'Welcome to Tantoco Fam, Avery.'

2201 Words
"Wala ka bang pera? Malapit lang ang mga hotel dito." Wika ko sa babaeng ito. Tahimik siyang naglalakad sa tabi ko. Ilang minuto na rin ang nakalipas simula ng umalis kami sa presinto. Kanina ko pa rin siya tinatanong kung saan siya tutuloy. Hindi naman pwede sa bahay. I mean, babae sya e. Isa pa ay kung ano nanaman isipin nila mama. "Hindi ko pwedeng gamitin ang credit cards ko." Napalingon ako sa kanya. Hindi nga ako nagkamali. Mayaman nga ang isang ito. Pero paano naman siya napunta sa ganitong sitwasyon? Mukhang kagagaling nya pa sa isang party. "Bakit naman?" Tanong ko dito. Napatingin ako sa kanyang kamay. Kitang-kita ko ang pagkuyom niya sa kanyang kamao. "Hindi ko pwedeng gamitin iyon. Mate-trace ako ni Dad." Sagot niya. Saglit akong tumitig sa kanya at mabilis ding umiwas. Kung ano mang pinagdadaanan ng babaeng ito, malamang na mukhang seryoso iyon. Muling pumasok sa isipan ko ang sinabi niya kanina. Gusto niyang tulungan ko siyang pabagsakin ang kanyang ama. Hindi ko alam kung bakit ako ang naisip niyang hingan ng tulong. Wala akong idea kung anong nakita niya sakin. Pero kung sakali man, hayaan kong tulungan siya sa abot ng aking makakaya. Ang weird. Hindi ko naman siya kilala. I mean, hindi naman ako ganito. I usually don't care about anyone. Ngunit para bang may kakaiba sa babaeng ito. I know that she is not a normal girl. Baliw sya at may sayad. "Tsk." Wala na akong magagawa ngayon. I have no choice but to keep her. Hindi naman pwedeng hayaan ko nalang sya na matulog sa kalsada. Mamaya ay mapano pa sya. Konsensya ko nanaman. "Sa amin ka na muna tumuloy." Wika ko. Napatingin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa titig niya. "Anata no namae o oshiete? (What's your name?)" Eto nanaman siya. "Isa pa nga pala. Tigil-tigilan mo nga ang pagjajapan mo. Nasa Pilipinas ka. Ang creepy!" Hindi ko tuloy maiwasang mapasabunot sa bangs ko. Mukhang may kinaiinisan na ako sa babaeng ito. May advantage na siya para laitin ako. Amp*ta talaga! "My name is Avery." Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Napahinto rin siya at tumingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit natutulala ako sa ngiti niya. Wala namang dahilan para ngumiti siya sa akin ngayon. "E-Ellis. Pangalan ko ay Ellis." Tang*na! Bakit ba nauutal ako dito? Nababaliw narin ata ako. Ganito siguro ang nangyayare kapag matagal kang suma-sama isang baliw. "Okay. Thank you very much, Ellis." Muli nanaman siyang ngumiti sa akin. Muli nanaman din akong napatulala sa kanya. May kakaiba talaga sa babaeng ito. Kung ano man iyon, hindi ko alam. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko. Tang*na! Ano ba to? Parang tanga naman. "HOY KUYA!" Nagulat ako ng may sumigaw sa likuran naming dalawa ni Avery. Paglingon ko ay bumungad sa amin si Che-che. May dala-dala siyang plastik na naglalaman ng mga colored paper. Teka! Maghahating gabi na ah. Saan nanaman galing ang gagang to? "Hoy Che-Che! Saan ka galing? Tang*nang to. Gabi na oh!" "Wow! Coming from you? Ikaw nga e. Gabing-gabi na may kasama ka pang chicks." Agad na naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Napasulyap naman ako kay Avery na ngayon ay tahimik na nanonood sa alitan namin ni Che-che. Siraulo talaga tong gagang to! "Hindi ko yan chicks. Baliw!" Hindi na sumagot sa akin si Che-che. Sa halip ay tinaasan nya lang ako ng kilay. Sabay-sabay na kaming tatlo naglakad pauwi sa bahay. Nasa likuran namin ni Avery si Che-che. Paniguradong kung anu-ano nanaman ang tumatakbo sa kokote ng babaeng ito. Palagi nalang lumilipad ang isipan nito pagdating sa mga ganitong bagay. Minsan ay saglit na sinusulyapan ko si Avery sa tabi ko. Wala naman siyang kakaibang reaksyon sa kanyang mukha. Ano kaya nasa isipan nito? Wala naman siguro siyang idea sa mga ganong salitaan diba? I mean, siguro naman hindi niya bibigyan ng malisya yung sinabi ni Che-che. Hays! "Nandito na kami." Bulalas ni Che-che ng makauwi kami sa bahay. 11 pm na ngunit maraming tao parin sa labas. Hindi naman namamatay ang buhay sa Maynila tuwing gabi. Sa katunayan, sa gabi pa nagsisimula ang buhay sa Maynila. Mula sa labas ay rinig na rinig ang tunog sa TV namin. Kasalukuyang pinapalabas duon ang mga teleserye na hindi naman masyadong maganda. Sila Mama lang ang nanonood ng mga ganon. Pagpasok namin ay bumungad sa amin si Papa na natutulog na ngayon sa sofa. Si Mama naman ay naghuhugas ng pinagkainan. Dalawa lang kaming magkapatid ni Che-che. Nasa Senior High na sya ngayon. Samantalang ako ay nasa College na. Syempre hindi ko naman masyadong siniseryoso iyon. "Mama, may bisita tayo." Bulalas muli ni Che-che. Nasa likuran ko ngayon si Avery. Ramdam na ramdam ko ang ilang niya ngayon. Siguro ay hindi siya sanay sa ganito. Kung sabagay, anak-mayaman nga pala siya. "Sino?" Mula sa kusina ay rinig ko na si Mama. Mukhang katatapos nya lang maghugas ng pinggan. Paglabas niya duon ay bumungad ito sa amin na suot-suot ang kanyang paboritong duster. "Oh! Nandyan kana pala Keith. Kumain kana?" Naningkit ang mata ko ng marinig ang pangalang binanggit niya. Sa lahat ng ayoko ay yung binabanggit ang first name ko. Sino ba namang lalaki ang matutuwa kung pangbabae ang pangalan mo? Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isipan ng mga matatandang to at iyon ang ibinigay na pangalan. Ano nalang kaya ang iniisip ni Avery? "Tsk." "Teka, may bisita tayo? Sino?" Medyo lumapit sa amin ni Mama. Duon niya nakita si Avery. Nagulat siya dahil may babae akong kasama. Kitang-kita ko iyon sa tingin niya sa akin. "Kon'nichiwa. (Hello.)" Hay nako! Eto nanaman siya sa mga lenggwahe niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin kay Mama at Che-che na ngayon ay gulat na gulat dahil sa sinabi niya. Malamang na iniisip nito na nagsasalita siya ng wikang demonyo. "Hala! Japanese?" Napatingin ako sa sigaw ni Che-che. Teka, alam nya ang wikang iyon? Tang*na! Ano bang meron sa mga babaeng ito. Hindi na ako natutuwa. Seryoso na akong napaliligiran ako ng mga wirdong babae. "Bat may babae kang dala?" "Saan mo nakuha iyan kuya?" Natigilan ako sa sabay na pagtatanong nila. Hindi ko alam kung sino uunahin kong sagutin sa kanila. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagsagot. Mukhang hindi rin kaya ni Avery dahil nahihiya siya. "Mahabang kwento." Iyon na lamang ang naisagot ko sa kanila. Nanahimik naman sila at hindi na nagsalita. Sa halip, lumapit sila kay Avery at saka tiningnan ito. Mapahiwalay ako sa kanya upang bigyan ng space sina Mama at Che-che. Hindi ko maiwasang matawa dahil medyo namumula na ang mukha ni Avery. "Ano... eto..." Nanatili paring nakatingin sa kanya sina Mama. Huminga ako ng malalim at saka sila nilapitan. Nakakahiya naman kay Avery. Mukha silang mga tanga na akala mo ngayon lang nakakita ng ganyan kagandang tao. Kung sabagay, maganda naman kase talaga siya. Sinong hindi mapapatitig sa kanya--- WTF! Ano ba tong sinasabi ko? Tang*na! Napailing-iling ako na parang tanga dahil sa iniisip ko. Hindi ito maaari. Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko. Ito ang napapala kapag matagal kang sumama sa isang baliw. Nahahawa ka. "Anong pangalan mo ate? Mukha kang Korean." Rinig kong sabi ni Che-che. Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Ano nanaman kaya yung Korean? "Avery." Maikling sagot ni Avery. Natahimik sina Mama at tila nag-aabang sa susunod na sasabihin nito. Napansin naman ni Avery iyon dahil napatingin siya sa akin. Natigilan din ako sa tingin niya. Hindi ko maiwasang mapatulala. "Avery?" Tanong ni Che-che. "Avery Lewis." "Saan ka naman nakatira? May lahi kaba ate? May boyfriend kana? Bakit magkasama kayo ni Kuya? Paano kayo nagkakilala? Tell us about yourself." Tang*nang Che-che to. Ano to interview? Napaghahalataang taga-bundok. "Hoy Che-che! Matulog kana. May pasok ka bukas remember?" Wika ko saka siya hinatak papalayo kay Avery. Napanguso lang siya at saka sinamaan ako ng tingin. Siraulo talaga. "Pasensya kana hija. Kumain kana ba?" Tanong ni Mama. Lumapit na ako at saka sumabat sa kanila. "Hindi pa po mama." Sambit ko. Napatingin sa akin si mama at napatitig. Napakunot ang noo ko dahil sa titig na iyon ni Mama. Ano naman kaya ang problema--- "Araaaaay!" Agad akong umatras dahil sa ginawang pangungurot ni Mama. Tang*na ang sakit. "Bakit ngayon ka lang ha? Ang aga-aga mo umalis kaninang umaga tapos ganitong hatinggabi kana uuwi. Parang wala kang nanay ah." Ang sakit amp*ta! Sinasabi ko na nga ba e. Akala ko makakalimutan na niya iyon. Tang*na! Napatingin ako kay mama na ngayon ay umuusok na ang tenga. Namumuti na rin ang mata na akala mo ay galing sa isang angkan na nakakakita ng lahat ng bagay. Agad gumapang ang takot sa buong katawan ko. Sa lahat ng kinatatakutan ko, si mama talaga ang kakaiba. Hindi tuloy ako makatingin kay Avery. Ano kaya iniisip ng babaeng iyon? Tsk! Nakakahiya! "May sasabihin ka ba?" Malamig na pagkakasabi ni Mama. Mas lalo akong natakot sa kanya. Kaya naman agad akong lumuhod at yumuko. "Sorry na Mama. Hindi na mauulit." Sambit ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng halos iiyak na. Nakakatakot talaga ang mga nanay. Agad kaming natigilan ng makarinig kami ng bungisngis. Sabay kaming napatingin ni Mama kay Avery na ngayon ay nakatakip ang bibig. Huh? Bakit siya tumatawa? May sayad na talaga ang babaeng ito. Konti nalang kakaladkarin ko na ito papunta sa mental hospital. Wala namang nakakatawa e. "Pasensya na po. Hindi ko lang mapigilang matawa." Halata nga e. Konti nalang hahalakhak kana sa kinatatayuan mo. Bwisit na babae ito. Ano bang nakakatawa? Baliw! "Anong nakakatawa?" Diretsahan kong tanong sa kanya. Natigilan siya sa pagtawa at saka napatingin sa akin. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang sya pa ang galit. Dapat nga ako ang magalit--- "Huwag mo nga syang awayin." Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pagkakabatok ni Mama. Agad akong napatingin sa kanya. Nakita ko nanaman ang mala-Hinatang itsura nito. "Tsk." Umiwas na rin ako ng tingin. Pagkatapos ay tumayo na ako at nag-inat. Nakakaramdam na rin kase ako ng antok. Isa pa ay hindi pa ako kumakain. Agad na kaming isinama ni Mama sa kusina. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay namin. Sakto lang para sa aming apat. May second floor din kami. Nanduon ang mga kwarto namin. Hindi naman masyadong bongga ang bahay na ito. Gaya nga ng sabi ko, sakto lang sa aming apat. Pagkatapos kumain ay saka ako umakyat sa taas. Hindi na rin ako nagsalita pa. Mukhang payag na rin naman si Mama na dito na tumuloy muna pangsamantala si Avery. Habang kumakain kami kanina ay panay ang daldal niya dito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko pagkasarado ko ng pinto ng kwarto ko. Sobrang daming nangyare sa akin ngayong araw. Hindi talaga ako makapaniwala na makaka-encounter ako ng ganon. Hindi pa gaanong malinaw sa akin kung anong dahilan at hinahabol si Avery ng mga taong iyon. Ngunit kung sakali man, tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya. *** KINABUKASAN... Hihikab-hikab pa ako habang pababa sa hagdan. Naririnig ko na si Papa. Bakit ba ang ingay niya ngayon? Siguro may nangyare nanaman sa kanya at nagdadaldal nanaman siya. Lagi naman siyang ganun e. Pero kadalasan ng kwento niya ay tungkol sa anak nyang manok. "Taga saan ka naman sa Japan?" Rinig kong wika ni Papa. Medyo nakapikit pa ako hanggang sa makarating ako sa kusina. "Tokyo." Sagot ng isang pamilyar na boses. May bisita? "Talaga? Salita ka nga ng Japanese ate." Sino naman yung ateng tinatawag ni Che-che. Teka, si Avery nga pala! "WAAAAA!" Hindi ko napagilang mapasigaw ng makita ko si Avery. Nawala sa isip ko na kasama ko nga pala siya. Hindi ko na rin maalala kung saan siya natulog. Saan nga ba? "Ang aga-aga napakaingay ng bunganga nito." Agad kong itinikom ang bibig ko. Umupo narin ako sa bakanteng upuan para makapag-agahan na. Habang kumakain ay tahimik lang akong nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. Napag-alaman ko na kanina pa pala nagkukwento si Avery about sa kanya. Sayang hindi ko narinig. Pero, ano naman kaya ang kinukwento nya about sa kanya? "Edi anong ginagawa mo dito sa Pilipinas?" Tanong ni Che-che. Hindi agad nakasagot si Avery kaya lahat kami ay nakatingin lang sa kanya. Nag-aantay ng sagot. "Ahhh, namamasyal." Naningkit ang mata ko sa sagot niya. Halata namang hindi totoo. Kung sabagay, alam ko naman na talaga ang dahilan. Pero mukhang hindi kase totoo. Ekis yung palusot. "Ganon?" See? Halata naman kaseng hindi totoo. "Hindi na rin po ako magtatagal. Kailangan ko na pong umalis." Muli akong napatingin sa kanya. Nakatingin na siya sa akin ngayon at tila may ibig sabihin ang mga iyon. Ano kaya ang sinasabi nya? At saka, ang cute nya sa onesie bunny pajamas na suot nya. "Ganon ba? Sayang naman. Pero pwede ka paring bumalik dito ah. Bukas ang pinto namin." Sambit ni Mama. Nginitian nya lang ang mga ito at saka ipinagpatuloy ang kinakain. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Kahit nakangiti siya, para bang ang lungkot parin ng mga mata niya. Hindi ko pa nga pala alam ang kwento niya. Bukod sa Avery, sino ba talaga sya? *** Ps. Dito na nga ba magsisimula ang mala-action adventure nilang dalawa? Read more!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD