'The Underground'

2175 Words
"Hoy babae, tinatanong kita." Kanina pa ako paulit-ulit sa babaeng ito. Kanina pa rin ako nagsasalita dito ngunit hindi manlang siya sumasagot. Anong klaseng tao 'yan! "Hoy!" Muli kong tawag sa kanya. Kasalukuyan kaming naglalakad sa street namin papunta sa kanto. Wala akong idea kung saan niya ako dadalhin. Nagpaalam lang sya kina Mama na isasama n'ya daw ako. Ang mga uto-uto ko namang pamilya ay pumayag. Paano pala kung k********g ito? Saan sila hahanap ng milyon? Hindi na ako nagsalita. Naningkit nalang ang mata ko dahil sa attitude ng babaeng ito. Napakasungit. Walang pinagka-iba kay Alianna, yung ex kong Chinese. Ganito rin siya minsan kapag tinatamaan ng pagkapraning. Akala ko ga-graduate na ako sa pagiging taga-suyo, hindi pa pala. Teka, bakit ko naman susuyuin 'to? Hindi ko naman 'to girlfriend! "Uuwi na ako. Bahala ka dyan." Ayaw mong sumagot, ah! Pwes, bahala ka. Hindi na kita tutulungan. Nagbago na ang isip ko. Napakasungit mo talaga Avery--- "Sorry." Napahinto ako sa paglalakad. Anong sabi nya? Tama ba ang pagkakarinig ko? Nagsorry s'ya? Bakit? Buang! "Para saan?" Tanong ko sa kanya. Hindi nanaman siya sumagot. Buang talaga ang babaeng ito. Bigla-bigla nalang magsosory ng walang dahilan. Baliw talaga! "Saan ba kase tayo pupunta?" Muli kong tanong sa kanya. Sa wakas ay huminto na rin siya sa paglalakad at humarap sa akin. Natigilan ako ng makita ang kakaiba niyang aura. Hindi ko na rin makita ang baliw na babae sa kanya. Anong nangyayare? "Pababagsakin ang aking ama, hindi ba?" Sa hindi malamang dahilan ay napa-atras ako sa kinatatayuan ko. Bakit parang nakakatakot siya ngayon? WTF!? Hindi na ako nagsalita pa. Umatras na rin ang aking dila dahil sa takot. Hindi ko pa naman lubusang kilala si Avery. Hindi ko rin alam kung anong klaseng babae s'ya. Wala akong idea kung bakit niya pababagsakin ang kanyang ama pero heto ako ngayon at sumama sa kanya for no reason at pumayag na tutulungan siya. Nababaliw na nga ako. *** "EH?" Oi oi oi! Paano ako napunta rito? Parang kanina lang ay nag-iisip ako tungkol kay Avery, ngayon ay nandito na ako sa kakaibang lugar na ito. Tang*na! Hindi ko napansin ang mga nangyare. Parang kumurap lang ako. Agad hinanap ng mata ko si Avery. Sobrang dami ng tao ngayon at hindi ko rin maipaliwanag kung anong klaseng lugar ito. Hindi ito basta-basta simpleng lugar lang, para bang may kakaiba dito. "Sino ba ang hinahanap mo? Maupo ka nga." Agad akong napalingon sa kanan ko at bumungad sa akin si Avery. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya habang nakatingin sa kanya. Kakaiba ang itsura niya ngayon. Nakasuot siya ng kakaibang damit. Walang ibang kulay ito kung hindi itim. "Nani? (What?)" "Huh?" Nakita ko ang pagka-irita sa mukha niya. Nanatili parin akong nakatingin sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na ang magandang babaeng iyon ay ganito ang itsura. Para siyang kakaibang tao. Nakakatakot! "Never mind." Wika niya at saka inalis ang tingin sa akin. Hindi talaga ako makapaniwala. Paano ba ako napunta dito? Sa pagkaka-alala ko ay naglalakad kaming dalawa palabas ng street tapos nag-usap kami konti tapos tumawag s'ya ng taxi. Ako pinagbayad niya duon tapos bumaba kami sa isang kakaibang gusali. Sa pagkaka-alam ko, ang gusali na iyon ay pinakasikat sa buong bansa. Tapos, pumasok kami duon tapos... "SIGE! PATUMBAHIN MO NA IYAN." "NAPAKAGALING TALAGA NG ALAGA KO!" Natigilan ako sa pag-iisip at napatingin sa harapan namin. Para kaming nasa loob ng isang boxing stadium. Pahagdan-hagdan ang upuan dito. Nasa pinakataas kami kung saan walang gaanong naka-upo. Karamihan kase ay nasa baba. Mukhang may nangyayareng boxing match dito ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba. Para bang may hindi tama dito sa lugar na ito. Hindi rin mga normal sa paningin ko ang mga men-in-black na iyon na nakatayo sa mga entrance at exits. Ganoon na rin ang tila mga nag-iikot dito at may kinakausap sa kanilang mga Bluetooth earpiece. Kanina pa kase nila iyon hinahawakan at nagsasalita. Anong meron? "Ang mga nakikita mo rito ay mga illegal na gawain." Mabilis akong napalingon kay Avery. Illegal? Anong ibig n'yang sabihin? Teka, ibig sabihin illegal din ang nagaganap na boxing match na ito? "Huh?" "Ang mga taong iyan sa baba ay mga kilalang businessman at ilang mga kilalang personalidad. Gayon din ang ilang mga politiko. Nakikita mo ba ang lalaking iyon na naka-upo sa kabilang parte ng arena? Iyon si Senator Suliman." Agad akong napalingon sa lalaking itinuturo niya. Tama nga siya. Pamilyar sa akin ang lalaking iyon dahil madalas kong napapanood iyon sa mga balita. Sa pagkaka-alam ko ay kilalang corrupt ang taong iyan. Anong ginagawa no'n dito? Maya-maya ay nakita kong may lalaking lumapit dito. Nakasuot ito ng itim na tuxedo. May ibinulong ito saglit sa Senator. Agad na nagbago ang reaksyon ng Senator at mabilis na tumayo. Naramdaman ko ring tumayo si Avery sa tabi ko kaya naman napatingin ako sa kanya. "Let's go." Wait, what? Saan naman kami pupunta?  Sinundan ko ng tingin si Avery. Nakatingin siya sa Senator. Teka, susundan ba namin ang taong iyon? Seryoso ba? "Ano pang hinihintay mo d'yan? Īkagen'ni shite. Hayaku shite kudasai. (Come on. Make it faster.)" Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nagsasalita nanaman siya ng japan-japan. Siguro minura nya ako o nilait. Kapag talaga ako natuto nyan, tamo. Mabilis na akong sumunod sa kanya. Isa pa ay ayokong makipagtalo sa kanya ngayon. Masyado pa akong naguguluhan sa nangyayare din sa mga nalalaman ko. Hindi na mahalaga sa akin kung paano ako napunta dito, ang importante ay makalabas kami. Tahimik akong nakasunod kay Avery samantalang siya ay tahimik ding nakatingin sa Senator. Siguradong ito nga ang sinusundan niya. Pero bakit naman? Hindi kaya eto ang tatay n'ya? Possible! Huwag mong sabihing ito ang pababagsakin namin. Wala kaming laban sa kanya. Tsk! Nasisiraan na nga talaga ng bait ang babaeng ito. Bakit ba kase ako sumama? Abot pala ng makakaya, ah! "Hoy, umuwi na tayo." Wika ko sa kanya saka siya hinawakan sa braso. Napaharap siya sa akin. Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya dahil sa ginawa ko. Hindi naman ako nagpatinag. Wala kaming laban sa tatay niyang iyon. Hindi hamak na mas malakas at mas makapangyarihan iyon sa amin. Wala pa kami sa kalingkingan ng taong iyon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote nito pero tama na, baka mapahamak pa siya sa gagawin niya. "Bitawan mo ako, Ellis." Malamig niyang wika. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mata. "Tumigil ka na. Hindi ko alam kung anong problema mo ngunit hindi natin kaya ang ama mo. Hindi mo ba nakikita? Kilalang tao iyon. Mukhang kahit anak ka niya ay hindi ka niya sasantuhin." Sambit ko. Napataas ang isa niyang kilay. Pagkatapos ay saka niya ako tinitigan. Medyo nailang naman ako kase nakakatakot ang titig niya. Tang*na! Bakit ba ganito s'ya? "Alam ko." Sagot niya sa akin. Seryoso? 'Yan lang ang masasabi niya? Alam naman pala niya, e. Bakit ba pinipilit n'ya pa? Napakasiraulo ko talaga! Bakit ba pumasok sa kokote ko ang tulungan siya. "Yun naman pala e---" "Ngunit hindi mo ako naiintindihan. Kapag hindi ko ito ginawa, baka mahuli ang lahat." Para bang muling umurong ang dila ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin iyon. Mahuli ang lahat? Bakit? Anong ibig niyang sabihin? Nakakainis! Gusto niyang tulungan ko siya ngunit ayaw niyang sabihin sa akin ang lahat. Para akong tanga na nangangapa sa buhay niya. Tapos ngayon sasabihan niya ako ng mga ganitong salita? Mas lalo akong naku-curious. "Then tell me," Mahina kong sabi. Nananatili paring hawak ko ang kanyang braso. Hindi naman siya nakasagot sa sinabi ko. Sa tingin ko ay masyado itong sensitibong paksa para i-share sa akin ngunit kung talagang gusto niyang tulungan ko s'ya, dapat lang na malaman ko iyon. "It's a long story---" "Then make it short," Singit ko sa kanya. Natigilan siya at muling tumingin sa aking mata. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko na muling magawang magsalita. Napatitig nalang din ako sa kanya sa hindi malamang dahilan. "Is there a problem, Sir?" Naputol ang pagtitinginan namin ni Avery ng makarinig kami ng boses mula sa aking likuran. Sabay kaming lumingon ni Avery. Bumungad sa amin ang isa sa mga palakad-lakad na men-in-black. Sh*t! "Do you need anything?" Wika muli nito. Mabilis akong lumingon kay Avery na ngayon ay mukhang may hinahanap. Sino naman kaya hinahanap nito ngayon? May malaking problema sa harap natin, oy! "Tawagoto! Watashi wa kare o ushinatta. (s**t! I lost him.)" Medyo pagalit na sabi ni Avery. Agad akong kinabahan. Unti-unti akong lumingon sa men-in-black na nandito at maski siya ay nagtataka rin. Sino ba naman kaseng hindi matatakot kung bigla-bigla namang magsasalita ng pang-demonyo yung kasama mo. "Oi! Ano bang sinasabi mo?" Pabulong kong wika sa kanya. Humarap siya sa akin saka ako sinamaan ng tingn. Siraulo! S'ya pa ang galit? Ang iniisip ko lang ay baka mamaya ano isipin ng men-in-black na ito. Teka, paano pala pag nakaka-intindi rin siya ng salita ng baliw na ito. Jusmiyo! Ano bang sinasabi mo kase, Avery? "Dare o mi teru nda, misu? (Who are you looking at, Miss?)" Natigilan ako at para bang nakaramdam ako ng biglaang pagkaguho ng mundo ko. Ito na ba ang katapusan namin? Hindi na ata kami makakalabas ng buhay dito. Dahan-dahan akong lumingon kay Avery. Hindi ko pa tinatanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa isipan ng babaeng ito. Ang sarap niyang batukan, sa totoo lang. "Pasensya na po," Wika ko saka yumuko sa men-in-black na iyon. Hawak-hawak ko parin ang kanyang braso. "Sore wa anata no shigotode wa arimasen. (It's none of your business.)" Eto nanaman s'ya sa pagja-japan niya. Ano nanaman bang sinabi niya? Nakakainis talaga! Ang laki ng advantage niya sa akin, seryoso. Napatingin ako sa men-in-black na iyon pagkatapos sabihin ni Avery ang mga katagang iyon. Nakita kong nagbago ang reaksyon sa mukha nito. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Avery. Tang*na! Ano ba kaseng sinabi nanaman ng babaeng ito? "Sōdesu ka. (I see.)" Sagot ng men-in-black. Napatingin ako kay Avery. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil mukhang may hindi magandang mangyayare. Nakita kong sinamaan n'ya lang ng tingin ang men-in-black na iyon. "Siraulo kaba?" Bulalas ko sa kanya. "Yes... I guess there are intruders here... okay." Napalingon ako sa men-in-black na iyon. Ito na nga bang sinasabi ko. Pahamak talaga ang bibig ng babaeng ito. "Takbo!" Bago pa ako magsalita ay naramdaman ko nalang ang sarili ko na hinahatak na ni Avery. Tumatakbo na kami ngayon. Naramdaman ko namang sumunod sa amin ang men-in-black na iyon at tila nagtatawag pa ng kasama. Tang*na talaga! Ngayon ay naka-agaw na kami ng atensyon ng ibang mga tao dito. May ilan ng napatingin sa amin dahil sa hiyawan ng mga nababangga ni Avery. Dumarami na rin ang mga men-in-black na sumusunod sa amin. Patay na talaga kami nito. Kung ano man ang sinabi ng babaeng ito na hindi nagustuhan ng men-in-black na iyon ay mukhang hindi maganda. Babanatan ko talaga ang babaeng ito, e. "Sh*t!" Narinig kong bulalas niya. May ilan ng men-in-black ang nakaharang sa mismong daraanan namin. Mukhang mako-corner na kami nito. Nako po, mama! Papa! "Dito tayo," Wika ni Avery. Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Inilibot ko ang aking paningin. Halos karamihan ng men-in-black ay napunta na sa amin ang atensyon. Isang lagusan ang nakita kong walang gaanong nagbabantay. Ito ay yung pinasukan ni Senator Suliman kanina. Mabilis kong hinatak si Avery. Ang problema ay nasa kailang arena pa ito. Kaya naman no choice ako kung hindi gawin ang naiisip ko. Ano pa ba? Edi dumaan sa loob ng ring. "What the hell?!" "Akyat!" Utos ko sa kanya. Mukhang wala na rin siyang nagawa kaya naman sumunod na siya sa sinabi ko. Umakyat siya sa loob ng ring kung saan may dalawang nagsusuntukan duon. Nang makita nila si Avery ay natigilan sila. "What is happening?" Wika ng isa. Mukhang amerikano pa ang isang ito. Sumunod ako kay Avery. Walang kaproble-problema ang pagdaan niya duon. Ang nagkaproblema, ako. Tang*na! Nakipag-patintero pa ako sa dalawang nagsusuntukan na ito, e. Pare-pareho kaming hindi alam ang gagawin kung pipigilan ba nila ako o padaraanin. Mukhang mga nataranta na rin. "Pasensya na po talaga," Wika ko. Pagkababa ko sa kabilang ring ay saka kami tumakbo papasok sa lagusang dinaanan ni Senator Suliman. Wala akong idea duon ngunit ito lang talaga ang daan na walang nagbabantay. Patuloy parin kaming tumakbo. Para kaming nasa loob ng isang tunnel. Ano bang lugar ito? Jusko! Hindi ko alam na nag-eexist pala ang mga ganito. Grabe! Pagdating namin sa dulo ay nakakita kami ng pintuan. Binuksan ito ni Avery habang ako ay halos maiihi na dahil sa pangangatog na nararamdaman. Oo, magnanakaw ako ngunit hindi ko pa naranasan habulin ng mga ganoong uri ng kalalakihan. Akala ko wala ng mas nakakatakot pa sa mga pulis. *** Ps. Mukhang nahaharap na agad sa kakaibang adventure ang ating mga bida. Ano kaya mangyayare? Read more!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD