"Iniiwasan mo ba ako?" Sa ilang araw kong pag-aabang kay Oliver ay ngayon ko lang siya nakorner para kausapin nang sarilinan. Kung hindi ko pa siya pinasok dito sa opisina niya ngayon ay hindi ko pa siya makakaharap. Sa bahay kasi tuwing gabi ay sina Dad at Tita ang nakaabang sa kanya. Kapag inaabangan ko naman sa labas ng kuwarto niya ay sasabihan akong pagod daw siya at ayaw niyang makipag-usap. Papasok siya agad sa kuwarto niya at isasara ang pinto. Kahit katukin ko ay hindi ako nito pinagbubuksan. Sa umaga naman ay nauuna itong umalis. Madalas nga pagbaba ko ay nakaalis na ito. Kaya ito na lang ang naisip kong paraan - ang puntahan siya mismo sa opisina niya dito sa university. "What the hell are you talking about, Lawrence? Bakit naman kita iiwasan?" "Alam mo kung ano ang tin

