Naghintay ako sa pagdating ni Oliver noong gabing iyon. Ilang beses na akong nagpadala ng text at nagtatanong kung anong oras siya uuwi ngunit ang tanging sagot niya ay isang maikli at tipid na salita. Later. Kaya naman lalo akong nainip at nag-init ang ulo. Nanadya yata siya gayong alam niyang hinihintay ko siya dahil sabik na rin akong malaman ang reaksiyon ni Lyke sa painting na ipinadala ko. Kung hindi lang ako nakapagbitaw ng salita sa mga magulang niya na hindi ko ipapaalam sa kanya na alam ko na ang totoong kalagayan niya, baka ako na mismo ang nag-abot sa kanya ng painting at nagtanong kung babalik pa ba siya sa school. Bakit ba ako ganito ngayon kay Lyke? Dala lang ba ito ng pagkakonsensya? Guilt? Siguro nga. Ganon naman talaga kapag may kakilala kang malapit nang mawala, hin

