"Renz! Punta ka ba sa gym? Sabay na tayo!" Kaagad na umakbay sa akin si Julius nang maabutan niya ako. "Kailangan na ba ako roon? Hindi ba at ilang beses na akong pumunta pero hindi naman ako nakalalaro?" Inalis ko ang braso niya sa balikat ko. "Masyado mo naman kasing ginagalingan. Ayun, kami ngayon ang double time sa pagpraktis para raw maabutan namin ang galing mo sabi ni Coach." "Naaabutan n'yo naman ba?" Napakamot ng ulo si Julius. "Wala talagang papantay sa galing mo, Renz. Saludo ako sa'yo." "Whatever." "Lawrence." Napatigil ako sa paglalakad nang makilala ko ang taong pasalubong sa akin. Tila bumagal sa pagtibok ng puso ko. "Tito," pagbati ko sa kanya nang tumigil siya sa harapan ko. "Pwede ba tayong mag-usap?" seryoso nitong tanong na hudyat para kaagad na magpaal

