan ang lahat.
Pagkatapos ng klase sinamahan ako ni Hannah papunta sa locker para kunin ang dalawang note ko for second subject sa science.Pagbukas ko nito bumungad sa akin ang roses na naman at sulat pati na rin ang isang lunch box.
“Hoyy ano yan?” tanong sa akin ni Hannah ng makita ang hawak ko.Mabilis niyang inagaw ang roses mula sa kamay ko at natatawang tinitigan ito.“Huyy anna kanino galing toh ha ikaw ha” pang aasar niya sa akin pero hindi ako nagsalita dahil binasa ko ang nasa papel.
“????? ??? ???? ??? ?????? ?? ?????? ??? ??? ??? ???? ???? ? ???? ?? ?? ????”
Kumunot ang noo ko at dali daling ibinalik sa loob.Naglakad na kami ni Hannah papunta sa cafeteria dahil inaaya niya akong kumain.Tumayo ako sa upuan para sana pumunta sa loob para sundan si Hannah pero—
Napatigil ako sa paglalakad ng makita si Tristan na agad lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap..
“Anong ginagawa mo” bulong na tanong ko sa kaniya.Dumami ang bulungan ng mga studyante dahil sa ginawa niya pati ako hindi ko alam??
“Meron kang ano” putol na sambit nito dahilan para kumunot ang noo ko.
“Ano?” nanlalaking matang tanong ko.
Mas nagulat pa ako dahil sa sumunod na ginawa niya.Binuhat niya ako ng pang kasal.
“Hoyy ibaba mo nga ako” sambit ko pero hindi siya tumigil sa paglalakad.
Huminto lang siya ng nandito na kami sa banyo ng mga babae.Pero ano naman ginagawa namin dito.
“Pasok ka sa loob tapos tignan mo yung nasa pwetan mo” utos niya na dali dali ko namang ginawa pero sinarado ko ang pintuan.
Napatakip ako ng bibig ng nakita kong natagusan ako sa palda ng biglaang dalaw ko..Ampt bakit hindi ko naramdaman yun.
Napatingin pa ako sa nakasarang pintuan dahil hiyang hiya ako kay Tristan Kaya pala niya ako niyakap at itinabing itong itim na jacket niya dahil nakita niya...Ohh my G ka naman self.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at tanging ulo ko lang ang nakalabas.Lumapit naman si Tristan at tinignan ako.
“Meron kabang pang ano jan” tanong ko sa kaniya na ikinatawa naman niya.
“You mean napkin..Wala hindi naman ako babae para mag karoon nun” natatawang sagot nito.
Isinarado ko ulit ang pintuan at kagat labing pumikit...Tanga mo naman self..Oo nga naman lalaki siya..
“Hintayin mo nalang ako dito bibili lang ako sa labas just stay here” isang salita na narinig ko mula sa labas.
Iminulat ko ang aking mga mata at dali daling binuksan ang pinto para silipin siya.
Wtf..Makakaya niya kayang bumili ng Napkin..
Ohh my Ghost ka kasi self bakit dito kapa dinatnan..Nakakahiya tapos Isang member pa ng Campus Prince yung bibili waah.
Kagaya nga ng sabi niya hindi ako umalis dito sa banyo..Pero naiilang na ako dito kasi sobrang naiilang na ako.Madami ba siyang biniling napkin at hindi niya na mabuhat.
Binuksan ko ang pintuan para silipin si Tristan pero nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na siya.Iniabot niya sa akin ang dalawang napkin.Pero nakita ko sa muka niya ang pagkapawis.
Saan ba siya galing?!
“Im sorry natagalan lang medyo umiwas pa ako sa mga tambay sa labas b-baka kasi pagkamalan nila na ako gagamit niyan.” sagot niya.Ngumiti naman ako at agad na tinanggap ang binili niya.“Tapos ito palda kinuha ko sa locker ni Hannah hiramin mo muna kasi may tagos kana” ngiwing habol niya pa at inilahad ang palda.
Umay naman..Buti nalang hindi kasing sama ni Bryan tong kaibigan niya..