"Lyke!" Isang malakas na tili ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Yakap ko pa rin si Lyke at nang sumulyap ako sa bulto ng tao na nasa gilid namin ay nawala ang ngiti ko. It was Jaki, excitedly waiting kung kailan ko bibitawan si Lyke para siya naman ang makayakap dito. "Jaki!" sambit din ni Lyke sa pangalan nito ngunit wala akong balak na bitawan siya. "Kuya Renz, ako naman!" hirit pa ni Jaki. At dahil tinatapik na rin nang malakas ni Oliver ang balikat ko, finally ay pinakawalan ko na si Lyke. Pinanuod ko ang pagyayakapan ng magkaibigan. Hindi maipagkakaila na sabik na sabik din sila sa isa't isa. Napaiyak pa nga si Jaki at naluha si Lyke. Kahit papano ay nasiyahan ako dahil si Jaki ang isa sa mga tao rito sa university na may concern at pagmamahal sa kanya. "O paano? Maiw

